Kung babalik kuryente mamaya, may another update. Sana babalik na. Lowbat na ako. Haha
Igting ang panga niya habang nakatingin sa akin. Tipong oras na makalapit ako sa kaniya ay hindi siya mangingiming lunurin ako. “Rio— “That’s kuya for you young lady!” Sabi niya na medyo pagalit. “Ayaw ko nga. Hindi naman kita kuya!” Sabi ko at inikutan siya ng mata. Napamaang ang labi niya at hindi makapaniwalang sinundan ako nang tingin.. Nakakainis. Don’t tell me walang epekto sa kaniya ang katawan ko? At bakit siya galit? Ganito ba talaga siya? Ilang taon ko ring hinintay at pinagpaguran ang katawang ito pero wala lang sa kaniya? Nakakainis. “Anong ginagawa mo?” halos salubong na talaga ang kilay niya at hindi na maipinta ang mukha. “Anong ginagawa ko? Maliligo. Bakit? Bawal ba?” hindi ko mapigilang maging sarkasmo sa harapan niya. “Noelle, naiintindihan mo naman hindi ba kung ano ang sitwasyon natin?” Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko. Bumaba ang tingin niya doon at agad niyang itinaas pabalik sa mukha ko. Ayaw niya talagang tignan. Bakit? Ang sagwa ba ng dibdib ko
“Hinanda mo ba itong fireworks?” tanong ko. “Yes without planning to tell you. Bakit ka lumabas?” “Hinahanap ka,” nagpipigil na ngiti ko. Parang kanina lang para kaming aso at pusa. “Noelle!” Nagbabanta na sabi niya. Ngumuso ako at pinabayaan nalang siya. Tumingin ako sa kalangitan. “Bakit ka naman magpapahanda ng fireworks kung hindi mo lang din naman pala ako tatawagin?” “I was planning to celebrate your birthday alone. Ito lagi ang ginagawa ko every birthday mo.” Gulat na napatingin ako sa kaniya. Really? Hindi ba siya nagbibiro? Mukhang nagulat siya na nadulas siya. Tumikhim siya at lumayo sa akin ng konti. Hindi nalang ako nagtanong dahil baka mainis na naman siya pero nagpipigil ako ng ngiti ngayon. “Thank you for this Rio,” nakangiting sabi ko. “Stop calling me just by my name.” Seryosong sabi niya. Ngumuso ako at umiling. “Paano kung ayaw ko?” “Mag-aaway na naman ba tayo, Noelle?” malumanay na sabi niya. “Ayaw ko rin. Ayaw mo ba talagang tawagin kita sa Rio lang?”
Masaya ang debut pero nakakapagod. Kasama ko ang mga pinsan ko ngayon at mga tito at tita ko. Pero dahil ako ang debutant, palaging requested ang presence ko sa harap ng maraming tao. This is indeed a fairytale but my heart is pounding fast while I am dancing in front. My lips is smiling but my eyes linger to find him. Hindi ba siya dumalo? Sinasayaw na nila ako. From distant relatives to close one. Dahil marami akong tito, halos konti lang ang nakasayaw ko na outsiders. “Dalaga na ang baby Noelle namin,” sabi ni tito Kei na kamukhang kamukha ni papa. I pouted. “Kung wala ang debut ko tito, hindi kayo uuwi,” kunwari nagtatampo kong sabi. Deep in my heart, naiintindihan ko how busy they were. Nag-usap lang kami ni tito hanggang sa kay tito Mielo, lolo Xaver, lolo Fernandez, at papa Grant. Nandito sila pero hindi ko nakita si kuya Rio. “Pa, si kuya?” bulong ko kay papa Grant. “Your kuya is here. Hindi mo ba siya nakita?” Bigla akong nabuhayan nang sabihin iyon ni papa. Kuya Ri
“Aalis ka na ba mamaya?” tanong ko sa kaniya. “You want me to leave?” umiling ako sa kaniya. “I’ll stay until the party ends. May ibibigay ako sa ‘yo mamaya,” bulong niya bago ako dalhin sa pamilya ko na seryoso ng nakatingin sa amin. Wala silang sinabi at nagpatuloy ang event. Pero si Noah ay hindi nakapagpigil. “Nahihibang ka na ba, Noelle?!” Galit na sabi niya. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. “Bakit ba?” “Where’s Dan?” tanong niya. Doon ko lang naisip si Daniel. Where is he? “Congratulations for wasting such a good man for you, Noelle. Umuwi na siya matapos mo siyang iwan sa gitna para kunin si kuya Rio.” Tumiim bagang ako at galit na tinignan si Noah. “Bakit ba kontra ka Noah?” Ang galit sa mata niya ay naroon. Tipong konti nalang sasabog na siya. “Kung hindi ka pa titigil sa kahibangan mo kay kuya Rio, sisiguraduhin ko sa ‘yong ako ang hahadlang sa inyo.” Sabi niya at umalis. Tumingin ako kay ate Nikolay na tanging siya lang ang nakakita at nakarinig sa turan ni Noah
“NOELLE!” Tawag ni mama sa pangalan ko pero hindi ako nakinig. Isang buwan na mula no’ng debut. Ini-enjoy ko lang ang adulting. “Teiver! Tignan mo nga iyang anak mo!” Nilock ko ang pinto ng kwarto at agad na nahiga sa kama. Ang sarap pala maging adult. Nagagawa ko ng mag bar at uminom. Natulog ako at hindi inalala ang galit na mukha ni mama. My life, my rules. --------------------------- Pagkagising ko ay naabutan ko si Noah na nasa kwarto ko at galit na nakatingin sa ‘kin. “Uminom ka na naman?” “Bakit ba?” Paano ito nakapasok ng kwarto ko? “Noelle, hindi na ako natutuwa sa pinaggagawa mo. Nag ri-rebelde ka ba?” After no’ng debut, hindi ko na muli nakita si kuya Rio. Sa tingin ko ay sinabihan siya na huwag na akong kontakin dahil naka block na rin ako sa number niya. Ako rin ay pinagbawalan na puntahan siya. Binabantayan nila ang kilos ko. And other than that, hindi na rin nagpakita sa akin si Daniel. Alam kong umuwi siya sa probinsya pero hindi niya sinasagot lahat ng taw
“NOELLE! COME HERE!” Sa akin nakapirmi ang masamang tingin ni kuya Rio. “Magtago ka lang sa likod ko. Ako bahala sa ‘yo,” sabi no’ng guard. Wow bumait. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa guard na ‘to. Nang hindi ako kumilos ay lumapit si kuya Rio. Agad sana siyang ibabalibag no’ng guard nang na counter attack ito ni kuya na para bang alam niya ang gagawin ng guard. “Kuya!” Gulat na sabi ko no’ng bumaliktad ang sitwasyon. Ang guard na ngayon ang nasa lupa habang hawak ni kuya ang braso nito na tila gusto niyang balian. Kinuha ni kuya ang kamay ko at dinala sa sasakyan niya. Wala siyang sali-salita na pumasok sa driver’s seat at pinaharurot ang sasakyan paalis ng bar. Tinignan ko siya. Hindi ko alam paano niya ako natunton. Wala naman akong sinabi kung saan ako nagtungo. Matapos niya akong e block, bigla siyang magpapakita at hihilahin ako ng basta basta. “Ibaba mo nalang ako diyan,” sabi ko sa kaniya. “Why would I?” masungit na sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. “
“Ako na magluluto,” namumulang sabi ko at hindi magawang tumingin sa kaniya. Hindi mawala sa isip ko kanina ang haIikan naming dalawa. Pakiramdam ko ay isang panaginip lang iyon at hindi nangyari. Ang init ng ng pisngi ko. Alam kong kasing mula ako ng kamatis ngayon. Napakamot siya sa sintido niya at gaya ko ay hindi rin mapirmi ang mata sa akin. Para siyang teenager na gaya ko. Naiiling ka rin ba sa akin ha Rio? Natawa tuloy ako. Bakit ba kami naiilang ngayon sa isa’t-isa? Ako na ang kusang lumapit sa kaniya at yumakap mula sa likuran niya. Ramdam ko talaga ang kaba niya dahil umaangat ang balikat niya. Humarap siya sa akin at niyakap ako pabalik. Mabuti at matangkad ako kaya hindi siya masiyadong nahirapan na yakapin ako. “Kinakabahan ka ba?” tanong ko. Hindi siya sumagot. Ganoon lang kami hanggang sa pareho na kaming kumalma sa isa’t-isa. Pero ang tenga niya ay namumula. Lihim akong napangiti. “Marunong ka bang magluto?” tanong niya tila nagbubukas ng usapan. No’ng high
Hinatid niya ako sa bahay namin pero habang nasa kotse pa kami ay hawak niya ang kamay ko. “Pwede bang ako ang magsabi sa pamilya ko tungkol sa nangyari sa atin kanina?” Alangan ang mata niya pero ayaw kong biglain ang pamilya ko. Kung ang paningin ng tao sa amin ay groomer si kuya Rio, hindi malayong ganoon ang iniisip ng pamilya ko sa amin. Bumuntong hininga siya at tumango. Nang makarating kami ay nadatnan na namin ang kapatid ko. Pagkababa ko ng sasakyan nakita ko na ang mukha ni Noah na parang bubuga na ng apoy. “MAAAA! NOELLE IS HERE!” Sigaw ni Noah kaya nagsilabasan ang buong pamilya ko loob ng bahay. Wala silang sinabi dahil nakapirmi agad ang paningin nila kay Rio sa likuran. “I’m sorry ma, pa. Kuya picked me up sa bar.” Sabi ko. “Pumasok ka na at Rio, salamat sa paghatid sa anak ko,” matigas na sabi ni papa. Tumingin ako kay Rio at nakitang tumingin rin ito sa akin pabalik. Hindi sigurado kung aalis ba siya o hindi. Pinanood namin ang sasakyan niya na umaalis at nan