"Montefalco for three!"
Malakas na hiyawan ang namayani sa buong gymnasium ng St. Ignacio’s University. It's intrams and the basketball championship game is starting to heat up. Lalo na at magkasangga ang Business Ad Department at nursing department, ang tinaguriang mga departamento ng mga hotties at guwapo.
Halos mapuno ng confetti ang buong gym. Kanya kanyang cheers din ang bawat department. Tinalo pa ang UAAP at NBA finals sa lakas ng hiyawan ng mga ito.
Sa kanang bleachers malapit sa scoreboard, nakapwesto ang mga Political Science students. Nakangiting pumapalakpak si Rhiane habang nakatingin sa boyfriend na si Darryl. That three point shot slayed! Nag overtime ito dahil doon.
"Go Darryl!" Halos mapigti ang litid niya sa tiling 'yon. Inirapan naman siya ng katabi.
"Hoy babaita, papaalala ko lang na PolScie tayo hindi business ad!"
Natatawang inirapan niya ang kaibigang si Martina. Ang bitter ng loka.
"Ipapaalala ko rin sa'yong talo na tayo at championship na!" sigaw niya at binelatan ito.
Irap lang ang nagawa ni Martina. Napailing siya at ibinalik na lang ang atensyon sa laro.
Pumito na ang referee, meaning back to the ball game.
Umingay na naman ang buong gymnasium nang pinag-agawan na ng dalawang team ang bola.
Pigil hininga ang bawat mga tagpo lalo pa at mahigpit ang depensa ng dalawang team. Ten seconds ay matatapos na ang overtime at wala pang nakakapuntos!
"Get it! Get it!" sigaw pa niya na may kasamang talong nang makitang na kay Darryl ang bola.
Darryl stands in the three point line. Gwardiyado ang mga kasama nito kaya tanging ang pag shoot ang pag asa ng team nila.
Hindi na rin napigilan ni Martina ang mag cheer, "Omg! Go"
Napapadyak si Rhiane sa tagal nito.
"I-shoot mo na!" she shouted and as if on cue ay inihagis ni Darryl ang bola.
Tila slow motion naman itong lumipad patungong ring.
3.2.1
Prrtt!
Impit na tumili si Rhiane at tumalon pa payakap kay Martina.
"Oh my god!"
Na shoot ang bola! And then again, Business Administration got the championship for this year's basketball intramurals game.
"Tara puntahan natin sila!" Excited na sambit ni Rhiane at hinila pababa ng bleachers si Martina.
Talagang sinuot nila ang dagat ng tao makapunta lang sa kinaroroonan ng players ng Business Administration.
Nakailang excuse me at hawi pa sila bago marating ang bench ng BA.
Nagtatatalon ang mga ito at binuhat buhat pa si Darryl. Nakangiting umiling siya. Mukhang MVP na naman ang loko.
Hinintay na lang muna niyang matigil sa pag aalaskahan ang mga ito bago sila lumapit. Nang isa isa ng kumalma ang mga players ay tsaka siya bumitiw kay Martina at lumapit sa nakatalikod na boyfriend.
Nakangiting tinapik niya ang balikat nito. Kaagad naman itong lumingon sa kanya. Mas lumapad ang ngiti ni Rhiane. Ganoon din si Darryl na agad siyang hinapit ng yakap. Napatili pa siya nang buhatin siya nito at ipinaikot ikot.
Agad namang nagkantyawan ang mga kaibigan niya at team mates nito. Natatawang hinampas niya si Darryl at nagpababa.
"And the most valuable player for this year is... Darryl Anthony Montefalco"
Walang ano ano'y nadagit na naman ng mga ka team mates nito si Darryl at binuhat pa papuntang stage para tanggapin ang award nito. Natatawang pinagmasdan niya na lang ang mga ito.
Hindi rin naman ito nagtagal at bumalik din sa puwesto nila kanina. Agad na pumulupot ang braso ng boyfriend niya sa kanyang bewang. Dala dala nito sa kabilang kamay ang trophy ng MVP award. Sumandal siya sa braso nito.
"Paano bro, The Ledge?" dinig niya pang tanong ng isang ka team mate nito. Tumawa lang si Darryl at tumango.
Nakipag usap pa ito sa ibang mga ka team mates at pati na sa coach. Ilang congratulations din ang natanggap nito mula sa batchmates. Siya naman ay nanatiling nakangiti sa tabi nito. She's a proud girlfriend.
Nang matapos ang pakikipag usap sa mga team mates ay iginiya na siya nito paalis.
Pinuntahan muna nila ang bleachers ng BA para kunin ang bag nito. Nandoon na rin ang kapatid niya pati ang mga kaibigang kasali rin sa team.
"Hey! Congrats Montefalco!" nakangising bati ng kaibigan niyang si Sean.
Kumikinang ang gray na piercing nito sa kanang tenga na sinadya yatang iterno sa buhok nitong naka ash gray.
Nakangiting kinamayan din naman ito ng boyfriend niya sabay sambit ng thank you.
Sumunod na bumati naman ang isa pa niyang kaibigang lalaking si Hyron.
Kumikinang ang mala ginto nitong buhok sa sikat ng araw na bagay na bagay din sa mala mestizo nitong balat.
"The Ledge kami mamaya," sabi ni Darryl sa mga ito. Tumango naman ang mga kaibigan niya.
Tinanguan din ito pabalik ni Darryl bago bumaling sa kanya, "Samahan mo ko sa locker?" Ngumiti siya at tumango rito.
Sinenyasan niya na lang ang kapatid na si Darlene bago nagpatianod kay Darryl.
Dahil sa game ay halos lahat ng tao nasa gym kaya silang dalawa lang ni Darryl ang bumabagtas sa corridor na papunta sa locker room ng mga varsity.
Nakakapit pa rin ang isang kamay nito sa bewang niya at ang isa ay nakahawak sa bag at trophy nito. He's really sweet...and possessive.
Tuloy tuloy lang silang pumasok ng locker room dahil wala namang tao sa loob.
Pagkapasok ay naupo siya sa isang bench. Inilapag naman ni Darryl ang body bag at trophy nito sa tabi niya.
"Shower lang ako," paalam nito sa kanya at tuluyan nang naghubad ng pang itaas sa harap niya. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Pwede namang sa loob ng shower room maghubad diba?" nakairap na sabi niya.
Tinawanan lang siya nito at hinagis pa ang hinubad na jersey sa kanya.
Sumapol ito sa mukha niya kaya impit siyang napatili sa inis. Humalakhak lang si Darryl.
Akmang gagantihan niya sana ito at ibabato rin ang jersey nito pabalik pero laking gulat niya na lang nang bumungad ang mukha nito isang dangkal mula sa mukha niya.
Napaatras tuloy siya pero inilapit din naman nito ang mukha sa kanya. Akmang hahambalusin na niya ito ng jersey nang bigla naman nitong hawakan ang magkabila niyang kamay.
Darryl smirked. Napalunok siya sa ngisi nito.
Damn. Ano na namang trip 'to?!
Halos malagutan na siya ng hininga sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Idagdag pang nakakatunaw at nakakapang hina ng tuhod ang mga titig na ipinupukol nito sa kanya.
What the eff, Montefalco!
Tanging paglunok at palihim na pagmura rito sa isipan ang kanyang nagawa. What is he up to anyway?
"D-Darryl uhmm- hmm.."
Napaawang ang labi niya sa sobrang gulat nang kaagad nitong sakupin ang labi niya. He immediately slid his tongue inside and closed her lips with his. Para tuloy siyang tuod na hinahalikan dahil hindi siya nakagalaw sa sobrang gulat!
"Kiss me back, Rhi," Darryl said between the kiss.
Doon lang siya natauhan at napakurap kurap pa. Napapikit siya nang mas naging agresibo ang halik nito. She kissed him back with the same intensity. Kakaibang init ang naramdaman niya lalo na noong kinabig siya ni Darryl papunta rito, making her stand up.
His right hand held the back of her head while the other fekl on her waist, pressing her body to his even more.
Nabitiwan niya ang hawak na jersey. Tila hipnotismo ang halik nito at winawala siya sa sariling katinuan! She feels like floating! Nakakalasing at nakakapanginig tuhod!
Kung hindi lang siya hawak ni Darryl paniguradong napaupo na siya dahil sa panlalambot ng mga tuhod niya!
She felt him smiled between the kiss. Kinagat pa nito ang ibabang labi niya bago humiwalay sa halik. He looked at her, smiling. His lips landed on her again, but this time it was just a smack.
Napabusangot ang mukha niya sa pambibitin nito. Natatawang niyakap naman siya ni Darryl. Naibaon niya na lang mukha sa matipuno nitong dibdib.
Oh god, Rhiane! Seriously?!
Mariing ipinilig niya ang ulo. Niluwagan naman ni Darryl ang yakap kaya nag angat siya ng tingin dito. He was all smiles habang nakatingin din sa kanya.
"What?" tanong niya rito.
He stared at her amusingly.
"I love you," biglang sambit nito at pinatakan ng halik ang kanyang noo.
Napapikit siya, "I love you too."
"Hey there lovebirds!" Mabilis pa sa alas kwatrong humiwalay si Rhiane sa hawak ni Darryl.
Masamang masama naman ang tingin ng boyfriend niya sa pinsan nitong bigla na lang sumulpot sa gilid nila.
"What the fuck, Jake?"
Itinaas ni Jake ang dalawang kamay, "Oh chill bro! I would just like to remind you na marami kaming nakapila sa labas at ang tagal niyo. Chill," natatawang anas nito.
Agad na naramdaman ni Rhiane ang pag iinit ng pisngi.
Shocks. Kanina pa sila sa labas?
"Wait for me outside. The lunatics are here," baling ni Darryl sa kanya at tinapunang muli ng masamang tingin si Jake.
Tumango na lang siya at nakayukong lumabas. Wala na yata siyang mukhang maihaharap sa mga varsity! Nakakahiya!
○○○○
Alas nuebe ng gabi nang dumating sa The Ledge si Rhiane kasama ang mga kaibigan at ang kapatid na si Darlene.
Agad na sumalubong sa kanila ang nakakahilong mga neon lights at ang dumadagundong na music ng DJ. Marami na ring nag iinuman sa mga bar counters at halos punuan ang couch sa ibaba.
"Nasaan sila, Sean?" tanong ni Megan na halos sumigaw na sa sobrang ingay.
Iginala naman ni Sean ang paningin sa buong club. Tiningnan na rin ni Rhiane ang cellphone at nag text kay Darryl kung nasaan ang mga ito.
"Ayun yata sila." Itinuro ni Hyron ang isang maingay na VIP room sa itaas.
Sabay na tumingin ang magkakaibigan at tama nga ito. Kitang kita mula sa kinalalagyan nila ang pangangantyaw nina Jake. Natawa si Rhiane sa kalokohan nito at nauna nang pumanhik sa itaas. Nakasunod naman ang mga kaibigan niya.
"Hey, hey, hey!" malakas na sigaw nina Hyron nang makarating sa room.
Sinalubong agad ang mga ito ng mga ka team mates. Nakihalubilo na rin sina Finny, Megan at Darlene sa mga kakilalang naroon.
Hinanap ng tingin niya si Darryl at natagpuan niya ito sa may sulok, katabi ni Shade, at umiinom ng alak. Lumapit siya rito.
"Hey," aniya at umupo sa bakanteng tabi nito. Ngumisi ito at hinalikan siya sa pisngi.
Napangiwi siya sa amoy ng alak.
"Ilan na nainom mo?" tanong niya rito. Mukha kasing nakarami na ito.
Ngumisi lang ulit si Darryl at ibinaon ang mukha sa balikat niya. Na weirduhan tuloy siya sa inasal nito. Naiiling na ibinaling na lang niya ang tingin sa mga nagpaparty nitong team mates.
"Oh ano pang tinutunganga? Shot na us! Wooo!"
Napuno ng hiyawan ang buong VIP room sa pangunguna ni Jake. Tawang tawa sina Rhiane nang mag truth or dare ang mga ito.
Kung ano ano kasing mga dares ang inuutos ng mga ito. Talagang sinusulit ng mga ito ang mga araw na hindi pa busy. Pagbalik kasi busy week na.
Napalingon tuloy siya kay Darryl.
Nakahilig pa rin ito sa kanya habang tawang tawa sa panonood ng mga team mates nito. Kanina pa ito nandito lang at inom nang inom. Napatitig siya rito. Iba ang pakiramdam niya. Bakit parang may mali?
Kanina lang ang saya saya nito tapos ngayon....
"Darryl are you okay?"
"Hmm.." tanging sagot nito, binalewala ang tanong niya.
She looked at him anxiously. Something is not right here. Ewan niya ba pero biglang umusbong ang kaba niya at hindi niya alam kung bakit.
“Ma una na ako!” paalam ni Rhiane sa Mama niya na nasa kusina at naghahanda ng kape.“Okay ingat ka,” nakangiting sambit naman nito sa kanya.Tumango lang siya rito bago humalik sa pisngi ng Mama niya. Umalis din naman siya pagkatapos."Rhi! Sunduin ka ni Darryl? Pasabay!" sabi ng kapatid niya na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Napailing siya. Late na naman ito ng gising."Dalian mo," pag-apura niya rito at nauna nang lumabas.Habang hinihintay ang ate niya ay kinuha niya cellphone sa bulsa ng kanyang tattered jeans at tinawagan si Darryl.Hindi strikto sa dresscode ang University.
Pagpatak ng alas dose ng tanghali ay naghiwalay si Martina at Rhiane. Mula sa soccer field ay dumiretso si Rhiane sa cafeteria kung saan naghihintay na si Darryl. Hindi na sumama si Martina dahil ma o-op lang daw ito sa labing labing ng dalawa. Napairap na lang siya sa rason nito.Punuan ang cafeteria nang makarating siya rito. Agad niyang hinanap ang boyfriend at natagpuan naman niya ito sa may dulong bahagi ng cafeteria. Pero hindi ito nag-iisa, kasama nito ang pinsang si Jake, dalawang hindi niya kilalang lalaki at isang babae.Natigil siya sa paglalakad. Akala niya ba lunch date ito? Bakit di siya na inform na group meeting pala at hindi lang 'yon ang ka group meeting nila ay mga myembro ng Cryptics Fraternity. Nga naman ang timing! Kung sino itong ayaw mong makita, ang siyang iyong makakasama.
Nahalungkat na yata ni Rhiane halos lahat ng University magazine niya pero hindi niya pa rin mahanap hanap ang lalaking naghatid sa kanya kanina. Sino nga ba kasi 'yon?"Hoy! Gabing gabi na ah? Ano pang ginagawa mo rito?" Napalingon sa sa nagsalita at bumungad sa kanya ang Ate Darlene niya.Pinasadahan nito ng tingin ang nagkalat na university magazines."May hinahanap lang po ako ate," sagot niya rito. Lumapit ito sa kanya."Bukas na yan Rhi. It's late already." Ginulo nito ang buhok niya. Napahikab naman siya at tumayo.Tinulungan pa siya nitong iligpit ang mga magazines. Pagkatapos ay pumanhik na siya sa kwarto niya. Saktong papahiga na siya nang nag vibrate ang cellphone
Hindi pinansin ni Rhiane ang cellphone niyang kanina pa vibrate nang vibrate. Sa halip, tinuon niya ang atensyon sa mga librong nakatambak sa harap niya. Tumigil din naman ito kalaunan.Isang buong araw siyang kinulit at tinatawagan ni Darryl dahil sa pag wo-walk out niya kagabi pero hindi niya ito pinapansin. She knows his schedule kaya naman madali siyang nakakapagtao rito.Buong araw ay sumama siya kina Sean para hindi sila magkita. Si Martina nga ang nabuntunan ng pangungulit dahil doon.Huminga siya nang malalim at inayos ang reading glasses. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa. Ilang sandali lang ay nag vibrate na naman ito. Inis siyang napairap at inabot ito.Martina Calling...
Kinakabahang tinungo ni Rhiane ang headquarters ng Cryptics. It's dismissal time kaya wala na masyadong tao.Hindi nakasarado ang pinto nito kaya dumungaw siya sa loob. Walang tao sa office ni Darryl pero may mga mangilan ngilang fratmen na may kanya kanyang ginagawa. Lumunok siya at kinatok ang nakabukas na pinto.Agad namang lumingon ang isang fratman sa gawi niya.Tumikhim siya."Si Darryl?" tanong niya rito.Tiningnan siya nito. Doon niya lang napagtantong iyon 'yong lalaking nabato niya kahapon."Wala siya rito," sagot nito at agad na ibinalik ang tingin sa ginagawa.Napabuntong hininga s
Naiinip na sinipat ni Rhiane ang wristwatch habang nakikinig sa discussion ni Professor Alienza. Napa padyak padyak pa siya sa sobrang inis.Napansin ito ni Martina kaya kinalabit siya nito. Inilapit nito ang mukha sa kanya at bumulong."Anong kinakainip mo diyan?"Iniwas niya ang tingin at muling sinipat ang relo. Bakit kasi ang tagal matapos ng lecture?"Bakla to oh. Di narinig te?" parinig pa ni Martina at sinundot siya. Sinamaan niya ito ng tingin. Agad din naman itong nag peace sigm at umayos muli sa pagkakaupo.Naipikit niya na lang ang mga mata habang hinihintay ang 'class dismissed' ng professor.At nang
“Saan ba tayo pupunta, Rhi?”“I don’t know either Sean! Pero kailangan nating makita sina Darryl!”Kunot noong pinagmasdan ni Sean ang kaibigang halos maiyak na sa sobrang taranta.Hawak ni Rhiane ang cellphone at panay ang dial sa number ni Darryl pero wala pa rin.Maging ang mama nito ay hindi sumasagot. Malakas ang kutob niyang alam na ng papa niya ang nangyari kaya malamang ay baka nag me-meeting na ito at ang board lalo pa’t wala ito sa bahay.She needs to know Darryl’s situation. She’s damn sure that her father will take legal action once na napatunayang kasalanan ng fraternity ang nangyaring gulo! And she&rsqu
Dismissal time, gaya ng sinabi ni Rhiane, nagkita sila ni AJ sa parking lot. Gusto pa kasi sana nitong sunduin siya pero hindi siya pumayag dahil bukod sa malayo ang building nila at malaking abala ay ayaw niyang maintriga. Famous pa naman si AJ sa mga kababaihan. Baka ma stress siya lalo."Hey let's go," aniya rito pagkasakay niya sa frontseat ng itim nitong audi.Tumango naman ito at agad na pinasibad ang sasakyan."So saan ba tayo?" tanong nito sa kanya. Ibinigay niya ang address ng village nina Darryl.Wala pang thirty minutes ay narating na nila ang village nito.Pumarada ang kotse ni AJ sa isang malaking bahay. Kumikintab ang itim na gate nito at kitang kita
"Morning sleepyhead." Napangiti si Rhiane nang bumungad sa kanya ang nakangising mukha ni Darryl.Sa halip na bumangon ay mas yumakap siya rito at pumikit."Inaantok pa ako," reklamo niya pa. Hinalikan nito ang buhok niya."C'mon, papatayin ako ni Tito pag di pa kita inuwi." Natawa siya sa sinabi nito.Last day ng bakasyon niya kahapon at nag bar sila nina Carise. Late na kaya sa condo siya ni Darryl nakatulog. Though naitext naman nito ang papa niya, still she's sure na galit na galit si John Ferguson ngayon."C'mon Rhi. First day mo," sabi pa nito. Dumilat siya at bumangon na rin.Yeah, fourth year na nga pala siya at ang boyfriend niya ay CEO lang naman ng Mongefalco Group of Companies."May damit ka pa naman yata diyan sa closet. Just take a bath and I'll drive you home. I'll just pick you up later. Hapon pa klase mo diba?" Tango lang ang isinagot niya
St. Ignacio University Graduation Day"Congratulations, graduates!" Samu't saring sigawan at hiyawan ang namayani sa buong Business Administration auditorium ng St. Ignacio University.Nakangiting pumapalakpak si Rhiane habang tinatanaq ang mga graduates na masayang masaya at inihahagis ang mga graduation cap sa ere."Ang bongga ni supremo!" tili ni Blake sa kanyang tabi. Mas lumapad ang ngisi niya at muling binalingan si Darryl na nasa harap at nagpapapicture kasama ang frat.Naiiyak siya sa nakikita niya at hindi niya alam kung bakit."Ang taray te! Teary eye ka na! Super proud nuh?!" sita pa ni Martina. Bahagya siyang natawa at hinampas ito. Inirapan lang siya nito.
All her life Darryl has always been supportive of her. Kahit na ayaw nitong nakikita siyang sumasayaw ng intimate dance lalo na at may partner, hindi na lang ito nagsasalita. He never nags her to quit or whatever. Sa tuwing may lakad sila ng barkada niya, ito palagi ang nag-aadjust kahit na gusto nitong magkasama sila. Kahit na gusto siya nitong sunduin at ihatid bawat klase niya ay hindi nito ginagawa dahil ayaw niya. Kahit na siya ang may kasalanan, ito pa rin ang gumagawa ng paraan na magkaayos sila.But with her, she always nags him, telling him what he should do just because ayaw niya ang ginagawa nito o ano. Ang selfish selfish niya.Pinunasan niya ang mga luha at tsaka tumayo at pumunta ng banyo. Hinubad niya ang dress pagkapasok at agad na ini-on ang shower. Hinayaan niyang bumagsak ang malamig na tubig sa kanyang katawan. She just wish those water could take
Sunday Morning.Matamlay na bumaba si Rhiane at nagtungo sa kanilang dining kung saan naghahanda na ang kanyang mama ng kanilang umagahan. Nandoon na rin ang mga kapatid niya."Morning Rhi!" nakangiting bati ng Ate Darlene niya na naghahanda ng mga plato Tinanguan niya lang ito at umupo na rin sa pwesto niya."Naga pakitawag ang papa mo sa garden nang makakain na tayo," ani ng mama niya bago inilapag ang kanin sa gitna ng mesa.Umupo na rin sa kani kanilang mga pwesto. Maya maya pa ay dumating na ang kuya at papa niya at nagsimula na silang kumain. As usual ay kadalasan business na naman ang pinag-uusapan ng mga kapatid at papa niya na hindi naman siya maka relate relate kaya tahimik na lang siya.
"Hey tulala ka na naman." Nilingon niya si Sean na pinapasadahan siya ng tingin."Tss. Palagi naman simula noong.." Agad na natigil si Hyron nang tingnan niya ito. Yumuko ito at tumango tango lang.Ayaw niyang pag-usapan. She wants to keep it. Cause it's her pain alone."Lalabas kami mamaya baka gusto mong sumama," sabi pa ni Sean at tumabi sa kanya. Umiling siya rito."May review kami ni Martina mamaya tsaka may fitting ako ng damit," sagot niya rito. Kumunot ang noo ni Sean at tiningnan siya."Para saan ang fitting?" Bumuntong hininga siya at nagkibit balikat."In-invite ako ni AJ sa isang dinner ng family niy
Hinang hina si Rhiane pagkalabas niya ng kwarto. Agad na tumingala ang kapatid niyang nakahalukipkip sa may dingding."Rhi, what happened?" tawag nito sa kanya at agad siyang dinaluhan.Hinawakan siya nito sa balikat at sinalubong ang tingin niya. Umiling iling siya. Kasabay noon ay ang pag-init ng kanyang mga pisngi at ang pagdaloy ng bagong masaganang luha. Mula sa tahimik na pag-iyak ay lumakas iyon hanggang sa napayakap na lang siya sa kapatid at doon humikbi nang humikbi.Agad na naalarma ang mga kaibigan niya at lumapit na rin sa kanila. Ramdam na ramdam niya ang ang paghagod ni Darlene sa kanyang likod habang pinapatahan siya. Halos hindi na niya maaninag ang paligid dahil natatakpan ng mga luha ang kanyang mga mata.Humigpit ang yakap ni Darle
Tulala at gulat na nakatingin si Rhiane sa sinabi ni Darryl. Nanginginig ang mga panga niya, tila nalalakumos ang kanyanga dibdib. She badly wants to cry but she can't and she shouldn't!"H-Hindi 'yan ang ipinunta namin Darryl." Tumigil si Darlene at tumikhim."We're actually here to apologize and to say that the dissolvation letter is invalid. According to the school rules, you have not violated any fraternity rules and I know you're aware with that. I'm sorry. I'm sorry kung nadamay ang org. We took it personally. And another thing, about the commotion at the headquarters. T-That was very wron and we let our emotions take over, I'm sorry." Yumuko ito."Pero hindi namin pinagsisihan 'yan Montefalco ." Agad siyang napalingon kay Sean."Sean please...""Tss."Napapikit siya sa inakto nito. She can already feel the glares of the people in the room. Yumuko siya.
"I'm sorry. I didn't know it would end that way. Gusto lang sana talaga kitang pakainin at i-distract.""It's okay, alam ko naman 'yon." Marahan niyang pinahid ang halos natuyo ng luha sa kanyang pisngi."Tsk. Ang kapal din naman kasi talaga ng mukha niyang si Montefalco . Talagang ngayon pa siya gaganyan sa'yo. Tss.""Sshh. Tama na nga. Problema namin ito. Okay na akong maging listener ka." Nginitian niya ito."Sige na, J. I need to go." Bumuntong hininga na lang ito at tumango sa kanya.Bumaba na siya ng sasakyan. Kinawayan niya ito bago tuluyang pumasok sa gate nila.Nakita niyang nasa garahe na ang kotse ng papa niya so malamang nandoon na ang mga magulang niya. Pumasok na siya ng bahay pero agad din siyang natigilan nang marinig ang sigaw ng papa niya sa sala."Who told you to do this?! Hindi ko ka
Hindi nakatulog si Rhiane nang gabing iyon. Sari saring mga tanong ang laman ng kanyang isipan. Her decision to give up their relationship is final.His mom and sister keep on saying how dear she is to him pero bakit siya nasasaktan dahil dito? She wanted so much to give in pero inisip niya ang sarili niya. Ginawa na naman niya lahat para lang mag work sila pero wala pa rin.Naaawa siya kay Danelle. Hindi man niya alam ang buong storya, alam niyang may pinagdadaanang mabigat na problema ang pamilya nito ngayon. Gusto niyang tumulong but that would mean being with him again and she thinks she can no longer take that. Magkakasakitan lang sila ulit. Mas masasaktan lang siya."Rhi, ito na 'yong magiging line up ninyo. Dito kayong apat nina Carise, Finny at Fretzie sa pinaka harap. Dito sa kanan niyo a