Share

C4

Nanatili ako sa pintuan habang umiiyak parin. Walang tigil ang pag agos ng luha ko na kahit anong pigil ko dito ayaw paawat. Nakayuko na ako habang umiiyak parin.

Alam mo yong pakiramdam na gustong gusto mo nalang maglaho dahil sa sobrang sakit. Yong tipong gusto mo nalang mawala para mawala yong sakit pero f*ck ang hirap.

Muling sumagi sa isip ko ang isang kyle na sobrang nag aalala kay eunice kanina mula sa loob. Napapikit ako dahil parang sinaksak ang puso ko ng libo libong kutsilyo. Ang sakit kase hindi niya kailanman ginawa sa akin yon. Ang sakit kase wala siyang pakealam sa akin. Ang sakit kase wala siyang pakealam kong meron mang mangyare sa akin.

D*mn it bat ganito kasakit. Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya pero bakit ganito kasakit ang sukli ng pagmamahal na binigay ko.

Mas lalo akong naiyak kase kahit anong sakit ang binato at dinulot niya sa akin I STILL LOVE HIM hindi man lang nabawasan kundi mas lumala pa. Yong tipong wala ng pag asang makabangon. Ang hirap hirap at ang sakit sakit. Then I remember eunice.

She's my bestfriend. Isa sa matalik kong kaibigan kasama sina Rose, Zach , Kath, Luke and Jane ofcourse si Kyle saka Eunice. They are my bestfriend before pero nagbago ang lahat ng maikasal kame ni kyle. Galit sila sa akin kase ang akala nila inagaw ko si kyle kay eunice.

Magkasintahan noon si kye at eunice kaya kailangan nilang mag hiwalay dahil sa akin. Naging selfish ako inuna ko ang pansariling ksiyahan ko dahilan para magalit sa akin ang mga kaibigan ko.

Simula nong kinasal kami ni Kyle hindi ko pa sila nakakausap o nakita. Galit sila sa akin yan ang alam ko pero alam ko sa puso ko mapapatawad nila ako.

Wala akong balita sa kanila dahil tinapos ni rose ang pagiging magkaibigan namin simula nong ideneklara kami ni kyle na ikakasal.

"Jusq anong ginagawa mo ditong bata ka" nagulat ako ng merong nagsalita sa harap ko. Tuminga ako para makita kong sino yon at bumungad sa akin si manang na punong puno ng pag aalala sa mga mata dahilan para mas lalo akong maiyak.

AKIRA POV.

Hinawakan agad ni manang balikat ko pero napadaing ako dahil sa sakit ng braso ko saka ang likod ko. Pinunasan ko ang luha ko pero patuloy parin ito sa pag agos. Tinayo ako ni manang.

"Anong nangyare sau? Jusq kang bata ka. Anong ginagawa mo dito sa labas" ramdam kong inis na sabe ni manang. Naalala ko ngayon pala ang uwi niya kase tapos na anh day off niya. Hindi ako makapag salita dahil sa nagbabara kong lalamunan. Nanatili akong nakayuko habang patuloy sa pag iyak. Natatakot akong magsalita dahil sa panginginig ng boses ko.

Nakita ko mula sa gilid ng mata ko si manang na may kinuha sa ilalim ng vase dito sa labas. Tiningnan ko ito at nakita kong susi ito. Tumabe ako para makadaan si manang.

Binuksan niya ang pintuan saka pumasok. Pagpasok ko walang kyle at eunice na nadatnan ko. Napatingin ako sa taas at nasisiguro kong andon sila sa kwarto. Muling tumulo ang luha ko at muling kumirot ang puso ko.

Pinaupo ako ni manang sa soffa. Hindi parin ako nag sasalita dahil sa nagbabara kong lalamunan at natakot din na baka manginig ang boses ko pag magsalita ako.

Iniwan ako ni manang sa soffa at pumunta sa kusina. Pagbalik niya meron na siyang dalang tubig at agad binigay sa akin. Dahan dahan ko itong kinuha at dahil sa panghihina ko muntik ko na itong nabitawan buti nalang at inalayan ako ni manang.

"Ano bang nangyare sayo?" Nag aalalang sabe ni manang pagkatapos kong uminom. Nilapag niya ito sa harap ko at habang hinihimas niya ang likod ko.

"N-nakalimutan k-ko kase kong s-saan ko nalagay yong s-susi" basag ang boses ko nong sinabe ko yon. Patuloy sa pag agus ang luha ko kahit anong pigil.

"Halikana umakyat ka muna sa taas at magpahinga ka. Mukhang pagud na pagud ka." Nag aalala paring sabe ni manang. Tinulungan niya akong tumayo at umakyat sa taas.

Dinaanan namin ang kwarto ni Kyle na sobrang tahimik. Hindi ko alam saan sila nag punta. Nanatili akong nakatingin doon sa pintuan ng master bedroom pero iniwas ko din kalaunan ng malapit na kame sa kwarto ko.

Binuksan ni manang ang pintuan ng kwarto ko bago niya ako pinapasok.

"Magpahinga ka muna. Aalis muna ako at akoy mamalengke pa. Pagbalik ko lulutuan kita ng paborito mo ok? " nakangiting sabe ni manang habang pinupunas ang luha kong patuloy sa pag agus. Ngumiti ako saka tumango bago sinara ang pinto. Dumiretso ako sa kama at humiga. Napatingin ako sa kesame kahit nanlalabo ang mga mata ko.

Bumalik na ang taong totoong minahal ni Kyle. Paano na ako? Humagulgul ako sa naisip ko. Mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya. Sunod sunod umagos ang luha ko mula sa mga mata ko. Walang tigil ang pagkirot ng puso ko.

ang dami kong tanong sa isip ko na paano kong tuluyan ng mawala sa akin si Kyle? Oh god hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya. Kaya kong tiisin ang sakit na to mahalin niya lang ako. Kaya kong tiisin ang sakit na dinulot niya sa akin. Kaya ko siyang patawarin mahalin niya lang ako pabalik. Kayang kaya ko ang lahat wag lang siyang mawala sa akin.

Mas lalo akong naiyak ng sumagi sa isip ko kong anong laban ko sa taong niyang minahal? Isa lamang akong hamak na unwanted wife na kong saan galing arrange merriage.

Ang bigat bigat sa dibdib. Gusto ki ng kausap pero hindi ko alam kong sino ang lalapitan ko. Then naalala ko ang mga magulang ko. Tumulo ang luha ko na parang gripo na walang tigil kakaagos na kahit anong punas dito aagus parin.

Tumagilid ako at nahagip ng paningin ko ang picture frame namin nina dad at mom saka picture frame ni kyle nong kinasal kame. Ang laki ng ngiti ko at makikita mo talaga na masaya ako. Lumipat ang mata ko kay kyle na walang mababakasa na ngiti sa labe. Ngumiti ako ng malungkot saka ko hinawakan ang mukha niya.

I REALLY LOVE HIM.

Hindi ko alam kong anong oras nakatulog dahil narin siguro sa pagud at sobrang pag iyak basta nagising nalang ako madilim na sa labas. Kinusot ko ang mata kong namumugto. Nakatulog ako sa kakaiyak ko. Bumangon ako at nahagip ng paningin ko ang oras 6:20 pm na pala. Roba parin ang soot mula kaninang umaga. Hindi ako nakapag bihis.

Bumuntong hininga ako bago ako tumayo at dumiretso sa walk in closet ko para makapag bihis ng pambahay. Dumating na kaya si manang? Hindi man lang ako ginising.

Pinilig ko ang ulo ko bago ako lumabas sa closet ko. Naka soot ako ngayon ng pantulog. Inayos ko muna ang mukha ko bago ako lumabas ng kwarto ko.

Bukas lahat ang ilaw ng lumabas ako. Panigurado nakauwi na si manang. Isang hakbang palang ang nagawa ko ng meron akong nadinig na tawanan at hagikgikan sa baba. Kumunot ang noo ko pero ang puso ko ang bilis ng tibok.

Dahan dahan akong lumakad hanggang sa maabot ko ang hagdan at mula sa kinatuyuan ko kitang kita ko si Kyle at Eunice naghahalikan. Nakaupo si kyle habang si eunice naman ay nasa kandungan nito.

Kumirot ang puso ko sa nakita ko. Merong lumandas na isang butil na luha mula sa mata ko pero agad ko itong pinunasan at matapang na nitingnan silang naglalambingan.

"I want you to get a devorce kyle for us para matupad na natin ang pangarapan natin noon" Malambing na sabe ni Eunice. Dinig na dinig ko yon kahit nasa kalawang palapag ako. Umiwas ako ng tingin at tumalikod na para bumalik sa kwarto.

Hindi ko na hinintay na sumagot si Kyle baka mas lalo lang akong masaktan sa sasabihin niya. Pumasok ako sa kwarto ko saka sinara ito. Nagulat ako na hindi ako umiyak. Ubos na ata luha ko. Pinilig ko ang ulo ko para alisin ang iniisip ko. Napatingin ako sa phone ko ng umilaw ito.

Kinuha ko ito at binuksan at bumungad sa akin ang text ni manang. Binuksan ko ito.

Manang:

Pasensiya kana hija dinagdagan ni Sir ang day off ko ng apat na araw.

Nabasa kong message ni manang. Kumunot ang noo ko pero napagtanto ko kaagad kong bakit ginawa yon ni Kyle. Bahagyang kumirot ang puso ko saka ako bumuga ng isang malakas na buntong hininga.

Hindi pa naman ako gutom kaya bababa nalang ako pag nakaramdam ako ng gutom. Ginala ko ang mata ko sa buong kwarto ko at napabuntong hininga kong anong dapat kong gagawin. Nahagip ng paningin ko ang tv dito sa kwarto kaya naman hindi ako nagdalawang isip na lumapit dito at binuksan.

Nakatulugan ko ang panonood ko sa tv kagabe. Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinusot ko ang mata ko bago tuluyang dumilat at kumunot ang noo ko ng nasa kama na ako. Napabangon ako at inalala ang lahat

Ang huling naalala ko nakatulog ako sa sa soffa ng kwarto ko pero hanggang don lang. Kumunot ang noo ko baka naman pumunta talaga ako sa kama ko kagabe dahil narin siguro sa antuk.

Tumingin ako sa orasan ko dito sa kwarto at nakita kong 9 am na pala. oh shit meron pa pala akong trabaho then I remember tinanggal na pala ako ni Kyle. Napabuntong hininga ako kasabay non ang pagtunog ng tiyan ko.

Hindi pala ako naka dinner kagabe kaya siguro gutom na gutom ako ngayon. Umalis na ako sa kama ko saka ako dumiretso sa banyo para gawin ang morning routine ko. Ilang minuto kong ginawa ng morning routine ko bago ako lumabas at pumunta aa closet ko para makapag bihis ng pambahay.

Pagkatapos kong nagbihis lumabas kaagad ako ng kwarto. Paglabas ko bumungad sa akin ang tahimik na bahay. Wala si manang ngayon dahil tulad ng sinabe niya kagabe sa text niya dinagdagan ni Kyle ang day off niya.

Bumaba kaagad ako ng hagdan at nagpasalamat na hindi ko naabutan si Kyle at Eunice. Ayokong umiyak ngayon at ayoko munang masaktan ang importante kasal kame ni kyle at yan ang pang hahawakan ko para hindi niya ako iiwan.

Dumiretso kaagad ako sa kusina at nag simula ng magluto. Nagluto ako ng steak saka bacon. Hindi naman nag tagal ang pagluluto ko kaya agad din akong naka kain. Pansamantalang nawala ang bigat sa dibdib ko ng kumain ako ng masarap na pagkain. Pagkatapos kong kumain. Hinugasan ko na ang pinagkaininan ko bago ako bumalik sa kwarto para makapagligo.

Pumasok ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo para makapagligo. Hindi nagtagal ang ligo at dumiretso ulit ako sa closet para makapag bihis. Nagsoot ako ng pants saka crop top and sneaker. Inayos ko muna ang mukha ko bago ako lumabas ng kwarto at dumiretso kaagad palabas.

Wala akong gagawin buong araw kaya naman may pupuntahan akong isang lugar na kong saan laging kong pinupuntahan pag meron akong problema.

Sumakay ako sa kotse ko bago ko ito pinahurot papuntang mall para makapag grocery at pasalubong narin.

Narating ko ang mall ng ilang sandali. Pinark ko ang sasakyan kong two seater sa parking lot bago ako lumabas at pumasok sa SM MALL. Diretso lang ang lakad ko kahit alam kong bawat nadadaan kong tao ay nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko. May dumi ba ako sa mukha para titigan ako. Nahagip ng paningin ko ang grupo ng lalaking nakatingin sa akin na mababakas ang pagkamangha. Umiwas ako ng tingin bago ako kumuha ng cart para makapag simula ng mag grocery.

Panay ang lingon ko sa kaliwa at kanan sa mga bibilhin dito. Kinukuha ko lang yong importante at alam kong magugustuhan nila. Napangiti ako saka nag patuloy sa pamimili. Nahagip ng paningin ko isang pagkain na nasa taas.

Sh*t!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status