Tulalang nakaupo si Rhiane sa couch ng Ferguson Cafe. Nasa VIP silang dalawa ni Martina. Nakatunganga siya habang hawak ang frappe sa kanang kamay. Nasa tapat naman niya si Martina na nakatitig lang din sa kanya habang sumisipsip sa frappe nito.
"Uhmm. Should I call Darlene? Sean? Hyron? O pabalikin ko si.. fafa AJ?" She looks at him and was about to give her answer nang tumunog ang cellphone niya. Sabay silang napatingin doon.
AJ calling...
Nagkatinginan sila ni Martina at sabay na bumuntong hininga.
"Sagutin mo na 'yan. He might be really worried na. Kanina pa yan tawag nang tawag eh. Bakit kasi iniwan mo roon sa hospital?" Naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at inabot ang cellphone.
After she broke down at the hospital ay iniwan niya si AJ at tinawagan si Martina. She told him everything that happened kaya ito ang kasama niya ngayon.
She pressed the end call botton at binalik ito sa mesa. Nag aalalang tumingin sa kanya si Martina.
Natulala na naman siya.
Ilang minuto siyang ganoon hanggang sa nagpasya siyang tumayo. Dinampot niya ang bag at dire diretsong umalis doon. Naiwan si Martina na tawag nang tawag sa kanya.
Hindi niya ito pinansin at agad na pinara ang unang taxi na dumaan.
"Ferguson Residences," tanging sabi niya sa driver bago sumandal sa upuan at pumikit.
She needs to think and to do that she needs to be alone first.
Nang makarating sa bahay nila ay dumiretso siya sa kwarto at pabagsak na dumapa sa kama. Sa sobrang pagod at pamumugto ng mata ay agad siyang nakatulog.
○○○○
Nagising si Rhiane sa isang tapik. Naalimpungatan man ay pinilit niyang dumilat. Kinusot kusot niya pa ang kanyang mata para maaninaw kung sino ang gumising sa kanya.
"Dinner time. Pinapatawag ka na ni Mama," naka pameywang na sabi ni Darlene tsaka siya pinanlakihan ng mata na as if may alam ito.
"Mag ayos ka muna bago bumaba," pahabol nito bago lumabas ng kwarto.
Napabuntong hininga siya at nagpasyang bumangon na. Nag half bath muna siya at nagpalit ng pajamas. Pagkatapos ng kanyang ritual ay bumaba na siya.
Kompleto ang pamilya pagkababa niya at parang siya na lang yata ang kulang.
"Merian umupo ka na at nang makakain na tayo," utos ng Mama Sofia niya.
Umupo naman siya sa upuan niya katabi ng kay Darlen. Nagdasal sila tapos ay tahimik na kumain. May ilang casual talks pero di ganoon ka ingay.
"I'm done," sabi niya sabay tayo at lagay ng plato at kubyertos sa may lababo. Napatingin ang lahat sa kanya.
"May sakit ka Rhi?" tanong ng mama niya.
Tipid siyang ngumiti at umiling. Tinitigan lang siya nito na parang hindi ito naniniwala pero kalaunan ay bumalik na rin ito sa pagkain. Tumalikod na rin siya at pumanhik sa itaas.
Pagkapasok ng kwarto ay agad niyang pinatay ang ilaw at nagtalukbong ng kumot.
Walang tigil ang pag vibrate ng cellphone niya sa loob ng bag niya na nasa side table lang.
Bumuntong hininga siya at inabot 'yon. She unlocked it and saw her barkada's gc flooded with messages and most of them are ranting.
She also checks her inbox at ang mga ito lang din ang laman. Ni scroll niya lang ang mga message ng mga ito pero ni isa ay wala siyang nireplyan.
Napapikit siya at maya maya pa ay tumunog na naman ang cellphone niya. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang text ni Jake.
From: Jake Montefalco
Rhi, I know everything's a mess right now but please don't give up on him. Magpalamig muna kayong dalawa. Darryl's not cheating on you.
Naipikit niyang muli ang mga mata sa nabasa. Her head is a mess too. Ang takot na ilang araw na niyang nararamdaman ay palala ng palala. Bakit ba nangyayari ito sa kanila? Hindi niya alam kung anong gagawin o kung anong paniniwalaan. She's totally confused.
"Rhi?" Naibaling niya ang atensyon sa may pinto kung saan nakadungaw ang ate Darlene niya.
Bumuntong hininga siya. Pumasok naman ito at agad na dumalo sa kanya.
"Ano bang nangyari? The commotion in the hospital is already in the gossip site. Na post na naman ng mga usisera. Blake was bugging me earlier. Ano ba talagang nangyari?" Nag-aalalang niyakap siya nito. Nanubig na naman ang gilid ng kanyang mga mata.
Niyakap niya pabalik ang kapatid at ibinaon ang kanyang mukha sa balikat nito. Lahat ng sakit, takot, pag-aalala at pag-aalinlangan ay iniyak niya at walang sawa siyang pinatahan nito.
○○○○
"Ano na ang gagawin mo ngayon?" nakakunot noong tanong ni Darlen kay Rhiane.
Nasa kwarto pa rin niya ang kapatid at ilang oras siya nitong hinayaang umiyak hanggang sa napagod at kusa nang tumigil ang mga luha niya.
Umayos siya ng upo at niyakap ang malaking unan niya.
"Ewan ko. Hindi ko alam." Bumuntong hininga siya. Si Darlene naman ay napatitig lang sa kanya.
"Hmm. Alam mo, bakit hindi mo na lang sundin 'yong sinabi ni Jake? Pag kasi pinilit mo baka talagang mag end na kayo." Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha.
"Pero ayoko nang ganito. Hindi kami maayos. Tapos galit pa siya sa'kin."
"Pero pag pinilit mo siya ngayon baka mas lalong lumala. You wouldn't like that." Napapikit siya at tinanggal ang mga kamay sa mukha.
"Just let him be first, Rhi. Kagaya ng sinabi niya." Huling sinabi ni Darlene bago siya tinapik sa balikat.
"Matulog ka na. Don't stress yourself. You need rest," pahabol nito bago lumabas ng kwarto niya.
Wala na rin siyang nagawa kundi ang humiga at magtalukbong ng kumot.
○○○○
"Rhiane tara na."
"Nandiyan na."
It's another day. Palapit na palapit na ang midterms pero tila nawala ito sa isip ni Rhiane dahil sa nangyari sa kanya nitong nakaraang mga araw.
Para na nga siyang zombie na bumangon sa hukay dahil sa sobrang laki ng eyebags niya.
"Sa cafeteria na lang tayo magkita mamaya, Rhi. Then diretso na tayo sa cafe. May group study sina Finny. You can bring Martina," bilin ng ate niya bago sila naghiwalay ng daan. Sinang-ayunan niya na lang ito.
Bumuntong hininga siya at matamlay na binagtas ang corridor ng Political Science building. Alas dies na ng umaga kaya mangilan-ngilan na lang ang mga studyanteng nakakasabay niya.
"Nako buti nga nakabalik na si Mistress Gail eh."
"Yes. It's so brave of supremo to do that kind of sacrifice nuh?"
"Oo nga. Hayy bagay na bagay talaga sila."
"Sus! Sinabi mo pa!"
Sandali siyang napahinto nang lumagpas ang tatlong babaeng 'yon. She smirked bitterly.
Wow. Hindi pa nga kami naghiwalay andami nang abangers.
Marahas siyang napairap at tsaka nagmartsa paalis doon.
Kung bakit ba kasi ang hilig magpalakad ng chismis ng mga tao? Ang insensitive pa! Can't they just have their own lives and mind their own businesses?!
Dahil sa inis, inirapan niya na yata lahat nang nakakasalubong niya. Hanggang sa makarating siya sa classroom ay wala siyang pinansin ni isa sa mga studyante.
"Rhi," tawag ng kararating lang na si Martina. Nilingon niya ito.
Malungkot itong ngumiti tsaka tumabi sa kanya.
"Uhmm wit ko na itatanong kung okay ka. Knows ko na nakasalubong mo na ang mga mahaderang mga palaka. Kalat na rin sa buong campus," malungkot nitong sabi at hinaplos ang kanyang likod.
Kumunot ang noo niya.
"Ang alin? Ang nangyari kahapon? Ano na naman ang issue sa gossip site? Na break na kami? Na bagay sila ng Gail na 'yon? Tss. Edi magsama sila." Pabagsak niyang ibinagsak ang mga libro sa kanyang armchair.
Ngumuso si Martina at hinawakan siya sa balikat.
"Chill lang. Maaayos niyo rin 'yan. 'Wag mo na lang pansinin ang mga echuserang froglet na 'yan," pampatahan nito sa kanya. Hindi siya sumagot.
Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. Nang kalmado na ay sinamaan niya ng tingin ang mga studyanteng nagkumpulan sa labas bago ibinaling ang atensyon sa mga librong para sa klase niya. Walang nagawa si Martina kundi ang ibaling na lang din ang atensyon sa gamit nito.
Alam niyang gossip site na naman ang patutunguhan ng mga 'yon. But she doesn't care. Tutal 'yon lang naman ang kaya ng mga 'yon; Ang magkalat ng chismis. Mas marami siyang dapat problemahin. She just really hates it when someone spreads false rumors lalo na't wala namang alam at hindi naman talaga directly involved.
Itinuon na lang niya ang pansin sa mga reviewers at nag advance reading para sa subject niya.
Lunch time nang magkasamang kumain si Martina, Rhiane at Megan. Ang iba niya kasing mga kaibigan at ang ate niya ay may klase pa kaya silang tatlo na lang ang nagsabay mag lunch.
Ramdam na ramdam niya pa ang paninitig ni Megan habang umu-order sila. For sure gusto nitong magtanong pero hindi naman nito tinutuloy at bumubuntong hininga na lang. Hindi na rin naman siya inusisa ni Martina.
Swerte na rin at walang mga usiserang nagchichikahan malapit sa kanila.
"Doon na tayo." Tinuro niya ang sulok na lamesa ng cafeteria. Sabay na tumango naman ang dalawa kaya naglakad na sila papunta roon dala dala ang mga orders nila.
Magkatabi sila ni Megan at nasa tapat naman nila si Martina.
Tahimik silang kumakain nang napuno ng tawanan ang buong cafeteria. Sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng tawanang 'yon kasama ang iba pang mga studyante.
Hindi naman sila nabigo dahil saktong pag lingon nila ay ang pagpasok ng Cryptics Fraternity and Sorority.
They were so loud kaya talagang pinagtitinginan ang mga ito. Tatlong lalaki ang pumunta sa cashier at pumila. The others, on the other hand, arrange a very long table at the cafeteria's center at doon sila naupo. Huling umupo ang big three. Hindi na siya nagtaka pa na wala si Darryl. Suspended ito at malamang kasama na naman ni Gail sa hospital. Napairap siya sa naisip at tiningnan ang mga studyante.
The students are in awe. Sino nga ba namang hindi, their presence screams dominance. Ni hindi matanggal ang mga titig ng mga ito sa grupo lalong lalo na sa big three at mga babaeng kasama ng mga ito.
Hindi niya alam kung nagkataon lang ang mga upuan nila o talagang sinadyang pagpares paresin sila. Shun and Alice are sitted beside each other so as Kier with the girl na sumalubong sa kanila ni AJ sa hospital noon. So parte rin pala ito ng sorority. Napailing siya. Pati ang ibang babae ay may kapares din na fratmen.
"Wow. The manwhore and the whore," dinig niyang sambit ni Megan habang matalim na nakatitig kay Shade at Alicia.
"Pag ako napuno talagang kakalbuhin ko 'yang babaeng 'yan at isa pa 'yang Mr. Pa fall na 'yan. Nakakabuwisit," dagdag pa nito at tinusok tusok ang burger na nasa plato niya.
"Megan, shut it. Not here," pigil niya sa kaibigan. Umirap si Megan na nagpalunok kay Martina.
"I know what happened in the hospital Rhi. We ain't dumb. Alam ko rin ang katarantaduhang ginawa ng leader niya sa'yo. " Nasapo niya ang noo sa sinabi nito.
"Megan please. Ayokong pag-usapan. Please lang. I'm really not in a good mood for that. Please." Agad na dumapo ang kamay ni Martina sa likod niya para patahanin siya. Bumuntong hininga si Megan.
"Sorry. Fine, magtitimpi na. Just always remember that I'm always here for you." Ngumiti ito sa kanya at bahagya siyang niyakap. Ginantihan niya rin ito ng yakap at tinanguan.
Naunang tumayo si Megan at kinuha ang bag nito.
"Tara na?" tanong nito sa kanila. Sumunod na rin sila ni Martina.
Naunang maglakad si Megan. Siya ang nasa gitna at si Martina naman sa huli. Dinig na dinig niya ang mga singhapan ng mga studyante lalo na nang madaanan nila ang lamesa ng Cryptics.
Nagkasalubong pa ang mga tingin nila ni Aries pero agad din naman siyang nag-iwas at nagpatuloy na lang sa paglakad palabas.
"Hey Rhi. " Tipid na ngumiti si Rhiane kay Finny.Tumabi ito sa kanya at dinungaw ang ginagawa niya."Review?" tanong nito. Tumango lang siya.Nasa student's lounge sila at kasalukuyan siyang nag rereview. Ang iba naman niyang kaibigan ay busy din sa mga requirements nila. Kaya kanya kanya muna sila ngayon."Hmm. Mukhang babalik na nga si Gail. Looks like Darryl’s going back too." Natigilan siya sa pagbabasa. Nilingon niya si Finnt na nakatingin din pala sa kanya."Na lift ang suspension niya. Okay na ba kayo?" Nagkibit balikat siya."I don't know Fins. Don't wanna talk about it," sabi niya na lang at muli
Jake John Montefalco:Welcome back bro! HAHAHAHAH Iingay na naman ang headquarters!'Yan ang nakita niyang caption sa isang group photo ng Cryptics na kuha sa labas ng Ferguson café.Naalala niya tuloy ang nangyari kanina.She looks at the picture. Bitterness swallowed her whole being upon seeing Darryl’s smile. Katabi nito si Gail.She forced a smile as she looks at the picture."Bakit ako lang 'yong nahihirapan Darryl? You're so unfair!" Marahas niyang pinahid ang mga luhang bumabagtas na naman sa kanyang mga pisngi.Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatunganga sa harap ng laptop niya habang umiiyak. Hindi na rin niya mabilang kung ilang balde na ang luhang iniluha niya ngayong araw.Mula pag-uwi niya ay 'yon lang ang ginawa niya. Tila hindi napapago
"Midterms over!" Napailing si Rhiane nang nagsiliparan ang mga reviewers ng kanyang mga kaklase.Natatawang niligpit niya na lang ang mga gamit at kinalabit si Martina."Canteen tayo. Dalian mo!" sabi niya pa at niyugyog ito."Grabe ha! Gutom na gutom lang te?!" tanong ni Martina sabay irap. Hindi niya ito pinansin at hinila na lang. Wala na rin namang nagawa si Martina kundi ang magpatianod sa kanya.Pagkarating ng canteen ay mangilan ngilan pa lang ang mga tao. Sila yata ang unang natapos sa exam next to nursing. Halos mga nursing students kasi ang naroon. Mukhang exhausted ang mga ito mula sa midterms.Natawa pa siya nang makita ang hitsura ng lalaki sa may dul
"Rhi please listen first!" Pilit na hinahablot ni Darlene ang braso ni Rhiane pero panay ang hawi ni Rhiane dito."Ate it's a no!" pasigaw niyang sambit at mabilis na naglakad sa kahabaan ng corridor."Why can't you listen first?!" sigaw naman ni Darlene at pilit na sinabayan siya sa paglalakad."C'mon Rhi, don't take this personally! It's not just about that! It's about charity!" Doon siya napahinto at marahas na hinarap ang kapatid."You can't just say that! Ate I can't be with them in one place for one fucking week! As much as I want to help I can't! Anong magagawa ko kung nakikita ko palang sila nawawala na ako sa focus?! I'm in a mess right now and being with them isn't a help!" Hingal na hingal siya pagkatapos sabihin 'yon.Agad siyang napaiwas ng tingin nang maramdaman ang panunubig ng kanyang mga mata. Si Darlene naman ay natanga sa kanya. Ki
Nakahanda na ang mga bagahe nina Rhiane at ng Ate niya sa sala nang dumating si Hyron kasama sina Sean, Finny at Megan."Here girls. Mag-iingat kayo roon ha?" Inabutan sila ng Mama Sofia nila ng ilang bills tapos ay hinalikan sa pisngi."Yes Ma. Ingat din po kayo," sagot naman ni Rhiane sa ina. Ngumiti lang ito sa kanila at binalingan na ang kanilang driver."Manong pakitulungan na lang sila na isakay 'tong mga bagahe," utos nito na agad namang sinunod ng driver nila.Nagyakapan pa ang mag-iina tapos ay nakiyakap na rin ang mga kaibigan nila.Matapos magpaalam ay sumakay na rin sila sa van na pagmamay-ari ng pamilya ni Hyron.Malaki ang naturang van. Twelve seaters hindi pa kasama ang driver at front seat kaya namang tuwang tuwa sila dahil maluwag na maluwag.Si Hyron ang nagda drive at si Sean naman sa front
"Uy dahan dahan kayo Beigi!" Halos mapairap si Rhiane sa pagsigaw ni Gail. Kung hindi lang talaga sa sitwasyon nila kanina pa rumolyo ang mga mata niya."Rhiane! Okay ka lang ba?!" tarantang sigaw ni Darlene tsaka tinulungan siyang makatayo.Umalalay na rin ang dalawa niyang kaibigang lalaki. Nang makatayo na siya ay binalingan naman niya si Darryl na tinutulungan ng mga ka frat nito."Shit," daing nito nang akmang itatayo na.Agad siyang naalarma at nilapitan ito. Hirap ito sa pagtukod ng kaliwang paa. Mukhang ito ang sumalo sa lahat ng bigat nila nang bumagsak sila kanina."Mukhang may sprain ka Darryl." Tiningnan niya ang paa nito at mukhang tama nga si Jake.
~Hit you with that ddu du ddu du!Ah yeah, ah yeah~Pilit na dinilat ni Rhiane ang mga mata at dahan dahang bumangon.Kinusot kusot pa niya ang mga ito para maka adjust sa liwanag.Anong oras na nga ba?Kinurap kurap niya ang mga mata at inabot ang cellphone na nasa katabi ng lampshade. Alas sais na pala ng umaga.Tiningnan niya ang katabing kama pero wala na roon ang ate niya. Kunot noong lumabas siya ng kwarto nila.Napangiwi pa siya habang pababang hagdan dahil sa dumadagundong na sounds.~Black pink! Hit you with that ddu du ddu du~"Ate ba't ang ing
Pagkabalik nila ng resort ay bagsak lahat sa kani kanilang mga kwarto. Hindi na nga nasunod ang orihinal na planong maliligo sila ngayong hapon dahil sa pagod.Pabagsak na humiga ng kama si Rhiane. Ang lambot ng kama at ang lamig ng aircon ang mas nagpapalala ng kagustuhan niyang matulog. Tiningnan niya ang kapatid sa kabila at nakitang himbing na himbing ito. Paniguradong ganoon din ang mga kaibigan niya.Bumuntong hininga siya at bumangon. She needs to freshen up first para mas masarap ang tulog.Tinungo niya ang banyo at nag half bath muna. Pagkatapos ay nagbihis siya ng oversized white shirt at isang itim na cotton shorts. Bumalik siya sa pagkakahiga. Patagilid niyang niyakap ang isang malaking unan tsaka nagtalukbong ng comforter.
"Morning sleepyhead." Napangiti si Rhiane nang bumungad sa kanya ang nakangising mukha ni Darryl.Sa halip na bumangon ay mas yumakap siya rito at pumikit."Inaantok pa ako," reklamo niya pa. Hinalikan nito ang buhok niya."C'mon, papatayin ako ni Tito pag di pa kita inuwi." Natawa siya sa sinabi nito.Last day ng bakasyon niya kahapon at nag bar sila nina Carise. Late na kaya sa condo siya ni Darryl nakatulog. Though naitext naman nito ang papa niya, still she's sure na galit na galit si John Ferguson ngayon."C'mon Rhi. First day mo," sabi pa nito. Dumilat siya at bumangon na rin.Yeah, fourth year na nga pala siya at ang boyfriend niya ay CEO lang naman ng Mongefalco Group of Companies."May damit ka pa naman yata diyan sa closet. Just take a bath and I'll drive you home. I'll just pick you up later. Hapon pa klase mo diba?" Tango lang ang isinagot niya
St. Ignacio University Graduation Day"Congratulations, graduates!" Samu't saring sigawan at hiyawan ang namayani sa buong Business Administration auditorium ng St. Ignacio University.Nakangiting pumapalakpak si Rhiane habang tinatanaq ang mga graduates na masayang masaya at inihahagis ang mga graduation cap sa ere."Ang bongga ni supremo!" tili ni Blake sa kanyang tabi. Mas lumapad ang ngisi niya at muling binalingan si Darryl na nasa harap at nagpapapicture kasama ang frat.Naiiyak siya sa nakikita niya at hindi niya alam kung bakit."Ang taray te! Teary eye ka na! Super proud nuh?!" sita pa ni Martina. Bahagya siyang natawa at hinampas ito. Inirapan lang siya nito.
All her life Darryl has always been supportive of her. Kahit na ayaw nitong nakikita siyang sumasayaw ng intimate dance lalo na at may partner, hindi na lang ito nagsasalita. He never nags her to quit or whatever. Sa tuwing may lakad sila ng barkada niya, ito palagi ang nag-aadjust kahit na gusto nitong magkasama sila. Kahit na gusto siya nitong sunduin at ihatid bawat klase niya ay hindi nito ginagawa dahil ayaw niya. Kahit na siya ang may kasalanan, ito pa rin ang gumagawa ng paraan na magkaayos sila.But with her, she always nags him, telling him what he should do just because ayaw niya ang ginagawa nito o ano. Ang selfish selfish niya.Pinunasan niya ang mga luha at tsaka tumayo at pumunta ng banyo. Hinubad niya ang dress pagkapasok at agad na ini-on ang shower. Hinayaan niyang bumagsak ang malamig na tubig sa kanyang katawan. She just wish those water could take
Sunday Morning.Matamlay na bumaba si Rhiane at nagtungo sa kanilang dining kung saan naghahanda na ang kanyang mama ng kanilang umagahan. Nandoon na rin ang mga kapatid niya."Morning Rhi!" nakangiting bati ng Ate Darlene niya na naghahanda ng mga plato Tinanguan niya lang ito at umupo na rin sa pwesto niya."Naga pakitawag ang papa mo sa garden nang makakain na tayo," ani ng mama niya bago inilapag ang kanin sa gitna ng mesa.Umupo na rin sa kani kanilang mga pwesto. Maya maya pa ay dumating na ang kuya at papa niya at nagsimula na silang kumain. As usual ay kadalasan business na naman ang pinag-uusapan ng mga kapatid at papa niya na hindi naman siya maka relate relate kaya tahimik na lang siya.
"Hey tulala ka na naman." Nilingon niya si Sean na pinapasadahan siya ng tingin."Tss. Palagi naman simula noong.." Agad na natigil si Hyron nang tingnan niya ito. Yumuko ito at tumango tango lang.Ayaw niyang pag-usapan. She wants to keep it. Cause it's her pain alone."Lalabas kami mamaya baka gusto mong sumama," sabi pa ni Sean at tumabi sa kanya. Umiling siya rito."May review kami ni Martina mamaya tsaka may fitting ako ng damit," sagot niya rito. Kumunot ang noo ni Sean at tiningnan siya."Para saan ang fitting?" Bumuntong hininga siya at nagkibit balikat."In-invite ako ni AJ sa isang dinner ng family niy
Hinang hina si Rhiane pagkalabas niya ng kwarto. Agad na tumingala ang kapatid niyang nakahalukipkip sa may dingding."Rhi, what happened?" tawag nito sa kanya at agad siyang dinaluhan.Hinawakan siya nito sa balikat at sinalubong ang tingin niya. Umiling iling siya. Kasabay noon ay ang pag-init ng kanyang mga pisngi at ang pagdaloy ng bagong masaganang luha. Mula sa tahimik na pag-iyak ay lumakas iyon hanggang sa napayakap na lang siya sa kapatid at doon humikbi nang humikbi.Agad na naalarma ang mga kaibigan niya at lumapit na rin sa kanila. Ramdam na ramdam niya ang ang paghagod ni Darlene sa kanyang likod habang pinapatahan siya. Halos hindi na niya maaninag ang paligid dahil natatakpan ng mga luha ang kanyang mga mata.Humigpit ang yakap ni Darle
Tulala at gulat na nakatingin si Rhiane sa sinabi ni Darryl. Nanginginig ang mga panga niya, tila nalalakumos ang kanyanga dibdib. She badly wants to cry but she can't and she shouldn't!"H-Hindi 'yan ang ipinunta namin Darryl." Tumigil si Darlene at tumikhim."We're actually here to apologize and to say that the dissolvation letter is invalid. According to the school rules, you have not violated any fraternity rules and I know you're aware with that. I'm sorry. I'm sorry kung nadamay ang org. We took it personally. And another thing, about the commotion at the headquarters. T-That was very wron and we let our emotions take over, I'm sorry." Yumuko ito."Pero hindi namin pinagsisihan 'yan Montefalco ." Agad siyang napalingon kay Sean."Sean please...""Tss."Napapikit siya sa inakto nito. She can already feel the glares of the people in the room. Yumuko siya.
"I'm sorry. I didn't know it would end that way. Gusto lang sana talaga kitang pakainin at i-distract.""It's okay, alam ko naman 'yon." Marahan niyang pinahid ang halos natuyo ng luha sa kanyang pisngi."Tsk. Ang kapal din naman kasi talaga ng mukha niyang si Montefalco . Talagang ngayon pa siya gaganyan sa'yo. Tss.""Sshh. Tama na nga. Problema namin ito. Okay na akong maging listener ka." Nginitian niya ito."Sige na, J. I need to go." Bumuntong hininga na lang ito at tumango sa kanya.Bumaba na siya ng sasakyan. Kinawayan niya ito bago tuluyang pumasok sa gate nila.Nakita niyang nasa garahe na ang kotse ng papa niya so malamang nandoon na ang mga magulang niya. Pumasok na siya ng bahay pero agad din siyang natigilan nang marinig ang sigaw ng papa niya sa sala."Who told you to do this?! Hindi ko ka
Hindi nakatulog si Rhiane nang gabing iyon. Sari saring mga tanong ang laman ng kanyang isipan. Her decision to give up their relationship is final.His mom and sister keep on saying how dear she is to him pero bakit siya nasasaktan dahil dito? She wanted so much to give in pero inisip niya ang sarili niya. Ginawa na naman niya lahat para lang mag work sila pero wala pa rin.Naaawa siya kay Danelle. Hindi man niya alam ang buong storya, alam niyang may pinagdadaanang mabigat na problema ang pamilya nito ngayon. Gusto niyang tumulong but that would mean being with him again and she thinks she can no longer take that. Magkakasakitan lang sila ulit. Mas masasaktan lang siya."Rhi, ito na 'yong magiging line up ninyo. Dito kayong apat nina Carise, Finny at Fretzie sa pinaka harap. Dito sa kanan niyo a