Mishon POVNakaya pang makabangon ni Ada. Ako na ang napahiga sa kama habang siya naman ay nakaupo at binabana na ang suot kong pantalon. Habang ginagawa niya ‘yon ay nakahawak pa rin siya sa matigas konf pagkalalakë. Sa totoo lang, oo, wild talaga ako at mahilig akong makipag-sëx. Pero pagdating kay Ada hill, iba na ang usapan. Hindi ko puwedeng samantalahin ang pagkakataong ito na wala siya sa wisyo.Iginagalang ko si Ada, higit pa sa anumang nararamdaman ko para sa kanya. Siya ang tipo ng tao na hindi mo dapat nilalapastangan, kahit ano pa ang sitwasyon. Kaya't kahit na parang hinihila ako ng damdamin kong patulan na siya, pinigilan ko ang sarili ko. “Hindi ito tama, matulog ka na, lasing ka na, Ada,” sabi ko at saka ko siya pinahiga gamit ang buong lakas ko.“KJ ka naman, Lucero,” sabi niya ulit kaya naisip ko na baka may syota na siya at ang Lucero na ‘yon ang boyfriend niya.Lumayo ako mula sa kama at inayos ang kumot na nakabalot sa katawan niya."Goodnight, Ada," mahina kong
Ada POVAng alarm ng cellphone ko ang unang bumasag sa katahimikan ng umagang iyon. Madilim pa sa labas, pero kailangan ko nang gumising. Ganito ang buhay ng isang international fashion model—laging maaga ang simula, laging may bagong adventure. Mahirap nung una pero nasanay na ako.Habang papunta ako sa walk-in closet ko, pinakikiramdaman ko pa ang jet lag mula sa pagbalik ko sa Paris kagabi. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang mga designer clothes na nakahanay sa harapan ko. Kailangan kong maghanda para sa araw na ito: photoshoot sa umaga, fitting para sa isang couture show sa tanghali, at dinner meeting kasama ang isang kilalang fashion editor mamayang gabi.Pagkatapos kong maligo, isinuot ko ang simpleng ensemble—black wide-leg trousers, a crisp white shirt, at oversized sunglasses. Simpleng elegante, ngunit sapat na para hindi mawalan ng dating kahit sa busy streets ng Paris.Pagdating sa kusina, naroon ang mga kasambahay namin, naghahanda ng kape. "Good morning, Miss
Mishon POVPaglapag ko sa Charles de Gaulle Airport, ramdam ko agad ang malamig na simoy ng hangin kahit tag-init pa. Nakakapagpakalma ang presensiya ng Paris, pero hindi sa gitna ng syudad ang destinasyon ko. Ang tinutumbok ko ay ang lupain ng pamilya namin na nasa labas ng lungsod—isang lugar na halos parang probinsya. Matutupad na ang plano kong magtayo ng wine company, at dito ko gustong simulan ang lahat.Dati, nagsimula lang ako sa panunuod ng mga farmer vlogger na mayroong grape farm at may winery na rin. Hanggang sa maanlig na ako sa kakapanuod at maging pangarap ko na ring magkaroon ng wine company. Pero dahil marami ng ganoon sa Pinas, naisip kong gawin ito sa Paris. At dito na magsisimula ang lahat.Pagkarating ko sa lugar, halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang lawak ng lupa! Halos kasing laki ng isang mall ang sukat nito, na may rolling hills at perfect na tanawin ng kalikasan. Napangiti ako habang iniisip na sa lugar na ito magsisimula ang lahat ng pangarap ko.P
Mishon POVNasa proseso pa ng pagtubo ang mga ubas sa farm ko, kaya naisip kong samantalahin ang oras para gumala sa city ng Paris. Bukod sa pagbili ng mga wine, gusto ko ring makakita ng iba’t ibang diskarte ng ibang vineyards at wineries dito. May halong excitement at curiosity ang nararamdaman ko habang pinaplano ang buong araw. Siyempre, bilang baguhan ay dapat pag-aralan ko ang galawan at product ng ibang mga may-ari ng wine company dito. Kaunti lang naman sila kaya naman kaya ko ring puntahan lahat sa loob lang ng isang araw.Kasama ko si Marlo, ang assistant ko, na laging maaasahan sa ganitong mga lakad. Kung may mabigat na trabaho, siya ang laging katuwang ko. Nang mag-ready na ako, pagkatapos ng isang masarap na breakfast, sinuot ko ang paborito kong tailored suit at sinigurong maayos ang ayos ko bago kami umalis. Paris ito, kaya kahit simpleng araw lang, hindi puwedeng hindi presentable.Sumilip pa ako sa farm, naroon ang mga tauhan na busy sa paggawa at pagtanim pa rin sa i
Ada POVPagbukas ng pinto ng sasakyan, bumungad sa akin ang maliwanag na ilaw ng Lucero restaurant, ang pinaka-main branch nito sa city ng Paris. Ang engrande at eleganteng fasad nito ay tila isang obra na nagpapakita ng tagumpay ni Lucero bilang isang businessman. Napangiti ako habang pababa, hindi dahil sa ganda ng paligid, kundi dahil sa wakas, natuloy din ang dinner na matagal nang inaalok ni Lucero sa akin. Busy siya palagi kaya ang maisingit niya ako sa ganitong dinner ay masyado nang napakadalang mangyari.Nasa gilid ko si Lucero, na palaging mukhang modelo sa tuwing nasa tabi ko. Sa suot niyang dark tailored suit na sakto sa kanyang matipuno at matangkad na pangangatawan, hindi ko maiwasang mag-isip: Ang swerte ko naman at kasama ko siya ngayon. “Let’s go?” tanong niya sa akin sabay abot ng kamay para alalayan akong bumaba.Tumango ako at ngumiti. “Let’s.”May napansin akong lalaki na mukhang lalapit sa akin, medyo hawig siya ni Mishon, hindi ko lang sure kung siya iyon kasi
Mishon POVMainit na ang sikat ng araw nang tumayo ako sa may taniman ng ubas, hawak ang cellphone habang nasa video call kasama si Mama at Papa. Inikot ko ang camera ng phone para ipakita ang malawak na farm na sinimulan ko ilang linggo na ang nakalipas. Nakangiti akong nagpatuloy sa pagpapaliwanag habang pinapakita ang mga punla ng ubas na unti-unting tumutubo mula sa mga buto."See, Ma, Pa? They're growing now. Slowly but surely," sabi ko habang ini-zoom ang camera sa mga baging."Oh, anak, ang ganda! Hindi ko akalaing magagawa mo ‘to nang mag-isa," sagot ni Mama, halatang proud sa boses niya."Talagang sineryoso mo ‘tong farm, anak," dagdag pa ni Papa na nakangiti rin sa screen."Of course, Pa. It's my dream. Someday, dadalhin ko kayo rito para makita niyo nang personal. Or kapag hindi ho kayo busy ay gumala na lang kayo rito.”Kayang-kaya naman nila, sadyang ayaw lang din nilang nawawala sa mga work at company na hawak nila.Nakita kong nagpalitan ng tingin ang mga magulang ko. "
Mishon POVNang gumising ako kinabukasan, dama ko pa rin ang bigat ng nadiskubre ko tungkol kay Lucero at kung paano niya ginagamit si Ada. Napapailing na lang ako habang iniisip kung paano nagawang lokohin ng ganun ang isang taong mabait at walang ginawang masama kundi suportahan siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko—hindi puwedeng manatili na lang ako sa isang tabi at hayaan ang ganoong klaseng kasinungalingan. Dapat na malaman ito ni Ada, hindi ako papayag na isantabi na lang ang nalaman ko.Habang iniinom ko ang mainit kong kape sa terrace ng mansiyon, tanaw ko ang malawak kong ubasan na unti-unti nang rumarami at lumalaki ang mga dahon. Ito na ang isang pangarap na unti-unting nagkakatotoo. Ngunit sa kabila ng tagumpay ko sa farm na ito, hindi ko mapigilang isipin si Ada. Ano kaya ang nararamdaman niya kung malaman niyang ginagamit lang siya?Naupo ako sa isang batong malaki na nakita ko at doon ako naupo. Nagdesisyon akong i-message siya. Binuksan ko ang social media app ko at
Ada POVPagbaba ko ng sasakyan, agad akong sinalubong ng preskong hangin mula sa malawak na ubasan sa paligid ng mansiyon ni Mishon. Hindi ko maipaliwanag, pero tila ba ang lugar na ito ay may kakaibang katahimikan. Napapayapa nito ang puso at isip ko na ilang araw nang puno ng kaba at pag-aalala dahil kay Lucero. Sa totoo lang, ngayong araw ay rehearsal ko sana para sa isang event, pero pinili kong umiwas muna. Alam kong magagalit si Mama kapag nalaman niyang gumagala lang ako. Pero wala akong paki, minsan lang ako makaramdam ng ganitong klaseng kalayaan kaya deserve ko ‘to.Pagpasok ko sa mansiyon ni Mishon, agad kong napansin ang bango ng paligid. Para bang kahit saan ka lumingon ay may preskong amoy ng mga scented candle at sariwang bulaklak na rose na tanim sa garden nila. Nasa harap na ng dining table ang mga pagkaing hinanda ni Mishon para sa akin. May steak, iba't ibang klase ng pasta, at dessert na halatang gawa mula sa dito ng mga kusinera nila.“Wow, Mishon, lahat ba ng ito
Ada POVTahimik ang buong mansiyon nang magising ako kinabukasan. Walang ingay ng mga hakbang ng papa ko na kadalasan ay napakaingay talaga kapag gagayak. Wala ring malakas na boses ni Verena sa hallway kapag naghahanap ng mga gamit niya na nawawala. Ngayong umaga, kami lang ng mama ko ang nandito.Pagkalabas ko ng kuwarto, sinalubong ako ng sikat ng araw mula sa malalawak na bintana ng mansiyon namin. Ang amoy ng mamahaling kape at tinapay ay umaalingasaw mula sa dining area. Nakagayak na pala agad ‘yung inutos ko sa kasambahay namin na kape ko.Nang makita ako ng mama ko, agad siyang ngumiti, pagbaba ko sa hagdan.“Good morning, anak.” Nilapag niya ang tasa ng kape sa lamesa sa living area. “You were stunning last night.”Nasa mood ang magaling kong mama kasi nabigyan ko siya ng pera na sure akong binigay niya lang sa lintek na Oliver na iyon.Umupo ako sa tapat niya at kinuha ang baso ng orange juice. “Thank you. The event was amazing.”Napangiti siya habang tumutuloy sa pagsandok
Ada POVIto ang klase ng event na hindi basta-basta matutunghayan ng kung sino lang. Isang grand opening ng pinakamahal at pinakaprestihiyosong luxury hotel sa Paris—isang landmark na tinaguriang The Crown Jewel of Parisian Luxury.At isa ako sa mga VIP guest. Pagdating ko sa venue, bumungad agad sa akin ang nakasisilaw na mga ilaw mula sa media. Ang buong lugar ay puno ng red carpet, mamahaling floral arrangements at isang golden chandelier sa mismong entrance. Sa bawat paglalakad ko, naririnig ko ang pag-click ng mga camera. Mga litratistang nagmamadaling makuha ang perpektong anggulo ng mga gaya kong big star na.I was wearing a custom Versace gown—deep red, elegant and sculpted perfectly to my figure. Sa bawat paggalaw ko, ang tela ay parang dumadaloy na tubig sa aking katawan. Classic. Timeless. Unforgettable.“Miss Ada! Look here!”“Ada, how does it feel to be invited as one of the top international models for this event?”“Who designed your gown tonight?”I smiled slightly, jus
Mishon POVSi Oliver, ang lalaking kabit ng mama ni Ada ay kasalukuyang nakapulupot sa isang lalaking hindi ko kilala. Ang lalaki ay matangkad, may malapad na balikat at walang suot na pang-itaas. Kitang-kita ang mga muscle nito sa ilalim ng dim na ilaw ng private room. Pero ang higit na nakapagpahinto ng paghinga ko ay ang paraan ng pagtingin nila sa isa’t isa—parang may isang lihim na mundo sila na hindi puwedeng pakialaman ng iba. Wala rin silang pake kahit nandito ako sa loob at nagse-serve ng alak. Siguro ay matagal na nila itong ginagawa kaya hindi na sila nahihiya.Parang bumagal ang oras habang pinagmamasdan ko sila habang kunyari ay inaayos ko ang mga alak at pagkain sa lamesa. Halos dumikit si Oliver sa katawan ng lalaki at kita kong nakangiti siya habang binubulongan ito. Ang isang kamay niya ay dumadausdos sa dibdib ng lalaki, at ang kabila naman ay nakapulupot sa leeg nito.Hindi nagtagal ay pinasok na ni Oliver ang kamay niya sa loob ng zipper ng pantalon ng lalaki.“Ugh
Mishon POVHabang wala pa akong ibang pinagkakaabalahan, sinimulan ko na agad ang plano ko. Hindi ko hahayaang makatakas ang lalaking iyon—si Oliver—na hindi ko pa alam kung anong surname. Pero isang bagay ang sigurado ako. Filipino siya. At mukhang sanay na sanay siyang magpaikot ng mga mayayamang ginang.Sinimulan ko sa pinakamadaling paraan: surveillance. Nag-hire ako ng dalawang tauhan ko para sundan siya palagi. Kahit saan siya magpunta, siguradong may mata akong nakabantay sa kanya. Hindi ko hahayaan na hindi ko malaman ang baho ng lalaking ito.Ginagawa ko ito hindi lang dahil sa galit ko sa kanya, kundi dahil gusto kong tulungan si Ada. Kitang-kita at ramdam ko kasi na sobra siyang na-stress dahil sa nalaman niyang pangangabit ng mama niya.Hindi ko hahayaang masira ang pamilya niya nang dahil lang sa isang manloloko. At kung kinakailangang gibain ko ang mundo ng Oliver na ‘yon para protektahan si Ada, gagawin ko.Sa unang mga araw, walang masyadong kakaiba. Walang permanenten
Ada POVPagkatapos ng dinner nila, naghiwalay na si Mama at ang lalaking iyon. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya—at hindi ko rin alam kung gusto ko siyang makilala. Ang alam ko lang ay hindi pa rito natatapos ‘to ang lahat. Hindi ko pa puwedeng bitawan ang araw na ito na wala akong nalalaman sa buwisit na kabit ng mama ko. Hindi pa puwedeng matapos ang gabing ‘to nang hindi ko nalalaman kung sino talaga siya.“Tara,” sabi ni Mishon habang mahina lang ang boses. “We follow him.”Tumango ako. ‘Yun din ang gusto kong mangyari. “Yeah. We need to know who he is.”Habang nakasakay pa rin kami sa sasakyan, sinundan namin ang lalaki. Hindi siya nagmamadali, pero halata sa kilos niya na aware siyang may nakatingin sa kanya. Ilang beses siyang palingon-lingon sa paligid, lalo na sa likod niya, na parang tinitingnan kung wala na bang nakasunod.Napakunot-noo si Mishon. “Something’s off.”Tumingin ako sa kanya. “What do you mean?”“He’s too cautious. He’s looking back too often, but not at u
Ada POVHindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko, biglang may sumakal sa lalamunan ko. Hindi dahil sa iyak, kundi sa biglaang buhos ng galit at pagkabigo na nararamdaman ko sa mama ko ngayon. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig sa screen ng phone ni Mishon. Kitang-kita ko ang mukha ni Mama sa video—eleganteng naka-make-up, naka-red dress at mukhang masaya. Hindi lang basta masaya. Kinikilig pa.Hindi ko kilala ang lalaking kasama niya. Mas bata ito sa kanya, siguro nasa late twenties o early thirties. Matangkad, matikas ang katawan at mukhang sanay sa marangyang buhay. Sa video, nakasandal ito sa upuan habang nakangiti, nakikinig kay Mama na tila aliw na aliw sa kuwento niya.At sa dulo ng video, dumating ang bill. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Mama ang resibo, inilabas ang kanyang credit card at siya ang nagbayad. Ano ‘to, nagpapaka-sugar mommy siya sa binatang iyon? My God, nakakahiya si Mama.Nag-init talaga ang dugo ko. Akala ko napakatino niya pero may ganito palang
Ada POVAng bango.Halos hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa kusina ni Mishon, pero ang amoy ng bagong lutong pizza ay parang yakap na mainit sa akin at nakakagutom talaga sa pang-amoy. Nasanay na ako na sa tuwing dadalaw ako sa mansiyon niya, palaging may nakahandang pizza na siya mismo ang gumagawa. Alam na alam ni Mishon ang paborito kong pagkain.Pero may kakaiba ngayon. Nakatayo siya sa harap ng lamesa sa dirty kitchen, abala sa paglagay ng toppings sa nilulutong pizza. “This is a new flavor,” aniya nang makita niya akong dumating. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin bago bumalik sa ginagawa niya. “I made this especially for you.”Napangiti ako at lumapit sa kanya. “What’s the flavor this time?”Hinila niya ang apron niya at nagbigay ng maliit ngiti sa akin. “You’ll see. It’s a surprise.”Umupo ako sa high chair na nasa gilid ng lamesa habang pinagmamasdan siyang magtrabaho. Ang sarap panoorin ni Mishon habang nagluluto—maayos, malinis at parang may sarili
Ada POV“Papa, pwede po bang mag-overnight ako sa mansiyon nila Mishon?” tanong ko habang tinutulungan siyang maglagay ng kape sa tasa niya. Kahit na pure american siya, sa tagal na niyang kasama kami ni mama na pinay pareho ay kahit pa paano ay nakakaintindi na siya ng pure pinoy na lengguwahe.Ngumiti lang si Papa. Alam naman niya na good girl ako. Isa pa, hindi naman kailanman naging problema ang paghingi ko ng permiso sa kanya, lalo na’t kasama si Mishon na kilala niyang matino naman. Saka, sabi pa niya minsan, hindi ko naman na kailangang magpaalam dahil matanda na ako. Nasanay kasi ako dahil lagi akong pinaghihigpitan ni mama.“Of course, Ada. You don’t even have to ask,” sagot niya. Napaka-simple ng tono, parang natural na natural lang na pumayag siya. Hindi ko na nga kailangang magpaliwanag pa. Sanay si Papa sa mga ganitong paalam ko, lalo na’t alam niyang safe ako sa piling ni Mishon.Kinuha ko ang bag ko na nakahanda na sa sofa. “Thank you, Pa! I’ll see you tomorrow,” sabi
Mishon POVSa gitna ng malamig na hapon sa city ng Paris, naglalakad ako sa cobblestone street ng Rue Saint-Honoré, ang lugar na puno ng mga boutique at café. Ang layunin ko sana sa araw na iyon ay simple lang…bisitahin ang bagong bukas na tindahan ng strawberry wine. May rekomendasyon ang ilang kaibigan ko sa Pinas tungkol sa tindahan iyon at bilang tagahanga ng mga ganitong klase ng alak, naisip kong bakit hindi ko nga subukang puntahan?Habang papunta ako sa direksyon ng tindahan, napansin ko ang isang magarang itim na kotse na naka-park malapit sa isa sa mga café. Ang eleganteng disenyo nito ay bagay lamang sa isang taong may sinasabi sa buhay. Ngunit hindi ang sasakyan ang nakakuha ng pansin ko. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha na bumaba mula rito—isang ginang na babaeng maganda, elegante at pamilyar sa mga mata ko. Sa unang tingin, parang imposibleng maging siya iyon, pero habang binubuo ng isip ko ang bawat detalye, napagtanto kong hindi ako puwed