Muling nagpalakpakan ang audience, at kitang-kita sa mukha ng ibang designers ang paghanga."At hindi lang ito tungkol sa fashion," dagdag ni Apple. "Wedding Imperial is about empowering women, about telling them that no matter what they’ve been through—heartbreaks, failures, doubts—they can rise again, stronger and more beautiful than ever."Sa huling bahagi ng kanilang presentation, isang malaking palakpakan ang umalingawngaw sa buong convention hall. May halong paghanga at respeto ang tingin ng mga tao sa kanila.Si Apple, hindi mapigilang mapangiti."We did it, Mia."Mia wiped a tear. "No, Apple. You did it."Habang nagpatuloy ang kasiyahan, isang hindi inaasahang bisita ang dumating.Si Lance.Sa pagbukas ng glass doors ng opisina, lahat ng mata ay napunta sa kanya. Nakatayo siya roon, suot ang isang simpleng itim na coat, pero ang pinakamapapansin ay ang ekspresyon sa mukha niya—isang halo ng pag-aalinlangan, pangungulila, at pagsisisi.Napansin siya ni Apple, pero imbes na magu
Isang Linggo Pagkatapos ng Tagumpay sa Paris Pagbalik nina Apple at Mia sa Pilipinas matapos ang matagumpay na business expansion sa Paris, agad silang sinalubong ng kanilang team sa Wedding Imperial. Ang opisina ay puno ng kasiyahan at pag-asa para sa mga bagong oportunidad na dala ng kanilang international venture. "Apple, ang dami nang inquiries mula sa Europe!" masayang balita ni Mia habang hawak ang isang tablet na puno ng mga email. "Talaga? Ang bilis naman," sagot ni Apple, hindi maitago ang tuwa sa kanyang mukha. "Oo, at may ilang potential partners na gusto tayong makausap sa Zoom," dagdag ni Mia. "Sige, i-schedule natin 'yan. Kailangan nating samantalahin ang momentum na ito," tugon ni Apple, puno ng determinasyon. Mga Sumunod na Buwan Sa paglipas ng mga buwan, lalong naging abala si Apple sa paghawak ng mga business dealings, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa kanilang bagong merkado sa Europe. Ang kanyang araw ay puno ng mga meeting, presentations
Mula nang tuluyan siyang talikuran ni Apple, hindi matahimik si Lance. Araw-araw, bumabalik siya sa opisina ng Wedding Imperial, umaasang bibigyan siya ng kahit katiting na atensyon ng babaeng minsang naging mundo niya.At sa tuwing makikita niyang masaya ito kasama ang anak nilang si Amara—at mas lalong hindi siya iniinda—mas lalong nagngangalit ang loob niya.Ngunit ang mas lalong nagpapasiklab sa galit niya ay ang mga lalaking nakapaligid kay Apple.At ngayon, sa harap niya mismo, nakikita niyang may isang lalaking kausap si Apple sa labas ng opisina nito.Isang matangkad, gwapo, at mukhang edukadong lalaki. Nakangiti ito kay Apple, halatang interesado.Hindi niya napigilan ang sarili."Apple," matigas niyang tawag habang lumalapit.Napalingon si Apple sa kanya, ngunit imbes na mabigla o mag-alala, isang matigas na tingin ang isinukli nito."Anong ginagawa mo dito, Lance?" malamig niyang tanong.Hindi sumagot si Lance, bagkus, tinitigan ang lalaking kasama nito."At ikaw?" hinarap
Kinabukasan, sa opisina ni Lance, ang tensyon ay tila humihigop ng hangin sa bawat sulok ng silid. Abala si Lance sa pag-review ng mga dokumento nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Pumasok si Monica, may bakas ng determinasyon sa kanyang mukha."Monica? Anong ginagawa mo rito?" nagulat na tanong ni Lance, agad na itinigil ang kanyang ginagawa. "Hindi ba't sinabi ko nang pag-uusapan natin 'to sa tamang panahon?""Tamang panahon? Kailan pa, Lance?" tugon ni Monica, ang boses niya'y nanginginig sa pinaghalong galit at pangamba. "Habang lumalaki ang bata sa sinapupunan ko? Kailangan mong maging responsable!"Huminga nang malalim si Lance, pilit na pinapanatili ang kanyang composure. "Alam ko. Pero hindi ganito ang tamang lugar para pag-usapan 'to.""At saan? Sa bahay mo na punong-puno ng alaala ni Apple? O sa opisina mo na tila walang lugar para sa akin?" sagot ni Monica, ang mga mata'y nagliliyab sa emosyon."Monica, hindi ito madali para sa akin. Kailangan kong isipin si
Napalunok si Lance, ramdam ang bigat ng sitwasyon. Alam niyang hindi biro ang banta ni Rene, lalo na't may kinalaman ito sa kanilang negosyo. Ngunit hindi rin niya maaaring ipagkaila ang kanyang nararamdaman at ang komplikasyon ng kanilang sitwasyon."Sir, nauunawaan ko ang inyong nararamdaman," sagot ni Lance, pilit na pinapanatili ang kanyang composure. "Handa akong gampanan ang aking responsibilidad bilang ama sa magiging anak namin ni Monica. Ngunit ang pagpapakasal ay isang bagay na hindi ko maaaring gawin nang basta-basta. Hindi ito makakabuti sa aming lahat, lalo na sa bata.""Hindi sapat ang pagiging ama lang, Lance," tugon ni Rene, ang kanyang tinig ay puno ng paninindigan. "Ang anak ko ay nangangailangan ng seguridad at respeto mula sa lipunan. Ang hindi mo pagpapakasal sa kanya ay magdudulot ng kahihiyan hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa ating mga pamilya at sa ating negosyo.""Dad, please," pagmamakaawa ni Monica, ang kanyang tinig ay nanginginig. "Huwag na nating
Dinala ni Apple ang kanyang sanggol sa isang nursing home sa Maynila, kung saan naka-confine ang kanyang ama. Si Rodrigo Imperial—isang dating matagumpay na negosyante—ay na-stroke dalawang taon na ang nakalipas. Simula noon, unti-unting nawala ang sigla ng kanyang katawan. Pero hindi lang pisikal na sakit ang dumapo sa kanya. Para bang pati ang relasyon nila bilang mag-ama ay tuluyang nalumpo ng mga sugat ng nakaraan.Habang papasok sa loob ng pasilidad, mahigpit na hinawakan ni Apple ang kanyang anak na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig."Anak, ipapakilala kita sa lolo mo," mahina niyang bulong habang dinadama ang malamig na hangin sa loob. "Sana... sana kahit paano, matanggap niya tayo."Malalim siyang huminga. Mula nang huli silang magkita ng kanyang ama, puro sakit ang iniwan nito sa kanya. Galit, paninisi, at pagtatakwil—iyon lang ang natanggap niya. Mula nang mabuntis siya nang wala pang asawa, hindi na siya tinuring ni Rodrigo bilang anak. Sa mata ng kanyang ama, isa
Mahigpit na hinawakan ni Apple si baby Amara habang tahimik siyang nakatayo sa harap ng kanyang ama. Ramdam niya ang bigat ng emosyon sa kanilang pagitan, isang halong pangungulila at panghihinayang na hindi madaling mabura. Pero sa kabila ng lahat, alam niyang dumating na ang oras ng kanilang pamamaalam."Pa, uuwi na kami," mahina niyang sabi, pilit na itinatago ang panginginig ng kanyang boses.Saglit na katahimikan ang namayani. Si Rodrigo, na buong oras ay nakatitig sa kanyang apo, ay hindi agad nakapagsalita. Halata sa kanyang mata ang matinding pag-aalinlangan, parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan."Kailan kayo babalik?" sa wakas ay tanong nito, mahina ngunit puno ng pag-asa.Napakagat-labi si Apple. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Hindi pa niya sigurado kung kailan siya magkakaroon ng lakas ng loob na bumalik, kung kailan magiging handa ang puso niya para harapin ang sugat ng kanilang nakaraan."Hindi ko alam, Pa,"
Dahan-dahang isinara ni Apple ang pintuan ng kwarto ng kanyang ama sa nursing home. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya habang mahigpit na niyayakap si Amara, na mahimbing pa ring natutulog sa kanyang mga bisig. Sa loob ng maraming taon, ngayon lang muling lumuwag ang kanyang dibdib. May kung anong kapayapaang bumalot sa kanya matapos ang matagal na panahon ng hinanakit at hindi pagkakaunawaan sa kanyang ama.Ngunit kahit na nagkaayos na sila, hindi niya maiwasang makaramdam ng pangungulila. Hindi pa rin madali ang sitwasyon. Alam niyang kahit gusto niyang manatili pa, kailangan niyang umalis. May buhay siyang babalikan sa Maynila.Habang naglalakad palabas ng nursing home, napansin niya si Joy, ang tagapangalaga ng kanyang ama. Nakangiti itong lumapit sa kanya."Nagkausap na kayo nang maayos?" tanong ni Joy, ang boses nito ay puno ng pag-aalala.Tumango si Apple, bahagyang napangiti. "Oo. At nagpapasalamat ako sa’yo, Joy. Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko alam kung pa
Kinabukasan.Nasa harap na ng hotel lobby si Apple at Nathan, hawak ang kamay ni Amara. Ang simpleng gesture ay may bigat ng mga salitang hindi pa nila kayang sagutin, pero sa bawat hakbang na tinatahak nila sa Paris, unti-unti ay parang mas maluwag ang pakiramdam ni Apple."So this is it," sabi ni Nathan, habang pinagmamasdan ang mala-makina ng hotel lobby at ang mga eleganteng design na naka-display. "Your big break."Lumingon si Apple kay Nathan at ngumiti. Hindi niya alam kung paano magsimula, ngunit sa mga sandaling ito, ramdam niyang lahat ng hirap at pagsubok ay para lamang sa pagkakataong ito."It feels like a dream," sabi ni Apple. "I never imagined I’d be here... With you, with Amara."Habang sila’y naglalakad papunta sa kanilang designated event space, si Amara ay nakatingin sa paligid, nangungusap ng malalaking mata, parang nararamdaman ang bago niyang mundo. "Taa-taaa," muling sambit ni Amara, habang itinataas ang mga kamay, ipinapakita ang kanyang kagalakan sa simpleng b
Apple bit her lower lip. May bahagi sa kanyang gustong umiwas. Ayaw niya ng false hope. Ayaw niya ng panibagong sakit. Pero ramdam ng puso niya ang sinseridad ni Nathan. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, may liwanag siyang naramdaman. Hindi pilit. Hindi nakakatakot.“Hindi madali ‘to,” mahina niyang sabi. “May anak ako. May responsibilidad. At kahit anong ganda ng tanawin dito sa Europe, ang totoo, gulo pa rin ang puso ko.”Nathan smiled gently. “Then let me help you carry some of that weight. I won’t rush you, Apple. Hindi kita pipilitin. Pero gusto kong malaman mo na hindi ka na nag-iisa.”Later that evening, Apple stood on the balcony of her hotel suite, overlooking the moonlit waters of Lake Como. Sa tabi niya ay isang baso ng red wine, at sa mesa ang isang bukas na laptop—nakatanggap siya ng email mula sa isang sikat na bridal magazine sa Milan. They wanted to do a feature on her work.“From Makati to Milan,” sabi niya sa sarili, natatawa. “Grabe talaga ang bu
Ilang araw matapos ang alok ni Nathan, nagdesisyon si Apple na tanggapin ito. Sinimulan na nila ang pagpupulong kasama ang iba’t ibang international creatives. Isang malaking wedding expo ang gagawin sa Vienna bilang soft launch ng Callisto Europe, at si Apple ang mamamahala sa Luxury Garden Wedding Booth—isa sa pinaka-importanteng segments ng event.“Apple, this is your vision,” ani Nathan habang pinapakita ang floor plan. “Use your story. I want people to feel something.”Nagtrabaho si Apple araw at gabi. Pinili niya ang mga bulaklak na may kahulugan—roses for passion, baby’s breath for innocence, lavender for healing. Gumamit siya ng mga vintage lace, crystal chandeliers, at handwritten vows sa wedding arch. Lahat ng elemento, may kuwento.Nang dumating ang araw ng event, napuno ng mga bisita ang hall. Lahat ay namangha sa booth ni Apple. May mga brides-to-be na napaluha, mga photographers na sunud-sunod ang kuha, at mga event organizers na gustong makipag-partner.“Nathan,” ani ng
Maaga pa lang ay gising na si Apple. Ang liwanag ng umagang iyon sa Paris ay tila kakaiba—parang may hatid na kaba at pananabik. Isang linggo na mula nang makatanggap siya ng email mula kay Nathan Callisto, ang dating manliligaw niya noon sa Singapore. Hindi niya inasahan na muling babalik ang lalaking minsang nagpangiti sa kanya, pero hindi niya pinili. Noon, may Lance pa siya. Pero ngayon… iba na ang lahat."Nandito na ako sa Charles de Gaulle Airport. See you soon."Ito ang huling text ni Nathan kagabi—maikli, diretso, pero may bigat.Napatitig si Apple sa salamin habang inaayos ang buhok. Simpleng coat lang ang suot niya, kulay beige, at itim na boots. Wala siyang suot na makeup maliban sa light blush sa pisngi. Gusto niyang maging simple—tulad ng pagkatao niya."Hinga lang, Apple. Professional lang 'to," bulong niya sa sarili, bagama’t ramdam niyang bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakarating si Apple sa arrival area na may halong excitement at kaba. Maraming tao—may mga naghihi
Kinabukasan, dumating na ang araw na matagal nang iniiwasan ni Apple. Ang araw ng kanilang flight papuntang Europe, isang malaking hakbang patungo sa bagong buhay. Nasa Pilipinas na sila galing Singapore at ngayon, ang kanilang mga puso ay magaan, pero ang mga alaala ng mga oras na kanilang ginugol sa Singapore ay matindi pa rin ang epekto sa kanilang mga damdamin. Para kay Apple, napakasakit na iwan ang lahat ng iyon—lalo na si Lance.Habang abala si Mia sa paghahanda ng mga gamit, si Apple naman ay naglalakad-lakad sa loob ng kanilang kwarto, nakatingin sa mga gamit at mga pasalubong na binili nila. Maraming alaala—ang mga tawanan, ang mga pagsubok, at lahat ng mga magagandang bagay na nangyari. Ngunit ang masakit, si Lance ay hindi kasama sa lahat ng iyon ngayon."Apple, tapos ka na ba?" tanong ni Mia mula sa kabilang sulok ng kwarto, sabay abot ng bag na malapit sa kama. "May mga oras pa tayo, baka magmamadali tayo."Nagpatuloy sa paglilibot ng mata si Apple sa mga gamit sa paligi
Pagkauwi ni Lance sa kanilang bahay, ramdam niyang bumigat ang paligid. Hindi pa man siya nakakapasok ng tuluyan, sinalubong na siya ng malamig at matalim na boses ni Monica.“Saan ka na naman galing, Lance?” tanong ni Monica, nakapamewang at halatang mainit ang ulo. “Alas-dos na ng hapon! Alam mong kailangan kong magpahinga, pero ikaw, parang wala kang pakialam!”Pinilit ni Lance ang sarili na huwag magalit, kahit alam niyang pagod na pagod na siya—sa damdamin, sa isipan, sa sitwasyon. Hinubad niya ang sapatos at tumingin kay Monica, na halatang mainit ang ulo.“Galing ako kina Apple. Sinamahan ko lang siya saglit para pag-usapan si Amara,” paliwanag niya, mahinahon ang boses.Napasinghap si Monica, at agad siyang naupo sa sofa habang hawak ang kanyang tiyan. “Si Apple na naman? Bakit parang mas may oras ka pa sa kanya kesa sa akin, ha, Lance? Ako ang asawa mo! Ako ang buntis dito!”“Monica…” bumuntong-hininga si Lance, at naupo sa tapat niya. “Hindi ko naman sinabing mas mahalaga si
Naglakad si Apple papuntang lugar kung saan sila nagkasundong magtagpo. Ang bawat hakbang ay puno ng pag-aalinlangan, ngunit hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. Ang huling pagkakataon na makakaharap niya si Lance—ang taong minsan niyang iniwasan ngunit hindi kailanman ganap na nakalimutan.Pagtapat niya sa kanto, nakita niyang naghihintay na si Lance sa isang maliit na coffee shop, ang paborito nilang lugar noong magkasama pa sila. Nang makita siya, tumayo siya mula sa upuan at naglakad papalapit, ang mga mata nitong puno ng emosyon."Apple," tawag ni Lance, ang tinig ay puno ng sakit at pagnanasa. "Salamat at pinayagan mo akong makita ka.""Tama ba ang desisyon ko, Lance?" tanong ni Apple, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan.Lance ay ngumiti, ngunit ang ngiti ay may halong kalungkutan. "Hindi ko alam, Apple. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero..." Umiling siya, parang naguguluhan. "Hindi ko kayang mawalan ka. Hindi ko kayang tanggapin na wala na tayo."
Maagang nagising si Apple kinabukasan. Ito na ang huling araw nila sa Singapore. Habang yakap ang kanyang anak na si Amara, malalim ang iniisip niya—ang desisyong magbabago sa takbo ng kanyang buhay at ng negosyo nila ni Mia."Apple, nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ni Mia habang inaayos ang mga bagahe nila.Tumayo si Apple at lumapit sa bintana, tinitingnan ang tanawin ng Singapore sa labas. "Oo, Mia. Kailangan kong gawin ‘to."Napangiti si Mia at tumango. "I knew it. At hindi kita pipigilan. Big break natin ‘to, Apple. Hindi lang sa negosyo, kundi para sa'yo rin.""Pero Mia, sigurado ka bang okay lang sa'yo ‘to? Ayokong iwan ka sa lahat ng trabahong ito."Nilapitan siya ni Mia at hinawakan ang kamay niya. "Apple, huwag mo akong alalahanin. This is our dream. Kung saan ka mas magiging matagumpay, doon din ako. At isa pa, hindi mo naman ako iniiwan. Magkakasama pa rin tayo sa negosyong ‘to. Hindi ka nag-iisa."Damang-dama ni Apple ang suporta ni Mia. Hindi niya alam kung paano siya s
Sa ilalim ng tahimik na langit, tanging ang mahihinang huni ng mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. Nasa beranda sina Lance at Monica, nakaupo sa isang mahabang upuan, ngunit may pagitan sa kanilang dalawa—isang pagitan hindi lang sa espasyo, kundi pati na rin sa puso.Pinagmamasdan ni Lance ang madilim na kalangitan, tila hinahanap ang sagot sa isang tanong na pilit niyang iniiwasan. Samantala, si Monica ay tahimik na nakatitig sa kanya, kita ang lungkot sa kanyang mga mata."Lance," mahina ngunit matigas ang boses ni Monica. "Kaya mo ba talagang bitawan siya?"Dahan-dahang napalingon si Lance sa kanya. Isang saglit silang nagkatitigan, ngunit hindi agad siya nakapagsalita."At kaya mo bang makita na may ibang lalaki si Apple?"Napalunok si Lance. Parang hinigpitan ang kanyang dibdib."Kaya mo bang makitang may ibang nagmamahal sa kanya… habang ikaw, nanonood lang mula sa malayo?"Ramdam ni Lance ang bigat ng tanong. Naramdaman din niya ang matinding takot—hindi dahil sa ideya