Mishon POVNasa proseso pa ng pagtubo ang mga ubas sa farm ko, kaya naisip kong samantalahin ang oras para gumala sa city ng Paris. Bukod sa pagbili ng mga wine, gusto ko ring makakita ng iba’t ibang diskarte ng ibang vineyards at wineries dito. May halong excitement at curiosity ang nararamdaman ko habang pinaplano ang buong araw. Siyempre, bilang baguhan ay dapat pag-aralan ko ang galawan at product ng ibang mga may-ari ng wine company dito. Kaunti lang naman sila kaya naman kaya ko ring puntahan lahat sa loob lang ng isang araw.Kasama ko si Marlo, ang assistant ko, na laging maaasahan sa ganitong mga lakad. Kung may mabigat na trabaho, siya ang laging katuwang ko. Nang mag-ready na ako, pagkatapos ng isang masarap na breakfast, sinuot ko ang paborito kong tailored suit at sinigurong maayos ang ayos ko bago kami umalis. Paris ito, kaya kahit simpleng araw lang, hindi puwedeng hindi presentable.Sumilip pa ako sa farm, naroon ang mga tauhan na busy sa paggawa at pagtanim pa rin sa i
Ada POVPagbukas ng pinto ng sasakyan, bumungad sa akin ang maliwanag na ilaw ng Lucero restaurant, ang pinaka-main branch nito sa city ng Paris. Ang engrande at eleganteng fasad nito ay tila isang obra na nagpapakita ng tagumpay ni Lucero bilang isang businessman. Napangiti ako habang pababa, hindi dahil sa ganda ng paligid, kundi dahil sa wakas, natuloy din ang dinner na matagal nang inaalok ni Lucero sa akin. Busy siya palagi kaya ang maisingit niya ako sa ganitong dinner ay masyado nang napakadalang mangyari.Nasa gilid ko si Lucero, na palaging mukhang modelo sa tuwing nasa tabi ko. Sa suot niyang dark tailored suit na sakto sa kanyang matipuno at matangkad na pangangatawan, hindi ko maiwasang mag-isip: Ang swerte ko naman at kasama ko siya ngayon. “Let’s go?” tanong niya sa akin sabay abot ng kamay para alalayan akong bumaba.Tumango ako at ngumiti. “Let’s.”May napansin akong lalaki na mukhang lalapit sa akin, medyo hawig siya ni Mishon, hindi ko lang sure kung siya iyon kasi
Mishon POVMainit na ang sikat ng araw nang tumayo ako sa may taniman ng ubas, hawak ang cellphone habang nasa video call kasama si Mama at Papa. Inikot ko ang camera ng phone para ipakita ang malawak na farm na sinimulan ko ilang linggo na ang nakalipas. Nakangiti akong nagpatuloy sa pagpapaliwanag habang pinapakita ang mga punla ng ubas na unti-unting tumutubo mula sa mga buto."See, Ma, Pa? They're growing now. Slowly but surely," sabi ko habang ini-zoom ang camera sa mga baging."Oh, anak, ang ganda! Hindi ko akalaing magagawa mo ‘to nang mag-isa," sagot ni Mama, halatang proud sa boses niya."Talagang sineryoso mo ‘tong farm, anak," dagdag pa ni Papa na nakangiti rin sa screen."Of course, Pa. It's my dream. Someday, dadalhin ko kayo rito para makita niyo nang personal. Or kapag hindi ho kayo busy ay gumala na lang kayo rito.”Kayang-kaya naman nila, sadyang ayaw lang din nilang nawawala sa mga work at company na hawak nila.Nakita kong nagpalitan ng tingin ang mga magulang ko. "
Mishon POVNang gumising ako kinabukasan, dama ko pa rin ang bigat ng nadiskubre ko tungkol kay Lucero at kung paano niya ginagamit si Ada. Napapailing na lang ako habang iniisip kung paano nagawang lokohin ng ganun ang isang taong mabait at walang ginawang masama kundi suportahan siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko—hindi puwedeng manatili na lang ako sa isang tabi at hayaan ang ganoong klaseng kasinungalingan. Dapat na malaman ito ni Ada, hindi ako papayag na isantabi na lang ang nalaman ko.Habang iniinom ko ang mainit kong kape sa terrace ng mansiyon, tanaw ko ang malawak kong ubasan na unti-unti nang rumarami at lumalaki ang mga dahon. Ito na ang isang pangarap na unti-unting nagkakatotoo. Ngunit sa kabila ng tagumpay ko sa farm na ito, hindi ko mapigilang isipin si Ada. Ano kaya ang nararamdaman niya kung malaman niyang ginagamit lang siya?Naupo ako sa isang batong malaki na nakita ko at doon ako naupo. Nagdesisyon akong i-message siya. Binuksan ko ang social media app ko at
Ada POVPagbaba ko ng sasakyan, agad akong sinalubong ng preskong hangin mula sa malawak na ubasan sa paligid ng mansiyon ni Mishon. Hindi ko maipaliwanag, pero tila ba ang lugar na ito ay may kakaibang katahimikan. Napapayapa nito ang puso at isip ko na ilang araw nang puno ng kaba at pag-aalala dahil kay Lucero. Sa totoo lang, ngayong araw ay rehearsal ko sana para sa isang event, pero pinili kong umiwas muna. Alam kong magagalit si Mama kapag nalaman niyang gumagala lang ako. Pero wala akong paki, minsan lang ako makaramdam ng ganitong klaseng kalayaan kaya deserve ko ‘to.Pagpasok ko sa mansiyon ni Mishon, agad kong napansin ang bango ng paligid. Para bang kahit saan ka lumingon ay may preskong amoy ng mga scented candle at sariwang bulaklak na rose na tanim sa garden nila. Nasa harap na ng dining table ang mga pagkaing hinanda ni Mishon para sa akin. May steak, iba't ibang klase ng pasta, at dessert na halatang gawa mula sa dito ng mga kusinera nila.“Wow, Mishon, lahat ba ng ito
Ada POVIsa na namang mahaba-habang trabaho ngayong araw. Ay naku, maaga palang ay parang pagod na ako. Parang mas gusto ko na lang magpahinga sa grapes farm at mansiyon ni Mishon na sobrang tahimik.Naglalakad na ako ngayon papunta sa main hall ng isang sikat na hotel kung saan gaganapin ang photoshoot para sa bagong campaign ng aming modeling agency. Pero kahit mukhang sawa na ako sa lahat, malaki pa rin ang pasasalamat ko /- itaas. Sa loob kasi ng mahigit sampung taon ko sa industriya, hindi ko akalain na makakapasok ako sa ganitong kalaking proyekto. Isa itong pangarap na natupad rin talaga.Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng mga flashing lights at tunog ng mga camera. Mga kapwa modelo ang nasa paligid ko—lahat ay magaganda, matangkad at eleganteng tingnan sa kani-kanilang mga outfit.Habang inaayos ko ang buhok ko, napansin ko si Taris Monsen, isa sa mga sikat na modelo na lagi kong nakakasama sa mga proyekto. Siya ang epitome ng classic beauty—blonde, blue-eyed, at isang pure
Mishon POVSa mga nagdaang linggo, unti-unti kong nakikita ang pagbabago sa grape farm ko dito sa Paris. Mas marami na ang mga dahon at usbong ng ubas sa bawat hilera ng tanim. Kahit hindi pa nagbubunga ang mga ito, ramdam ko na ang excitement sa bawat paglalakad ko sa gitna ng farm. Kaninang umaga, habang naglalakad ako sa pagitan ng mga tanim, nakita ko ang ilan sa mga staff na masaya at abala sa pag-aalaga ng mga tanim.“Sir Mishon, the grapes are progressing well. Just a few more months, and we might see the first fruits,” sabi ni Pierre, isa sa mga pinaka-beterano kong staff.“Thank you, Pierre. Let’s make sure we give them everything they need. These grapes are the foundation of our winery,” sagot ko naman sabay ngiti ng todo sa kaniya.Habang patuloy akong naglalakad, tinignan ko ang bawat hilera ng tanim. Ang simoy ng hangin ay malamig at ang sikat ng araw ay tama lang—parang espesyal na araw para sa akin. Ipinatong ko ang kamay ko sa isa sa mga tangkay ng grapevines, dama ko
Ada POVHindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang nakatayo sa arrival area ng airport dito sa Paris. Nasa tabi ko ang mama naming si Sora, na halatang excited na excited na makita ang paborito niyang anak na si Verena. Kahit hindi sinasabi ng mama namin, alam kong si Verena ang paborito niya. Ako? Well, I’m just... there.“Any minute now, Ada,” sabi ni Mama, sabay tingin sa relo niya. Halatang kanina pa siya naaatat makita ang bunso kong kapatid.“Yeah, any minute,” sagot ko nang walang gana, sabay tingin sa paligid.Parang bumagal ang oras sa paghihintay namin, pero nang makita ko ang isang pamilyar na mukha na palapit mula sa exit gate, napuno ang lugar ng excitement ni Mama.“Verena!” sigaw niya, sabay taas ng kamay para kumaway. Para na rin makita niya kami.Si Verena, as usual, mukhang fresh kahit galing siya sa mahaba-habang biyahe. Ang buhok niyang kulot ay perpektong nakaayos at ang outfit niya ay parang kinuha diretso mula sa isang fashion magazine. Sanay na sanay na t
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para