"Napakaliit naman ng inyong tahanan," ani Catalina nang papasukin kami ni Lola Juana sa bahay nila. Nililibot niya ang tingin niya sa kabuuan ng bahay.
"Dahil hindi nila kailangan ng malaki, Catalina," sabi ko kaya agad siyang napangiti at tumingin sa ‘kin. Natawa na lang sina Lola Juana at Manang Hiyas.
"Maghahanda lamang ako ng meryenda," paalam ni Manang Hiyas bago siya umalis.
"Hindi rin po ako magtatagal," sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan.
"Hayaan mo na si Doktor Fuentes. Malaki na iyon. Marahil ay namamasyal lamang," nakangiting sabi ni Lola Juana na nakaupo sa tapat namin at katabi ko si Catalina sa bandang kaliwa. Huwag niya lang talagang babanggain na naman ang braso ko kasi sasakalin ko na siya.
"Hinahanap mo si Doktor Fuentes?" tanong ni Catalina kaya napalingon ako sa kanya.
"Nakita mo?" I asked.
Umiling siya. "Mabuti pa'y samahan na lamang kita lalo pa't hindi ka rin naman pamilyar sa bayang ito."
"Ang
"Hindi naman sila malapit sa isa't-isa," tugon ni Agustino."Oo nga. Saan mo ba hinanap si Miranda?" I asked."Nagtungo ako sa tahanan ni Manang Hiyas sapagkat madalas niyang dalawin doon ang dati niyang tagapagsilbi ngunit wala siya roon.""Doon din kami galing," I said."Alam niyo ba kung saan ang kanilang paboritong puntahan?" tanong ni Catalina."Pinuntahan ko na kung saan nagpupunta minsan si Lino pero wala siya roon. Ikaw, Agustino? Saan ba maaaring nagpunta si Miranda?""Sa sakahan nina Manong Pedro," sagot niya kaya napagpasyahan naming magpunta roon. Medyo malayo nga lang ang lalakarin namin. "Hindi dapat siya nag-iisa sapagkat hindi pa nahahanap ang gumahasa kay Binibining Liwanag," wika ni Agustino habang naglalakad kami.Oo nga pala, inis na rapist kasi 'yun. Mamatay na sana siya."Mabuti pa'y mauna ka na, Agustino. Ihahatid ko muna si Catalina sa kanila. Magkita tayo roon," paalam ko at pumayag naman siya kaya muli
Magtatakipsilim na nang umalis sina Miranda at Agustino at hanggang dinner namin, napag-uusapan namin si Liwanag."Ang usap-usapan sa talipapa'y hindi naman talaga kilala rito si Binibining Liwanag. Nabantog lamang siya dahil sa mga naglibot na Guardia Civil," ani Maria."Nang dumalo kami ni Berto sa kaarawan ni Catalina, hindi naman napag-uusapan doon si Liwanag. Mukhang nakalimutan na nila. Maski ang isang Prayleng nakakakilala kay Liwanag, parang nakalimut na rin," sabi ko. Ayoko nang maungkat ang kasong 'to. Gusto kong hayaan nila akong mag-isang lutasin 'to. Ayoko munang ipaalam sa kanila ang kasinungalingan ko. One problem at a time."May nakakakilala kay Liwanag sa inyong pinuntahan?" gulat na tanong ni Lino at tumango kami ni Berto."Isang Prayleng mas maliit ng kaunti kay Padre Roque ngunit mukhang mas mabait siya kumpara sa nabanggit kong Prayle," natatawang sabi ni Berto. "Nais ko lamang sana itanong, Mon. Saan ka ba nanggaling kahapon at bigla
Sinakbit ko ang dalawang braso ko sa leeg ni Lino at naupo ng tuwid dahilan para dumikit ang katawan ko sa katawan niya. Nakaramdam ako ng kuryente. Gosh, I miss electricity! Saglit siyang tumigil at napalunok kaya napangisi ako at kinagat ang labi niya."Liwan," sambit niya habang kagat ko ang ibabang labi niya kaya bahagya akong natawa bago ito binitawan."Hindi ka nagpapaalam sa mga gusto mong gawin sa ‘kin, e," tawa ko kaya bahagya rin siyang natawa.Napasulyap siya sa lips ko kaya napakagat-labi ako para tuksuhin siya. Nakita ko kung paanong nagtaas-baba ang Adam's apple niya kaya napangisi ako dahilan para ibalik niya sa mga mata ko ang tingin niya. Wala na iyong mga ngiti sa mga labi niya. Mukhang kinakabahan siya. Unti-unti ring nawawala ang sa ‘kin habang nakatitig ako sa mga mata niya. Natatakot ako."Mapapahamak ka lamang kung patuloy kang lalapit sa apoy, Lino.""Ngunit habang nakikilala ko ang Liwanag, lalo akong nahuhulog,
Muli, napabalikwas ako sa kinahihigaan ko habang humahangos. Pinagpapawisan din ako ng malamig. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi pa ako kumakalma ay nakaramdam na naman ako ng takot nang maramdaman kong hawak ako ni Lino sa magkabilang braso para pakalmahin ako. Nag-aalala siya pero kinakabahan ako sa mga hawak niya. Agad akong umiwas ng tingin."B-bitawan mo ako," nanghihinang sabi ko na ginawa niya naman. Niyakap ko ang sarili ko at pasimple kong hinimas ang brasong hinawakan ni Lino para matanggal ko iyong pakiramdam ng pagkakahawak niya sa ‘kin. Hindi ako mapalagay."Liwan," sambit ni Lino at inaabutan ako ng isang baso ng tubig. Nanginginig ang mga kamay ko kaya hindi ko iyon kayang hawakan. Ni makalapit sa kanya ay kinakabahan ako kaya lalo siyang nag-aalala.Umusog ako palayo sa kanya sabay yakap sa mga tuhod ko. "L-lumabas ka na, L-Lino," nanginginig na sambit ko at hinahabol ko pa rin ang paghinga ko."May... may problema ba, Liwanag?
Tumalikod na kami sa batis at paglingon ko sa may kalsada, may nakita akong isang liwanag sa likod ng mga puno na agad ding nawala at nakarinig ako ng yabag ng kabayo na papalayo. Kumunot ang noo ko at hinila si Josefa palapit sa ‘kin na kinagulat niya."Parang may tao," mahinang sabi ko. Kinuha ko ang gaserang hawak ni Josefa at ako na ang naunang maglakad hila ang kabayo. Siguro kung si Liwan, hindi kayang lumaban ng suntukan, iba ako, kasi kaya ko. Ngunit may parte sa ‘kin na gusto ko na lang tumakbo palayo. Natatakot ako na baka maulit na naman."Mon, anong meron?" kinakabahang tanong ni Josefa na mahigpit na rin ang hawak sa damit ko. "Tila may tao kanina.""Huwag kang matakot. Magugulo ang isipan mo," tugon ko sa kanya habang naglalakad palapit sa kalsada.Hindi ko na makita ang liwanag at wala na rin akong naririnig na yabag ng kabayo. Iyong takbo niya ay papunta sa direksyon ng bahay na tinutuluyan namin."May kasama ka ba nang
Tinulungan niya akong makatayo at kahit natatakot at kinakabahan ako, agad ko siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap. Alam kong nagulat siya pero sinuklian niya nang mas mahigpit na yakap ang yakap ko. Noong una ay parang gusto ko agad umalis kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko to the point na nakatingkayad na ako at parang nakasabit na ako sa leeg niya.Nakabaon pa ang mukha ko sa leeg niya at ramdam ko ang tibok ng puso niya. Ang lakas at ang bilis. Nang magtagal, unti-unting kumalma ang kalooban ko. Pakiramdam ko, kahit magdigmaan sa labas, ligtas ako sa mga bisig niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag may nagmamahal sa atin? Nawawala ang pangamba. Pakiramdam natin, kakayanin na natin lahat. Pakiramdam natin, ang lakas natin.Nang bumitaw ako, pinilit kong ngumiti sa kanya pero nag-aalala pa rin siya sa ‘kin. "Salamat," sambit ko."Wala pa akong ginagawa, Liwanag. Hindi mo kailangan magpasalamat." Ngumiti siya kaya bahagya akong natawa.Ang hila
Ilang segundo pa'y narinig ko ang mabibilis na yabag ni Lino at biglang nasa harapan ko na siya, nakaluhod at nag-aalala na naman."Anong nangyari, Liwan?" kinakabahang tanong niya at maski siya'y natatakot na hawakan ako.Mabagal akong umiling. "W-wala. N-nasagi ko lang," natatakot na sabi ko sabay turo sa candle holder pero hindi siya naniwala kasi halata sa mukha ko na takot na takot na naman ako at nanginginig na naman ang mga kamay ko. "Nandiyan pa siya?" mahinang tanong ko."Umalis na siya. Natakot ka ba sa kanya?" mahinahong tanong niya na para bang bata ang kausap niya ngayon.Lumalambot tuloy ang puso ko kapag pinapakita niya kung gaano niya kagustong alagaan ako. Hindi ko siya deserve. Masyado akong basag para alagaan niya. Baka siya pa ang masugatan dahil sa mga basag ko.Umiling ako nang mabagal habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi naman talaga ako natakot kay Padre Roque. Kamukha niya lang kasi at pakiramdam ko, nauulit na naman.
Habang nagdidilig, tinawag ako ni Agustino. "Mon," aniya kaya napalingon ako sa kanya na ngayon ay naglalakad palapit sa ‘kin habang nakakunot-noo. Napatingin siya sa kanang palad ko. "Anong nangyari riyan?" tanong niya pa at hahawakan niya sana ang kamay ko nang agad ko itong iiwas sa kanya at sakto ring nahawakan ni Lino ang braso ni Agustino.Napaatras ako ng hakbang at hinawakan ang mga kamay kong nanginginig na naman. Hindi maganda para sa ‘kin ang idea na may hahawak sa ‘king lalaki. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganito dati."Bakit?" tanong ni Agustino kay Lino."Maaari mo ba akong tulungang kumuha ng tubig sa likod?" tanong ni Lino na tinanguan ni Agustino at nagsimula na silang maglakad palayo sa ‘kin. Isinama rin nila si Lucio. Nilingon pa ako ni Lino na parang nag-alala sa nangyari kaya pinilit kong ngumiti."Anong nangyari riyan?" tanong ni Miranda na nasa tabi ko na pala."Nahulugan ng kandila," sagot ko
"Sino kaya iyon?" bulong ni Agustino sa sarili niya. Natawa ako nang palihim at tiningnan ko si Berto na tahimik. Mukhang siya lang ang may alam sa matinong panliligaw dito, e. Si Lino? Mukhang hindi marunong. "Berto," tawag ko kaya napatingin na siya sa ‘kin. "Paano ba manligaw sa isang dalagang Filipina?" diretsong tanong ko kaya kumunot ang noo nina Lino at Agustino. Para naman sa kanila ang tanong na 'to kaya makinig sila. Si Lino kasi, kakaiba ang alam niyang panliligaw. Nakakatukso. "May nais ka bang ligawan, Mon?" Miranda asked. "Wala. Mukhang kailangan ng tulong ni Agustino, e," natatawang sabi ko kaya umaliwalas ang mukha nila at nagsimula na kaming magplano maliban kay Lino na mukhang hindi sasama sa ‘min. Nakikinig lang siya, e. Pati tuloy si Miranda, naeexcite sa gagawin namin. Gusto niyang sumama pero sabi ni Agustino, para lang daw ito sa mga binata sabay kindat sa ‘kin. Napa-ehem tuloy si Lino at ang sama na naman ng tingin niya kay Agu
Ilang sandali pang nag-usap-usap dito sa labas ng simbahan sina Lino at pinagtitinginan pa sila ng mga tao hanggang sa dumating si Padre Roque. Kinabahan na naman ako at puro iwas tingin lang ako sa kanya. Kamukha niya lang naman ang Pari ng Salvacion. Hindi siya iyon so I must calm myself but I can't. He's scaring me and Agustino and Berto noticed that."Mabuti pa'y mauna na lamang kami sa karwahe," tugon ni Berto kay Agustino."Sasamahan ko na kayo," ani Agustino pero umiling ako."Hindi na. Baka hanapin ka nila. Kami na lang---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi napatingin na rito ang Prayle at lumapit pa siya sa ‘kin. Ramdam kong namumutla na ako. Iba 'yung trauma ni Liwan, pati ako naaapektuhan."Nandito pala ang aking tagapagligtas," nakangiting sabi ni Padre Roque kaya pilit akong ngumiti.Ayokong gumawa ng away rito lalo pa't nakasunod kay Padre Roque sina Lino at family Valencia and family Villaluna."Masyado kayong aba
Kinaumagahan, maaga na naman kaming gumising para makaattend sa paunang misa. Kasama ko mamaya sina Lino, Berto, Señor Magnus at Señor Galicia. Sina Josefa at Maria ay uuwi sa kanila dahil family day naman nila today."Anong nangyari sa iyong labi, Lino?" tanong ni Señor Magnus na katabi ngayon ni Lino at nandito kami sa hapag-kainan.Medyo madilim pa dahil magbubukangliwayway pa lang pero halata na namin ang itsura ng bawat isa. Lalo na si Lino na parang lumuliwanag ang mukha ngayon dahil maaliwalas ito. Mukhang kompleto ang tulog niya kahit alam kong ilang oras na lang ang natitira nung umalis siya sa k'warto ko."Nakagat lamang po, Ama," natatawang sabi ni Lino sabay tingin sa ‘kin nang nakangiti kaya agad akong umiwas ng tingin. Umiinit na naman ang mukha ko. Tsk!"Kamusta pala ang iyong pakiramdam, Mon?" tanong ni Señor Magnus sa ‘kin kaya napatingin naman ako sa kanya. "Kahapon ay nawalan ka ng malay-tao. Hind
Bahagya siyang ngumiti pero may lungkot sa mga mata niya. "Mas nanaisin ko pang matalo kaysa hayaan kang mapahamak."Naalala ko, bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang tinawag ako. Mukhang iniwan niya 'yung kalaban niya para sa ‘kin at ngayon, inaako niya ang kanyang pagkatalo."Ngunit hindi ako naniniwalang ako lamang ang umiibig dito, Liwan."Bigla na namang bumilis ang heartbeat ko at natatakot ako na baka marinig niya ito. Ang tahimik kasi ng paligid maliban sa kuliglig na mukhang tatalunin na ng heartbeat ko."H-hindi ba't sinabi kong huwag kang aasa?" nauutal na sabi ko. Gosh! Bakit ba ako nauutal? At kinakabahan?Napangiti siya at napailing nang mabagal. "Aking napagtanto na hindi mo naman gagawin iyon kung wala kang nararamdaman para sa ‘kin," natatawang sabi niya na kinakunot ng noo ko."Alin?" kinakabahang sabi ko."Nakalimutan mo na ba?""Ang alin nga?" Ayoko sa lahat, 'yung binibitin ako. Batu
Napasinghap ako habang natatawa na may halong pagkainis. "Wow, gagawin niyo pa akong trophy! Bahala kayo sa buhay niyo!" inis na sabi ko sabay lakad nang mabilis palayo sa kanila. I even heard them calling my name so I ran as fast as I could hanggang sa mailigaw ko na sila. Nagtago lang ako sa likod ng isang tindahan na gawa sa bato. Tindahan ito ng magagandang damit at kakaunti ang tao rito kumpara sa ibang tindahan. Mukhang mayayaman lang ang nagpupunta rito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hiningal ako. Hindi talaga physically fit si Liwanag. Kulang siya sa excercise. Kaya hindi siya nakapalag agad sa Prayle na iyon, e. Speaking of Prayle, I saw Padre Roque with his kapwa Prayle at Alpares na naglilibot sa plaza kaya mas minabuti kong magtago lang sa likod ng tindahan habang pinagmamasdan sila. Lahat ng nadadaanan nilang tao, binabati sila. They even bow their head to show respect. How in the hell they can give respect to a trash? "Mon!" rinig kong sambit
Dahil wala rin kaming magawa sa bahay, niyaya na lang ako ni Berto, Maria at Josefa na manood daw kami ng tanghalan sa labas at marami pang palaro. May mga Guardia Personal na rin namang nagbabantay sa bahay na pinadala ni Señor Manuel Valencia lalo pa't maraming tao sa bayan. Baka mapano pa ang kanyang mga kaibigan. Kaso umalis sina Lino nang silang tatlo lang.Mga pasaway.Wala nga silang dalang karwahe at ganun din kami nina Berto. Higit isang kilometro pero hindi bababa sa dalawa ang layo ng bahay ni Señor Galicia sa sentro ng bayan kaya hindi rin kami nahihirapang maglakad lalo pa't mas mahirap maghanap ng kalesa kaysa makakita ng mga taong naglalakad."Doon tayo, Mon! Bilis!" excited na sabi ni Maria at agad akong hinila kaya hinila ko rin si Josefa at hila rin ni Josefa si Berto habang papunta kami malapit sa bulwagan at sa gitna ay may malaking espasyo.Sa espasyong iyon ay may mga nagsasayaw na nakabaro't saya na makukulay. Lively r
"Tila naging maganda na ang iyong pakiramdam, Mon," puna ni Miranda na nilapitan ako rito sa labas ng bahay.Nasa sala sina Señor Manuel, Señor Galicia, Señor Magnus, Señora Rosana at Lino na umiinom ng tea ngayon. Nandun din si Berto at Agustino at kanina, nandun din kami ni Miranda pero nagpasintabi ako na hindi naman nila napansin kasi busy silang lahat. Maliban kay Lino na gusto sanang sumunod kaso pinigilan ako.Magtatanong lang 'yun kung kamusta ako at sinabi ko na sa kanya na gusto ko lang magpahangin sa labas dala itong tea ko."Bakit nandito ka sa labas? Baka hanapin ka dun," sabi ko at bahagyang sinilip sina Lino na nasa loob. I can't hear what they were talking about but based on their looks, seryoso na iyon."Abala sila sa isa't-isa. Hindi nila napansin na umalis ako," natatawang sabi niya habang nakatakip ang panyo sa bibig.One thing I learned during my stay here was, women used to cover their mouth wheneve
Masyadong kakaiba para sa akin lahat ng nangyayari dito pero natutuwa ako kasi nang mapadpad ako sa panahong 'to, naramdaman ko kung gaano kasaya ang maging Pilipino. Fiesta ngayon at sobrang dami ng tao sa paligid. Tapos makukulay pa ang bandiritas na nakasabit sa itaas ng dinadaanan namin. May kaba sa ‘kin na baka isa sa kanila ang nakalaban ni Liwanag pero hindi maikakailang ang saya nilang tingnan.Lahat nakangiti, halos magkakakilala, nagbabatian. Wala kasi silang hawak na gadgets na nakakaagaw ng atensyon nila. Hindi sila mga nakayuko habang may kausap na iba. But of course, cellphones and other gadgets were made for communication purposes naman."Nais mo bang bumaba?" tanong ni Lino sa ‘kin nang makita akong sumisilip sa kurtina ng karwahe. May kurtina na kasi ito para raw hindi makita ang nakasakay sa loob. Which is me. "Maraming magtatanghal mamaya."Napalingon na ako sa kanya at nakangiti siya ngayon habang nakatingin sakin. Naalala ko tulo
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo kay Josefa nang mahabol niya kaagad ako."May sasabihin lamang ako sa iyo, Mon," nahihiyang sabi niya na kinakunot ng noo ko. "Napansin ko kasing may hindi tama sa iyong mga kilos bilang isang Binibini.""Ano 'yun?"Ngumiti siya na parang nahihiya. "Marahil ay isa rin sa iyong nakalimutan. Hindi dapat diretsong tumingin ang isang Binibini o Binata sa isa't-isa kung walang namamagitan sa kanila dahil hindi iyon katanggap-tanggap. Hindi tayo maaaring hawakan ng binata kung hindi natin sila asawa. At... iyang mga paa mo, kitang-kita.""Bawal ba 'yun?" natatawang tanong ko. Napakaconservative naman nila."Oo, Mon," tumatangong sagot niya. "Iyon ang natutunan ko kay Señorita Catalina noong ako'y naninilbihan pa sa kanya."Oh no! Naalala ko iyong paghawak ko sa paa ni Catalina noong natapilok siya. LMAO. Kaya pala ganun niya na lang ako paluin ng pamaypay niyang malaki. Gosh! Medyo natawa ako at napailing da