Noelle in atapang era pero marupok pa rin. Opo. Si Noelle yan.
“Bakit ba kasi galit na galit ka?” tanong ni mama Kapilan. Alas dose na ng madaling araw. Nagising lang ako dahil nauuhaw ako. Pagkababa ko ay naabutan ko sina papa Grant, mama Kapilan, Noah, at mga magulang ko kasama ni kuya Rio. “Ma, hindi ko kilala iyong totoy o kung sino mang kutong lupa na iyon. You know how much I love Noelle. She’s my sister,” Nakatago ako dito malapit sa hagdanan at hindi magawang pumunta ng kusina. Hindi ko aakalain na may tipon tipon sila ditong gaganapin. “Rio, alam mo naman hindi ba na hindi na kayo bata ni Noelle? Hindi na bata si Noelle,” sabi ni mama Kapilan. “I know kaya nga nagulat ako na pasan siya ng totoy na iyon,” mahihimigan ang galit sa boses ni kuya. “Kilala namin si Daniel kuya,” boses iyon ni Noah. “And what’s wrong with that? Hindi ba lagi mo ring pasan noon si Noelle?” dagdag ni Noah. “Noah! Stop that,” mahinang sabi ni mama. Hindi ko alam anong reaction ni kuya sa sinabi ng kapatid ko pero wala akong narinig na sagot niya. “Anong g
Kinabukasan, ramdam kong nililimitahan nga ni kuya Rio ang galaw niya. Tipong no'ng makita niya 'ko ulit no'ng nag breakfast sila, tanging good morning lang ang sinabi niya at ibinalik na niya ang attention niya kina mama Kapilan. Humaba ang nguso ko sa ginawa niya. "Anak, umupo ka na at ng makakain na," sabi ni mama. Tumango ako at humaIik sa mga pisngi nila gaya ng nakagawian ko. Una mga magulang ko, kasunod mga magulang ni kuya Rio, at sinali ko siya bilang panghuli. Alam kong maraming mata ang nakatingin sa akin at pinapanood ako na humaIik sa pisngi ni kuya. Napaubo nga si Noah sa tabi. Lahat sila ay natigilan at kahit si kuya ay napahinto sa pagkain. Pero nagkunwari akong normal lang iyon. Normal lang naman talaga kasi ganoon ako sa kanila noon pa man. Walang pinagbago. "Let's eat?" Nakangiting sabi ko. Humanap ako ng mauupuan at nakitang occupy na lahat ng tabi ni kuya. Napapagitnaan siya ni Noah at ng mama niya. Kinuha ko ang upuan ko na nasa tabi ni mama at nilag
"Ate, iniiwasan ba ako ni kuya Rio?" tanong ko kay ate dahil kada nagtatagpo ang landas namin ay umiiwas siya. "Hindi naman yata. Bakit mo nasabi?" Tumingin ako sa unahan. Naroon si kuya kasama ng mga magulang ko. Nagsasalita siya at naroon ang pilyong ngiti sa labi. Si papa naman ay natatawa sa sinasabi niya. Mula no'ng nagpapansin ako sa kaniya ay ramdam ko ng iniiwasan niya ako. Ngayon nga ay birthday ni Noah at nasa isang beach resort kami. Naka bikini na ang ilan sa dumalo though close friends lang. Kahit mga magulang namin ay naka swim wear na rin. Si ate Nikolay ay naka swimsuit na. Ako, hindi pa. Nakasuot ako ng malaking t-shirt. "Feeling ko talaga ate iniiwasan niya ako," sabi ko kay ate Nikolay. Narito si Daniel, ilan sa mga kakilala ni kuya Rio at Noah saka friends nila na hindi ko kilala. Kung noon, bawal kaming makisali sa circle nila kuya, ngayon pwede na. Adult na kami. Bukas, 18 na ako. "Ate punta tayo sa kanila. Bibigyan ko lang si Noah ng gift," sabi ko. P
Igting ang panga niya habang nakatingin sa akin. Tipong oras na makalapit ako sa kaniya ay hindi siya mangingiming lunurin ako. “Rio— “That’s kuya for you young lady!” Sabi niya na medyo pagalit. “Ayaw ko nga. Hindi naman kita kuya!” Sabi ko at inikutan siya ng mata. Napamaang ang labi niya at hindi makapaniwalang sinundan ako nang tingin.. Nakakainis. Don’t tell me walang epekto sa kaniya ang katawan ko? At bakit siya galit? Ganito ba talaga siya? Ilang taon ko ring hinintay at pinagpaguran ang katawang ito pero wala lang sa kaniya? Nakakainis. “Anong ginagawa mo?” halos salubong na talaga ang kilay niya at hindi na maipinta ang mukha. “Anong ginagawa ko? Maliligo. Bakit? Bawal ba?” hindi ko mapigilang maging sarkasmo sa harapan niya. “Noelle, naiintindihan mo naman hindi ba kung ano ang sitwasyon natin?” Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko. Bumaba ang tingin niya doon at agad niyang itinaas pabalik sa mukha ko. Ayaw niya talagang tignan. Bakit? Ang sagwa ba ng dibdib ko
“Hinanda mo ba itong fireworks?” tanong ko. “Yes without planning to tell you. Bakit ka lumabas?” “Hinahanap ka,” nagpipigil na ngiti ko. Parang kanina lang para kaming aso at pusa. “Noelle!” Nagbabanta na sabi niya. Ngumuso ako at pinabayaan nalang siya. Tumingin ako sa kalangitan. “Bakit ka naman magpapahanda ng fireworks kung hindi mo lang din naman pala ako tatawagin?” “I was planning to celebrate your birthday alone. Ito lagi ang ginagawa ko every birthday mo.” Gulat na napatingin ako sa kaniya. Really? Hindi ba siya nagbibiro? Mukhang nagulat siya na nadulas siya. Tumikhim siya at lumayo sa akin ng konti. Hindi nalang ako nagtanong dahil baka mainis na naman siya pero nagpipigil ako ng ngiti ngayon. “Thank you for this Rio,” nakangiting sabi ko. “Stop calling me just by my name.” Seryosong sabi niya. Ngumuso ako at umiling. “Paano kung ayaw ko?” “Mag-aaway na naman ba tayo, Noelle?” malumanay na sabi niya. “Ayaw ko rin. Ayaw mo ba talagang tawagin kita sa Rio lang?”
Masaya ang debut pero nakakapagod. Kasama ko ang mga pinsan ko ngayon at mga tito at tita ko. Pero dahil ako ang debutant, palaging requested ang presence ko sa harap ng maraming tao. This is indeed a fairytale but my heart is pounding fast while I am dancing in front. My lips is smiling but my eyes linger to find him. Hindi ba siya dumalo? Sinasayaw na nila ako. From distant relatives to close one. Dahil marami akong tito, halos konti lang ang nakasayaw ko na outsiders. “Dalaga na ang baby Noelle namin,” sabi ni tito Kei na kamukhang kamukha ni papa. I pouted. “Kung wala ang debut ko tito, hindi kayo uuwi,” kunwari nagtatampo kong sabi. Deep in my heart, naiintindihan ko how busy they were. Nag-usap lang kami ni tito hanggang sa kay tito Mielo, lolo Xaver, lolo Fernandez, at papa Grant. Nandito sila pero hindi ko nakita si kuya Rio. “Pa, si kuya?” bulong ko kay papa Grant. “Your kuya is here. Hindi mo ba siya nakita?” Bigla akong nabuhayan nang sabihin iyon ni papa. Kuya Ri
“Aalis ka na ba mamaya?” tanong ko sa kaniya. “You want me to leave?” umiling ako sa kaniya. “I’ll stay until the party ends. May ibibigay ako sa ‘yo mamaya,” bulong niya bago ako dalhin sa pamilya ko na seryoso ng nakatingin sa amin. Wala silang sinabi at nagpatuloy ang event. Pero si Noah ay hindi nakapagpigil. “Nahihibang ka na ba, Noelle?!” Galit na sabi niya. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. “Bakit ba?” “Where’s Dan?” tanong niya. Doon ko lang naisip si Daniel. Where is he? “Congratulations for wasting such a good man for you, Noelle. Umuwi na siya matapos mo siyang iwan sa gitna para kunin si kuya Rio.” Tumiim bagang ako at galit na tinignan si Noah. “Bakit ba kontra ka Noah?” Ang galit sa mata niya ay naroon. Tipong konti nalang sasabog na siya. “Kung hindi ka pa titigil sa kahibangan mo kay kuya Rio, sisiguraduhin ko sa ‘yong ako ang hahadlang sa inyo.” Sabi niya at umalis. Tumingin ako kay ate Nikolay na tanging siya lang ang nakakita at nakarinig sa turan ni Noah
“NOELLE!” Tawag ni mama sa pangalan ko pero hindi ako nakinig. Isang buwan na mula no’ng debut. Ini-enjoy ko lang ang adulting. “Teiver! Tignan mo nga iyang anak mo!” Nilock ko ang pinto ng kwarto at agad na nahiga sa kama. Ang sarap pala maging adult. Nagagawa ko ng mag bar at uminom. Natulog ako at hindi inalala ang galit na mukha ni mama. My life, my rules. --------------------------- Pagkagising ko ay naabutan ko si Noah na nasa kwarto ko at galit na nakatingin sa ‘kin. “Uminom ka na naman?” “Bakit ba?” Paano ito nakapasok ng kwarto ko? “Noelle, hindi na ako natutuwa sa pinaggagawa mo. Nag ri-rebelde ka ba?” After no’ng debut, hindi ko na muli nakita si kuya Rio. Sa tingin ko ay sinabihan siya na huwag na akong kontakin dahil naka block na rin ako sa number niya. Ako rin ay pinagbawalan na puntahan siya. Binabantayan nila ang kilos ko. And other than that, hindi na rin nagpakita sa akin si Daniel. Alam kong umuwi siya sa probinsya pero hindi niya sinasagot lahat ng taw