Matagal na rin simula nang huling nagkita si Davis at Isabella. Hindi inaasahan ng dalaga na makakatanggap siya ng mensahe mula sa binata. Nakatitig lamang siya sa kaniyang telepono habang paulit ulit na binabasa ang mensahe ni Davis. Ano naman kaya ang pakay nito sa kaniya? At paano niya nakuha ang numero nito gayong hindi naman niya ito ibinigay sa kaniya.Napakagat labi ito bago nagsimulang magtipa ng isasagot kay Davis."Sure, it would be my pleasure. Let's meet there after lunch." Pagkatapos nitong maisend ang reply niya sa binata ay umayos na ito ng higa, at kalaunan din ay dinalaw na siya nang antok.Nagising si Isabella kinabukasan dahil sa mga kaluskos na naririnig niya sa kaniyang paligid. Ipinalibot niya ang kaniyang tingin sa paligid at natagpuan niya si Camille na inaayos si Avi. Tamad na bumangon sa pagkakahiga ang dalaga saka ito naghikab. "Oh. Good morning Bells. Pasensiya na nagising ata kita. Nalaglag kasi itong Teddy Bear mula sa kama mo kaya inayos ko lang," saa
Biglang napataas ang kilay ni Isabella dahil sa huling sinabi ni Davis."Come again?" mataray nitong tanong. Imbes na sumagot ay humalakhak lang ang binata saka ito umupo sa tapat ng kinauupuan ni Isabella."May pupuntahan ka pa ba? Mukhang paalis ka na kanina." Diretso ang tingin ni Davis kay Isabella habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.Huminga naman ng malalim ang dalaga bago siya nagsalita. "Papunta sana ako sa counter pero pinigilan mo ako," aniya."Really?" Davis asked. Mapang uyam itong ngumisi kay Isabella. "Because it looked like you were trying to avoid me.""Kung iniiwasan kita ay sana tinanggihan ko na ang alok mong makipag kita sa akin." Napatango tango ang binata ngunit mababasa mo pa rin sa kaniya na hindi ito kumbinsido sa sagot ni Isabella.Dudugtungan pa sana ng dalaga ang kaniyang sasabihin dahil sa pagkainis ngunit hindi niya ito nagawa dahil sa pagdating ng waiter dala ang mga inorder na pagkain ni Davis.Inilapag ng lalaking waiter ang iba't ibang klase ng
Bumalik na luhaan si Isabella sa kaniyang Kompanya. Marami ang nagbubulungan nang makita siya ng mga empleyado at ang ilan naman ay nakayuko lang.Sinamaan niya ng tingin ang mga ito at diretsong nagtungo sa kaniyang opisina. Sinalubong siya ni Patricia ngunit hindi niya ito pinansin at agad na pumasok sa loob nang walang sabi-sabi.Umupo siya sa sofa, sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili.Bakit sila magkakasamang tatlo? Noong naikwento ni Isabella ang tungkol sa kaniyang ama na may ibang kasamang babae ay hindi naging maganda ang timpla noon ni Camille. Posible kayang siya ang babaeng iyon kaya ganoon nalang ang naging reaksyon niya? At si Ryan? Alam din ba niya ang tungkol dito? Pakiramdam ni Isabella ay pinaglilihiman siya ng lahat.Napapikit nang mariin ang dalaga. Hindi siya pwedeng mag isip at manghusga nang basta-basta. Kailangan niya munang alamin ang katotohanan, ngunit paano?Napahilamos ito dahil sa frustrationg nararamdaman. Imbes na dumiretso siya sa kaniyang office d
Umaksyon agad si Davis nang mawalan ng malay ang dalaga. Nagmadali itong bumaba sa kaniyang sasakyan. Binuhat niya ang walang malay na si Isabella saka ito ipinasok sa loob ng kaniyang condo.Hindi na ito nag atubiling buksan ang ilaw sa salas, dumiretso ito sa kaniya kwarto at doon niya ipinahiga si Isabella.Pansin ni Davis ang pamumula ng mukha ni Isabella pati na rin ang pagputi ng mga labi nito. Linapitan niya si Isabella at sinuri ang lagay nito, dumapo ang palad ni Davis sa sobrang init na noo ni Isabella.Davis cursed under his breath. Agad siyang naghanap ng pwedeng ipalit sa basang damit ng dalaga. Kumuha ito ng isang puting polo at shorts. Natigilan siya nang hawak na nito ang mga damit. Pumasok sa isip niya ang imahe ni Isabella na walang saplot pero agad din itong napailing. "This is wrong."Lumabas siya sa kwarto at nagtungo kay Manang Nora upang sa ganoon ay siya na ang umasikaso sa pagpapalit kay Isabella. Tinawag niya ang matandang katulong na kasalukuyang naghahand
Hindi makagalaw si Davis sa kaniyang pagkakahiga dahil nangangamba itong magising niya ang mahimbing na pagtulog ni Isabella.Maghahating gabi na ngunit gising pa rin ang binata, malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa kisame, at paminsan minsan din niyang sinisilip ang dalaga.Napansin niya ang parang namamaga nitong mga mata at mapupulang ilong at labi na sanhi ng kaniyang pag-iyak kanina. Napabuntong hininga si Davis saka niya dahan dahang hinaplos ang noo ni Isabella upang suriin ang kalagayan nito. Guminhawa ang pakiramdam ng binata dahil medyo bumaba na ang lagnat ni Isabella.Pinagpatuloy niya ang paghaplos sa noo ni Isabella hanggang dalawin siya nh antok.Kinaumagahan nagising ang dalaga na mabigat ang kaniyang loob. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata, sumalubong sa kaniya ang medyo pamilyar na kwarto.Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at natagpuan niya ang isang brasong nakayakap sa kaniyang baywang. Natagpuan niya si Davis na mahimbing na natutulog sa
Habang pinapaandar ni Isabella ang kaniyang sasakyan ay naiisip niya ang mga pangyayari kagabi. Kumuyom ang kaliwang kamao nito at nagtatagis ang kaniyang bagang.Kaninang tumatawag ang kaniyang ama ay hindi niya ito sinagot, bagkus ay hinayaan niya lang itong magring hanggang sa tumigil ito. Pagkatapos non ay nagpaalam na siya kay Manang Nora at pati na rin kay Davis.Nang makarating ang dalaga sa kaniyang destinasyon ay itinigil na niya ang pagmamaneho. Walang emosyon itong lumabas sa kaniyang sasakyan habang tinatahak ang kaniyang opisina. Paniguradong naroon ngayon ang kaniyang ama habang hinihintay siya.Hindi nga ito nagkakamali nang matagpuan niya itong nakaupo sa swivel chair ng CEO na dapat ay para sa kaniya. Imbes na matakot si Isabella katulad ng dati ay pagkamuhi ang naramdaman niya habang nakaharap siya ngayon sa minsang mapagmahal niyang ama.Ngumisi ng mapait ang dalaga at matapang niyang nilapitan ang kaniyang ama na kasalukuyang nagbabasa ng mga dokumento."Saan ka na
Narito ngayon ang apat na magkakaibigan sa bar na pag aari ni Texas. Nagkaayaan sila dahil kaarawan ngayon ng kaisa isa nilang kaibigang babae na si Rachelle. "Happy birthday to you! Happy birthday to you!" Pagkanta nila habang hawak-hawak ang isang maliit na cake. Lumapit si Carlo at inilabas niya ang kaniyang dalang lighter upang sindihan ang kandila. "Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday Rachelle!" Naging emosyonal si Rachelle habang pinagmamasdan niya ang kaniyang tatlong kaibigan.Si Davis naman ay nakangiti lang habang nakikisabay sa pagkanta. Inilapit niya ang cake kay Rachelle. "Make a wish," usal nito sa malakas na tinig dahil maingay ang nasa paligid nila.Ngumiti naman ang babae saka unti unting hinipan ang kandila. Pagkatapos niyon ay nagpalakpakan ang magkakaibigan. Inabot ni Texas ang isang bote ng alak saka niya nilagyan ang baso ng isa't isa. "Cheers para sa birthday girl!"Naunang inangat ni Carlo ang kaniyang baso, sunod niyon ay si Rachelle. Naiiling nam
"Get off her." Agad naitulak ni Davis ang lalaki mula sa dalagang nakatalikod mula sa kaniya. "Bella--" naputol ang pagtawag niya sa atensyon ng dalaga, naramdaman niyang may mabigat na kamay ang dumapo sa kaniyang balikat. At nang paglingon nito ay siya namang pagtama ng kamao ng kung sino kay Davis. Natumba ito dahil sa hindi niya inaasahang galaw ng kalaban lalaking itinulak niya kanina.Agad din siyang tumayo upang bawian ang lalaki. Lumapit ang ibang mga kalalakihan sa kanilang pwesto, habang ang ilang kababaihan naman ay nagbubulungan. Wala man lang umawat sa kanila.Umigting ang panga ni Davis nang muling umamba ng suntok ang lalaki. Agad naman niya itong naiwasan, kumuha siya ng tamang tiyempo upang muling gumawa ng aksyon. Nang tuluyan na niyang napatumba ang lalaki ay saka naman nagdatingan ang mga guards. Napailing iling ito dahil sa sobrang bagal ng kanilang serbisyo.Umayos na ng tayo si binata. Nalasahan niya rin ang bahid ng dugo mula sa kaniyang labi, ngunit ipinagsaw