Naiinip na sinipat ni Rhiane ang wristwatch habang nakikinig sa discussion ni Professor Alienza. Napa padyak padyak pa siya sa sobrang inis.
Napansin ito ni Martina kaya kinalabit siya nito. Inilapit nito ang mukha sa kanya at bumulong.
"Anong kinakainip mo diyan?"
Iniwas niya ang tingin at muling sinipat ang relo. Bakit kasi ang tagal matapos ng lecture?
"Bakla to oh. Di narinig te?" parinig pa ni Martina at sinundot siya. Sinamaan niya ito ng tingin. Agad din naman itong nag peace sigm at umayos muli sa pagkakaupo.
Naipikit niya na lang ang mga mata habang hinihintay ang 'class dismissed' ng professor.
At nang sabihin na nga nito ay nag ala flash siyang lumabas ng classroom. Sinundan naman siya ni Martina.
"Rhi! Uyy! Teka lang naman! Hintay uy!" sigaw nito habang pilit na sumasabay sa malalaking hakbang niya.
Hindi niya ito pinakinggan at nagtuloy tuloy lang papunta sa headquarters ng Cryptics.
Pagkarating doon ay biglang humina ang lakad niya at umusbong na naman ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Huminga siya nang malalim.
Kakausapin niya si Darryl, no matter what. At sisiguraduhin niyang maaayos ang gulo nila ngayong araw na ito.
"Walang tao diyan." Sabay silang napalingon ni Martina sa pinanggalingan ng boses.
"Omg! Fafa AJ!" malanding sigaw ni Martina. Ngumisi naman ang nakapamulsang si AJ. Kumunot ang noo niya.
"Anong ginagawa mo rito? At paano mo nalamang walang tao?" tanong niya pa. Lumapit ito sa kinalalagyan niya at sinilip silip pa ang loob ng saradong headquarters.
"Hmm kaninang umaga pa 'yan nakasara. Kaninang umaga pa rin wala ang Cryptics. Wala rin sina Montefalco kanina sa meeting ng varsity," sagot nito.
Napaiwas ng tingin si Rhiane. Nasaan ang mga ito? May klase ito kanina lang tapos wala? Nag absent ba?
Napahinga siya nang malalim. Ang kakaibang kaba niya kanina ay mas lalong lumala. Nasapo niya ang noo. Ano nang gagawin niya ngayon? Tiningnan naman siya ni AJ.
"Hmm kung gusto mo, hintayin na lang natin sila. I'm sure pupunta 'yon ngayon kasi may practice kaming varsity," suggest nito. Kinalabit siya ni Martina at tinango-tanguan.
Napairap siya. Obvious naman na gusto lang nitong makasama si AJ.
"Rhi...." pangungulit nito at lumabi pa. Tiningnan niya ito nang masama. Humalakhak si AJ kaya napalingon siya rito.
"What?" tanong niya.
"Wala naman. Ang tigas mo pala nuh? Hmm I thought you were soft and sweet. Sabagay, Political Science student ka so stern dapat," sagot naman nito. Hinimas himas pa nito ang baba tsaka tumango tango.
Napailing at napairap siya, at talagang pinagkaisahan pa siya ng dalawa ha!
"Rhi makakapag relax ka roon! You know? You need to relax and calm down diba?" pangungumbinsi na naman ni Blake habang si AJ naman ay nakatingin lang sa kanya at tila naghihintay din ng sagot niya.
Nagpabaling baling ang tingin niya sa dalawa. Sa huli, sumuko na rin siya at tumango.
○○○○
"Isang order ng wintermelon tea, apple shake at chocolate frappe ba sa'yo Rhiane?" Tinanguan niya na lang si AJ at ibinaling muli ang atensyon sa labas.
Gaya ng sinabi ng dalawa ay nasa Ferguson Cafe silang tatlo, nag rerelax at naghihintay na rin kung kailan babalik ng campus sina Darryl.
Halos hindi na nga niya bitiwan ng tingin ang gate ng university dahil baka pumasok na ang mga sasakyan ng mga ito nang hindi niya namamalayan kaya para tuloy siyang timang na nakahilig sa glasswall at nasa gate ng university sa tapat ang tingin.
"Ah Rhi, parang uso namang tumingin din sa iba. Magkaka stiff neck ka niyan, bruha," puna ni Martina sa kanya at pilit na kinuha ang tingin niya pero nanatili itong nakatitig sa gate. Napailing si Martina.
"Haynako, pag-ibig nga naman! Nakakalerky!" nakairap na sambit ni Martina. Tinawanan ito ni AJ tsaka ibinaling ang tingin sa kanya.
He looked at her in amusement.
"Alam mo, naniniwala akong kung mahal mo ang isang tao, kahit na anong away, kahit na anong hindi pagkakaintindihan, hinding hindi niya kakayanin ang isang araw na hindi kayo nagkakabati," tila nagpaparinig na sabi nito. Nilingon niya naman ito at tinaasan ng kilay.
"Anong gusto mong iparating?"
"Hmm wala naman. Naisip ko lang. Random thought." Napailing siya at inirapan ito.
Kinagat naman nito ang labi para pigilan ang namumuong tawa.
Hindi na ito pinansin ni Rhiane at nanatili ang pokus sa gate ng university. Ngunit dumating na lang ang orders nila at naubos niya na lang ang frappe ay hindi niya pa rin namataan ang kotse ni Darryl na pumasok.
Kinagat niya ang labi at sinipat wristwatch na suot. It's already 6 pm. Madilim na rin sa labas at tanging mga poste ng ilaw at mga headlights ng sasakyan na lang ang nagbibigay ilaw sa daan.
Tumikhim si AJ.
"Alam mo, kanina pa natapos ang meeting sana namin. Wala si Montefalco at ang tatlo roon. Hindi sila bumalik sa University. Hindi rin sila pumasok," sambit nito habang nakatingin sa cellphone.
Kanina pa nag start ang meeting ng varsity at kanina niya pa rin ito pinapaalis pero nanatili ito sa tabi nila ni Martina. Ni hindi na ito um-attend ng meeting.
Napahikab si Martina at bumaling kay Rhiane.
"Rhi, uwi na kaya tayo? Parang wit na naman yatang darating si fafa supremo. Bukas ka na lang makipag usap te," sabi nito sa kanya at nag-unat pa ng braso.
Bumuntong hininga siya at tiningnang muli ang gate ng university bago bumaling kay Martina na parang bibigay na ang talukap ng mga mata. She heaved another sigh bago tumayo at kinuha ang bag niya.
"Tara na," sabi niya sa kaibigan at naunang umalis ng table. Agad din namang tumayo si AJ at sumunod sa kanila ni Martina.
"Hatid ko na kayo!" sabi pa nito at bahagyang tumakbo para sabayan siya sa paglalakad. Hindi niya ito pinansin, sa halip ay hinila niya si Martina mas binilisan ang lakad. Pero inilang hakbang lang din siya nito at nakasabay na itong muli sa kanya.
Lihim niya itong inirapan bago tumigil.
"Sige na. Wala na masyadong taxi rito. Diba Martina?" Nagsalubong ang kilay niya. At talagang si bakla ang inuto nito ah! Ito namang si bakla oportunista rin kaya panay ang pa cute.
"Ay erm kashi fafa AJ. Out of the way akez kaya shi Rhi na lang. Diba Rhi?" sabi pa nito at pinandilatan siya.
Sinamaan niya ito ng tingin pero di naman ito nagpatinag. Inirapan niya na lang ito bago nag-iwas ng tingin at nag abang na ng taxi.
"Sige fafa AJ. Hatid mo na si Rhi!"dinig niya pang pangungulit ni Blake. Napailing na lang siya at pinara ang paparating na taxi.
Lalakad na sana siya papunta rito nang bigla siyang tinulak ni Martina at kumaripas ito ng takbo papunta sa taxi na pinara niya.
"What the fuck Martina!"
"Bye bye Rhi! Labyoo!"
"Martina! Shit!" Inis na ipinadyak niya ang isang paa. 'Yong baklang 'yon!
"Hmm paano ba 'yan, mag aabang ka ba ulit o sasabay ka na sa'kin?" nagpaparinig na tanong ni AJ. Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. May pa ngisi ngisi pa ang gago!
○○○○
"Di mo na kailangang pumasok ng village. Sa guard's house mo na lang ako i-drop," nakairap na sambit ni Rhiane nang malapit na sila sa village. Kumunot ang noo ni AJ.
"Ba't ba ang sungit mo ngayon? Noong first time naman hindi ka ganyan ah?" tanong pa nito. Hindi niya ito sinagot. Wala siya sa mood makipagsagutan. Napabuntong hininga si AJ.
"Hay mga babae. Ang hirap niyong ispellingin," naiiling na sabi nito at tinuon na lang ang buong atensyon sa daan.
Dahil sa pagpupumilit ni Rhiane napilitan si AJ na i-drop nga ito sa guard's house ng village.
"Ingat ka!" pahabol na sigaw pa nito kay Rhiane. Hindi niya naman ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Mabigat ang mga paa niyang nilakad ang kabuuhan ng village para makarating sa bahay nilang nasa pinakadulo.
Iniisip niya ang nangyari kanina. Hindi pumasok si Darryl. Wala ang power trio. Wala rin ang buong frat sa campus! Anong ibig sabihin noon? Kung may ginagawa ito ng mga kaibigan niya, bakit pati ang ibang fratmen wala roon.
'Yan ang mga tanong na bumabagabag sa kanya kanina pa. Ang kakaibang kaba na naramdaman niya kanina ay naroon pa rin. She really feels something is going on.
Isa pa ito sa problema niya. Hindi pa nga sila nagkakaayos ni Darryl, may kung anong ganito na naman ang nangyayari. Pero bakit pakiramdam niya konektado lang lahat? 'Yong nangyari sa kanila at itong nangyayari kay Darryl ngayon. What does this mean?
"Maam Rhiane?" Bahagya siyang natigilan at nag angat ng tingin. Kunot noo naman siyang pinagmasdan ng guwardiya nila.
Doon niya napagtantong nasa harap na pala siya ng gate nila.
"Ah sige po kuya. Pasok na po ako," tanging nasabi niya at pumasok na sa loob. Na we-weirduhang tumango naman ang guard.
Nadatnan niyang nag aayos ng mga gamit sa sala ang mayordoma nila at ang tatlong katulong naman ay nagpapalit ng mga sapin ng sofa.
"Manang wala pa po ba sina Ate?" tanong niya sa mayordoma habang hinuhubad ang sapatos.
"Wala pa Rhian. Na kina Sean at may gagawin daw," sagot naman nito. Tumango na lang siya at nilagay ang sapatos sa shoe rock malapit sa pinto. Pagkatapos ay pumanhik na siya sa itaas.
Agad niyang kinuha ang cellphone pagkarating ng kwarto. Sumalampak siya sa swivel chair at binuksan ang conversation message nila ni Darryl pero sa kasamaang palad wala itong reply kahit isa sa mga messages niya.
Napabuga siya ng hangin at inilagay ang cellphone sa study table. Binuksan niya na lang ang flatscreen na tv at umupo sa sofa bed na katapat nito.
"The prestigious school, St. Ignacio University is facing a huge crisis," 'yan ang bumungad sa kanya nang bumukas ang tv. Kunot noong tinaasan niya ang volume nito.
"Kani kanina lang ay nahuli ang mahigit dalawampong kabataang nasangkot sa isang fraternity war sa isang abandonadong lote malapit sa Maternio De Ale University, kung saan nanggaling ang Alpha Beta Phi fraternity ang kalabang ng Cryptics ng St. Ignacio University. St. Ignacio University is popularly known due to its elite students who are usually the heirs and heiress of their family who are Businessman, politicians, medical specialist and many more. Pagmamay-ari rin ito ng isa sa pinakamayamang angkan sa asya, ang mga Ferguson at shareholders naman nito ang mga kinapipintagang pangalan sa mundo ng negosyo. Pero sa nangyaring ito, tila may pagkukulang ang university sa pag didisiplina sa nag-iisang fraternity ng eskwelahan. Ano nga ba ang tunay na nangyari? Will John Ferguson allow this kind of attitude in this elite school?"
Nakaawang ang bibig at hindi makapaniwalang nakatingin si Rhiane sa tv. Tila nag hang ang buong katawan niya at isang bagay lang ang ang tumatak sa kanyang isip.
Darryl...
Agad siyang napatayo at dali daling kinuha ang cellphone sa study table.
Natatarantang di-nial niya ang number ni Darryl. Pero gaya kanina ay hindi ito ma contact.
Nahilot niya ang sintido at napapadyak padyak.
"Darryl ano ba..." naiiyak niyang sambit at di-nial ang number ni Sean.
"Hello, Rhi?"
"Sean! Sean I need your help!" natatarantang sambit niya sa kaibigan at tsaka nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Ano bang nangyari kasi, Darryl?
“Saan ba tayo pupunta, Rhi?”“I don’t know either Sean! Pero kailangan nating makita sina Darryl!”Kunot noong pinagmasdan ni Sean ang kaibigang halos maiyak na sa sobrang taranta.Hawak ni Rhiane ang cellphone at panay ang dial sa number ni Darryl pero wala pa rin.Maging ang mama nito ay hindi sumasagot. Malakas ang kutob niyang alam na ng papa niya ang nangyari kaya malamang ay baka nag me-meeting na ito at ang board lalo pa’t wala ito sa bahay.She needs to know Darryl’s situation. She’s damn sure that her father will take legal action once na napatunayang kasalanan ng fraternity ang nangyaring gulo! And she&rsqu
Dismissal time, gaya ng sinabi ni Rhiane, nagkita sila ni AJ sa parking lot. Gusto pa kasi sana nitong sunduin siya pero hindi siya pumayag dahil bukod sa malayo ang building nila at malaking abala ay ayaw niyang maintriga. Famous pa naman si AJ sa mga kababaihan. Baka ma stress siya lalo."Hey let's go," aniya rito pagkasakay niya sa frontseat ng itim nitong audi.Tumango naman ito at agad na pinasibad ang sasakyan."So saan ba tayo?" tanong nito sa kanya. Ibinigay niya ang address ng village nina Darryl.Wala pang thirty minutes ay narating na nila ang village nito.Pumarada ang kotse ni AJ sa isang malaking bahay. Kumikintab ang itim na gate nito at kitang kita
Tulalang nakaupo si Rhiane sa couch ng Ferguson Cafe. Nasa VIP silang dalawa ni Martina. Nakatunganga siya habang hawak ang frappe sa kanang kamay. Nasa tapat naman niya si Martina na nakatitig lang din sa kanya habang sumisipsip sa frappe nito."Uhmm. Should I call Darlene? Sean? Hyron? O pabalikin ko si.. fafa AJ?" She looks at him and was about to give her answer nang tumunog ang cellphone niya. Sabay silang napatingin doon.AJ calling...Nagkatinginan sila ni Martina at sabay na bumuntong hininga."Sagutin mo na 'yan. He might be really worried na. Kanina pa yan tawag nang tawag eh. Bakit kasi iniwan mo roon sa hospital?" Naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at inabot ang cellphone.After she broke down at the hospital ay iniwan niya si AJ at tinawagan si Martina. She told him everything that happened kaya ito ang kasama niya ngayon.
"Hey Rhi. " Tipid na ngumiti si Rhiane kay Finny.Tumabi ito sa kanya at dinungaw ang ginagawa niya."Review?" tanong nito. Tumango lang siya.Nasa student's lounge sila at kasalukuyan siyang nag rereview. Ang iba naman niyang kaibigan ay busy din sa mga requirements nila. Kaya kanya kanya muna sila ngayon."Hmm. Mukhang babalik na nga si Gail. Looks like Darryl’s going back too." Natigilan siya sa pagbabasa. Nilingon niya si Finnt na nakatingin din pala sa kanya."Na lift ang suspension niya. Okay na ba kayo?" Nagkibit balikat siya."I don't know Fins. Don't wanna talk about it," sabi niya na lang at muli
Jake John Montefalco:Welcome back bro! HAHAHAHAH Iingay na naman ang headquarters!'Yan ang nakita niyang caption sa isang group photo ng Cryptics na kuha sa labas ng Ferguson café.Naalala niya tuloy ang nangyari kanina.She looks at the picture. Bitterness swallowed her whole being upon seeing Darryl’s smile. Katabi nito si Gail.She forced a smile as she looks at the picture."Bakit ako lang 'yong nahihirapan Darryl? You're so unfair!" Marahas niyang pinahid ang mga luhang bumabagtas na naman sa kanyang mga pisngi.Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatunganga sa harap ng laptop niya habang umiiyak. Hindi na rin niya mabilang kung ilang balde na ang luhang iniluha niya ngayong araw.Mula pag-uwi niya ay 'yon lang ang ginawa niya. Tila hindi napapago
"Midterms over!" Napailing si Rhiane nang nagsiliparan ang mga reviewers ng kanyang mga kaklase.Natatawang niligpit niya na lang ang mga gamit at kinalabit si Martina."Canteen tayo. Dalian mo!" sabi niya pa at niyugyog ito."Grabe ha! Gutom na gutom lang te?!" tanong ni Martina sabay irap. Hindi niya ito pinansin at hinila na lang. Wala na rin namang nagawa si Martina kundi ang magpatianod sa kanya.Pagkarating ng canteen ay mangilan ngilan pa lang ang mga tao. Sila yata ang unang natapos sa exam next to nursing. Halos mga nursing students kasi ang naroon. Mukhang exhausted ang mga ito mula sa midterms.Natawa pa siya nang makita ang hitsura ng lalaki sa may dul
"Rhi please listen first!" Pilit na hinahablot ni Darlene ang braso ni Rhiane pero panay ang hawi ni Rhiane dito."Ate it's a no!" pasigaw niyang sambit at mabilis na naglakad sa kahabaan ng corridor."Why can't you listen first?!" sigaw naman ni Darlene at pilit na sinabayan siya sa paglalakad."C'mon Rhi, don't take this personally! It's not just about that! It's about charity!" Doon siya napahinto at marahas na hinarap ang kapatid."You can't just say that! Ate I can't be with them in one place for one fucking week! As much as I want to help I can't! Anong magagawa ko kung nakikita ko palang sila nawawala na ako sa focus?! I'm in a mess right now and being with them isn't a help!" Hingal na hingal siya pagkatapos sabihin 'yon.Agad siyang napaiwas ng tingin nang maramdaman ang panunubig ng kanyang mga mata. Si Darlene naman ay natanga sa kanya. Ki
Nakahanda na ang mga bagahe nina Rhiane at ng Ate niya sa sala nang dumating si Hyron kasama sina Sean, Finny at Megan."Here girls. Mag-iingat kayo roon ha?" Inabutan sila ng Mama Sofia nila ng ilang bills tapos ay hinalikan sa pisngi."Yes Ma. Ingat din po kayo," sagot naman ni Rhiane sa ina. Ngumiti lang ito sa kanila at binalingan na ang kanilang driver."Manong pakitulungan na lang sila na isakay 'tong mga bagahe," utos nito na agad namang sinunod ng driver nila.Nagyakapan pa ang mag-iina tapos ay nakiyakap na rin ang mga kaibigan nila.Matapos magpaalam ay sumakay na rin sila sa van na pagmamay-ari ng pamilya ni Hyron.Malaki ang naturang van. Twelve seaters hindi pa kasama ang driver at front seat kaya namang tuwang tuwa sila dahil maluwag na maluwag.Si Hyron ang nagda drive at si Sean naman sa front
"Morning sleepyhead." Napangiti si Rhiane nang bumungad sa kanya ang nakangising mukha ni Darryl.Sa halip na bumangon ay mas yumakap siya rito at pumikit."Inaantok pa ako," reklamo niya pa. Hinalikan nito ang buhok niya."C'mon, papatayin ako ni Tito pag di pa kita inuwi." Natawa siya sa sinabi nito.Last day ng bakasyon niya kahapon at nag bar sila nina Carise. Late na kaya sa condo siya ni Darryl nakatulog. Though naitext naman nito ang papa niya, still she's sure na galit na galit si John Ferguson ngayon."C'mon Rhi. First day mo," sabi pa nito. Dumilat siya at bumangon na rin.Yeah, fourth year na nga pala siya at ang boyfriend niya ay CEO lang naman ng Mongefalco Group of Companies."May damit ka pa naman yata diyan sa closet. Just take a bath and I'll drive you home. I'll just pick you up later. Hapon pa klase mo diba?" Tango lang ang isinagot niya
St. Ignacio University Graduation Day"Congratulations, graduates!" Samu't saring sigawan at hiyawan ang namayani sa buong Business Administration auditorium ng St. Ignacio University.Nakangiting pumapalakpak si Rhiane habang tinatanaq ang mga graduates na masayang masaya at inihahagis ang mga graduation cap sa ere."Ang bongga ni supremo!" tili ni Blake sa kanyang tabi. Mas lumapad ang ngisi niya at muling binalingan si Darryl na nasa harap at nagpapapicture kasama ang frat.Naiiyak siya sa nakikita niya at hindi niya alam kung bakit."Ang taray te! Teary eye ka na! Super proud nuh?!" sita pa ni Martina. Bahagya siyang natawa at hinampas ito. Inirapan lang siya nito.
All her life Darryl has always been supportive of her. Kahit na ayaw nitong nakikita siyang sumasayaw ng intimate dance lalo na at may partner, hindi na lang ito nagsasalita. He never nags her to quit or whatever. Sa tuwing may lakad sila ng barkada niya, ito palagi ang nag-aadjust kahit na gusto nitong magkasama sila. Kahit na gusto siya nitong sunduin at ihatid bawat klase niya ay hindi nito ginagawa dahil ayaw niya. Kahit na siya ang may kasalanan, ito pa rin ang gumagawa ng paraan na magkaayos sila.But with her, she always nags him, telling him what he should do just because ayaw niya ang ginagawa nito o ano. Ang selfish selfish niya.Pinunasan niya ang mga luha at tsaka tumayo at pumunta ng banyo. Hinubad niya ang dress pagkapasok at agad na ini-on ang shower. Hinayaan niyang bumagsak ang malamig na tubig sa kanyang katawan. She just wish those water could take
Sunday Morning.Matamlay na bumaba si Rhiane at nagtungo sa kanilang dining kung saan naghahanda na ang kanyang mama ng kanilang umagahan. Nandoon na rin ang mga kapatid niya."Morning Rhi!" nakangiting bati ng Ate Darlene niya na naghahanda ng mga plato Tinanguan niya lang ito at umupo na rin sa pwesto niya."Naga pakitawag ang papa mo sa garden nang makakain na tayo," ani ng mama niya bago inilapag ang kanin sa gitna ng mesa.Umupo na rin sa kani kanilang mga pwesto. Maya maya pa ay dumating na ang kuya at papa niya at nagsimula na silang kumain. As usual ay kadalasan business na naman ang pinag-uusapan ng mga kapatid at papa niya na hindi naman siya maka relate relate kaya tahimik na lang siya.
"Hey tulala ka na naman." Nilingon niya si Sean na pinapasadahan siya ng tingin."Tss. Palagi naman simula noong.." Agad na natigil si Hyron nang tingnan niya ito. Yumuko ito at tumango tango lang.Ayaw niyang pag-usapan. She wants to keep it. Cause it's her pain alone."Lalabas kami mamaya baka gusto mong sumama," sabi pa ni Sean at tumabi sa kanya. Umiling siya rito."May review kami ni Martina mamaya tsaka may fitting ako ng damit," sagot niya rito. Kumunot ang noo ni Sean at tiningnan siya."Para saan ang fitting?" Bumuntong hininga siya at nagkibit balikat."In-invite ako ni AJ sa isang dinner ng family niy
Hinang hina si Rhiane pagkalabas niya ng kwarto. Agad na tumingala ang kapatid niyang nakahalukipkip sa may dingding."Rhi, what happened?" tawag nito sa kanya at agad siyang dinaluhan.Hinawakan siya nito sa balikat at sinalubong ang tingin niya. Umiling iling siya. Kasabay noon ay ang pag-init ng kanyang mga pisngi at ang pagdaloy ng bagong masaganang luha. Mula sa tahimik na pag-iyak ay lumakas iyon hanggang sa napayakap na lang siya sa kapatid at doon humikbi nang humikbi.Agad na naalarma ang mga kaibigan niya at lumapit na rin sa kanila. Ramdam na ramdam niya ang ang paghagod ni Darlene sa kanyang likod habang pinapatahan siya. Halos hindi na niya maaninag ang paligid dahil natatakpan ng mga luha ang kanyang mga mata.Humigpit ang yakap ni Darle
Tulala at gulat na nakatingin si Rhiane sa sinabi ni Darryl. Nanginginig ang mga panga niya, tila nalalakumos ang kanyanga dibdib. She badly wants to cry but she can't and she shouldn't!"H-Hindi 'yan ang ipinunta namin Darryl." Tumigil si Darlene at tumikhim."We're actually here to apologize and to say that the dissolvation letter is invalid. According to the school rules, you have not violated any fraternity rules and I know you're aware with that. I'm sorry. I'm sorry kung nadamay ang org. We took it personally. And another thing, about the commotion at the headquarters. T-That was very wron and we let our emotions take over, I'm sorry." Yumuko ito."Pero hindi namin pinagsisihan 'yan Montefalco ." Agad siyang napalingon kay Sean."Sean please...""Tss."Napapikit siya sa inakto nito. She can already feel the glares of the people in the room. Yumuko siya.
"I'm sorry. I didn't know it would end that way. Gusto lang sana talaga kitang pakainin at i-distract.""It's okay, alam ko naman 'yon." Marahan niyang pinahid ang halos natuyo ng luha sa kanyang pisngi."Tsk. Ang kapal din naman kasi talaga ng mukha niyang si Montefalco . Talagang ngayon pa siya gaganyan sa'yo. Tss.""Sshh. Tama na nga. Problema namin ito. Okay na akong maging listener ka." Nginitian niya ito."Sige na, J. I need to go." Bumuntong hininga na lang ito at tumango sa kanya.Bumaba na siya ng sasakyan. Kinawayan niya ito bago tuluyang pumasok sa gate nila.Nakita niyang nasa garahe na ang kotse ng papa niya so malamang nandoon na ang mga magulang niya. Pumasok na siya ng bahay pero agad din siyang natigilan nang marinig ang sigaw ng papa niya sa sala."Who told you to do this?! Hindi ko ka
Hindi nakatulog si Rhiane nang gabing iyon. Sari saring mga tanong ang laman ng kanyang isipan. Her decision to give up their relationship is final.His mom and sister keep on saying how dear she is to him pero bakit siya nasasaktan dahil dito? She wanted so much to give in pero inisip niya ang sarili niya. Ginawa na naman niya lahat para lang mag work sila pero wala pa rin.Naaawa siya kay Danelle. Hindi man niya alam ang buong storya, alam niyang may pinagdadaanang mabigat na problema ang pamilya nito ngayon. Gusto niyang tumulong but that would mean being with him again and she thinks she can no longer take that. Magkakasakitan lang sila ulit. Mas masasaktan lang siya."Rhi, ito na 'yong magiging line up ninyo. Dito kayong apat nina Carise, Finny at Fretzie sa pinaka harap. Dito sa kanan niyo a