A few days had passed since Isabella met Davis. He was the only person who had been able to reach her in her darkest moment including her brother.
As she sat down at her swivel chair, lost in thought, she heard a knock on the door."Come in." Pinagsiklop ni Isabella ang dalawang kamay at agad na inihanda ang matamis na ngiti. Pumasok sa loob ang kanyang sekretarya."Good morning ma'am. I have some important news to share." Pinakatitigan lamang ito ni Isabella, hinihintay ang kanyang susunod na sasabihin."I'm afraid that Mr. Hernandez, the buyer for our product, has decided to back out of the deal we had agreed upon. This is unfortunate news, to say the least, and it could have a significant impact on our company's bottom line."Napakunot ang noo ni Isabella. "Let's just move forward with other options. Please arrange a meeting with our other buyers."Her secretary nodded and eventually left her office. Isabella took a deep breath and continued to work.Isabella was feeling a little tense from working nonstop so she decided to use her lunch time to take a break and relax.She grabbed her phone and checked her notifications. Una niyang napansin ang mensahe galing sa unregistered number.Isabella hesitated for a moment before opening the message from the unregistered number. She didn't know who it was from or what it could possibly say, but her curiosity got the best of her. As she read the message, she felt a rush of excitement as she recognized it was from Camille.Agad niyang tinawagan ang numero nito para makausap ng masinsinan ang dalaga. Gusto nitong humingi ng tawad dahil hindi siya nakapagpaalam noon sa dinaluhang event.After a few rings, Camille finally picked up the phone. "Hey Cams. It's me Bella."Ilang segundong natahimik ang kabilang linya bago niya narinig ang boses ni Camille. "Umalis ka ba agad noong nasa party tayo? Hinanap kita noon sa bawat sulok ng Hotel na 'yon pero kahit anong gawin ko 'di kita makita. Tinanong ko pa si Ryan at ang Daddy mo pero kahit sila ay hindi alam kung nasaan ka. Nakakatampo ka alam mo ba 'yon?" Napakagat labi si Isabella dahil sa bungad ng kausap.Isabella took a deep breath before diving into the apology. "I know this may be a bit late, but I wanted to apologize for the way I left the party last time. I know I should have at least let you know I was leaving, but I had a sudden emergency come up that required my attention." Pagsisinungaling niya."I know that's not an excuse, and I'm deeply sorry for just disappearing like that." Narinig niyang napabuntong hininga ang nasa kabilang linya."It's okay. Hindi naman siya big deal para sa akin. Nag oover react lang ako." Mahinang natawa si Isabella. Biglang may pumasok sa isip niyang ideya para makabawi sa kaibigan."How about let's go out together. Let's have some fun. My treat." Inilayo nito ang telepono sa kanyang taenga nang napatili nang malakas si Camille."I would love that! Kailan ka ba available?" Napatingin si Isabella sa orasan. May ilang oras pa siya para tapusin ang trabaho. Sa pagkakaalala niya ay may business meeting pa siyang dadaluhan mamayang hapon."Hindi ako available ngayon. Siguro bukas nalang. Ayos lang ba?""Cool. Lagi naman akong available and I can always make time for myself naman. So settled na? Bukas ng hapon.. Let's meet at my boutique." Isabella agreed.Mahilig sa fashion si Camille kaya naisipan niyang magpatayo ng sarili niyang boutique.Nang matapos ang oras ng hapunan ay nagpaalam na sila sa isa't isa dahil sa kanya kanya nilang trabaho.Isabella wasted no time getting back to work after her call with Camille.She was deep in thought as she worked on her computer, her mind consumed by the various tasks she needed to complete before the day was over. Suddenly, she heard a knock on her door, and she immediately sat up straight in her chair. Isabella checked the time and realized it was already four thirty. Hindi niya namalayan ang takbo ng oras dahil sa trabaho lang naka pokus ang kanyang atensyon."Come in," Her secretary entered the room, carrying a stack of papers in her hand."Good afternoon, Ms. Isabella. I just want to inform you that you have a meeting scheduled for 30 minutes from now," her secretary said with a hint of urgency in her voice.Isabella nodded. She quickly scanned the papers her secretary had brought, making sure everything was in order before she stood up and headed towards the conference room.Nang pumasok siya ay may nadatnan na siyang ilang tao sa loob. Binati niya ang mga ito at dumiretso na sa kanyang pwesto.A few minutes passed and the meeting has begun. Isabella was sitting at the head of the long conference table, with a folder containing the meeting agenda and other materials in front of her. She will be going to be their chairwoman for this board meeting since she's the CEO."Good morning everyone." Isabella begins, her voice calm and firm. "Today's meeting is a routine review of company operations and financials, and to consider any upcoming changes or initiatives. Let's begin with a review of our recent sales figures..."As Isabella speaks, the members of the Board listen attentively, taking notes on their tablets and notebooks. Some may nod in agreement with Isabella's words, while others may have points of their own to raise.The two-hour board meeting had finally come to an end, with everyone in the room grateful for Isabella's leadership throughout the discussion. She smiled at them all and thanked them for their contributions.Nanatili muna siya roon pansamantala. Pinanood niya lang ang kanyang mga kasamang tumayo at umalis. Napayuko si Isabella nang mag isa na lamang siya sa conference room. Sobrang nakakapagod ang araw na ito sa kanya.Nakalipas ang ilang minuto at naisipan nang umuwi ni Isabella. Kailangan niya ang pahinga dahil ramdam na niyang humihina ang kanyang katawan. Lumabas siya sa conference room, bumalik siya sa kanyang office at inayos ang mga gamit.Kinuha niya ang susi ng kanyang sasakyan at nagtungo sa parking lot. Habang nasa kalagitnaan ng pagmamaneho ay nakaramdam ng gutom ang dalaga. Inihinto niya muna ang kanyang sasakyan sa isang restaurant para makakain.Pumasok siya rito at naghanap ng mauupuan. Nang makaupo ay tinignan niya ang menu nila na nakalagay sa lamesa. Maya-maya rin ay may lumapit sa kanyang waiter para kunin ang kanyang order.Isabella ordered steak, frozen lemonade for her drink and souffles for her dessert. The waiter wrote down her order and headed immediately to the kitchen.Ilang minuto lang ang hinintay ni Isabella bago dumating ang kanyang order. Nagsimula na itong kumain nang tahimik.Isabella finished her meal and was pleased to have enjoyed it so much. She complemented the steak, which was prepared to her liking, and the souffles, which were delicious and light. After finishing her meal, she asked for her bill and thanked the waiter for their serviceAs Isabella stepped out of the restaurant, she noticed a familiar shape in the crowd: it looked like her father, but he was with another woman. She squinted to get a better look but they were already too far away. She must have been seeing things, her father had no reason to be in town when he was halfway around the world on a business meeting. Napailing si Isabella sa kaniyang sarili dahil sa kakaibang pakiramdam na lumukob sa kaniya saka ito nagtungo sa kaniyang sasakyan.Pagod na pagod si Isabella nang makarating siya sa kanyang Condo. Tamad siyang pumasok sa loob at ibinaba ang kanyang nga gamit. Dumiretso siya sa bathroom at minadali niyang nilinis ang kanyang katawan upang sa ganoon ay maaga siyang makakapagpahinga. Pagkatapos niyang maligo ay pinatuyo niya ang kanyang buhok at diretsong humiga sa kama.Nakatingin lang siya sa kisame, malalim ang iniisip. Inalala niya ang sinabi ni Manang Nora. Ano ang ibig sabihin nitong espesyal siya kay Davis? Ilang beses pa lang sila nagkikita ng binata at madalang din silang mag usap. Napabangon muli ang dalaga, ang daming bumabagabag sa isip niya. Isa na rin ang nakita niya kanina sa restaurant. Kitang kita ng dalawa niyang mata ang likod na bulto ng kanyang ama, pero parang napaka imposible naman niyon kung iisipin. Ang alam niya ay nasa ibang bansa ito ngayon at may inaasikaso. Inabot niya ang kanyang telepono sa bedside table ang idinial niya ang numero ng kapatid. Kailangan niyang kumpirmahin ang kanyan
Itinuro ni Camille ang pagkain sa harap. Naguguluhan na napatingin doon si Isabella."A-allergic," Nahihirapan namang sambit ng kaibigan. Agad na napalitan ng pangamba ang pagdududa ni Isabella.Naging aligaga ang dalaga, hindi nito alam ang gagawin sa kaibigan. Sinundan niya lang ito ng tingin nang maglakad siya palayo habang hawak ang lalamunan. May kinuha siya sa kanyang drawer bago ito pumasok sa restroom. Sinundan niya naman ito upang masigurado kung maayos ba ang lagay ni Camille."Hey! Let me in." Kumatok si Isabella sa pintuan ng restroom. Narinig niya ang pagbukas ng gripo at ang tunog ng tubig na rumaragasa. Naghintay siya ng ilang minuto bago bumukas ang pintuan. "I'm okay. Uminom na ako ng gamot." Agad na sabi niya rito. Hindi kumbinsido si Isabella sa sinabi ni Camille ngunit hinayaan nalang niya ito.Nagtungo sila ulit sa dining table at itinuloy ang kwentuhan na parang walang nangyari. Bumalik na rin ang dating sigla ni Camille.Hinawakan ng kaibigan ang mga kamay nito
Bakas pa rin ang pagka irita sa mukha ni Ryan habang nagmamaneho. Napangisi si Isabella at naisipang mas asarin pa ang binata. "Hindi na virgin ang kapatid ko," Malakas siyang napatawa nang makitang mas pumula pa ang mukha ng kapatid."Isabella!" Ryan shouted."What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah.""Iiwanan kitang mag isa rito sa kalsada kung hindi ka pa tumigil diyan." Pananakot nito sa kanya. Alam niyang hindi iyon magagawa ni Ryan ngunit pinili na lamang niyang manahimik dahil ramdam niyang naiilang ang kanyang kapatid sa usapang iyon. Para hindi maging tahimik ang kanilang byahe, binuksan ni Isabella ang radio ng sasakyan. Inihinto na ni Ryan sa tapat ng Mall ang kanyang kotse nang makarating na sila rito. Naunang bumaba sa kanya ang binata saka siya umikot at pinagbuksan ng pinto si Isabella.Sanay na ang dalaga dahil lagi niya naman itong ginagawa mula pa noon. Sabay silang naglakad sa loob, sinusundan lamang siya ni Ryan habang nagtitingin naman si Isabella ng mga bagay
Matapos ihatid ni Ryan si Isabella sa kaniyang condo dala ang mga pinamili nila ay dumiretso na ito sa kanilang Mansion. Hindi katulad ni Isabella ay mas gusto nitong manatili rito dahil naniniwala ang binata na narito pa rin ang presensiya ng kanilang Ina kaya hindi niya ito maiwanan. Nang makarating si Ryan sa tapat ng kanilang bahay ay napansin niyang may iba ring sasakyan ang nakaparada. Sigurado siyang ang ama nito ang may ari dahil siya lang naman ang nakakapasok sa bahay na ito maliban kay Isabella.Halos isang araw sa isang linggo lang rin umuuwi ang kanilang ama kaya madalas niyang nasosolo ang Mansion. Sa totoo lang ay mas gugustuhin nitong mag isa sa halip na makasama ang kaniyang ama. Napabuntong hininga ito bago lumabas sa kaniyang sasakyan at pumasok sa loob. Rinig na rinig niya ang mga halakhak na nanggagaling sa silid kainan. Napakuyom ang kamao nito. Pang tatlong beses na niyang inuuwi ang babae nito sa kanilang Mansion. Iniisip ni Ryan na wala man lang siyang resp
Naalimpungatan si Isabella dahil sa tunog ng kaniyang alarm clock. Papikit pikit itong bumangon upang patigilin ang ingay. Nabaling naman ang atensyon niya kay Avi na nasa sahig ng kaniyang kwarto.Nanlalaki ang mga mata ng dalaga saka ito pinulot at muling ibinalik sa kama. "I'm sorry. Malikot talaga ako matulog," saad ni Isabella habang tinitingnan ang Teddy Bear. "Good morning my Avi."Tuluyan siyang bumangon dahil ayaw niyang ma late sa trabaho. Alas otso ay kailangang naroon na siya sa kaniyang opisina. Mayroon pa siyang isang oras at kalahating minuto para maghanda.Inayos muna ni Isabella ang pwesto ni Avi bago niya ito iniwan at nagtungo sa kaniyang banyo upang linisin ang sarili. Minuto lang ang naitagal nang paghahanda nito. Umupo si Isabella sa pang isahang sofa habang naghihintay ng kaniyang pag alis. Kinuha niya ang kaniyang cellphone saka ito binuksan.Pumasok sa kaniyang isip si Avi. Kailangan niyang pasalamatan si Davis kung totoong sa kaniya nga galing iyon, pero hin
Matagal na rin simula nang huling nagkita si Davis at Isabella. Hindi inaasahan ng dalaga na makakatanggap siya ng mensahe mula sa binata. Nakatitig lamang siya sa kaniyang telepono habang paulit ulit na binabasa ang mensahe ni Davis. Ano naman kaya ang pakay nito sa kaniya? At paano niya nakuha ang numero nito gayong hindi naman niya ito ibinigay sa kaniya.Napakagat labi ito bago nagsimulang magtipa ng isasagot kay Davis."Sure, it would be my pleasure. Let's meet there after lunch." Pagkatapos nitong maisend ang reply niya sa binata ay umayos na ito ng higa, at kalaunan din ay dinalaw na siya nang antok.Nagising si Isabella kinabukasan dahil sa mga kaluskos na naririnig niya sa kaniyang paligid. Ipinalibot niya ang kaniyang tingin sa paligid at natagpuan niya si Camille na inaayos si Avi. Tamad na bumangon sa pagkakahiga ang dalaga saka ito naghikab. "Oh. Good morning Bells. Pasensiya na nagising ata kita. Nalaglag kasi itong Teddy Bear mula sa kama mo kaya inayos ko lang," saa
Biglang napataas ang kilay ni Isabella dahil sa huling sinabi ni Davis."Come again?" mataray nitong tanong. Imbes na sumagot ay humalakhak lang ang binata saka ito umupo sa tapat ng kinauupuan ni Isabella."May pupuntahan ka pa ba? Mukhang paalis ka na kanina." Diretso ang tingin ni Davis kay Isabella habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.Huminga naman ng malalim ang dalaga bago siya nagsalita. "Papunta sana ako sa counter pero pinigilan mo ako," aniya."Really?" Davis asked. Mapang uyam itong ngumisi kay Isabella. "Because it looked like you were trying to avoid me.""Kung iniiwasan kita ay sana tinanggihan ko na ang alok mong makipag kita sa akin." Napatango tango ang binata ngunit mababasa mo pa rin sa kaniya na hindi ito kumbinsido sa sagot ni Isabella.Dudugtungan pa sana ng dalaga ang kaniyang sasabihin dahil sa pagkainis ngunit hindi niya ito nagawa dahil sa pagdating ng waiter dala ang mga inorder na pagkain ni Davis.Inilapag ng lalaking waiter ang iba't ibang klase ng
Bumalik na luhaan si Isabella sa kaniyang Kompanya. Marami ang nagbubulungan nang makita siya ng mga empleyado at ang ilan naman ay nakayuko lang.Sinamaan niya ng tingin ang mga ito at diretsong nagtungo sa kaniyang opisina. Sinalubong siya ni Patricia ngunit hindi niya ito pinansin at agad na pumasok sa loob nang walang sabi-sabi.Umupo siya sa sofa, sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili.Bakit sila magkakasamang tatlo? Noong naikwento ni Isabella ang tungkol sa kaniyang ama na may ibang kasamang babae ay hindi naging maganda ang timpla noon ni Camille. Posible kayang siya ang babaeng iyon kaya ganoon nalang ang naging reaksyon niya? At si Ryan? Alam din ba niya ang tungkol dito? Pakiramdam ni Isabella ay pinaglilihiman siya ng lahat.Napapikit nang mariin ang dalaga. Hindi siya pwedeng mag isip at manghusga nang basta-basta. Kailangan niya munang alamin ang katotohanan, ngunit paano?Napahilamos ito dahil sa frustrationg nararamdaman. Imbes na dumiretso siya sa kaniyang office d
Nang makalayo si Davis ay agad niyang sinagot ang tawag na galing sa kaniya secretary. "I'm sorry to interrupt you sir but this is emergency." Nahihimigan na ni Davis ang pagiging aligaga ng kausap. "What is it?" he asked, frustratedly. "Sir, the marketing department made some decisions that affected the company negatively. We also lost some major clients because of their actions," her secretary informed. Napahilot sa noo si Davis dahil sa ibinalitang mensahe sa kaniya."I'll be right there in a minute. Call the whole team and set up a meeting. We need to come up with a plan to fix this mess immediately." seryosong sambit nito sa kausap."Noted sir." sagot ng nasa kabilang linya bago niya patayin ang tawag. Napabuntong hininga si Davis at muling binalikan si Isabella sa hapag. Naabutan niya itong nagpupunas ng labi. Napatitig ito saglit sa dalaga ngunit agad ding nag iwas ng tingin nang dumapo ang mga mata nito sa kanya."Emergency?" patanong na wika ng dalaga. Tumango naman ito
Kapansin pansin ang pagbabago ni Davis. Kailan lang noong seryoso at malamig pa ang pakikitungo niya kay Isabella, pero ngayon ay madalas na itong napapangiti at nagiging madaldal na rin ito minsan. Kasalukuyang hinihiwa ni Isabella ang mga sangkap sa lulutuin. Hindi siya makapagtrabaho nang maayos dahil nasa tabi niya lang si Davis na nagmamasid sa bawat galaw ng dalaga."Bakit kailangang kay Manang Nora ka pa pwedeng magpatulong?" napatingin si Isabella sa biglaang pagbukas ni Davis ng usapan."H-ha?" utal nitong tanong. Paano ba naman kasing hindi siya mauutal? Sobrang lalim ng paraan ng pagtitig ni Davis sa kaniya, idagdag pa na sobrang lapit sa kaniya ng binata."Pwede ka namang manood ng tutorial sa YouTube, or you can just simply invite someone to come to your house to help you." Naniningkit ang mga matang wika ng Davis.Ibinaba ni Isabella ang tingin niya bago sumagot. Kunwari'y abala sa kaniyang ginagawa. "Gusto ko kasi 'yong paraan ng pagluto ni Manang, saka para na rin may
The atmosphere became awkward as Davis maneuvered the car. Pareho silang tahimik sa loob ng sasakyan.Sinulyapan ni Isabella si Davis na seryoso lang na nagmamaneho. Pinasadahan niya pa ang suot nitong kulay puting polo, black slacks at white shoes. Wow! Coincidence na naman!Para tuloy silang couple dahil halos pareho sila ng suot ngayon, idagdag mo pa na naka shades silang dalawa. "Hey." Pagkuha ni Davis sa atensyon ni Isabella. "Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala," wika ng binata sa baritono niyang boses. Damn that sexy voice!Napatuwid ng upo si Isabella bago nagsalita. "Ayos lang,"aniya. Napakunot ang noo nito nang dumapo ang paningin niya sa gilid ng noo ni Davis. "Ikaw? Ayos ka lang?" Balik niyang tanong sa binata. Napatingin naman si Davis kay Isabella dahil sa kaniyang naging tanong. "Ofcourse." Tumango na lamang ang dalaga kahit hindi siya kumbinsado sa naging sagot nito.Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa tapat ng grocery store. Malapit lang ito sa condo n
Nag overtime kahapon si Isabella sa pagtratrabaho kaya naman ay late na itong nagising kinaumagahan. Mataas na ang sinag ng araw na lumalabas mula sa kaniyang bintana. Napaunat ito saglit at pagkatapos ay tamad niyang inabot ang kaniyang cellphone sa bedside table upang tingnan kung anong oras na. Mag aalas diyes na pala, talagang napahaba ang tulog niya dahil siguro sa pagod at puyat. Humikab si Isabella at nanatiling nakahiga sa kaniyang kama, maya-maya rin ay naisipan na nitong bumangon.Hindi siya papasok ngayon dahil day off niya sa trabaho. Malaya niyang magagawa lahat ng gusto niyang gawin.Nang makabangon ay hinanap ng kaniyang paningin ang kaniyang speaker saka ito nagpatugtog. Mas nagaganahan kasi itong gumalaw sa tuwing may naririnig siyang musika. Masaya niyang pinindot ang playlist na puro mga kanta ni Taylor Swift, ito ang pinakapaborito niyang singer dahil bukod sa maganda ang boses ni Taylor ay nakakarelate rin siya sa lyrics ng mga musikang ginawa niya.Itinali ni Is
"Get off her." Agad naitulak ni Davis ang lalaki mula sa dalagang nakatalikod mula sa kaniya. "Bella--" naputol ang pagtawag niya sa atensyon ng dalaga, naramdaman niyang may mabigat na kamay ang dumapo sa kaniyang balikat. At nang paglingon nito ay siya namang pagtama ng kamao ng kung sino kay Davis. Natumba ito dahil sa hindi niya inaasahang galaw ng kalaban lalaking itinulak niya kanina.Agad din siyang tumayo upang bawian ang lalaki. Lumapit ang ibang mga kalalakihan sa kanilang pwesto, habang ang ilang kababaihan naman ay nagbubulungan. Wala man lang umawat sa kanila.Umigting ang panga ni Davis nang muling umamba ng suntok ang lalaki. Agad naman niya itong naiwasan, kumuha siya ng tamang tiyempo upang muling gumawa ng aksyon. Nang tuluyan na niyang napatumba ang lalaki ay saka naman nagdatingan ang mga guards. Napailing iling ito dahil sa sobrang bagal ng kanilang serbisyo.Umayos na ng tayo si binata. Nalasahan niya rin ang bahid ng dugo mula sa kaniyang labi, ngunit ipinagsaw
Narito ngayon ang apat na magkakaibigan sa bar na pag aari ni Texas. Nagkaayaan sila dahil kaarawan ngayon ng kaisa isa nilang kaibigang babae na si Rachelle. "Happy birthday to you! Happy birthday to you!" Pagkanta nila habang hawak-hawak ang isang maliit na cake. Lumapit si Carlo at inilabas niya ang kaniyang dalang lighter upang sindihan ang kandila. "Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday Rachelle!" Naging emosyonal si Rachelle habang pinagmamasdan niya ang kaniyang tatlong kaibigan.Si Davis naman ay nakangiti lang habang nakikisabay sa pagkanta. Inilapit niya ang cake kay Rachelle. "Make a wish," usal nito sa malakas na tinig dahil maingay ang nasa paligid nila.Ngumiti naman ang babae saka unti unting hinipan ang kandila. Pagkatapos niyon ay nagpalakpakan ang magkakaibigan. Inabot ni Texas ang isang bote ng alak saka niya nilagyan ang baso ng isa't isa. "Cheers para sa birthday girl!"Naunang inangat ni Carlo ang kaniyang baso, sunod niyon ay si Rachelle. Naiiling nam
Habang pinapaandar ni Isabella ang kaniyang sasakyan ay naiisip niya ang mga pangyayari kagabi. Kumuyom ang kaliwang kamao nito at nagtatagis ang kaniyang bagang.Kaninang tumatawag ang kaniyang ama ay hindi niya ito sinagot, bagkus ay hinayaan niya lang itong magring hanggang sa tumigil ito. Pagkatapos non ay nagpaalam na siya kay Manang Nora at pati na rin kay Davis.Nang makarating ang dalaga sa kaniyang destinasyon ay itinigil na niya ang pagmamaneho. Walang emosyon itong lumabas sa kaniyang sasakyan habang tinatahak ang kaniyang opisina. Paniguradong naroon ngayon ang kaniyang ama habang hinihintay siya.Hindi nga ito nagkakamali nang matagpuan niya itong nakaupo sa swivel chair ng CEO na dapat ay para sa kaniya. Imbes na matakot si Isabella katulad ng dati ay pagkamuhi ang naramdaman niya habang nakaharap siya ngayon sa minsang mapagmahal niyang ama.Ngumisi ng mapait ang dalaga at matapang niyang nilapitan ang kaniyang ama na kasalukuyang nagbabasa ng mga dokumento."Saan ka na
Hindi makagalaw si Davis sa kaniyang pagkakahiga dahil nangangamba itong magising niya ang mahimbing na pagtulog ni Isabella.Maghahating gabi na ngunit gising pa rin ang binata, malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa kisame, at paminsan minsan din niyang sinisilip ang dalaga.Napansin niya ang parang namamaga nitong mga mata at mapupulang ilong at labi na sanhi ng kaniyang pag-iyak kanina. Napabuntong hininga si Davis saka niya dahan dahang hinaplos ang noo ni Isabella upang suriin ang kalagayan nito. Guminhawa ang pakiramdam ng binata dahil medyo bumaba na ang lagnat ni Isabella.Pinagpatuloy niya ang paghaplos sa noo ni Isabella hanggang dalawin siya nh antok.Kinaumagahan nagising ang dalaga na mabigat ang kaniyang loob. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata, sumalubong sa kaniya ang medyo pamilyar na kwarto.Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at natagpuan niya ang isang brasong nakayakap sa kaniyang baywang. Natagpuan niya si Davis na mahimbing na natutulog sa
Umaksyon agad si Davis nang mawalan ng malay ang dalaga. Nagmadali itong bumaba sa kaniyang sasakyan. Binuhat niya ang walang malay na si Isabella saka ito ipinasok sa loob ng kaniyang condo.Hindi na ito nag atubiling buksan ang ilaw sa salas, dumiretso ito sa kaniya kwarto at doon niya ipinahiga si Isabella.Pansin ni Davis ang pamumula ng mukha ni Isabella pati na rin ang pagputi ng mga labi nito. Linapitan niya si Isabella at sinuri ang lagay nito, dumapo ang palad ni Davis sa sobrang init na noo ni Isabella.Davis cursed under his breath. Agad siyang naghanap ng pwedeng ipalit sa basang damit ng dalaga. Kumuha ito ng isang puting polo at shorts. Natigilan siya nang hawak na nito ang mga damit. Pumasok sa isip niya ang imahe ni Isabella na walang saplot pero agad din itong napailing. "This is wrong."Lumabas siya sa kwarto at nagtungo kay Manang Nora upang sa ganoon ay siya na ang umasikaso sa pagpapalit kay Isabella. Tinawag niya ang matandang katulong na kasalukuyang naghahand