Mishon POVNang gumising ako kinabukasan, dama ko pa rin ang bigat ng nadiskubre ko tungkol kay Lucero at kung paano niya ginagamit si Ada. Napapailing na lang ako habang iniisip kung paano nagawang lokohin ng ganun ang isang taong mabait at walang ginawang masama kundi suportahan siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko—hindi puwedeng manatili na lang ako sa isang tabi at hayaan ang ganoong klaseng kasinungalingan. Dapat na malaman ito ni Ada, hindi ako papayag na isantabi na lang ang nalaman ko.Habang iniinom ko ang mainit kong kape sa terrace ng mansiyon, tanaw ko ang malawak kong ubasan na unti-unti nang rumarami at lumalaki ang mga dahon. Ito na ang isang pangarap na unti-unting nagkakatotoo. Ngunit sa kabila ng tagumpay ko sa farm na ito, hindi ko mapigilang isipin si Ada. Ano kaya ang nararamdaman niya kung malaman niyang ginagamit lang siya?Naupo ako sa isang batong malaki na nakita ko at doon ako naupo. Nagdesisyon akong i-message siya. Binuksan ko ang social media app ko at
Ada POVPagbaba ko ng sasakyan, agad akong sinalubong ng preskong hangin mula sa malawak na ubasan sa paligid ng mansiyon ni Mishon. Hindi ko maipaliwanag, pero tila ba ang lugar na ito ay may kakaibang katahimikan. Napapayapa nito ang puso at isip ko na ilang araw nang puno ng kaba at pag-aalala dahil kay Lucero. Sa totoo lang, ngayong araw ay rehearsal ko sana para sa isang event, pero pinili kong umiwas muna. Alam kong magagalit si Mama kapag nalaman niyang gumagala lang ako. Pero wala akong paki, minsan lang ako makaramdam ng ganitong klaseng kalayaan kaya deserve ko ‘to.Pagpasok ko sa mansiyon ni Mishon, agad kong napansin ang bango ng paligid. Para bang kahit saan ka lumingon ay may preskong amoy ng mga scented candle at sariwang bulaklak na rose na tanim sa garden nila. Nasa harap na ng dining table ang mga pagkaing hinanda ni Mishon para sa akin. May steak, iba't ibang klase ng pasta, at dessert na halatang gawa mula sa dito ng mga kusinera nila.“Wow, Mishon, lahat ba ng ito
Ada POVIsa na namang mahaba-habang trabaho ngayong araw. Ay naku, maaga palang ay parang pagod na ako. Parang mas gusto ko na lang magpahinga sa grapes farm at mansiyon ni Mishon na sobrang tahimik.Naglalakad na ako ngayon papunta sa main hall ng isang sikat na hotel kung saan gaganapin ang photoshoot para sa bagong campaign ng aming modeling agency. Pero kahit mukhang sawa na ako sa lahat, malaki pa rin ang pasasalamat ko /- itaas. Sa loob kasi ng mahigit sampung taon ko sa industriya, hindi ko akalain na makakapasok ako sa ganitong kalaking proyekto. Isa itong pangarap na natupad rin talaga.Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng mga flashing lights at tunog ng mga camera. Mga kapwa modelo ang nasa paligid ko—lahat ay magaganda, matangkad at eleganteng tingnan sa kani-kanilang mga outfit.Habang inaayos ko ang buhok ko, napansin ko si Taris Monsen, isa sa mga sikat na modelo na lagi kong nakakasama sa mga proyekto. Siya ang epitome ng classic beauty—blonde, blue-eyed, at isang pure
Mishon POVSa mga nagdaang linggo, unti-unti kong nakikita ang pagbabago sa grape farm ko dito sa Paris. Mas marami na ang mga dahon at usbong ng ubas sa bawat hilera ng tanim. Kahit hindi pa nagbubunga ang mga ito, ramdam ko na ang excitement sa bawat paglalakad ko sa gitna ng farm. Kaninang umaga, habang naglalakad ako sa pagitan ng mga tanim, nakita ko ang ilan sa mga staff na masaya at abala sa pag-aalaga ng mga tanim.“Sir Mishon, the grapes are progressing well. Just a few more months, and we might see the first fruits,” sabi ni Pierre, isa sa mga pinaka-beterano kong staff.“Thank you, Pierre. Let’s make sure we give them everything they need. These grapes are the foundation of our winery,” sagot ko naman sabay ngiti ng todo sa kaniya.Habang patuloy akong naglalakad, tinignan ko ang bawat hilera ng tanim. Ang simoy ng hangin ay malamig at ang sikat ng araw ay tama lang—parang espesyal na araw para sa akin. Ipinatong ko ang kamay ko sa isa sa mga tangkay ng grapevines, dama ko
Ada POVHindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang nakatayo sa arrival area ng airport dito sa Paris. Nasa tabi ko ang mama naming si Sora, na halatang excited na excited na makita ang paborito niyang anak na si Verena. Kahit hindi sinasabi ng mama namin, alam kong si Verena ang paborito niya. Ako? Well, I’m just... there.“Any minute now, Ada,” sabi ni Mama, sabay tingin sa relo niya. Halatang kanina pa siya naaatat makita ang bunso kong kapatid.“Yeah, any minute,” sagot ko nang walang gana, sabay tingin sa paligid.Parang bumagal ang oras sa paghihintay namin, pero nang makita ko ang isang pamilyar na mukha na palapit mula sa exit gate, napuno ang lugar ng excitement ni Mama.“Verena!” sigaw niya, sabay taas ng kamay para kumaway. Para na rin makita niya kami.Si Verena, as usual, mukhang fresh kahit galing siya sa mahaba-habang biyahe. Ang buhok niyang kulot ay perpektong nakaayos at ang outfit niya ay parang kinuha diretso mula sa isang fashion magazine. Sanay na sanay na t
Mishon POVTahimik ang umagang iyon sa mansiyon ko dito sa Paris. Nasa harapan ko ang mainit na tasa ng kape at isang simpleng almusal—croissant na bagong hurno at ilang piraso ng prutas. Nakatutok ang mata ko sa tanawin mula sa bintana, kung saan tanaw ang malawak kong ubasan na ngayon ay unti-unti nang lumalako ang mga usbong. Green na ang dati lang ay brown na tanawin ng farm ko.Para akong nasa kalagitnaan ng isang eksena mula sa pelikula, ngunit naputol ang katahimikan nang marinig ko ang notification sa telepono ko. Kinuha ko ito mula sa mesa at binuksan ang mensahe. Si Ada.Ada: Good morning, Mishon! Are you free for lunch today? I want to take you somewhere special in the city. Just us.Napangiti ako habang binabasa ang message niya. Mula pa noong huling bonding namin, ramdam kong mas naging malapit kami ni Ada. Kung tutuusin, hindi na siya iba sa akin—parang bahagi na siya ng buhay ko dito sa Paris. At masaya ako kasi ang dati lang na sa magazine, tv o social media ko nakikit
Ada POVTahimik ang buong bahay noong umagang iyon. Nasa kuwarto lang ako, nakaupo sa gilid ng kama habang binabasa ang ilang email na may kinalaman sa upcoming photoshoots ko. Pero kahit tahimik ang paligid, parang biglang nagbago ang ihip ng hangin nang marinig ko ang katok sa pinto.“Ma’am Ada,” tawag ng kasambahay. “Nasa sala po si Sir Lucero. Naghihintay po siya.”Halos mabitawan ko ang telepono sa narinig ko. Anong ginagawa ng Lucero na iyan dito? Aba, pagkalipas ng halong tatlong linggo na hindi niya pagpaparamdam ay heto na naman siya. May bagong business na naman ba siyang bubuksan?Nakakapanibago lang din. Dati, kapag maririnig ko ang pangalan niya, palaging may kasamang saya ang nararamdaman ko. Pero ngayon? Wala na. Ang dati kong inaasahan ay parang nabaligtad na. Kilala ko na ang totoong pagkatao ni Lucero. Gago siya.Napabuntong-hininga ako at mabilis na tumayo. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang magulo kong buhok o suotin ang robe sa ibabaw ng simpleng damit na pambaha
Ada POVUmagang-umaga pa lang, hindi na mapakali ang isip ko. Paano kaya ang magiging hitsura ni Lucero kapag nakita niyang halos wala naman talagang pumunta sa grand opening ng kanyang pizza restaurant? At si Verena… ano kaya ang mararamdaman niya kung makita niyang hindi pala siya ganun kasikat pa? Napangisi ako. Gusto kong makita iyon.Malakas ang loob ni Verena na pakitaang gilas agad si Lucero. Hindi niya alam na sa una palang, kapag nakita niyang walang silbi ang isang tao, hindi niya ito pag-aaksayahan ng oras.Sa totoo lang, kawawa lang ang kapatid ko kasi kilala ko na si Lucero. Pero dahil minamalditahan niya ako, hahayaan ko siyang maleksyunan. At kung patuloy siyang makikinig kay Taris, wala, pati ang pagiging fashion model niya ay baka mapurnada ang pagsunod sa kasikatan ko. Ngayon kasi ay mas nakikinig siya sa hindi naman kasing level ng kasikatan ko. Bahala siya, kung mas gusto na niya ngayon si Taris, wala na akong magagawa doon.Agad akong nagbihis at tumuloy sa grapes
Samira POVHalos sumisirit pa ang init ng kape nang bitbitin ko ang tray at maglakad papunta sa dining hall. Maaga pa, pero punong-puno na agad ng tao ang mansiyon. Ang ingay ng mga usapan, halakhak at pabulong na sumbatan. Nakakairita lang talaga kasi kulang na kulang ang tulog ko, kapag ganito pa naman, nakakainit talaga ng ulo. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko at parang may humihila sa akin pababa sa bawat hakbang ko. Para akong magco-collapse, gusto ko pang mahiga talaga.“Samira,” may malamig na boses ang tumawag sa akin.Napatingin ako sa likuran ko. Si Sir Vic. Agad akong tumigil at para magalang na tumango sa kaniya. Pero sa isang iglap, bago pa ako makapag-react, hinawakan niya ang aking braso at mabilis niya akong hinila papunta sa isang sulok ng mansiyon, malayo sa ingay at mga mata ng mga tao.Nagulat ako. “Sir, bago po?”His sharp eyes bore into mine. “Did you even sleep?”Napakurap ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Halos alas tres na ng madaling
Samira POVMasyado pang maaga nang magising ako, pero hindi ito sapat para pakalmahin ang inis na nararamdaman ko sa buwisit na mayordomang ito. Halos alas-diyes na ako nagising dahil sa puyat ko dahil sa pagbabantay sa burol ng demonyitang si Donya Ria. Hindi rin naman nakapagtataka, alas tres na ng madaling araw nang tuluyan kaming makatulog ni Manang Cora. Pero ang buwisit na si Manang Luz, hindi man lang naisip na bigyan kami ng kahit kaunting konsiderasyon, hayop talaga siya. Ginising pa rin kami nang maaga, para lang siguraduhin na maghapon kaming magpapakapagod sa burol ng demonyitang si Donya Ria na wala naman akong pakialam. Kung hindi lang ako nagpipigil, baka sinapok ko na siya kanina.Tulad ng inaasahan ko, dagsa ang mga bisita sa burol ni Donya Ria. Tuloy kaming mga kasambahay sa kaliwa’t kanang pag-aasikaso sa bisita, nagpapakain, nag-aalok ng kape, nagliligpit ng mga pinagkainan. Ang ilan sa kanila, mukhang taos-pusong nagluluksa, pero alam kong karamihan ay narito lang
Miro POVPagkarating ko sa hacienda, masaya akong lumapit sa mga tito ko. May masaya kasi akong balitang kailangan sabihin sa kanila. May dala akong pizza at coffee na gustong-gusto nilang merienda.Pagpasok ko sa malaking training hall, nadatnan ko si Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx na nag-uusap. Nang makita nila ako, agad akong sinalubong ni Tito Zuko. “Miro, anong balita?” tanong niya na tila excited akong makausap. Alam kasi nila na sa tuwing pupunta ako rito ay may mahalaga akong kailangan o mahalagang sasabihin.Ngumiti ako bago nagsalita. “Samira and I... we’re finally working together.”Napatingin sa akin ang tatlo kong tito, nagkatinginan sila na parang masaya para sa amin ni Samira.“Well, it’s about time. You two were always the strongest among our trainees,” sabi ni Tito Sorin.“That’s not all,” dugtong ko. “We killed Donya Ria.”Nagpalitan ng tingin ang tatlo at kita ko sa mga mata nila ang pagkagulat sa sinabi ko. “Are you serious? Kayong dalawa ang pumatay kay Donya
Samira POVHinihintay kong mag-umaga para mapalitan ako, pero dahil wala pa namang kailangan gawin, pumunta muna ako sa kuwarto ko para I-check ang phone ko. Tinignan ko kung may message si Miro, pero wala naman kaya mukhang wala siyang update sa akin sa ginagawa niya sa labas. Pagkatapos nun ay naglakad na ako palabas ng kuwarto at nakita kong nakaupo pala sa may lamesa si Manang Cora. Akala ko ay natulog na siya, gising pa pala. Nang makita niya ako, itinuro niya ang upuang katapat niya.“Come, sit with me,” mahina niyang sabi. Kita ko sa mata niya na inaantok na siya.Umupo ako sa tapat niya, ramdam ko ang malamig na hangin na dumadaloy mula sa bukas na aircon. Hindi niya ako agad kinausap. Sa halip, sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, tila ba tinatantiya ang mga susunod niyang sasabihin. Hanggang sa magtanong na siya.“Ikaw ba ang may gawa nito?” tanong niya ng diretso at walang pag-aalinlangan.Napakunot ang noo ko. “What do you mean, Manang?”“Did you kill Donya Ria?”Naniga
Samira POVLahat ay abala na, lalo na kaming lahat ng mga kasambahay. Kaming lahat ang kumikilos para gawing maayos ang burol ni Donya Ria. Sa utos ni Manang Luz na mayordoma, inalis namin ang malalaking upuan at sofa sa malaking living area. Doon ilalagay ang puting kabaong na napapalibutan ng mamahaling mga bulaklak. Isang marangyang paglalagak ng isang babae na minsang naging reyna ng tahanang ito. Pero ngayon, lalamunin na ng lupa. Hanggang ilang araw na lang siyang magiging mayaman at kilala sa mundong ito, pagkatapos nun, lalamunin na siya ng lupa.Ang satisfying panuoring umiyak nila Vic, Via, Lolo Lito at Lola Emilia. Tanging si Don Vito lang ang seryoso, ni isang patak ng luha ay wala. Sabagay, bakit pa ba ako magtataka e, marami siyang babae sa buhay niya. Para ngang wala lang sa kaniya ang pagkamatay ng asawa niya, parang pabor pa sa kaniya kasi magiging malaya na siya sa pambababae niya.Tahimik akong nagtatrabaho, ngunit sa loob-loob ko, tuwang-tuwa talaga ako. Wala ni is
Miro POVNang sumagot si Samira sa video call ko, napatayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko inasahan na papayag siyang makipag-video call, lalo na at hindi siya basta-basta nakikipag-usap nang ganito. Pero heto siya ngayon, nakatingin sa akin sa screen ng cellphone ko, malamlam ang mga mata pero bakas sa mukha ang saya kasi safe na siya, wala na si Donya Ria, napatay na namin ito.“Miro, I appreciate what you did,” mahinang sabi niya. “You got the job done.”Napangisi ako. First time kong marinig ang boses niya tapos nagpapasalamat pa. Sa totoo lang, napansin kong maganda pala siya kapag seryoso, hindi mataray at hindi mukhang suplada. Nakikita ko tuloy na parang mabait naman siya.“I told you, I don’t fail.” Nilapat ko ang likod sa pader ng room ko at pinaglaruan ang kutsilyong hawak ko. “Now that she’s gone, sure akong malulungkot ng husto ang demonyong si Don Vito. Pero, the question is, what’s next?”Nagtagal siya ng ilang segundo bago sumagot sa akin. “We move fo
Miro POVTanghaling tapat nang makarating ako sa condo. Wala akong klase ngayon dahil biglang kinansela ni Professor ang lecture namin, may emergency meeting daw. Sa isang banda, okay na rin. Kulang ako sa tulog. Kagabi pa ako lutang sa higaan at hindi mapakali. Siguro dahil bago pa lang ako dito sa condo at hindi pa sanay sa bagong tulugan, hindi ako nakagawa ng maayos na tulog.Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Pero sa halip na antukin, nagising ang diwa ko nang patingin ko sa social media, isang malaking balita ang nabasa ko.“Donya Ria Monteverde, asawa ng negosyanteng si Don Vito Monteverde, comatose matapos ang isang aksidente sa sariling mansiyon!”Napakurap ang mga mata ko. Binasa kong muli ang balita. Nadulas daw si Donya Ria, nabagok ang ulo at ngayon ay nasa ospital, comatose.Hindi aksidente ‘to.Alam ko kung sino ang may kagagawan nito. Sure akong si Samira. Siya lang naman ang may matinding galit kay Don Vito at sa pamilya nito. Alam kong may balak siyang m
Samira POVNapuno ng sigaw ko ang buong bahay.“Help! Someone, please help!”Nagmadali akong lumuhod sa tabi ni Donya Ria, pero hindi dahil sa pag-aalala. ginagampanan ko lang ang papel ko sa palabas na ito. Sa loob-loob ko, alam kong wala nang silbi ang kahit anong gawin nila. Masyado nang maraming dugo ang umagos sa sahig.Nagsimula nang magsilabasan ang ibang kasambahay na gaya ko, ang ilan ay napatakip pa ng bibig nang makita ang duguang ulo ni Donya Ria. Ang ingay ng mga hakbang nila sa sahig ay parang dumagundong sa aking pandinig. Mabilis silang lumapit habang ang takot nila at pagkabigla ay kitang-kita sa kanilang mga mukha.“Anong nangyari?!” sigaw ni Manang Luz habang namumutla agad ang mukha.Kailangan kong lumabas na inosente ako. Sinigurado kong nanginginig ang boses ko habang sumagot. “Nadapa po siya! Papunta na siya sa kuwarto niya nang bigla siyang nadulas at bumagsak!” Tumingin ako sa kanila na parang litong-lito habang pilit pinapakita ang pekeng pagkabahala sa mata
Samira POVHindi ko alam kung anong trip ni Sir Vic at bigla niya akong pinatawag habang nag-aasikaso kami ng almusal sa kusina. Malapit na kaming matapos, pero heto ako ngayon, naglalakad papunta sa garden dahil sa utos niya na sumunod ako doon.Pagdating ko roon, may nakita akong kubo. Nakaupo si Sir Vic sa isang mahabang bangko, naka-de kuwatro at mukhang kampanteng-kampante. Nang makita niya ako, ngumiti siya.“You should rest,” sabi niya at saka tinatapik ang espasyo sa tabi niya. “You deserve it.”Napangiwi ako. Kung puwede lang siyang murahin, ginawa ko na. Alam kong nilalandi niya ako. Halata naman sa kilos niya. Pero hindi ako tanga. Hindi ako madaling madadala sa kabaitan ng mga tulad niya. Sa huli, baka kasing-demonyo lang din siya ng ama niyang si Don Vito.“I’m fine, Sir Vic,” sagot ko nang walang emosyon. “May kailangan po ba kayo?”Tinitigan niya ako. Sa unang pagkakataon, napansin ko ang linya sa pagitan ng mga kilay niya na para bang may bumabagabag sa kaniya.“Your f