Natigilan ako sa bigla niyang paghalik sa kamay ko, ngunit mabilis akong tumayo nang mapagtanto ang ginawa niya. Napabalik rin ako sa pag upo nang hinila nito ang kamay ko. "Bumalik ka na doon," sambit ko at sinubukang tumayo ulit at tanggalin ang kamay kong hawak ng kamay niya. "Ayoko," sambit nito habang ang mata ay mapungay na nakatingin sa'kin. "Edi manigas ka diyan! Bitawan mo nga ang kamay ko!" Mahinang bulyaw ko. Ano ba kasing naisip ko? Nakakainis! Dapat hindi na ako bumaba at dapat hindi ko hinawakan ang labi niya, pero kahit nagsisi akong hinawakan ang labi nito ay hindi ko pa rin maiwasang mapasulyap ulit sa labi niya... alam ko naman kasi na kasalanan ko rin naman kung bakit nagkasugat ang labi niya. "And now you are staring at my lips?" Masuyo nitong sambit. Sumimangot siya sa sinabi niya. Nagulat ako kaya halos mapaatras na ako nang bigla siyang maupo, ngunit hindi nito binitawan ang kamay ko. "Hindi mo tatanungin kung bakit ayaw kong bumalik sa kwarto?" Rin
Mabilis ang kilos ko hanggang sa makarating sa kama. Hindi ko alam kung susunod ba siya gaya nang sabi ko sa kanya, pero deretso pa rin ako sa kama, sa tabi ng anak ko at kinumutan ang sarili. Hindi ako mapakali, paano kung doon pa rin siya matulog? Pero, Gillian, kung gustohin niya roon, wala ka nang pake roon. Matulog ka na lang! Hindi ko maiwasang bulyawan ang sarili sa inis. Pumikit ako at niyakap na lang si Zacky. Hindi ko alam kung bakit ako natataranta. Nakagat ko na lang ang labi nang marinig ang pagbukas ng pinto. Sumunod nga siya Naikuyom ko ang lapad ko na nakayakap kay Zacky. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Ang lakas pa rin ng epekto niya sa'kin. Nakakainis! Hinintay ko siyang mahiga sa tabi ni Zacky, ngunit nakagat ko na lang ang labi nang mapagtantong hindi siya kasya sa tabi ni Zacky, sa parte ko mas maraming space, at siguradong doon siya pupwesto. Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko, pero hindi ko siya binalingan. Nanatiling sa dereksyon ni
"Mama, maliligo ulit ako ah," nakangiting sambit ni Zacky habang kumakain. Napailing ako. Heto nanaman tayo. Ang hilig talaga niyang maligo sa dagat. Kahit naman ayuko ay wala akong magagawa dahil alam kung kapag hindi ako pumayag ay tatakbo nanaman siya sa papunta sa ama. Iiyak nanaman siya at magsusumbong sa papa niya na hindi ko siya papayagan. "Xerox copy talaga ni Kuya si Zacky," natatawang sambit ni Dexie pagkatapos uminom ng tubig. "I have photos of Kuya when he was the same age as Zacky, pero nasa bahay sa manila ang lahat kaya if I have time na umuwi ipapakita ko talaga iyon Zacky, para makita niya kung gaano sila magkamukha ng ama niya," si Dexie. Kaming tatlo lang nandito. Nauna na kasing kumain sila Zachary dahil pupunta raw sila sa laot para mangisda, ewan, hindi ako sigurado kung alam ba nilang mangisda, pero may nakita naman ako kaninang pamingwit na hawak si Zeyo kaya sa tingin ko ay mamimingwit lang sila. Magsasalita sana ako, ngunit hindi natuloy nang tumuno
Tama ba ang rinig ko? Nagpapatawa ba siya. "Oo nga, Gillian. Kawawa naman ang pamangkin ko. Sumama na kayo sa manila para mapakilala na rin si Zacky sa pamily,a" sambit ni Dexie. "Hindi. Hindi kami sasama ni Zacky," sambit ko at sapilitang kinuha si Zacky kay Zachary. "Come on, Gillian," si Zachary. "No! Papa!" Si Zacky na umiiyak pa rin. Ayaw niyang pumunta sa'kin, gusto niyang manatili sa kandungan ng ama niya. "Gillian," tawag ni Zachary. Hindi. Hindi pwedeng sumama kami. Nagpapatawa ba siya? Alam naman niya na ayaw sa'kin ng mama niya. Kahit mabigat na at si Zacky at kahit alam kong mahihirapan ako ay binuhat ko pa rin siya. "Hindi kami sasama. You know how your mom hate me. Ayokong dumating nanaman ang panahon na iinsultihin niya ako, ayos lang sana kung ako lang, pero iba na ang usapan ngayon. Ayokong maramdaman ni Zacky ang naramdaman at pinaramdam ng mama mo noon sa'kin." "Gillian, hindi ko iyon hahayaang mangyare. Come on, don't be paranoid," sambit nito at sinubuka
"Are you two fighting? Mama, Papa," sambit nito na patuloy pa rin sa paghikbi.Lumapit si Zachary at kinuha sa'kin si Zacky, wala na akong lakas para pigilan si Zachary sa pagkuha kay Zacky. Naupo siya sa tabi ko at kinandong ang anak."We're not, Son. Inaasar lang ni Papa si Mama, pero hindi kami nag-aaway."Napaiwas ako nang tingin. Hindi nagsalita si Zacky at yumakap lang sa ama niya."Papa, please huwag na po kayong umalis," muli ay para nanaman maiiyak si Zacky habang nakayakap at nakasubsub ang mukha sa leeg ni Zachary.Sumulyap sa'kin si Zachary bago magsalita."Uuwi rin si Papa rito. 4 or 5 days lang ako roon, uuwi rin si Papa rito kasi nandito kayo ni Mama. Don't cry, Son. I thought you were a big boy na? Big boy don't cry.""Pero, Papa," hinarap niya ang papa niya, mula sa kinaroronan ko ay kitang kita ko ang halos basa niyang mukha dahil sa pag-iyak. Pinunasan ni Zachary ang mukha ni Zacky dahil sa pag-iyak nito."Pag-uwi ko bibili ako ng mga toys mo. What do you want? Name
Mapait kong tinignan ang kalendaryo. 4 days o 5 days lang daw siya roon, 'yun ang sabi niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Dalawang linggo na ang nakalipas. Wala naman akong karapatan para sumbatan siya kasi hindi niya natupad na babalik siya agad. Pero naaawa na ako sa anak ko. Kahit hindi na para sa'kin ang pagbabalik niya, kahit para na lang sa anak ko. Walang araw na hindi siya nagtatanong tungkol sa papa niya. Walang araw itong hindi tinatanong kung nandito na ba ang papa niya. Palagi siyang tumitingin sa labas, animoy umaasa na sa pag tingin niya roon ay ang makikita niya pagbabalik ng kanyang ama. Minsan pa nga ay nakikita ko siyang nakadungaw lang sa bintana at tulala na nakatingin sa labas. Hindi ko alam kung anong nangyayare, pati si Dexie ay walang paramdam. Nag-aalala na ako, pero lamang roon ang panghihinayang. Sana hindi na lang siya nangako na babalik siya pagkatapos ng apat o limang araw. Si Zeyo ay sumama na sa kanila pauwi sa manila, ha
Bakit nga ba wala pa rin siya hanggang ngayon? Bakit kaya pati si Dexie ay walang paramdaman? Pati si Yunard ay hindi ko makontact. Ano bang nangyayare sa kanila? Ano bang nangyayare roon? Noon ngang nasa ibang bansa sila ay nagagawa nilang tumawag, pero ngayon na nasa parehong bansa kami ay hindi na. Ano kayang nangyare sa mama nila? Malala ba? Hindi matapos tapos ang mga tanong sa isip ko. Kakapasok pa lang ng tanong ay may susunod na tanong agad. Tumawag ako kay Dexie, pero hindi nito sinasagot. Sinusubukan ko ring tawagan si Yunard, pero tulad ni Dexie ay hindi rin nito sinasagot ang tawag ko. Nagtatrabaho ako sa resort, kaya shempre natatanong ko ang manager kung tumawag ba si Dexie, kaya lang pati ang manager ay walang balita kay Dexie. Nagtataka na ako. Nakakapagtaka na. Ano bang nangyare? Resort ni Dexie iyon, kaya paanong hindi man lang siya tumawag? Oo nga at alam kung mayaman siya, na ang resort na 'yun ay isa lamang sa maliit na ari-arian nila, pero resort pa rin ni
"Hindi ko na alam kung ano pa bang palusot ang pwede kong sabihin kay Zacky, Nika. Gabi gabi nalang nagtatanong siya. Gabi gabi na lang malungkot siya," mahinang sambit ko. Inilapag ni Nika sa mesa ang hawak na pinggan, kung saan nakalagay ang nalutong isda. Hindi ito nagsalita. Alam kong alam niya rin na palaging malungkot si Zacky dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Zachary, ang ama niya. "Ayokong sabihin 'to, Ate, pero paano kung wala na kayong hinihintay?" Alanganing sambit ni Nika. Umawang ang labi. Pati ako ay hindi alam kung anong gagawin ko. "Ate! Ate Nika!" Napasulyap kami ni Nika kay Zaji nang sumigaw ito galing sa loob. "Oh? Anong problema mo?" Si Niko kay Zaji. Biglang bumagal ang lakad nito. "Ate Gillian, nandiyan ka pala," alanganing sambit niya. Hawak hawak nito ang phone na para bang may gustong sabihin, pero bigla siyang nagdalawang isip. Ano bang problema niya? "Bakit, Zaji?" Tanong ko. Napakamot ito sa ulo at ngumuso. Hindi ko maiwasang ikuno
"Why are you crying?" Hindi ko namalayan na nasa pinto na si Zachary at nakita nito ang pag-iyak ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Siguro ay dahil sa subrang saya. Subrang saya ko sa nangyayare. Kita ko ang galit sa mata niya habang mabilis ang paglapit niya sa'kin. Naupo siya sa kama at pinunasan ang luha ko. "Damn! May ginawa ba si Mommy? May sinabi siy? What is it, Baby?" Nag-aalalang simbit niya. Inilahad ko ang palad ko sa harap niya. Naguguluhan niya iyong tinignan. "Asan na?" Para na akong tanga habang umiiyak na tinatanong 'yun. "Asan ang alin? Come on, Baby? What is it? Baka biglang pumasok ang anak natin dito at isipin na pinapaiyak kita. Badshot pa ako sa anak na'tin-" Taka nitong sambit. "Bakit ang dami mong sinasabi? 'Yung singsing lang naman ang kailangan ko!" Inis na sambit niya. Sinubik nitong magsalita, pero natigilan rin at napatitig sa'kin. "What is it again?" Pinunasan ko ang luha ko. "Ano? Ayaw mo na akong pakasalan?" Inis kong tanong. Pumukit ito
Nasa hapag na kami. Inaasikaso ni Madam si Zacky, si Zacky naman ay tudo ngiti. Napanguso na lang ako. Hindi ako makagalaw galaw ng maayos. Takot ako na mabaling sa'kin ang atensyon ni Madam Anastasia. Kung tanggap niya ang anak ko, hindi ibig sabihin na pati ako ay tanggap niya. "Kumain ka na." Nagulat ako nang magsalita si Zachary. Napasulyap ako sa kanya nang lagyan niya ng pagkain ang pinggan. Dahil sa ginawa niya ay napasulyap silang lahat samin. Zachary naman! Hindi na nga ako gumagalaw rito para hindi nila ako mapansin tapos gaganyan ka pa. Susko! Napainom tuloy ako ng tubig. "Hija, bakit hindi mo sinama ang ama mo para mapag-usapan na ang kasal niyo." Halos mabilaukan ako nang marinig iyon galing sa ama ni Zachary. Napasulyap na lang ako kay Madam Anastsia sa tabi ni Zacky nang bitawan niya ang hawak kubyertos. "Bakit? Ayaw mong pakasalan ang anak ko?" Si Madam Anastasia. Napaubo na ako. Halos pinagpapawisan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko.
"Wow!" Si Zacky habang nakatingin sa bahay ng papa niya. Kitang kita ko ang paghanga ni Zacky sa mata niya."Let's go. Pasok na tayo," si Zachary habang bitbit na ang gamit namin. Kinuha ko ang isang gamit sa kanya, ayaw pa nga niya noong una, pero binigay pa rin.Papalapit pa lang kami ay bigla nang bumukas ang pinto. Akala ko noong una ay automatic lang, pero kasunod non ang sabay sabay na sigaw at pagputok ng confetti."Welcome home!!" Umawang ang labi ko nang nangunguna ang boses ni Dexie."Tita Ganda!" Si Zacky at tumakbo para yakapin si Dexie."I miss you gwapo kong pamangkin!" Si Dexie at pinaulanan niya ng halik si Zacky sa mukha. Natatawa naman si Zacky sa pinaggagagawa ng tita niya.Ngingiti na sana ako, kaya lang natigilan ako nang mapasulyap sa mga taong nasa gilid lang at nanonood.Para akong nawalan nang lakas nang makita ko si Mandy kasama sila Madam Anastasia, sa tabi nito ay ang sa tingin ko ay Papa ni Zachary. May kasama pa silang matanda. Titig na titig sila kay Za
"Zacky, pupunta tayo sa bahay ni Papa," sambit ko. Nakita ko ang pagningning ng mata ni Zacky, pero hindi kalaunan ay naging simangot ulit iyon. Masaya siya, pero parang may pumipigil sa kanya sa pagpapakita non. "I don't have papa," sambit nito kaya nagkatinginan kami ni Zachary. "Zacky-" Natigilan ako nang hawakan ni Zachary ang isang kamay ko na para bang pinapatigil ako. "Hayaan mo na-- Ouch" Paano ba naman ay biglang kinurot ni Zacky ang kamay ng ama niya na nakahawak sa kamay ko. "Don't touch my mama!" Irita at masungit na sambit ni Zacky habang nakatayo na. Sinununos naman ni Zacky ang ama. Naupo ito at sinuot ang seatbelt. "Okay. Okay, Son. Maupo ka na and put your seatbelt back on." si Zachary at tinanggal na ang kamay niya sa kamay ko. "Damn! Masungit na nga ang ina, masungit pa ang anak," mahina niyang sambit, pero narinig ko. "Are you telling me na sa'kin nag mana ng kasungitan ang anak mo?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Ngumuso ito at unti unting ngumit
Pagkatapos kong marinig 'yun ay nanlambot na ako. Parang natibag na ang pader na nilagay ko sa gitna namin nang marinig ang rason niya. "Hindi ako naniniwala. Hindi na ako naniniwala sayo," sambit ko. Kita ko na hindi na niya alam ang gagawin niya. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Saka lang ako maniniwala kapag sinama mo kami ng anak mo sa manila at makausap si Mandy para matanong sa kanya ang totoo." Hindi ito makapaniwalang tumingin sa'kin. Para bang hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya. Sunod ay ang sunod sunod na pagmura ito. "Fuck! Damn! Hell! I'm hearing it right, right? Fuck! Sasama ka na sa Manila? Sasama na kayo ni Zacky? Sasama na kayo sa'kin?" Tanong nito at lumapit na para hawakan ang dalawang kamay ko. Kita ko ang saya sa mata niya kaya napaiwas ako. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Sabihin mo na lang kung kailan," paos kong sambit at naglakad na papunta sa kwarto, pero bago ako makapasok ay narinig ko ang boses niy
"Kung ang pagbubuntis ni Mandy ang usapan, huwag na tayo mag-usap," sambit ko at tinalikuran siya, pero—"Ang mahirap sayo hindi ka nagtatanong. You had time to ask me earlier about Mandy, but the first thing you want me to do is to leave,"Inis ko siyang hinarap. "So anong gusto mo? Kailangan ba na manggaling sayo at marinig ko mula sayo na nakabuntis ka? Na may posibilidad na hindi na talaga mabigyan ng buong pamilya ang anak ko-""Damn it, Gillian! Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Mandy! Matagal nang walang kami. Simula noong iniwan mo ako-""Correction, pinagtabuyan mo ako. Hindi ako aalis non kung hindi mo ako pinagtabuyan," bulyaw ko.Napahilot ito sa noo na para bang sumasakit na ang ulo niya."Fine! Simula noong pinagtabuyan kita at umalis ka ay hindi ko na nakaya pang humalik ng ibang babae, tapos makakabuntis? Damn it! I swear, that is not my child, so please stop thinking nonsense. Hindi ako magkakaanak sa iba! Kung may mabubuntis man ako ulit, ikaw ulit 'yun! Kung may
Gillian's POV Hindi ako mapakali habang nakatingin kay Zachary. Pinapaalis ko na siya, pero hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya nakaupo sa kung saan ko siya iniwan. Umuulan na rin sa labas, pero parang wala itong pakealam. Parang wala itong pake na maulanan siya. Hindi pa naman siya gaanong basa, pero kahit na! Bakit ba hindi na lang siya umalis! "Binanggit mo, Ate, 'yung tungkol sa nabasa na'tin sa phone ni Zaji?" Tanong ni Nika habang nakatingin rin kay Zachary. Nandito na rin sila papa galing sa bayan. Gaya ko ay gusto rin nilang paalisin si Zachary, pero hindi siya umalis. "Hindi," mahina kong sambit. Siguro hindi lang dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako niya kaya gusto ko siyang paalisin. Aaminin ko, isa sa dahilan ay dahil sa magkakaanak na siya sa iba. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin at iisipin ko. "Ate, hindi ka pa ba nadala? Sa tingin mo ba may napapala ang taong sarado ang isip? Ikaw mismo ang nakaranas niyan, Ate. Isipin mo, naging sarado noon a
"Hindi mo ako masisisi kung bakit ako galit sayo dahil hindi mo nakita kung gaano umiyak si Zacky dahil pinaghintay mo siya! Kahit tulog ay tinatawag niya ang pangalan mo. Wala ka noong gabing sabik na sabik siyang makita ka at lagnatin na sa pagkasabik sa pagbalik mo!" Lumapit ako at tinulak siya. Hindi ko alam kung malakas ba ang pagkakatulak ko o ano dahil halos matumba ito. "Bakit ka pa ba bumalik!? Bakit hindi mo na lang panindigan ang hindi mo pagbalik!?" Bulyaw ko. Kasi alam ko naman na aalis ka rin ulit, lalo na at magkakaanak ka na kay Mandy. Magiging bastardo rin naman ang anak ko, at sa huli siya pa rin ang kawawa. Gusto kong sabihin iyon, pero hindi ko tinuloy. "Can you listen to me first?" mahinahon niyang sambit. Umiling ako. "Kapag nakinig ako sayo, baka dumating ulit ang panahon na mangangapa kami ng anak ko. Ang mas nakakabuti mong gawin ay ang umalis rito." "Hindi ako aalis. Suntukin mo ako. Saktan mo ako," lumapit pa siya at siya ang nagdala ng kamay ko sa muk
Gillian's POV Sa isang buwan na hindi niya pagbalik ay bumalik siya. Nang tumingin siya sa'kin ay nagpatuloy ako sa pagsasampay. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? Ilang segundo ay natungo na niya kung nasaan ako. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Umalis ka na ngayong nakakausap mo pa ako nang maayos," sambit ko at kumuha ulit ng damit para isampay. Nasa loob si Zacky. Gusto kong makita niya ang ama, pero kapag nakita niya ulit ang ama, baka umasa siya sa sinabi ko na sasama na kami sa kanya. Hindi na iyon mangyayare. "I'm sorry, hindi ako nakabali--" "Wala akong pakealam sa sasabihin mo," seryosong sambit ko at sinampay na ang huling damit. "Baby, Listen to--" Isang sampal ang binigay ko sa kanya. Baby? Kung sa tingin niya makukuha niya ulit ako sa pa baby baby niya, nagkakamali siya! Sinubukan kong gawing seryoso ang expression ko. Nakatagilid ang mukha niya at gulat sa ginawa ko. Nagulat din ako sa ginawa ko, pero 'yun naman kasi talaga ang gu