Nag-uumapaw ang tensyon sa opisina ni Lance matapos umalis si Monica. Alam niyang hindi ito titigil hangga’t hindi niya nakakamit ang gusto niya. Pero sa kabila ng inis at pagod, may isang tanong na patuloy na bumabagabag sa kanya—Paano kung totoo ngang anak niya ang dinadala ni Monica?Napabuntong-hininga siya at sumandal sa kanyang swivel chair. Napapikit siya sandali, pilit na nililinaw ang kanyang isip, pero biglang bumukas ang pinto ng opisina.Biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ni Apple sa screen. Napabuntong-hininga siya bago sinagot ang tawag."Apple.""Lance, gusto ko lang malaman kung kukunin mo si Amara ngayong weekend."Diretsahan ang boses ni Apple, pero ramdam niya ang bahagyang alinlangan dito.Napatingin si Lance sa kanyang kalendaryo sa mesa. Weekend na pala. At oo nga pala, schedule niyang makasama si Amara."Oo naman," sagot niya. "Bakit mo natanong?""Kasi aalis kami ni Mia," sagot ni Apple. "Magkakaroon kami ng business trip sa Bat
Abalang-abala si Apple sa pagbibihis kay Amara, ang kanyang walong buwang gulang na anak. Mahinahong ipinapasok niya ang maliliit na braso ng sanggol sa isang puting onesie na may cute na teddy bear print. Sa tabi niya, nakalatag ang isang maliit na maleta, puno ng damit, diaper, gatas, at iba pang gamit ni Amara."Ang kulit mo, baby," natatawang sabi ni Apple habang pilit niyang inaayos ang malambot na buhok ng anak. Hindi mapakali si Amara, patuloy na iginagalaw ang maliliit nitong kamay na para bang excited ito sa pupuntahan.Sa kabilang silid naman, si Mia ay abala sa pagsasaayos ng kanilang mga gamit para sa business trip nila sa Cebu. Isa itong malaking wedding event, kaya’t todo ang kanilang paghahanda."Apple, sigurado ka bang okay ka lang na iwan si Amara kay Lance ngayong weekend?" tanong ni Mia habang inaayos ang kanyang hand-carry luggage.Tumigil saglit si Apple at nilingon si Mia. Alam niyang may bahid ng pag-aalala ang kaibigan niya."Napagkasunduan na namin ito bilang
Samantala, sa condo ni Lance…"Ay nako, Amara, hindi ko alam kung paano kita papatahanin," malungkot na sabi ni Lance habang buhat-buhat ang umiiyak na sanggol.Kanina pa hindi mapakalma ni Lance si Amara. Sinubukan na niyang kantahan ito, laruin, at kahit ilagay sa duyan, pero wala pa ring epekto."Amara, please, awa mo na kay Daddy," mahina niyang bulong habang hinahaplos ang likod ng anak.Biglang tumunog ang cellphone niya—tumatawag si Monica. Napangiwi siya at piniling huwag sagutin. Wala siyang panahon para sa drama nito ngayon.Muli niyang sinubukang pakalmahin si Amara, pero lalo lang itong lumakas ang iyak."Damn it," bulong niya sa sarili bago mabilis na kinuha ang phone at tinawagan si Apple.Hinalikan ni Lance ang noo ni Amara at marahang niyugyog habang kinakantahan ito ng "Hush Little Baby." Mahinang tinig lang ang ginamit niya, banayad at puno ng pagmamahal, habang dahan-dahang umiindak sa maliliit na hakbang."Hush, little baby, don’t say a word,Daddy’s gonna buy you
"Hindi kita papayagang gamitin ang bata para lang mapanatili mo ako sa buhay mo," matigas na sagot ni Lance. "Tapos na tayo, Monica. At kung talagang buntis ka nga, ipapagawa ko ng DNA test ‘yan pagkapanganak mo."Nagbago ang ekspresyon ni Monica. Mula sa malambing na tono, ang mukha niya’y napuno ng galit at hinanakit."So, hindi mo talaga ako mahal, ano? Apple pa rin, gano’n ba? Siya pa rin ang mahal mo?"Hindi sumagot si Lance. Pero sapat na ang katahimikan niya para mapagtanto ni Monica ang sagot.Napangisi si Monica, pero hindi ito ngiti ng saya—ngiti ito ng isang taong sugatan at desperado."Magbabayad ka, Lance," bulong niya. "Sisiguraduhin kong hindi magiging madali ang buhay mo."At bago pa siya makapagsalita ulit, narinig nilang pareho ang mahina at biglang pag-iyak ni Amara mula sa loob ng kwarto.Saglit na natigilan si Lance. Tumingin siya kay Monica bago siya mabilis na tumalikod at tinungo ang kwarto ng anak. Akala ni Lance ay umalis ito, pero yun pala ay nasundan siya n
Hinawakan ni Lance ang pulso ni Monica at marahang inilayo ito kay Amara. "Monica, kung talagang buntis ka, dapat iniisip mo na ang magiging anak natin. Huwag mong gamitin ang bata para lang saktan ako o si Apple. Hindi ko hahayaang maging laruan ang buhay ng anak natin."Huminga nang malalim si Monica, pilit pinapakalma ang sarili. "Fine, Lance. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa'yo. Pero siguruhin mong totoo ang sinasabi mo. Dahil kapag nalaman kong niloloko mo lang ako, maniwala ka... hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."Hindi na hinintay ni Monica ang sagot ni Lance. Tumalikod siya at pumunta sa sala, iniwang nakakuyom ang kamao ng lalaki habang yakap pa rin si Amara.Lance sighed, looking down at his daughter. "Wala kang dapat ipag-alala, baby. Hinding-hindi kita pababayaan."Pero sa kabila ng kanyang pangako, isang bagay ang hindi niya matanggal sa isip niya—ano ang gagawin ni Monica sa susunod? At paano niya mapoprotektahan ang kanyang pamilya laban dito?Napasinghap si La
Habang binababa ni Lance ang stroller ni Amara sa sasakyan, naramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanila. Agad siyang naging alerto. Lumingon siya sa paligid, ngunit walang kakaiba—mga normal na taong naglalakad sa parkeng pinuntahan nila."Hindi ako dapat nagiging paranoid," mahina niyang sabi sa sarili.Pero nang simulang maglakad si Lance, saka niya napansin ang isang pamilyar na pigura sa di kalayuan—si Monica. Nakaupo ito sa isang bench, suot ang dark sunglasses at isang manipis na ngiti sa labi.Bumilis ang tibok ng puso niya.Hindi niya ito tinapunan ng tingin, kunwari’y hindi nakita, pero ramdam niyang pinagmamasdan siya nito.Maya-maya, nag-vibrate ang cellphone niya. Isang unknown number.“I told you, Lance. Hindi mo alam kung kailan ko gugustuhing gumanti.”Nanlamig ang buong katawan niya.Hawak ang stroller ni Amara, mabilis siyang umalis sa parkeng iyon.Dapat na siyang kumilos. Ngayon na.Nagmamadaling lumakad si Lance palabas ng parke, mahigpit ang hawak sa str
Napangiti si Monica, isang mapanganib na ngiti. "Then let's see, Lance. Tingnan natin kung sino ang mas matibay sa labanang ‘to."Matapos ang saglit na titigan, bigla na lang siyang tumalikod at naglakad palayo, iniwang nanginginig sa galit si Lance.Alam niyang hindi pa ito tapos.Pero handa siyang lumaban. Para kay Apple. Para kay Amara. Para sa taong tunay niyang pinahahalagahan.Pagdating ni Apple, agad silang nag-usap sa loob ng condo ni Lance."Hindi ko na alam ang gagawin ko, Apple," prangkang sabi ni Lance habang naglalakad paikot-ikot. "Ayokong madamay ka o si Amara sa kaguluhan ni Monica.""Hindi ba puwedeng sampahan ng kaso ‘yang babaeng ‘yan?" tanong ni Apple, bakas sa mukha ang pag-aalala."Hindi pa siya gumagawa ng aktwal na krimen, Apple. Puro banta pa lang.""Pero paano kung tuparin niya ang mga banta niya? Hindi natin pwedeng hintayin ‘yon, Lance!"Napatingin siya kay Apple. Sa kabila ng takot sa mata nito, matapang pa rin itong nakatingin sa kanya."Apple… gagawin ko
Isang gabi matapos ang pinag-usapan nina Apple at Lance, nakatanggap si Lance ng mensahe mula kay Monica.Monica: "Pumunta ka sa dating condo natin. Ngayon din. Kung ayaw mong may mangyaring masama."Nanigas ang katawan ni Lance habang binabasa ang text. Hindi na siya nagdalawang-isip. Tumayo siya at kinuha ang susi ng sasakyan."Saan ka pupunta?" tanong ni Apple na kakapasok lang mula sa kwarto ni Amara."Si Monica," sagot niya nang walang pag-aalinlangan. "Tinatawag ako. At sa tono ng mensahe niya, mukhang may masamang balak siya."Tumayo si Apple sa harapan niya at hinarangan siya. "Hindi ka pwedeng pumunta nang mag-isa.""Apple, hindi kita maaaring isama.""Pero hindi mo rin ako pwedeng iwan! Lance, baka hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin!"Nagtagpo ang mga mata nila. Kita ni Lance ang matinding pag-aalala kay Apple."Pangako, babalik akong ligtas.""At paano kung hindi?"Napabuntong-hininga si Lance, pero hindi na siya nakipagtalo pa. Alam niyang wala siyang magagawa para
Lumapit si Rene, hawak pa rin ang teddy bear ni Lucien. “Anak… lumaban siya. Lumalaban siya, alam ko. Monica is a fighter.”“Pero paano kung hindi na siya magising, Tita? Paano kung... kung hindi ko na masabi sa kanya lahat ng hindi ko nasabi? Hindi ko pa siya napapangakuan ng kasal, hindi ko pa siya nadadala sa paborito niyang lugar sa Bohol, hindi ko pa siya nalalakad ng mahaba sa ulan—lahat ng gusto niyang gawin, hindi pa namin nagagawa.”pag-alalang saad ni Lance“May oras pa. Hindi mo ba naririnig sarili mong boses? Mahal mo siya, anak. At alam kong nararamdaman niya ‘yon. Hindi siya bibitaw. Hindi kayo bibitaw.”naiiyak na sabi ni Rene.Biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang nurse, may bahid ng tensyon sa mukha."Family of Mrs. Monica Martin?"Tumayo agad si Lance. Nanlalaki ang mga mata niya at nanginginig ang kamay habang lumapit sa nurse."Ako! Ako po! Ano pong nangyayari? Buhay pa siya?"Tumango ang nurse, pero halata sa kanyang mukha ang lungkot at pag-aalala."Buhay pa
Tumango si Rene, sabay tayo. Lumapit siya sa crib at dahan-dahang kinuha si Lucien. Una niyang pagkakataon itong buhatin ang kanyang unang apo."Kamukha mo, Monica," bulong niya, habang hinahaplos ang pisngi ng sanggol. "Pero ‘yung mata… mana sa tatay. Matapang."Sa gilid ng silid, pumasok ang isang nurse na may dalang camera."Sir Lance, Sir Rene, gusto niyo po ba ng first family photo habang mahimbing pa si baby?"Nagkatinginan ang dalawa, sabay ngiti.At doon, sa simpleng kuha ng litrato, naiselyo ang panibagong simula—isang pamilya, puno ng pangakong hindi na muli magkakahiwalay.ROOM 407 – RECOVERY ROOMTahimik ang paligid. Marahang umuugong ang aircon, at ang tunog ng monitor ay tila kampanang dahan-dahang tumutugtog. Si Lance ay nakaupo sa tabi ni Monica, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lucien na mahimbing pa rin sa crib. Katabi nila si Rene, na may ngiting abot-langit habang kinukunan ng larawan ang kanyang apo.Bigla—isang kakaibang tunog ang nagmula sa monitor.
Ligtas na nailipat si Monica sa recovery room. Si Lance naman ay hindi pa rin mapakali—abala sa pag-aasikaso ng birth certificate, sa pagkuha ng gamit, at paminsan-minsan ay sinisilip ang nursery kung nasaan ang kanilang baby boy.Pagbalik niya sa kwarto, nakita niyang gising na si Monica. Nakatingin ito sa kisame, tila malalim ang iniisip.“Moni?”“Lance, napag-isipan ko na ang pangalan niya,” agad na sambit ni Monica.“Talaga? Ano?”“Gusto kong pangalanan siya ng “Lucien.” Ibig sabihin ‘light’… kasi kahit ang dami kong kinatatakutan, pagdating niya, parang may liwanag na. Parang nawala ang dilim.”Napangiti si Lance. “Lucien… Lucien Martin. Maganda. Matapang. Puno ng liwanag.”Tumango si Monica. “Kasi kahit dumaan ako sa pinakamadilim na yugto ng buhay ko, binigyan mo ‘ko ng liwanag. Kaya ikaw ang gusto kong huling makasama sa lahat ng dilim ng buhay ko.”Napatingin si Lance kay Monica, tila ba bawat salitang lumalabas sa kanyang labi ay siniselyuhan sa puso niya.“Moni…” mahina ngu
At sa gabing iyon, hindi lang panaginip ang pag-ibig. Totoo ito.Sa mga bituin sa ibabaw ng Paris, sa mga ilaw ng lungsod, at sa katahimikan ng pagyakap—nabuo ang pangako.Isang pangakong kahit may kapirasong sakit, may puwang pa rin para sa paghilom.Samantala, sa kabilang panig ng mundo, sa Pilipinas, si Lance ay tahimik na nakaupo sa gilid ng kama ni Monica. Hawak-hawak niya ang kamay nito habang natutulog, pagod sa regular na check-up at paghahanda para sa nalalapit na panganganak. May kapayapaan sa mukha ni Monica, habang si Lance naman ay may halong kaba at tuwa sa dibdib.Tila isang eksena ito mula sa ibang buhay—malayo sa dating gulo, sakit, at panghihinayang. Ang lalaki na minsang takot sa pananagutan, ngayon ay buong pusong nakatutok sa bagong yugto ng kanyang buhay.“Hindi ko man nabigyan ng maayos na simula si Apple at Amara… pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, magiging buo ang lahat,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ni Monica.Ilang buwan ang
Nathan, na ramdam na ramdam ang pag-aalala ni Apple, ay nag-abot ng kamay upang magpatuloy sa kanilang usapan. Pinisil niya iyon nang marahan—parang sinasabing, “hindi kita bibitawan.”“Apple, hindi mo kailangang kalimutan ang lahat,” aniya, marahan pero buo ang boses. “Basta’t tandaan mo, nandito ako. Kasama kita. Huwag mong bitawan ang pangarap mo. Huwag mong bitawan si Amara at ako.”Bumuntong-hininga si Apple. Pinilit niyang ngumiti, pero alam ni Nathan, may bigat pa rin sa puso ng babae.Hindi nagtagal, sumabad si Mia mula sa likuran habang karga si Amara. “Oo nga, Apple,” sabay ngiti, “ngayon tinutupad na natin ang mga pangarap natin. Nakapag-expand tayo dito sa Paris, sa tulong ng nobyo mong si Nathan. Dati, nangangarap lang tayo ng maliit na café. Ngayon may ‘Boulangerie de Amara’ na tayo. May brunch café pa tayong padating sa Montmartre. Look how far you’ve come.”Natawa si Apple, hindi dahil sa tuwa kundi sa tila hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari.“Grabe, n
Habang si Monica at Lance ay nagsisimula ng bagong paglalakbay, ang kwento ni Apple ay patuloy na umuusad sa isang bagong kabanata. Sa kabila ng lahat ng naging pagsubok at sakit, siya at si Nathan ay nagpatuloy sa pagbuo ng kanilang buhay sa Paris, kasama ang kanilang anak na si Amara. Ang bawat araw sa bagong lungsod ay puno ng hamon, ngunit tila wala nang hadlang sa kanilang pagmamahalan.Sa isang tahimik na apartment sa Paris, ang araw ni Apple ay nagsimula tulad ng karaniwan—ang malambot na sikat ng araw na tumatama sa bintana, ang malamig na hangin na pumapasok sa mga siwang ng kurtina, at ang tunog ng mga kalderetang tumutunog mula sa kusina, kung saan si Nathan ay abala sa paghahanda ng almusal.“Apple, okay na ba ‘to?” tanong ni Nathan habang binabalanse ang isang mangkok ng itlog sa kanyang kamay at sinusubukang i-flip ang pancake.“Siguro nga,” sagot ni Apple, na kasalukuyang nakaupo sa sofa, naglalakad-lakad at tinatanggal ang mga laruan ni Amara mula sa sahig. Tinutulunga
“Pipilitin kong maniwala,” mahina niyang wika, sabay daplis ng palad sa sariling dibdib. “At sana… tulungan mo ‘kong buuing muli ‘yung babaeng minahal mo noon. Kasi ako, willing akong mahalin kang muli… pero sa paraang bago, sa paraang totoo. At sana tuluyan mo nang kalimutan si Apple. Andito na kami ng anak mo. Huwag mo sana akong bibiguin, Lance.”Tumigil si Lance sa gilid ng daan. Pinatay niya ang makina ng sasakyan, sabay harap kay Monica. Tinitigan niya ito ng mariin—hindi bilang babae lang ng kanyang anak, kundi bilang babaeng minsang minahal niya at ngayo'y muling nagpapaubaya, muli siyang tinatanggap sa kabila ng lahat.“Hindi kita bibiguin,” mahinang sagot ni Lance, halos pabulong. “Hindi na. Dahil kung babiguin pa kita ngayon, hindi ko na rin kayang mabuhay nang may ganung klase ng kasalanan. Ayoko na. Tapos na ako sa sakit. Gusto ko nang maging mabuting ama. At mabuting asawa… sa’yo.”Hindi na muling nagsalita si Monica. Bagkus, pumikit siya sandali, pinipigilan ang pag-ago
At habang binabaybay ng sasakyan ang tahimik na lansangan pauwi ng bahay, kapwa tahimik sina Lance at Monica. Wala mang salitang namutawi sa kanilang mga labi, sapat na ang presensya ng isa’t isa para magkaunawaan. Sa pagitan ng musika mula sa radyo at ingay ng kalsada, tumitibok ang tahimik na pag-asa—isa na namang simula, isa na namang pagkakataong ayusin ang mga nawasak na bahagi ng kanilang mga puso.Napalingon si Lance kay Monica na noo’y nakasandal sa bintana, banayad ang pagkakahawak sa kanyang tiyan habang nilalaro ang singsing sa kanyang daliri.“Monica,” mahinang tawag ni Lance.Lumingon si Monica, mabagal, may tamis at pangamba sa mga mata.“Hmm?” tugon niya, mahinang boses, tila pinipigilang masaktan muli.“Salamat,” bulong ni Lance. “Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat na kasama kita ngayon. Na kahit ang dami kong pagkukulang, nandito ka pa rin.”Napangiti si Monica, bagaman may bakas pa rin ng luhang naiwan sa gilid ng kanyang mata. “Hindi madaling magpatawad, La
Habang hawak ni Lance ang kamay ni Monica, naramdaman niya ang tensyon na bumangon sa pagitan nilang dalawa. Alam niyang maraming bagay ang kailangang linawin, at isa na rito ang patuloy na koneksyon niya kay Apple at ang anak nilang si Amara. Hindi niya alam kung paano niya dapat ipahayag ito, ngunit kailangan niyang gawin ito para maging tapat at upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."Bigyan mo ako ng chance na makapagmove on kay Apple," nagpatuloy si Lance, ang boses ay may kabuntot na kalungkutan ngunit puno ng determinasyon. "Sana huwag mo na itong pagselosan. Ina parin ng anak ko si Apple at anak namin si Amara. Sana matanggap mo si Amara at ituring mo ng anak. Lagi mong tandaan na ang koneksyon namin ay si Amara, at co-parenting kami."Si Monica ay nanatiling tahimik sa mga sinabi ni Lance. Ngunit ang mga mata ni Monica ay naglalaman ng mga magkahalong damdamin—pag-aalala, takot, at higit sa lahat, pagmamahal. Hindi madali para sa kanya na tanggapin ang mga