Tinanaw ni isabella ang hotel kung saan siya nanggaling, rinig na rinig niya ang malakas na tugtog mula sa kanyang pwesto. Pinunasan niya ang kanyang mga mata gamit ang sariling kamay, ngunit patuloy parin ang pag agos ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi.
She knew she couldn't go back in because her makeup was now ruined. Her mascara was smudged all over her face, making her look like a complete mess.Nagpatuloy siya sa paglalakad at huminto nang makakita ng bench sa hindi kalayuan.Isabella felt a surge of frustration building up inside her, and she wanted to let it out with a loud scream. But, as she opened her mouth to let out the scream, she found herself crying even harder. The tears streamed down her face, making her mascara run even more.As she cried, she thought about all the things that had led her to this point. She thought about her family, and how they had always supported her, no matter what."Mommy..." she smiled bitterly. "Why did we end up like this?" Nanghihina nitong bulong. Napayakap siya sa kanyang sarili nang umihip ang malakas na hangin. Nanatili siya roon ng ilang minuto bago napagpasyahang umalis. She was about to get up and head back home when she saw someone approaching her. It was her brother. Kaagad niyang pinakalma ang sarili at pinunasan ang kanyang luha."Bell? Bakit nandito ka? Kanina pa kita hinahanap sa loob. Dad is looking for you too," Hindi agad napansin ng binata ang mugtong mga mata ni Isabella."I don't want to go back. I can't," Pinilit nitong ngumiti sa harapan ng kanyang kapatid."What happened?" Sinugod ni Ryan ng isang mahigpit na yakap si Isabella na agad naman nitong tinugunan. Muli siyang napaiyak sa bisig ng kapatid."Hushh." Hinagod niya ang kanyang likod bilang pagpapatahan. "Ano ba talagang nangyari? Why are you crying?" he asked calmy. Kumalas siya sa pagkakayakap nilang dalawa at sinapo ang mukha ng dalaga.Isabella tried to wipe away the tears from her face and composed herself before speaking. "Don't worry about me. I can handle myself. Bumalik ka na sa loob, baka hinahanap ka na nila.""What are siblings for Bella? I'm always here to listen. And no, I'm not going to leave you here alone. Babalik lang ako kung kasama kita.""Look at me Ryan, sa tingin mo makakabalik pa ako sa loob sa ganitong itsura?" Malakas na napabuntong hininga ang kanyang kapatid. She wanted to keep her emotions to herself and didn't want to involve her brother."Gusto ko nang umuwi. Gusto ko munang mapag isa," wika ng dalaga habang nakatungo."I'll drive you home then. Kahit iyon nalang ang maitulong ko." Sabay silang naglakad patungo sa nakaparadang sasakyan.Tahimik silang dalawa sa byahe. Nakadungaw lang si Isabella sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga nadadaanang puno habang ang kapatid naman nito ay naka focus lamang sa pagmamaneho. Ilang minuto pa ang nakalipas nang huminto ang sasakyan ni Ryan sa labas ng kanyang condo. Binalingan niya ang kapatid at nagpasalamat."Rest," sambit ni Ryan kay Isabella habang bakas parin ang pag aalala sa mukha niya."I will, good night. Drive safely." Tumango ang binata bilang pagsagot. Bumaba na rin si Isabella at kinawayan ang paalis na sasakyan ng kapatid.Kinuha niya ang kanyang phone sa dala niyang pouch. Isabella looked at the time on her phone and realized that it was already seven pm. The party had just started, but she couldn't bear to stay longer. She just wanted to go home and be alone.As soon as she entered her condo, she went straight to her room and lay down on her bed. She didn't bother to turn on the lights, she just laid there in the darkness, staring up at the ceiling. She was exhausted, both physically and emotionally and she just wanted to sleep.Isabella closed her eyes, and finally felt like she was home. She was on her safe space, where she could finally be alone with her thoughts and process everything that happened.Napabangon si Isabella nang mag ring ang kanyang cellphone. Papikit pikit niya itong inabot at tiningan ang caller ID.Napatulala siya rito nang makitang ama niya ang tumatawag. Nag aalangan pa ito kung sasagutin niya ang tawag o hindi, ngunit patuloy ang pagring nito kaya napipilitan niya itong sinagot."I'm sorry Dad.." Agad na paghingi niya ng tawad."Why did you leave the party so early? Ang daming nagtatanong kung nasaan ka at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko!" her father's voice was sharp and angry."Don't you know how much this celebration meant to me? You made me look like a fool in front of my friends!" Walang ibang magawa si Isabella kung hindi ang tumulala habang nagagalit ang kanyang ama sa kabilang linya. "Wala kang kwentang anak!" Isabella's heart shattered as she heard her father's words. The pain in his voice, the anger and disgust, they were all too much for her to bear. She felt like she was failing in everything she did, and that her father would never see her as anything more than a disappointment.Tears streamed down her cheeks, and she tried to fight back the sobs that threatened to escape. She didn't want her father to see how much his words had hurt her, but it was too late. The pain was too great, the betrayal too deep.Isabella hung up the phone, unable to bear another word from her father's mouth. She needed to be away from everything and everyone. She needed to figure out a way to move forward, to heal from the pain that her father had caused.She needs to be strong but the pain is too much to handle. Isabella decided to go to a club and to drink until she couldn't feel the pain anymore. She knew that it wasn't the best coping mechanism, but she couldn't face her emotions head-on right now. She needed a distraction, a way to numb the pain.As she walked into the club, she could feel the music pulsing through her body, the bass rattling her bones. She ordered a drink and started to sip it, feeling the alcohol slowly take effect.For a moment, she thought that maybe she had found the solution to her problems. Maybe all she needed was to forget, to live in the moment and not think about the past or the future. Maybe that was the key to happiness, to letting go of all the pain and the worry.Ilang oras ang nagdaan at hindi parin umaalis ang sakit na nararamdaman niya. Napatitig siya sa sa inuming nasa harap niya at walang sabi sabing nilagok iyon ng diretsuhan.Patuloy lang ito sa ginagawa niya nang may marinig na tumatawag sa kanyang pangalan. She turned around and saw Davis standing next to her."Such a mess." he said, reaching out to touch her arm. "I saw you sitting here and I thought you might need someone to talk to." Seryoso itong nakatingin sa kanya. Kahit na malamig ang pagkakasabi ni Davis ay mababakas mo parin sa kanyang mukha ang pag aalala. "So, what happened?"Isabella took a deep breath, trying to steady her nerves. She was surprised to see Davis, but also relieved to have him nearby."My father and I had a big fight, and he said some really hurtful things to me," wika niya sa mababang tono.Davis nodded, understanding the pain in Isabella's voice. He put his arm around her shoulders, drawing her close."Do you want to get out of here?" he asked. "We can go for a walk or get something to eat, whatever you need." Itinabi niya ang alak nang muli sana itong aabutin ng dalaga."Alcohol wasn't going to fix your problems, it'll just going to make things worse, believe me. Let's go outside." Hinila siya ni Davis palabas sa club. Wala itong nagawa kung hindi magpaubaya dahil wala na itong lakas para makipag argumento sa kasama. Dinala niya ito sa loob ng kanyang sasakyan."Dito tayo, maingay sa loob." May inaabot si Davis sa backseat. Nang makuha niya ang isang leather jacket ay ibinigay niya iyon kay Isabella. Ngayon niya lang napagtanto na hindi pa siya nakakapagpalit ng damit mula kanina."Thanks...""Isabella was grateful for Davis's help. She had been feeling so lost, and it made her feel better just to have someone by her side.Hindi pinaandar ni Davis ang sasakyan. Nakaupo si Isabella sa front seat katabi ng binata. Unang binasag ni Isabella ang katahimikan. She told Davis about the criticisms, the expectations, and the pressure she felt from her father. She told him about how she felt like she could never live up to his standards, and how it had been affecting her mental health. Davis listened intently, and asked her to tell him more about how she was feeling."It sounds like your father is having a hard time seeing things from your perspective," Davis said sympathetically. "But that doesn't give him the right to treat you that way. You deserve better than that."Isabella nodded, feeling a small sense of relief. It was good to have someone on her side, someone who understood how hard things had been for her."What do you think I should do?" tanong ni Isabella sa mababang tono."You don't have to put up with that kind of treatment," Davis said firmly. "You deserve to be treated with respect and kindness, n
A few days had passed since Isabella met Davis. He was the only person who had been able to reach her in her darkest moment including her brother.As she sat down at her swivel chair, lost in thought, she heard a knock on the door."Come in." Pinagsiklop ni Isabella ang dalawang kamay at agad na inihanda ang matamis na ngiti. Pumasok sa loob ang kanyang sekretarya."Good morning ma'am. I have some important news to share." Pinakatitigan lamang ito ni Isabella, hinihintay ang kanyang susunod na sasabihin."I'm afraid that Mr. Hernandez, the buyer for our product, has decided to back out of the deal we had agreed upon. This is unfortunate news, to say the least, and it could have a significant impact on our company's bottom line." Napakunot ang noo ni Isabella. "Let's just move forward with other options. Please arrange a meeting with our other buyers." Her secretary nodded and eventually left her office. Isabella took a deep breath and continued to work.Isabella was feeling a little
Pagod na pagod si Isabella nang makarating siya sa kanyang Condo. Tamad siyang pumasok sa loob at ibinaba ang kanyang nga gamit. Dumiretso siya sa bathroom at minadali niyang nilinis ang kanyang katawan upang sa ganoon ay maaga siyang makakapagpahinga. Pagkatapos niyang maligo ay pinatuyo niya ang kanyang buhok at diretsong humiga sa kama.Nakatingin lang siya sa kisame, malalim ang iniisip. Inalala niya ang sinabi ni Manang Nora. Ano ang ibig sabihin nitong espesyal siya kay Davis? Ilang beses pa lang sila nagkikita ng binata at madalang din silang mag usap. Napabangon muli ang dalaga, ang daming bumabagabag sa isip niya. Isa na rin ang nakita niya kanina sa restaurant. Kitang kita ng dalawa niyang mata ang likod na bulto ng kanyang ama, pero parang napaka imposible naman niyon kung iisipin. Ang alam niya ay nasa ibang bansa ito ngayon at may inaasikaso. Inabot niya ang kanyang telepono sa bedside table ang idinial niya ang numero ng kapatid. Kailangan niyang kumpirmahin ang kanyan
Itinuro ni Camille ang pagkain sa harap. Naguguluhan na napatingin doon si Isabella."A-allergic," Nahihirapan namang sambit ng kaibigan. Agad na napalitan ng pangamba ang pagdududa ni Isabella.Naging aligaga ang dalaga, hindi nito alam ang gagawin sa kaibigan. Sinundan niya lang ito ng tingin nang maglakad siya palayo habang hawak ang lalamunan. May kinuha siya sa kanyang drawer bago ito pumasok sa restroom. Sinundan niya naman ito upang masigurado kung maayos ba ang lagay ni Camille."Hey! Let me in." Kumatok si Isabella sa pintuan ng restroom. Narinig niya ang pagbukas ng gripo at ang tunog ng tubig na rumaragasa. Naghintay siya ng ilang minuto bago bumukas ang pintuan. "I'm okay. Uminom na ako ng gamot." Agad na sabi niya rito. Hindi kumbinsido si Isabella sa sinabi ni Camille ngunit hinayaan nalang niya ito.Nagtungo sila ulit sa dining table at itinuloy ang kwentuhan na parang walang nangyari. Bumalik na rin ang dating sigla ni Camille.Hinawakan ng kaibigan ang mga kamay nito
Bakas pa rin ang pagka irita sa mukha ni Ryan habang nagmamaneho. Napangisi si Isabella at naisipang mas asarin pa ang binata. "Hindi na virgin ang kapatid ko," Malakas siyang napatawa nang makitang mas pumula pa ang mukha ng kapatid."Isabella!" Ryan shouted."What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah.""Iiwanan kitang mag isa rito sa kalsada kung hindi ka pa tumigil diyan." Pananakot nito sa kanya. Alam niyang hindi iyon magagawa ni Ryan ngunit pinili na lamang niyang manahimik dahil ramdam niyang naiilang ang kanyang kapatid sa usapang iyon. Para hindi maging tahimik ang kanilang byahe, binuksan ni Isabella ang radio ng sasakyan. Inihinto na ni Ryan sa tapat ng Mall ang kanyang kotse nang makarating na sila rito. Naunang bumaba sa kanya ang binata saka siya umikot at pinagbuksan ng pinto si Isabella.Sanay na ang dalaga dahil lagi niya naman itong ginagawa mula pa noon. Sabay silang naglakad sa loob, sinusundan lamang siya ni Ryan habang nagtitingin naman si Isabella ng mga bagay
Matapos ihatid ni Ryan si Isabella sa kaniyang condo dala ang mga pinamili nila ay dumiretso na ito sa kanilang Mansion. Hindi katulad ni Isabella ay mas gusto nitong manatili rito dahil naniniwala ang binata na narito pa rin ang presensiya ng kanilang Ina kaya hindi niya ito maiwanan. Nang makarating si Ryan sa tapat ng kanilang bahay ay napansin niyang may iba ring sasakyan ang nakaparada. Sigurado siyang ang ama nito ang may ari dahil siya lang naman ang nakakapasok sa bahay na ito maliban kay Isabella.Halos isang araw sa isang linggo lang rin umuuwi ang kanilang ama kaya madalas niyang nasosolo ang Mansion. Sa totoo lang ay mas gugustuhin nitong mag isa sa halip na makasama ang kaniyang ama. Napabuntong hininga ito bago lumabas sa kaniyang sasakyan at pumasok sa loob. Rinig na rinig niya ang mga halakhak na nanggagaling sa silid kainan. Napakuyom ang kamao nito. Pang tatlong beses na niyang inuuwi ang babae nito sa kanilang Mansion. Iniisip ni Ryan na wala man lang siyang resp
Naalimpungatan si Isabella dahil sa tunog ng kaniyang alarm clock. Papikit pikit itong bumangon upang patigilin ang ingay. Nabaling naman ang atensyon niya kay Avi na nasa sahig ng kaniyang kwarto.Nanlalaki ang mga mata ng dalaga saka ito pinulot at muling ibinalik sa kama. "I'm sorry. Malikot talaga ako matulog," saad ni Isabella habang tinitingnan ang Teddy Bear. "Good morning my Avi."Tuluyan siyang bumangon dahil ayaw niyang ma late sa trabaho. Alas otso ay kailangang naroon na siya sa kaniyang opisina. Mayroon pa siyang isang oras at kalahating minuto para maghanda.Inayos muna ni Isabella ang pwesto ni Avi bago niya ito iniwan at nagtungo sa kaniyang banyo upang linisin ang sarili. Minuto lang ang naitagal nang paghahanda nito. Umupo si Isabella sa pang isahang sofa habang naghihintay ng kaniyang pag alis. Kinuha niya ang kaniyang cellphone saka ito binuksan.Pumasok sa kaniyang isip si Avi. Kailangan niyang pasalamatan si Davis kung totoong sa kaniya nga galing iyon, pero hin
Matagal na rin simula nang huling nagkita si Davis at Isabella. Hindi inaasahan ng dalaga na makakatanggap siya ng mensahe mula sa binata. Nakatitig lamang siya sa kaniyang telepono habang paulit ulit na binabasa ang mensahe ni Davis. Ano naman kaya ang pakay nito sa kaniya? At paano niya nakuha ang numero nito gayong hindi naman niya ito ibinigay sa kaniya.Napakagat labi ito bago nagsimulang magtipa ng isasagot kay Davis."Sure, it would be my pleasure. Let's meet there after lunch." Pagkatapos nitong maisend ang reply niya sa binata ay umayos na ito ng higa, at kalaunan din ay dinalaw na siya nang antok.Nagising si Isabella kinabukasan dahil sa mga kaluskos na naririnig niya sa kaniyang paligid. Ipinalibot niya ang kaniyang tingin sa paligid at natagpuan niya si Camille na inaayos si Avi. Tamad na bumangon sa pagkakahiga ang dalaga saka ito naghikab. "Oh. Good morning Bells. Pasensiya na nagising ata kita. Nalaglag kasi itong Teddy Bear mula sa kama mo kaya inayos ko lang," saa
Nang makalayo si Davis ay agad niyang sinagot ang tawag na galing sa kaniya secretary. "I'm sorry to interrupt you sir but this is emergency." Nahihimigan na ni Davis ang pagiging aligaga ng kausap. "What is it?" he asked, frustratedly. "Sir, the marketing department made some decisions that affected the company negatively. We also lost some major clients because of their actions," her secretary informed. Napahilot sa noo si Davis dahil sa ibinalitang mensahe sa kaniya."I'll be right there in a minute. Call the whole team and set up a meeting. We need to come up with a plan to fix this mess immediately." seryosong sambit nito sa kausap."Noted sir." sagot ng nasa kabilang linya bago niya patayin ang tawag. Napabuntong hininga si Davis at muling binalikan si Isabella sa hapag. Naabutan niya itong nagpupunas ng labi. Napatitig ito saglit sa dalaga ngunit agad ding nag iwas ng tingin nang dumapo ang mga mata nito sa kanya."Emergency?" patanong na wika ng dalaga. Tumango naman ito
Kapansin pansin ang pagbabago ni Davis. Kailan lang noong seryoso at malamig pa ang pakikitungo niya kay Isabella, pero ngayon ay madalas na itong napapangiti at nagiging madaldal na rin ito minsan. Kasalukuyang hinihiwa ni Isabella ang mga sangkap sa lulutuin. Hindi siya makapagtrabaho nang maayos dahil nasa tabi niya lang si Davis na nagmamasid sa bawat galaw ng dalaga."Bakit kailangang kay Manang Nora ka pa pwedeng magpatulong?" napatingin si Isabella sa biglaang pagbukas ni Davis ng usapan."H-ha?" utal nitong tanong. Paano ba naman kasing hindi siya mauutal? Sobrang lalim ng paraan ng pagtitig ni Davis sa kaniya, idagdag pa na sobrang lapit sa kaniya ng binata."Pwede ka namang manood ng tutorial sa YouTube, or you can just simply invite someone to come to your house to help you." Naniningkit ang mga matang wika ng Davis.Ibinaba ni Isabella ang tingin niya bago sumagot. Kunwari'y abala sa kaniyang ginagawa. "Gusto ko kasi 'yong paraan ng pagluto ni Manang, saka para na rin may
The atmosphere became awkward as Davis maneuvered the car. Pareho silang tahimik sa loob ng sasakyan.Sinulyapan ni Isabella si Davis na seryoso lang na nagmamaneho. Pinasadahan niya pa ang suot nitong kulay puting polo, black slacks at white shoes. Wow! Coincidence na naman!Para tuloy silang couple dahil halos pareho sila ng suot ngayon, idagdag mo pa na naka shades silang dalawa. "Hey." Pagkuha ni Davis sa atensyon ni Isabella. "Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala," wika ng binata sa baritono niyang boses. Damn that sexy voice!Napatuwid ng upo si Isabella bago nagsalita. "Ayos lang,"aniya. Napakunot ang noo nito nang dumapo ang paningin niya sa gilid ng noo ni Davis. "Ikaw? Ayos ka lang?" Balik niyang tanong sa binata. Napatingin naman si Davis kay Isabella dahil sa kaniyang naging tanong. "Ofcourse." Tumango na lamang ang dalaga kahit hindi siya kumbinsado sa naging sagot nito.Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa tapat ng grocery store. Malapit lang ito sa condo n
Nag overtime kahapon si Isabella sa pagtratrabaho kaya naman ay late na itong nagising kinaumagahan. Mataas na ang sinag ng araw na lumalabas mula sa kaniyang bintana. Napaunat ito saglit at pagkatapos ay tamad niyang inabot ang kaniyang cellphone sa bedside table upang tingnan kung anong oras na. Mag aalas diyes na pala, talagang napahaba ang tulog niya dahil siguro sa pagod at puyat. Humikab si Isabella at nanatiling nakahiga sa kaniyang kama, maya-maya rin ay naisipan na nitong bumangon.Hindi siya papasok ngayon dahil day off niya sa trabaho. Malaya niyang magagawa lahat ng gusto niyang gawin.Nang makabangon ay hinanap ng kaniyang paningin ang kaniyang speaker saka ito nagpatugtog. Mas nagaganahan kasi itong gumalaw sa tuwing may naririnig siyang musika. Masaya niyang pinindot ang playlist na puro mga kanta ni Taylor Swift, ito ang pinakapaborito niyang singer dahil bukod sa maganda ang boses ni Taylor ay nakakarelate rin siya sa lyrics ng mga musikang ginawa niya.Itinali ni Is
"Get off her." Agad naitulak ni Davis ang lalaki mula sa dalagang nakatalikod mula sa kaniya. "Bella--" naputol ang pagtawag niya sa atensyon ng dalaga, naramdaman niyang may mabigat na kamay ang dumapo sa kaniyang balikat. At nang paglingon nito ay siya namang pagtama ng kamao ng kung sino kay Davis. Natumba ito dahil sa hindi niya inaasahang galaw ng kalaban lalaking itinulak niya kanina.Agad din siyang tumayo upang bawian ang lalaki. Lumapit ang ibang mga kalalakihan sa kanilang pwesto, habang ang ilang kababaihan naman ay nagbubulungan. Wala man lang umawat sa kanila.Umigting ang panga ni Davis nang muling umamba ng suntok ang lalaki. Agad naman niya itong naiwasan, kumuha siya ng tamang tiyempo upang muling gumawa ng aksyon. Nang tuluyan na niyang napatumba ang lalaki ay saka naman nagdatingan ang mga guards. Napailing iling ito dahil sa sobrang bagal ng kanilang serbisyo.Umayos na ng tayo si binata. Nalasahan niya rin ang bahid ng dugo mula sa kaniyang labi, ngunit ipinagsaw
Narito ngayon ang apat na magkakaibigan sa bar na pag aari ni Texas. Nagkaayaan sila dahil kaarawan ngayon ng kaisa isa nilang kaibigang babae na si Rachelle. "Happy birthday to you! Happy birthday to you!" Pagkanta nila habang hawak-hawak ang isang maliit na cake. Lumapit si Carlo at inilabas niya ang kaniyang dalang lighter upang sindihan ang kandila. "Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday Rachelle!" Naging emosyonal si Rachelle habang pinagmamasdan niya ang kaniyang tatlong kaibigan.Si Davis naman ay nakangiti lang habang nakikisabay sa pagkanta. Inilapit niya ang cake kay Rachelle. "Make a wish," usal nito sa malakas na tinig dahil maingay ang nasa paligid nila.Ngumiti naman ang babae saka unti unting hinipan ang kandila. Pagkatapos niyon ay nagpalakpakan ang magkakaibigan. Inabot ni Texas ang isang bote ng alak saka niya nilagyan ang baso ng isa't isa. "Cheers para sa birthday girl!"Naunang inangat ni Carlo ang kaniyang baso, sunod niyon ay si Rachelle. Naiiling nam
Habang pinapaandar ni Isabella ang kaniyang sasakyan ay naiisip niya ang mga pangyayari kagabi. Kumuyom ang kaliwang kamao nito at nagtatagis ang kaniyang bagang.Kaninang tumatawag ang kaniyang ama ay hindi niya ito sinagot, bagkus ay hinayaan niya lang itong magring hanggang sa tumigil ito. Pagkatapos non ay nagpaalam na siya kay Manang Nora at pati na rin kay Davis.Nang makarating ang dalaga sa kaniyang destinasyon ay itinigil na niya ang pagmamaneho. Walang emosyon itong lumabas sa kaniyang sasakyan habang tinatahak ang kaniyang opisina. Paniguradong naroon ngayon ang kaniyang ama habang hinihintay siya.Hindi nga ito nagkakamali nang matagpuan niya itong nakaupo sa swivel chair ng CEO na dapat ay para sa kaniya. Imbes na matakot si Isabella katulad ng dati ay pagkamuhi ang naramdaman niya habang nakaharap siya ngayon sa minsang mapagmahal niyang ama.Ngumisi ng mapait ang dalaga at matapang niyang nilapitan ang kaniyang ama na kasalukuyang nagbabasa ng mga dokumento."Saan ka na
Hindi makagalaw si Davis sa kaniyang pagkakahiga dahil nangangamba itong magising niya ang mahimbing na pagtulog ni Isabella.Maghahating gabi na ngunit gising pa rin ang binata, malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa kisame, at paminsan minsan din niyang sinisilip ang dalaga.Napansin niya ang parang namamaga nitong mga mata at mapupulang ilong at labi na sanhi ng kaniyang pag-iyak kanina. Napabuntong hininga si Davis saka niya dahan dahang hinaplos ang noo ni Isabella upang suriin ang kalagayan nito. Guminhawa ang pakiramdam ng binata dahil medyo bumaba na ang lagnat ni Isabella.Pinagpatuloy niya ang paghaplos sa noo ni Isabella hanggang dalawin siya nh antok.Kinaumagahan nagising ang dalaga na mabigat ang kaniyang loob. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata, sumalubong sa kaniya ang medyo pamilyar na kwarto.Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at natagpuan niya ang isang brasong nakayakap sa kaniyang baywang. Natagpuan niya si Davis na mahimbing na natutulog sa
Umaksyon agad si Davis nang mawalan ng malay ang dalaga. Nagmadali itong bumaba sa kaniyang sasakyan. Binuhat niya ang walang malay na si Isabella saka ito ipinasok sa loob ng kaniyang condo.Hindi na ito nag atubiling buksan ang ilaw sa salas, dumiretso ito sa kaniya kwarto at doon niya ipinahiga si Isabella.Pansin ni Davis ang pamumula ng mukha ni Isabella pati na rin ang pagputi ng mga labi nito. Linapitan niya si Isabella at sinuri ang lagay nito, dumapo ang palad ni Davis sa sobrang init na noo ni Isabella.Davis cursed under his breath. Agad siyang naghanap ng pwedeng ipalit sa basang damit ng dalaga. Kumuha ito ng isang puting polo at shorts. Natigilan siya nang hawak na nito ang mga damit. Pumasok sa isip niya ang imahe ni Isabella na walang saplot pero agad din itong napailing. "This is wrong."Lumabas siya sa kwarto at nagtungo kay Manang Nora upang sa ganoon ay siya na ang umasikaso sa pagpapalit kay Isabella. Tinawag niya ang matandang katulong na kasalukuyang naghahand