Pagpasok nila sa kwarto, tahimik lang si Monica. Nakatitig lang siya sa kisame, mukhang pagod at lupaypay.Lumapit si Lance sa kama. "Monica…"Napalingon si Monica sa kanya. "Lance… buhay pa ang baby natin?" mahina niyang tanong, puno ng takot.Tumango si Lance at kinuha ang kamay niya. "Oo, pero kailangan mong alagaan ang sarili mo kung gusto mong manatiling ligtas siya."Nagsimulang tumulo ang luha ni Monica. "Pasensya na, Lance… natakot lang ako. Natakot akong mawala ka nang tuluyan.""Hindi mo kailangang gawin ‘yon, Monica." Malambot ang tinig ni Lance. "Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo para lang mapansin kita. Mahal ko ang anak natin, at gusto kong nasa maayos kang kalagayan."Napatingin si Monica kay Apple, na tahimik lang sa gilid. "Apple… pasensya na rin sa’yo."Nagulat si Apple sa sinabi ni Monica, pero ngumiti siya. "Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan mo at ng baby mo, Monica. Sana pagtuunan mo ng pansin ‘yon."Tahimik na napaiyak si Monica. Sa unang pagkakataon,
"Lance! Wala kang konsensya! Anong klaseng lalaki ka?! Pababayaan mong maging isang single mother ang anak ko?! Hindi ako papayag!" sigaw niya, namumula ang mukha sa galit.Mabilis na lumapit si Lance. "Tito Rene, please, kalma lang po—""HINDI AKO KAKALMA!" Nagdadagundong ang tinig ng matanda. "ANG ANAK KO, NAGSUFFER DAHIL SA’YO! AT ANO?! Wala kang balak managot?!"Niyakap ni Erica si Stephan, halatang nag-aalala habang pinagmamasdan ang tensyon sa silid."Rene, please, let’s talk about this calmly," sabi ni Erica, halatang naiilang sa sitwasyon. "Hindi ito ang tamang lugar para magwala—""Tamang lugar o hindi, ipaglalaban ko ang anak ko!" bulyaw ni Rene bago muling humarap kay Lance. "Pakakasalan mo si Monica, Lance. Kung may hiya ka pa sa katawan mo, hindi mo siya hahayaang maging isang kahihiyan sa pamilya namin!"Nanlumo si Monica sa narinig. "Papa, tama na… wala akong gustong pilitin si Lance—""Tumahimik ka, Monica!" sigaw ni Rene. "Ikaw ang anak kong babae! Hindi mo naiintindi
"Tito Rene, please, pakinggan n’yo muna ako—"Pero bago pa makapagsalita si Lance, sumabat ang kanyang sariling ama, si Stephan Alcantara, na sing-init ng ulo ni Rene."Wala nang dapat pag-usapan pa!" singhal ni Stephan. "Anak, dapat panagutan mo ito. Pakasalan mo si Monica sa ayaw at sa gusto mo!"Nag-angat ng tingin si Lance sa kanyang ama, pilit pinapanatili ang kanyang kontrol sa sarili. "Papa, hindi ganun kadali ‘yon. Hindi ko puwedeng ipakasal ang sarili ko sa babaeng hindi ko mahal—""Hindi mo mahal?!" galit na ulit ni Rene. "Eh paano ang anak mo, ha?! Paano ang apo ko?! Hindi ako papayag na lumaki ang apo ko na walang ama!""Ako ang tatay ng bata, Tito Rene, at pananagutan ko siya!" madiing sagot ni Lance. "Pero hindi sa paraan na gusto niyo! Hindi sa pamamagitan ng isang kasal na puno ng kasinungalingan!"Lumapit si Erica sa tabi ni Stephan, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Anak… baka naman puwede mo itong pag-isipan. Hindi ba mas mabuti para sa bata kung buo ang pamil
Lumapit si Lance kay Monica at hinawakan ang kamay niya. "Monica, gusto ko lang malaman mo na kahit ano mang mangyari, hindi kita pababayaan."Napasapo sa mukha si Monica at napahagulgol. "Lance… sobrang sakit…"Hinawakan ni Rene ang balikat niya, lumambot na ang kanyang ekspresyon. "Anak… ito ba talaga ang gusto mo?"Tumango si Monica, nangangatog pa rin. "Hindi Pa,gusto ko pakasalan ako ni Lance." Napalunok si Lance, hindi makapaniwala sa narinig mula kay Monica. Kanina lang ay akala niyang tapos na ang usapan, na naintindihan na nilang dalawa na ang kasal ay hindi ang tamang solusyon. Pero ngayon, ibang Monica ang kaharap niya—isang babaeng puno ng pangungulila at desperasyon.Nagkatinginan si Apple at Lance, parehong hindi makapagsalita."Monica…" mahinang sabi ni Lance. "Akala ko ba—""Hindi, Lance!" naputol na sagot ni Monica, lumakas ang kanyang boses. "Gusto kitang pakasalan. Ayaw kong palakihin ang anak natin na walang ama! Hindi ko kayang makita kang kasama ang iba habang
Isang linggo bago ang kasal, tahimik ang buong hapag-kainan sa loob ng Martin-Alcantara Mansion. Nasa magkabilang dulo ng mesa sina Stephan at Rene Lenon, parehong matigas ang ekspresyon. Si Monica ay tahimik na nakaupo, bahagyang nakayuko habang hinihimas ang kanyang tiyan.Si Lance naman ay nakatitig lang sa kawalan. Para bang nilulunod siya ng realidad na pilit niyang tinatakasan."Sa susunod na linggo, magiging asawa mo na si Monica," diretsong sabi ni Rene, basag ang katahimikan. "Siguraduhin mong hindi mo siya mapapahiya."Napakuyom ng kamao si Lance ngunit nanatiling tahimik."Anak, ito ang tamang gawin," dagdag ni Stephan. "Hindi lang para sa inyo kundi para rin sa magiging anak ninyo. Wala nang atrasan."Humigpit ang hawak ni Lance sa kubyertos. Tumigil siya sa pagkain at napabuntong-hininga. Hindi na siya nagdalawang-isip na ipahayag ang nararamdaman niya."Bakit kailangang pilitin ang isang bagay na hindi ko gusto?" malamig niyang tanong.Muling nagpalitan ng tingin sina Re
Pagod na pagod si Apple nang makarating sa kanilang bahay. Halos wala na siyang lakas, ngunit pilit niyang ikinakalma ang sarili. Nakayakap siya nang mahigpit kay Amara, tila doon humuhugot ng lakas.Pagkabukas niya ng pinto, bumungad agad si Mia na halatang nag-aalala."Apple! Ano na naman ang nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong nito, agad na lumapit at inalalayan siya.Umupo si Apple sa sofa at inilagay si Amara sa kanyang kandungan. Mahimbing na natutulog ang bata, walang kamalay-malay sa bigat ng mundo ng mga nakapaligid sa kanya."Natapos na ang lahat, Mia," mahina niyang sabi, pero dama sa tinig niya ang bigat ng kanyang loob.Napakunot ang noo ni Mia. "Anong ibig mong sabihin?"Huminga nang malalim si Apple bago sumagot."Pinilit si Lance na pakasalan si Monica. Nagkasundo na ang pamilya nila, at wala na siyang kawala."Nanlaki ang mga mata ni Mia. "Ano?! At pumayag siya?"Umiling si Apple. "Hindi… pero wala na siyang magagawa. Parang sinakal na siya ng pamilya niya,
Tahimik ang buong kwarto habang pinagmamasdan ni Apple ang kanyang anak na si Amara, na mahimbing na natutulog sa kanyang bisig. Sa loob ng maraming taon, si Lance ang naging bahagi ng kanyang mundo—ang taong akala niya ay makakasama niya habang buhay. Pero ngayong gabi, tuluyan na niyang tinanggap ang katotohanang hindi kailanman siya magiging una sa puso nito.Pumasok si Mia sa kwarto, may dalang isang tasa ng mainit na gatas. Ibinigay niya iyon kay Apple, na tahimik lang na kinuha ang baso at tinitigan ito."Ang tahimik mo," basag ni Mia sa katahimikan. "Naiintindihan ko kung bakit. Masakit ‘to, Apple. Pero sigurado ka na ba?"Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ni Apple. "Kailan ba ako hindi sigurado, Mia? Matagal ko nang alam ang sagot, pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tanggapin ito.""Baka naman may paraan pa—""Mia, tapos na." Mahina ngunit matigas ang boses ni Apple. "Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa isang laban na alam kong hindi ako kailanman man
Napangiti si Mia. "Dahil hindi ka na nakakulong sa nakaraan. Pinili mong bumitaw. At sa totoo lang, Apple, matagal mo na dapat ginawa ‘yan."Natawa nang bahagya si Apple. "Alam ko. Pero ngayon ko lang talaga naramdaman na kaya ko nang gawin."Napatingin siya kay Amara na mahimbing pa ring natutulog. "Siya lang ang mahalaga sa akin ngayon, Mia. Siya lang ang gusto kong ipaglaban.""At alam kong magiging mabuting ina ka sa kanya," sagot ni Mia. "Wala kang kailangang patunayan kaninuman."Habang inihahanda ni Apple ang gatas ni Amara, biglang tumunog ang cellphone niya. Saglit siyang natigilan nang makita ang hindi pamilyar na numero. Nag-aalangan man, sinagot niya ito."Hello?""Ikaw ba si Apple Mendoza?"Napakunot-noo siya. Ang tinig ng babae sa kabilang linya ay malamig pero may halong pakiusap."Sino po sila?" tanong ni Apple."Hindi mo ako kilala," sagot ng babae. "Pero ako si Erica Martin… ang ina ni Lance."Muntik nang mabitawan ni Apple ang hawak na bote ng gatas. Napatitig siya
"Apple."Napalingon si Apple sa likuran niya, at nakita niya si Nathan, seryoso ang tingin, habang hawak ang stuffed bunny na iniwan ni Amara sa mesa. Saka siya dahan-dahang lumapit.“May kailangan ba tayong pag-usapan?” tanong niya.Hindi agad sumagot si Nathan. Tumitig lang ito sa kanya, tila ba sinusukat ang bawat emosyon sa kanyang mukha."Apple, gusto kong malaman mo na... hindi ako lalapit sayo kung hindi ako sigurado. Hindi ako nandito para lang guluhin ang buhay mo. Alam kong ayaw mo ng komplikado, pero... ako na siguro ‘yung pinaka-komplikado sa lahat ng puwedeng pumasok sa mundo mo ngayon.”Napakagat si Apple sa labi. Hindi siya agad nakapagsalita.“Hindi ko alam kung handa pa ako, Nathan,” bulong niya. “Kakatapos lang ng isang yugto sa buhay ko na halos ikawasak ko. May anak ako. May mga responsibilidad ako na hindi puwedeng isantabi. At ikaw…”“Ako?”“Ikaw ‘yung tipo ng lalaki na alam kong p’wede kong mahalin, pero hindi ko alam kung dapat.”Tumango si Nathan, bagama’t hal
Umaga pa lang pero tila puno na ng kabigatan ang dibdib ni Apple. Nasa isang tahimik na café siya sa Paris, malapit sa Eiffel Tower. Sa kabila ng malamig na hangin, pinapawisan ang kanyang mga palad. Katapat niya ngayon si Mia, ang matalik niyang kaibigan, habang tahimik silang nagkakape.Tumitig si Mia sa kanya, seryoso ang mukha.“Apple… seryoso ka ba talaga sa ginagawa mo ngayon?”Napakunot ang noo ni Apple. “Anong ibig mong sabihin?”“Si Nathan. Alam mo kung gaano siya ka-seryoso sa ‘yo. Pero ikaw? Parang hindi ko pa rin makita kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa kanya.”Napayuko si Apple, tinitigan ang tasa ng kape na tila gusto niyang magtago sa ilalim nito.“Naguguluhan lang ako, Mia. Ang daming nangyayari. Si Amara, ang trabaho, si Lance...”Napailing si Mia, saka bahagyang tumawa ng mapait. “Pero Apple, hindi mo na si Lance ang kasama mo ngayon. Si Nathan na. At kita ko kung paano ka niya tinitingnan. Puno ng pagmamahal. Halos sambahin ka.”Napasinghap si Apple at hum
Kinabukasan.Nasa harap na ng hotel lobby si Apple at Nathan, hawak ang kamay ni Amara. Ang simpleng gesture ay may bigat ng mga salitang hindi pa nila kayang sagutin, pero sa bawat hakbang na tinatahak nila sa Paris, unti-unti ay parang mas maluwag ang pakiramdam ni Apple."So this is it," sabi ni Nathan, habang pinagmamasdan ang mala-makina ng hotel lobby at ang mga eleganteng design na naka-display. "Your big break."Lumingon si Apple kay Nathan at ngumiti. Hindi niya alam kung paano magsimula, ngunit sa mga sandaling ito, ramdam niyang lahat ng hirap at pagsubok ay para lamang sa pagkakataong ito."It feels like a dream," sabi ni Apple. "I never imagined I’d be here... With you, with Amara."Habang sila’y naglalakad papunta sa kanilang designated event space, si Amara ay nakatingin sa paligid, nangungusap ng malalaking mata, parang nararamdaman ang bago niyang mundo. "Taa-taaa," muling sambit ni Amara, habang itinataas ang mga kamay, ipinapakita ang kanyang kagalakan sa simpleng b
Apple bit her lower lip. May bahagi sa kanyang gustong umiwas. Ayaw niya ng false hope. Ayaw niya ng panibagong sakit. Pero ramdam ng puso niya ang sinseridad ni Nathan. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, may liwanag siyang naramdaman. Hindi pilit. Hindi nakakatakot.“Hindi madali ‘to,” mahina niyang sabi. “May anak ako. May responsibilidad. At kahit anong ganda ng tanawin dito sa Europe, ang totoo, gulo pa rin ang puso ko.”Nathan smiled gently. “Then let me help you carry some of that weight. I won’t rush you, Apple. Hindi kita pipilitin. Pero gusto kong malaman mo na hindi ka na nag-iisa.”Later that evening, Apple stood on the balcony of her hotel suite, overlooking the moonlit waters of Lake Como. Sa tabi niya ay isang baso ng red wine, at sa mesa ang isang bukas na laptop—nakatanggap siya ng email mula sa isang sikat na bridal magazine sa Milan. They wanted to do a feature on her work.“From Makati to Milan,” sabi niya sa sarili, natatawa. “Grabe talaga ang bu
Ilang araw matapos ang alok ni Nathan, nagdesisyon si Apple na tanggapin ito. Sinimulan na nila ang pagpupulong kasama ang iba’t ibang international creatives. Isang malaking wedding expo ang gagawin sa Vienna bilang soft launch ng Callisto Europe, at si Apple ang mamamahala sa Luxury Garden Wedding Booth—isa sa pinaka-importanteng segments ng event.“Apple, this is your vision,” ani Nathan habang pinapakita ang floor plan. “Use your story. I want people to feel something.”Nagtrabaho si Apple araw at gabi. Pinili niya ang mga bulaklak na may kahulugan—roses for passion, baby’s breath for innocence, lavender for healing. Gumamit siya ng mga vintage lace, crystal chandeliers, at handwritten vows sa wedding arch. Lahat ng elemento, may kuwento.Nang dumating ang araw ng event, napuno ng mga bisita ang hall. Lahat ay namangha sa booth ni Apple. May mga brides-to-be na napaluha, mga photographers na sunud-sunod ang kuha, at mga event organizers na gustong makipag-partner.“Nathan,” ani ng
Maaga pa lang ay gising na si Apple. Ang liwanag ng umagang iyon sa Paris ay tila kakaiba—parang may hatid na kaba at pananabik. Isang linggo na mula nang makatanggap siya ng email mula kay Nathan Callisto, ang dating manliligaw niya noon sa Singapore. Hindi niya inasahan na muling babalik ang lalaking minsang nagpangiti sa kanya, pero hindi niya pinili. Noon, may Lance pa siya. Pero ngayon… iba na ang lahat."Nandito na ako sa Charles de Gaulle Airport. See you soon."Ito ang huling text ni Nathan kagabi—maikli, diretso, pero may bigat.Napatitig si Apple sa salamin habang inaayos ang buhok. Simpleng coat lang ang suot niya, kulay beige, at itim na boots. Wala siyang suot na makeup maliban sa light blush sa pisngi. Gusto niyang maging simple—tulad ng pagkatao niya."Hinga lang, Apple. Professional lang 'to," bulong niya sa sarili, bagama’t ramdam niyang bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakarating si Apple sa arrival area na may halong excitement at kaba. Maraming tao—may mga naghihi
Kinabukasan, dumating na ang araw na matagal nang iniiwasan ni Apple. Ang araw ng kanilang flight papuntang Europe, isang malaking hakbang patungo sa bagong buhay. Nasa Pilipinas na sila galing Singapore at ngayon, ang kanilang mga puso ay magaan, pero ang mga alaala ng mga oras na kanilang ginugol sa Singapore ay matindi pa rin ang epekto sa kanilang mga damdamin. Para kay Apple, napakasakit na iwan ang lahat ng iyon—lalo na si Lance.Habang abala si Mia sa paghahanda ng mga gamit, si Apple naman ay naglalakad-lakad sa loob ng kanilang kwarto, nakatingin sa mga gamit at mga pasalubong na binili nila. Maraming alaala—ang mga tawanan, ang mga pagsubok, at lahat ng mga magagandang bagay na nangyari. Ngunit ang masakit, si Lance ay hindi kasama sa lahat ng iyon ngayon."Apple, tapos ka na ba?" tanong ni Mia mula sa kabilang sulok ng kwarto, sabay abot ng bag na malapit sa kama. "May mga oras pa tayo, baka magmamadali tayo."Nagpatuloy sa paglilibot ng mata si Apple sa mga gamit sa paligi
Pagkauwi ni Lance sa kanilang bahay, ramdam niyang bumigat ang paligid. Hindi pa man siya nakakapasok ng tuluyan, sinalubong na siya ng malamig at matalim na boses ni Monica.“Saan ka na naman galing, Lance?” tanong ni Monica, nakapamewang at halatang mainit ang ulo. “Alas-dos na ng hapon! Alam mong kailangan kong magpahinga, pero ikaw, parang wala kang pakialam!”Pinilit ni Lance ang sarili na huwag magalit, kahit alam niyang pagod na pagod na siya—sa damdamin, sa isipan, sa sitwasyon. Hinubad niya ang sapatos at tumingin kay Monica, na halatang mainit ang ulo.“Galing ako kina Apple. Sinamahan ko lang siya saglit para pag-usapan si Amara,” paliwanag niya, mahinahon ang boses.Napasinghap si Monica, at agad siyang naupo sa sofa habang hawak ang kanyang tiyan. “Si Apple na naman? Bakit parang mas may oras ka pa sa kanya kesa sa akin, ha, Lance? Ako ang asawa mo! Ako ang buntis dito!”“Monica…” bumuntong-hininga si Lance, at naupo sa tapat niya. “Hindi ko naman sinabing mas mahalaga si
Naglakad si Apple papuntang lugar kung saan sila nagkasundong magtagpo. Ang bawat hakbang ay puno ng pag-aalinlangan, ngunit hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. Ang huling pagkakataon na makakaharap niya si Lance—ang taong minsan niyang iniwasan ngunit hindi kailanman ganap na nakalimutan.Pagtapat niya sa kanto, nakita niyang naghihintay na si Lance sa isang maliit na coffee shop, ang paborito nilang lugar noong magkasama pa sila. Nang makita siya, tumayo siya mula sa upuan at naglakad papalapit, ang mga mata nitong puno ng emosyon."Apple," tawag ni Lance, ang tinig ay puno ng sakit at pagnanasa. "Salamat at pinayagan mo akong makita ka.""Tama ba ang desisyon ko, Lance?" tanong ni Apple, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan.Lance ay ngumiti, ngunit ang ngiti ay may halong kalungkutan. "Hindi ko alam, Apple. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero..." Umiling siya, parang naguguluhan. "Hindi ko kayang mawalan ka. Hindi ko kayang tanggapin na wala na tayo."