Baka may udpate pa mamaya. Naiiyak pa rin kasi ako sa scene ni Noah at Noelle. T____T gusto ko pa dugtungan
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo," sabi ng katulong. Napaangat ako nang tingin at nakita ang puro pasang mukha ni Sean. Anong ginagawa niya dito? "Naiwan ng kapatid mo ang gamit niya," sabi nito sa akin sabay abot ng cellphone at wallet ni Noah. "Bakit alam mo ang bahay ni Noah?" napatingin ako kay Dan nang sabihin niya iyon. "He was the one who helped Noah earlier," sabi nito sa akin nang makita sa mukha kong naguguluhan. Napatingin ako kay Sean. "Tinulungan mo ang kapatid ko?" Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa mukha kong basa dahil sa pag-iyak. "Magkakilala kayo Noelle?" naguguluhang tanong ni Dan pero hindi ko siya sinagot. May kinuha si Sean sa bulsa niya at lumapit sa akin. Inabot niya sa akin ang panyo niya. Nasa akin pa nga ang unang panyo niya kanina. "Hindi ito Chanel pero malinis iyan," sabi niya at nilagay ang panyo sa kamay ko saka umalis. Ganoon rin ang sinabi niya kanina. Napatitig ako sa panyo na bigay niya at ginamit iyon para punasan ang luhang
Pinagsingkitan ko ng mata si Sean nang makita kong natatawa siya sa tabi ko. Nasa upuan kami dito sa malapit sa nagtitinda ng isawan. Tito niya pala si Mr. Bartender at napag alam ko na si Mr. Bartender pala may ari no'ng bar. Kaya malaya siyang iwan ang pwesto niya. Pero kanina pa niya ako sinisimangutan dahil wala daw siyang sahod sa araw na ito dahil sa amin ni Noah. Kaninang umaga, hinatid niya ako sa amin. Tas sunod si Noah naman ang sinaklolohan niya, ngayon naman ako ulit ang sinasamahan niya. "Ginawa mo talagang tulungan ang bar," natatawang sabi niya kaya napatingin ako sa suot ko. Nakapantulog na naman pala ako. Hindi ako sumagot at tumingin lang sa harapan. Iniisip ko kung kamusta na kaya si Noah at ate Nikolay. Si mama. Nahimatay siya kanina. Nag-aalala ako sa kaniya pero alam ko namang nandoon si tita at hindi siya no'n pababayaan. "Kahit pala ang mayamang gaya mo ay malaki rin ang problema sa mundo," sabi ni Sean sa akin. Dinadaldal niya ako imbes gusto ko l
I was silently crying inside my room. Nichole. I think she's Rio's great love. Grade school pa lang ako no'ng makita ko siya. That was the time that Rio came to me para iuwi ako sa amin. I met Nichole no'ng pauwi kami ni kuya, at nadatnan namin si Nichole palabas ng convenience store na bumili ng ice cream. That was my first heart break. That was the reason bakit nalaman ni papa na may gusto ako kay Rio. That was the reason, I distance myself from him. Ilang girlfriends na dumaan sa kamay ni Rio after kay Nichole but they still ended up together. And look! Magkaka anak na sila. Alam ba ng mga magulang niya ito? Halos hindi ako nakatulog. Maga ang mata ko no'ng lumabas ako ng kwarto but no one asked me what's happening to me. They assumed I cried because of what happened to Noah and ate Nikolay. Para akong robot buong mag-araw. Hindi kumain, walang ginawa kun'di tumunganga. Para akong latang gulay sa loob nga bahay. Busy sila lahat kay ate at Noah. Halos hindi hindi nila ak
“Noelle, may problema ba? Hindi mo pa rin ba ako pinapatawad doon sa hindi ko pagsipot sa resto?” sabi ni Rio nang lumabas ako sa kwarto ko. “Wala namang problema,” sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya ako sa siko ngunit instinct nagsabi na bawiin ang kamay ko. “I’m sorry,” sabi ko at naunang maglakad sa kaniya. Habang siya ay nagulat sa pagkuha ko sa kamay ko. “Hey baby,” kinabahan na ako dahil napatingin ang isang katulong sa amin sa sinabi niya. “Pwede ba hinaan mo ang boses mo?” sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya ako ulit sa kamay at pinaharap sa kaniya. “Mag-usap tayo Noelle.” Sabi niya, ang mata ay nag-aalala. “Bakit hindi mo ‘ko pinapansin?” para na siyang hindi mapakali habang nakatingin sa akin. Para bang may gusto pa siyang gawin maliban sa paghawak niya sa braso ko. Kinuha ko ang braso ko sa kaniya. Ayaw kong hawakan niya ako. “Noelle,” naiiyak na sabi niya. Nag-iwas tingin ako. Dumating si mama at naabutan niya kami ni Rio. Si Noah naman ay tahimik lang. “Ma, can you
Naghihintay na sa akin si Daniel sa plaza. Pagdating ko doon ay nakita ko siyang nakangiti at nakasuot ng pambahay na damit. Hindi man lang nag effort para sa date namin. “Anong nakain mo at naisipan mong e date ako?” nakangiting tanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan. Baka sabihin niya kay Noah. “Wala lang. Bakit? Bawal ilibri ko ang best friend ko?” Nakita kong ngumiti siya at agad akong hinila para yakapin. “Bantay sarado ka ng kuya mo. Hindi man lang kita magawang yakapin.” Sabi niya. Hindi ako sumagot sa sinabi niyang kuya. Hanggang ngayon ay napaka dense niya pa rin sa nangyayari sa amin ni Rio. Inaya ko siyang kumain at sagot ko lahat. Nag kwentuhan lang kami at binalikan namin ang mga panahon noong sophomore days namin kasama no’ng grade school. Natatawa kami kung paano niya ilarawan ang pagm@m*****a ko sa kaniya at ang pangungulit niya. Ganoon lang ang naging takbo sa pagkikita namin hanggang sa nagpadesisyunan na naming umuwi. Malapit lang itong plaza sa
“Please know that you’ll always be our daughter,” huling salita na narinig ko mula kay papa bago ako lumayo ng konti sa kanila ni ate Nikolay. Nag-iiyakan at nagyayakapan pa sila. Maiiyak lang ako habang nakikinig sa kanila. Ayaw kong makinig sa kahit ano mang pag-uusap nila. Kaya lumayo ako ng konti. Habang naghihintay ako dito sa tabi, lumapit naman sa akin ang isang lalaki na naka bonnet. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakamask ito. Hindi ko nalang pinansin at ibinalik ang attention kina mama. Nang makita na palapit na sila sa akin, agad na akong tumayo. “It’s time,” ani ni tita Cha kaya tumango ako. Oras na para iwan ko ang Pinas at lahat ng sakit na nandito. Lumapit pa ako kina mama para magpaalam lalo na kay papa. Papa is always a strong man pero lately, lagi ko siyang nakikita na malungkot at minsan ay umiiyak. Dahil siguro sa nangyayari sa amin magkakapatid. Kung kaya ko lang kontrolin ang nararamdaman ni Noah ate Nikolay, ginawa ko na sana. Bibigyan ko sila ng
“Sino iyon? Kilala mo ba?” nagtatakang tanong ni tita at tumabi pa talaga siya sa akin para lang matanong ako. “Ahh medyo po,” hindi ko siguradong sagot. Kilala ko si Sean pero hindi masiyado dahil nagtagpo lang naman ang landas namin sa bar. “Ano bang ginagawa ni Mielo at ang tagal?” inis na sabi ni tita. Natawa lang ako sa reaction niya dahil sure akong kawawa si tito mamaya. “Oh ayan na pala siya,” aniya nang makita ang sasakyan ni tito palapit sa gawi namin. Siya namang paglabas ni ate Nikolay mula sa pag bathroom break niya. I’d like to think na dahil naiihi siya kaya siya pumunta ng bathroom pero hindi magsisinungaling ang mata niya. Mugto ito at halatang umiiyak. “Tara na,” sabi ni tita sa amin at hindi nagkomento sa mukha ni ate. Alam kong alam niya na galing din si ate sa pag-iyak. Pagkapasok namin ng sasakyan, agad kaming humaIik sa pisngi ni tito at pinagalitan naman siya ni tita Cha. Para lang silang mga teenager sa lagay nila e. Malaki din ang age gap ni tita at
“Hi ate, Noelle, kuya Sean is here,” bungad sa aki ni Sofia nang makarating ako galing school. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling pumunta sa kaniya. “Sean!” Ngumiwi siya sa boses ko. Si tita Cha ay natawa. “Bakit na naman?” aniya “Payag ka na?” sabi ko. Nakagat niya ang pang ibabang labi niya. “Please Sean.. Keep this as a secret,” halos lumuhod na ako sa harapan niya para lang huwag niyang sabihin sa totoong ama niya kung nasaan ako. Agad niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko kung paano gawin iyon ni Rio. Kumabog ang puso ko. Si Rio ang naisip ko kaagad. “Sabi ko naman sa ‘yo na illegitimate child ako. Bakit mo naman naisip na magtutuos ang landas namin ng kuya-kuyahan mo?” Napapikit ako at hinila siya palabas ng bahay. 1 month na kami dito sa New York at naiinis pa rin ako sa lalaking ito kasi hindi siya pumapayag sa gusto kong mangyari. Anong gusto kong mangyari? Iyon ay ilihim niya kay Rio o sa kahit na sino sa pamilya niya sa Pinas na nandito ako at magkapit baha
Epilogue This is it! Napahawak ako sa kamay ni mama habang dinadala na ako sa labour room. Ang laki ng tiyan ko kasi totoo ang sinabi ni Rio. Magsisilang ako ng quadruplets kaya we were told na kailangan kong e cesarean. “Ma, si Rio, nakasunod ba?” “Hinila pa ng kapatid ko dahil nahimatay sa labas,” ang sabi ni mama. Ang dalawang papa ko naman ang siyang kumuha ng gamit na naiwan ni Rio sa bahay habang si mama Kapilan ang nakikipag coordinate ngayon sa mga doctor. “Ano ba naman itong si Rio!” Reklamo ko at napaigik dahil sumakit na naman ang tiyan ko. Ano ba naman iyan mga anak. Anong ginagawa niyo diyan magkakapatid? Nagbo-budots ba kayo? “Ma, gusto na yata talaga nilang lumabas.” Naiiyak na sabi ko. “Konting tiis nalang. Malapit na tayo,” sabi ni mama. Huminga ako ng malalim habang hinihintay na makarating ako sa kwarto ko. “Ma, pakisabi kay Rio na malalagot talaga siya sa akin matapos kong manganak.” Kung saan kailangan ko siya, saka pa siya nabubuang. Nang maipasok ako
Naalimpungatan ako at nakita si Rio na nasa gitnang bahagi na ng hita ko. Where’s my clothes? Napatingin ako sa gilid at nakita na nandoon na lahat at sira. “Rio, bakit mo naman sinira ulit?” Napahiga ako sa kama nang suklian niya ng pagsipsip ang sagot niya sa tanong ko. “Ahhhh—“ pahapyaw na da!ng ko ng pinasok ni Rio ang dalawang daliri niya habang busy naman ang dila niya doon. Bumilos ang paglabas masok niya when he felt how my flesh clenched his fingers and I came. Hinihingal ako no’ng siilin niya ko ng haIik sa labi. Mahina ko siya nasapak na ikinatawa niya. “Ang aga aga Rio,” actually, for five days na narito kami sa Rosario, ganoon niya ako ginigising. “That’s what I get for marrying a goddess,” Kinurot ko siya sa tagiliran at yumakap sa kaniya patagilid. “You’re doing that on purpose. Gusto mo ‘kong buntisin kaagad noh?” “Iyon din,” sabi niya at natawa. We’re on our 5th day of honeymoon now and we decided to do it in Rosario. After nito, aalis kami papuntang New Y
“Mommy, makapunta pa kaya ako sa Disneyland?” mahinang sabi ni Kath matapos kong isara ang librong ginamit ko sa kaniya.Binabasahan ko kasi siya ng lovestory. Nagkatinginan kami ni Rio na papunta na sa gawi namin.“Oo naman, baby. Bakit hindi?”Hindi siya sumagot. Isiniksik niya ang katawan niya sa katawan ko at niyakap ako ng mahigpit.“I don’t think so.. I’m so weak.” Sabi niya.“Don’t say that, baby.. Of course, gagaling ka. Brave ka kaya,” pang-aalo ko.“Thank you mommy. Goodnight,” at tuluyan na siyang natulog.Malungkot ang mata ni Rio habang nakatingin sa anak niyang mabilis na nakatulog sa tabi ko.HinaIikan niya ang bata. “She’ll be fine. Gagaling siya because your daughter is brave like you.”Tumango si Rio at tumabi sa amin ng higa.Agad niya kaming niyakap ni Kathleen.Kinabukasan, nang magising ako, nakita ko nalang na naghagikgikan ang dalawa sa tabi ko.Ang saya nila pagmasdan ni Rio.“Good morning,” sabi ko.“Good morning, mommy…”“Good morning, baby..” Sabay na sabi
“Ayos lang ba talaga sa inyo Rio, Noelle?” tanong ni Nichole habang kaharap kami. Tumango ako at sinabing, “oo”. “Sige na. Mag enjoy kayo,” sabi ni Rio sa kanila ni General. “Ayaw ko sana siya iwan pero kasi baka mamaya may mangyaring hindi maganda,” nag-aalalang sabi niya. Pupunta kasi sila sa isang isla na hindi na sinabi ni Nichole sa amin saang isla. May gaganapin daw party doon at hindi pwedeng mawala si Dille. 3 days silang mawawala kaya wala siyang choice kun’di iwan sa amin si Kathleen. “Naku! Ayos lang iyon, Nichole.” Sabi ko at ngumiti. “Princess, halika kay daddy,” ibinaba ni Dille si Kathleen at naglakad ito papunta kay Rio. Hindi pa rin maayos ang kalagayan niya at halata iyon sa mukha ng bata pero kahit papaano ay bumubuti naman. “Bye, mama, bye papa,” sabi ni Kathleen. Tumingin si Dille kay Nichole. “I can’t leave my daughter here, love. Hindi nalang kaya tayo tumuloy.” Rinig naming sabi ni Dille. “Pero hindi ba importante iyon?” sagot ni Nichole. “Pero si Kat
Nang makalabas si Rio sa hospital, pinili ko ng sa bahay nila mama Kapilan tumuloy. May permission naman nina mama at papa. Gusto ko sanang tabi kami sa kwarto pero ayaw naman niya at siya pa mismo nagsabi sa mga magulang niya na magkahiwalay damit kami ng kwarto. Para namang gagahasain ko siya. “Maya ka na lipat sa kwarto mo,” nakangusong sabi niya sa akin habang pinapainom ko sa kaniya ang gamot niya. Kung pwede ko lang siyang kurutin ay ginawa ko na. “May pasabi sabi ka pa na dapat hindi tayo same ng room e ikaw naman itong gusto pa lang tabi tayo.” “E dapat kasi firm ako sa pangako kong birhen kitang ihaharap sa altar.” Agad ko siyang sinimangutan. “May sakit ka na nga’t lahat lahat, iyan pa rin ang iniisip mo? Bakit? Hindi ba pwedeng tabi tayo matulog na hindi mag si-sex?” Nakagat niya ang pang ibabang labi niya para pigilan na matawa. Agad niyang kinuha ang kamay ko at hinila pahiga sa tabi niya. “This is surreal,” aniya. “Indeed.” Nakatalikod ako sa kaniya habang nak
NOELLE DONIO TEJADA “Baby,” nag-angat tingin ako at nakita si Rio na nakatingin sa akin. Agad nanubig ang mata ko nang makita siya. “Rio,” malalaki ang hakbang niyang lumalapit sa akin at agad akong niyakap. Umiyak ako. Bumalik ang takot sa puso ko no’ng nasa bahay ako ni Rick at nakakulong. Buong akala ko ay hindi ko na mayayakap pa si Rio. Akala ko ay hindi ko na siya makikita pa. Buong akala ko ay mamamatay na ako. Mas humigpit ang pagyakap ko sa kaniya ay humagolhol sa dibdib niya. “I’m sorry baby.. I’m sorry,” mga bulong niya sa akin. Pinatakan niya ng mabababaw na haIik ang ulo ko habang mahigpit akong niyakakap pabalik. Nang ilayo ko ang ulo ko sa kaniya, nagtagpo ang paningin namin. “Natakot ako.. Kasalanan ko kung bakit namatay si D-Dan,” umiiyak na sabi ko. Ngumiti siya at umiling sabay pahid ng luha sa mata ko. “Wala kang kasalan. Hindi mo kasalanan lahat.. You hear me, baby? Wala kang kasalanan..” Natahimik ako. Dahan-dahan akong tumango. Dinala niya ulit a
Noah Tejada Ilang araw na pero wala pa ring balita kung saan possibleng dinala ni Dan si Noelle. “Bakit ba kasi hindi ko pa binalik ang anklet?” balisang sabi ni kuya sa sarili. Lahat naka antabay sa ibabalita ng informant kung saan pwedeng dinala si Noelle. “Rio,” napatayo ako at nakita si Dille na paparating. “No traces kung saan dinala si Noelle. Suspetya namin ay nasa lugar siya kung saan nagtatago ngayon si Belerick.” Napaupo si kuya Rio sa sahig habang ako ay nakakuyom ang kamao. Hindi ko mapapatawad si Daniel oras na mapahamak ang kapatid ko. “Dille, saan ba possibleng nagkukuta si Rick?” “Hindi ko masasagot Noah. Wala pa ring balita mula sa mga tao ko but please know na ginagawa namin ang lahat,” sabi ni Dille. Alam ko. Kahit ang mga informants namin ay wala ring sinabi tungkol sa possibleng pinagdalhan ng gagong Dan na iyon sa kapatid ko. Oras na makita ko ang gagong ‘yon, papatayin ko siya. “Noah,” napatingin ako kay papa na kakarating lang. “Si mama?” ilang araw
Mga tawanan ang naririnig ko sa labas at labis ang kaba ko habang nakikinig sa kanila. Sabado na ngayon ng gabi at ito ang araw na sinasabi ni Dan. Abot hanggang langit ang kaba ko habang pinapakinggan ang mga boses nila. Hanggang sa biglang tumahimik. Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Dan. Agad siyang lumapit sa akin. “Shh…” Ang sabi niya sabay tanggal ng posas sa paa ko. “Dan,” “Aalis na tayo… e uuwi na kita,” bulong niya. Tumulo ang luha ko at tumango. Pinagsiklop niya ang kamay namin dalawa. Lumabas kami ng kwarto ko at agad niya akong hinila palabas ng mansion. Ngunit dahan-dahan ang paglakad-takbo namin dahil nagkalat ang mga tauhan ni Rick sa buong bahay. “Dito tayo dumaan,” sabi ni Dan. May hawak siyang baril sa isang kamay niya. Papaliko na kami ng hallway nang bumulaga sa amin ang mga tauhan ni Rick. “NOELLE, YUKO!” Tumakbo kami ng mabilis dahil hinahabol na kami ng mga tauhan ni Rick. Puro mga putukan ng baril ang naririnig ko at halos hindi ko na al
“DAAAN!” Sigaw ko. Nagmamadali si Dan sa pagpunta pabalik sa akin habang ang luha ko ay sunod sunod na sa pagtulo. “Noelle!” Niyakap ako ni Dan nang makabalik siya at ako ay umiiyak sa dibdib niya. “Dan, dinilaan niya ang leeg ko,” sumbong ko habang umiiyak. “Chill, Dan, wala akong ginagawang masama sa kaniya,” naunuwayang sabi ni Rick. “Alam mo ano ang masama na tinutukoy ko. Simpleng pagdila sa leeg niya ay hindi niya ikamamatay,” at tumawa siya ng malakas. Nanginginig ako sa takot. Hindi ko kayang tagalan ang kuya ni Dan. “Kuya naman. Huwag mo namang galawin si Noelle.” “Of course baby brother. Pag-aari mo siya hindi ba?” Hindi na sumagot si Dan. Pero ramdam ko ang mariin na titig ni Rick sa mukha at katawan ko. “Sa kwarto nalang tayo kakain,” bulong ni Dan sa akin. Tumango ako at inakay niya ako pabalik sa kwarto na pinagdalhan niya sa akin dito. Hindi pa rin matigil sa pagtulo ang luha ko. Natatakot ako lalo’t sobrang manyak makatingin ng mga tauhan ni Rick sa akin. Al