Another chapter later. Thank you.
“Noah!” Nagmamadali akong bumaba nang makita ko sa ibaba ang sasakyan na sumundo sa kanila ni ate Nikolay. Agad akong lumapit sa kaniya. Naka open arms pa ang dalawang kamay niya animo’y yayakapin ko siya. “Bakit ka nagsinungaling kay kuya Rio? Bakit mo sinabi sa kaniya na BOYFRIEND ko si Dan?” Nawala ang ngiti sa labi niya. Tumingin si ate Nikolay sa amin na puno ng pagtataka. “Nag-usap kayo?” seryosong tanong niya. “Oo,” “Naka move-on ka na sa kaniya Noelle. Huwag mo na siyang isipin pa.” What? Ano bang pinagsasabi niya? “Noah—“ “I did that para tigilan ka na niya. Alam nating kapatid lang ang turing ni kuya Rio sa ‘yo habang ikaw hindi ganoon sa kaniya. Sinabi ko na sa kaniyang may boyfriend ka na para malaman niya na hindi ka na bata.” Napahinto ako at napatitig sa kaniya. Pero bakit ginawa niya ‘yon? Para ano? “Noah! Bakit ba nakiki-alam ka? Bakit mo iyon ginawa?” halos salubong ang kilay ko sa harapan niya. “Gusto kong ma realize niya na hindi ka na dapat niya tratuhi
“What happened?” tanong ni Noah nang makauwi kami. Nagkatinginan kami ni ate Nikolay ngunit wala kaming sinabi sa kaniya. Umalis lang ako sa harapan niya. “Kamusta ang lakad?” tanong ni papa nang makita niya ako. “Ayos naman pa,” sagot ko at humaIik sa pisngi niya. “Mama mo?” “Nagpaiwan sila doon ni tita Cha. Nauna na kami ni ate umuwi kasi kailangan pa niyang kunin ang grades niya.” “Grades?” nagtatakang tanong ni Noah. “Oo,” sagot ko. Tumingin ako kay ate Nikolay na hindi makatingin kay Noah ngayon. Pinagkunutan ko silang dalawa ng noo. “Hi,” naagaw ang attention ko sa taong nasa sala. Daniel is here. “Ang aga mo, wala pa namang practice,” natatawang sabi ko at lumapit sa kaniya para yumakap. “Ayos lang. Tumulong ako kay tito sa pag-ayos ng sasakyan.” Tumingin ako kay papa na tuwang tuwa kay Daniel. “Ang galing ni Dharenniel, anak. Akalain mong naayos niya ang sasakyan ko?” Lumabi ako. Akala siguro nila hindi ko napapansin na ibinibida nila sa akin lagi si Daniel. “Sa kw
Ilang dance practice na ang nagawa namin. Pagod na pagod na ang paa ko dahil ilang oras na akong nakatayo. “Sampa ka na,” sabi ni Dan nang makita akong sumandal na sa dingding. Humaba ang nguso kong lumalapit sa kaniya. Nakabukas na ang dalawang kamay ko, ready na para sumampa sa likuran niya. Natatawa niyang hinintay ako na makasampa sa likuran niya. Para akong butiki na nakakapit ng husto sa leeg niya. “Sakit na ng paa ko Dharenniel.” “Tiis ganda, sabi mo. So magdusa ka,” agad ko siyang itinulak sa biro niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakapulupot sa leeg niya. “Hold tight,” sabi niya. Itinukod ko ang baba ko sa balikat niya at humawak ng mabuti sa kaniya. Hawak niya ang binti ko habang binabaybay namin ang exit. Ngunit nadatnan namin ang pamilya ko. Nakatingin si mama at papa sa amin ng may ngiti sa labi. “Naku Daniel, itong anak namin nagpapa baby na naman sa ‘yo,” sabi ni mama pero alam nila na wala akong gusto kay Daniel. Ilang ulit kong sinabi sa kaniya na
“Bakit ba kasi galit na galit ka?” tanong ni mama Kapilan. Alas dose na ng madaling araw. Nagising lang ako dahil nauuhaw ako. Pagkababa ko ay naabutan ko sina papa Grant, mama Kapilan, Noah, at mga magulang ko kasama ni kuya Rio. “Ma, hindi ko kilala iyong totoy o kung sino mang kutong lupa na iyon. You know how much I love Noelle. She’s my sister,” Nakatago ako dito malapit sa hagdanan at hindi magawang pumunta ng kusina. Hindi ko aakalain na may tipon tipon sila ditong gaganapin. “Rio, alam mo naman hindi ba na hindi na kayo bata ni Noelle? Hindi na bata si Noelle,” sabi ni mama Kapilan. “I know kaya nga nagulat ako na pasan siya ng totoy na iyon,” mahihimigan ang galit sa boses ni kuya. “Kilala namin si Daniel kuya,” boses iyon ni Noah. “And what’s wrong with that? Hindi ba lagi mo ring pasan noon si Noelle?” dagdag ni Noah. “Noah! Stop that,” mahinang sabi ni mama. Hindi ko alam anong reaction ni kuya sa sinabi ng kapatid ko pero wala akong narinig na sagot niya. “Anong g
Kinabukasan, ramdam kong nililimitahan nga ni kuya Rio ang galaw niya. Tipong no'ng makita niya 'ko ulit no'ng nag breakfast sila, tanging good morning lang ang sinabi niya at ibinalik na niya ang attention niya kina mama Kapilan. Humaba ang nguso ko sa ginawa niya. "Anak, umupo ka na at ng makakain na," sabi ni mama. Tumango ako at humaIik sa mga pisngi nila gaya ng nakagawian ko. Una mga magulang ko, kasunod mga magulang ni kuya Rio, at sinali ko siya bilang panghuli. Alam kong maraming mata ang nakatingin sa akin at pinapanood ako na humaIik sa pisngi ni kuya. Napaubo nga si Noah sa tabi. Lahat sila ay natigilan at kahit si kuya ay napahinto sa pagkain. Pero nagkunwari akong normal lang iyon. Normal lang naman talaga kasi ganoon ako sa kanila noon pa man. Walang pinagbago. "Let's eat?" Nakangiting sabi ko. Humanap ako ng mauupuan at nakitang occupy na lahat ng tabi ni kuya. Napapagitnaan siya ni Noah at ng mama niya. Kinuha ko ang upuan ko na nasa tabi ni mama at nilag
"Ate, iniiwasan ba ako ni kuya Rio?" tanong ko kay ate dahil kada nagtatagpo ang landas namin ay umiiwas siya. "Hindi naman yata. Bakit mo nasabi?" Tumingin ako sa unahan. Naroon si kuya kasama ng mga magulang ko. Nagsasalita siya at naroon ang pilyong ngiti sa labi. Si papa naman ay natatawa sa sinasabi niya. Mula no'ng nagpapansin ako sa kaniya ay ramdam ko ng iniiwasan niya ako. Ngayon nga ay birthday ni Noah at nasa isang beach resort kami. Naka bikini na ang ilan sa dumalo though close friends lang. Kahit mga magulang namin ay naka swim wear na rin. Si ate Nikolay ay naka swimsuit na. Ako, hindi pa. Nakasuot ako ng malaking t-shirt. "Feeling ko talaga ate iniiwasan niya ako," sabi ko kay ate Nikolay. Narito si Daniel, ilan sa mga kakilala ni kuya Rio at Noah saka friends nila na hindi ko kilala. Kung noon, bawal kaming makisali sa circle nila kuya, ngayon pwede na. Adult na kami. Bukas, 18 na ako. "Ate punta tayo sa kanila. Bibigyan ko lang si Noah ng gift," sabi ko. P
Igting ang panga niya habang nakatingin sa akin. Tipong oras na makalapit ako sa kaniya ay hindi siya mangingiming lunurin ako. “Rio— “That’s kuya for you young lady!” Sabi niya na medyo pagalit. “Ayaw ko nga. Hindi naman kita kuya!” Sabi ko at inikutan siya ng mata. Napamaang ang labi niya at hindi makapaniwalang sinundan ako nang tingin.. Nakakainis. Don’t tell me walang epekto sa kaniya ang katawan ko? At bakit siya galit? Ganito ba talaga siya? Ilang taon ko ring hinintay at pinagpaguran ang katawang ito pero wala lang sa kaniya? Nakakainis. “Anong ginagawa mo?” halos salubong na talaga ang kilay niya at hindi na maipinta ang mukha. “Anong ginagawa ko? Maliligo. Bakit? Bawal ba?” hindi ko mapigilang maging sarkasmo sa harapan niya. “Noelle, naiintindihan mo naman hindi ba kung ano ang sitwasyon natin?” Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko. Bumaba ang tingin niya doon at agad niyang itinaas pabalik sa mukha ko. Ayaw niya talagang tignan. Bakit? Ang sagwa ba ng dibdib ko
“Hinanda mo ba itong fireworks?” tanong ko. “Yes without planning to tell you. Bakit ka lumabas?” “Hinahanap ka,” nagpipigil na ngiti ko. Parang kanina lang para kaming aso at pusa. “Noelle!” Nagbabanta na sabi niya. Ngumuso ako at pinabayaan nalang siya. Tumingin ako sa kalangitan. “Bakit ka naman magpapahanda ng fireworks kung hindi mo lang din naman pala ako tatawagin?” “I was planning to celebrate your birthday alone. Ito lagi ang ginagawa ko every birthday mo.” Gulat na napatingin ako sa kaniya. Really? Hindi ba siya nagbibiro? Mukhang nagulat siya na nadulas siya. Tumikhim siya at lumayo sa akin ng konti. Hindi nalang ako nagtanong dahil baka mainis na naman siya pero nagpipigil ako ng ngiti ngayon. “Thank you for this Rio,” nakangiting sabi ko. “Stop calling me just by my name.” Seryosong sabi niya. Ngumuso ako at umiling. “Paano kung ayaw ko?” “Mag-aaway na naman ba tayo, Noelle?” malumanay na sabi niya. “Ayaw ko rin. Ayaw mo ba talagang tawagin kita sa Rio lang?”