Czedric’s POVSi Jeric Cruz ang susunod kong target. Ayon kay Tito Everett, dating kriminal si Jeric—isang taong maraming pinaslang para sa pera. Isang mahirap na tao na biglang yumaman. Ngayon, may mga hotel na siya, mga ari-ariang sigurado si Tito Everett na mula sa pera’t yaman ng pamilya ko.At ngayon, balita ko ay may sakit si Jeric. Ilang araw akong nag-stalk sa kaniya bago ang planong pagpunta ko sa kaniya.Nakangisi akong umalis ng mansiyon. “Perfect timing,” sabi ko sa sarili ko habang nagmamaneho papunta sa bahay ni Jeric. Wala siyang ideya kung ano ang darating sa kanya ngayon. Pagdating ko sa mansiyon ni Jeric, halos napailing ako sa laki nito. “From rags to riches, huh?” bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang grandiosong disenyo ng bahay. Pero hindi ko hinayaan na magtagal ang paghanga. Ang lugar na ito ay isang simbolo ng lahat ng ninakaw nila sa akin.Madali akong nakapasok. Walang kahirap-hirap. Ito ang isa sa mga pabor sa sitwasyon ko ngayon. Hindi alam ng m
Czedric’s POVAng gabi ay malamig dahil sa malakas na aircon dito sa kuwarto niya, ngunit ang apoy ng galit sa puso ko ay higit pa sa anumang init na naranasan ko. Si Jeric Cruz. Isa sa mga nagtaksil sa akin at tumulong sa impostor ko para nakawin ang buhay ko ang nalalagay ngayon sa alanganin.Ngayon, oras na siguro para malaman ko ang buong katotohanan.Pagkatapos ng mahabang kwentuhan kanina, napagpasyahan kong alamin ang saklaw ng kasamaan ni Jeric—kung gaano kalalim ang kanyang kasalanan sa akin at sa aking pamilya. Ang layunin ko? Bawat detalye, bawat pangalan ng biktima, ay magsisilbing gasolina sa apoy ng paghihiganti.Naupo ako ulit sa tabi ng kama niya, ang mukha ko ay kunwari'y kalmado, pero ang utak ko naman ay puno ng diskarte."Jeric," tanong ko habang pilit ang pagiging interesado, "how many people have you killed again? Marani na ‘no?"Napatingin siya sa akin, tila nag-iisip kung dapat ba niyang sabihin. Pero sa huli, ngumiti siya at tila nagyabang pa. “Honestly? I los
Everisha’s POV Isa itong espesyal na araw. Hindi pwedeng magmukha akong dugyot. Sa tuwing may malaking kaganapan tulad ng fashion show na ito, dapat kong ipakita na nararapat ako sa makisama o makisali sa mga kilala, sikat, at mayayaman. Ngayon, abala na ang glam team ko sa paggawa ng kanilang mahika. Pinong-pinong foundation ang inilalagay sa mukha ko, habang ang hairstylist ko ay tinatapos ang makintab na mga kulot sa buhok ko. Sulit ang ibabayad sa mga ito kasi kita naman na magagaling silang magtrabaho. Balita ko nga ay mga sikat na artista at model din ang naayusan nila. "Make sure my lashes are dramatic but not too heavy," sabi ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. "This is a high-profile event, and I need to look flawless." Tumango ang makeup artist ko. “Of course, Miss Everisha. You’ll be the most stunning guest there.” Pagkatapos ng halos tatlong oras na preparasyon, tumayo ako sa harap ng full-length mirror. Suot ko ang isang luxury dress na sinadya pang
Everisha’s POVPauwi na ako mula sa engrandeng fashion show na iyon. Ang mga ilaw, ang runway at ang misteryosong boses ni Czedric—lahat iyon ay parang panaginip na hindi ko pa gustong matapos. Pero kailangan ko nang umuwi dahil tapos na ang event.Habang naglalakad ako patungo sa parking area ng hotel, inaalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Halata masyado si Czedric na nakatitig sa akin kanina habang kumakanta. Bakit kaya? Ah, siguro dahil nagulat siya na nakita niyang maganda ang ayos ko ngayon. Sabagay, first time niya akong makita na ganoon kaganda."Miss Everisha, your car is waiting," sabi ng valet habang iniabot ang susi. Tumango ako at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad.Bigla akong napatigil. May isang pamilyar na mukha ang lumabas mula sa dilim ng parking lot.Oh shït! Hindi ako puwedeng magkamali. Si Czedric ito na impostor. Bakit ko nalaman na impostor, well, hindi kasi nagtatanggal ng maskara si Czedric sa ganitonh public na lugar. "Good evening," bati niya,
Everisha’s POVTahimik kong pinagmasdan ang paligid habang naglalakad papunta sa isang five-star resort na dati ay pagmamay-ari ng pamilya ni Czedric. Nakakapanghinayang. Sa unang tingin pa lang, halatang maganda pa rin ang pamamalakad dito. Ang malalaking puno ng palm, ang maaliwalas na tanawin ng dagat at ang tila walang katapusang luntiang hardin—lahat iyon ay parang buhay na testamento ng kayamanan at tagumpay ng pamilya Borromeo. Ngunit ngayon, nasa kamay na ito ng impostor ni Czedric.Nang makarating ako sa entrance, sinalubong ako ng isang pamilyar na tao. Ang impostor. Grabe, kahit saan talaga tignan ay magkamukha sila ng mukha. Pati laki ng katawan magkamukha. Mas malaki na nga lang ngayon ang katawan ng totoong Czedric.“Everisha,” bati niya sa akin habang ang ngiti niya ay tila mapagpakumbaba ngunit may halong yabang. “Welcome to my resort. I hope you like what you see.”“I do,” sagot ko habang pinipilit magpakaswal kahit na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin.
Czedric’s POVPagdating ni Tito Everett sa mansiyon, agad kong naramdaman na masama ang timpla niya. Ang mukha niya kasi ay seryoso, halatang may iniindang problema. Tumayo tuloy agad ako mula sa sofa at sinalubong siya."Good day po, Tito," bati ko na may pagkukumbaba sa tono. Alam kong hindi magiging magaan ang usapan naming dalawa.“Good day? What’s good about it, Czedric?” diretsong tanong niya habang nilalapitan ako. “Do you even realize what Everisha has been doing because of you?”Napakamot ako ng ulo. Alam kong hindi ako ang direktang may kasalanan, pero hindi ko rin maipagkaila na ako ang dahilan kung bakit sinusugal ni Everisha ang sarili niya.“I’m really sorry, Tito,” sagot ko. “I didn’t mean for her to get involved. I’ve tried stopping her, but you know how she is. Gamit ang account ni CD, sinusubukan kong pigilan siya pero talaga po atang matigas ang ulo niya.”Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at umiling. “She’s too stubborn for her own good. But you… you n
Czedric’s POVDalawang araw na akong subsob sa matinding training kasama si Tito Everett. Walang tigil ang paghasa ko ng aking kakayahan, ngunit sa kabila nito, isang tanong pa rin ang gumugulo sa akin: Paano ko makikilala ang dalawang assassin na kaalyado ng impostor ko?“Hindi sila basta nagpapakita ng totoong mukha,” sabi ni Tito Everett noong huling usapan namin. “Every fight, they wear masks. No names, no identities. Kaya kahit anong gawin mo, you won’t win this fight unless you figure out who they are.”Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya. Hindi biro ang hamon na ito. Kung sila ang pinaka-alas ng impostor ko, malinaw na hindi sila basta ordinaryong kalaban. Pero sa ganitong sitwasyon, isang bagay ang sigurado: Kailangan ko ng tulong.Kaya lang ay sino? Eh, wala naman akong kaibigan o kahit kapangyarihan na mag-hire ng tauhan ko. Masyado na akong nahihiya kina Tito Everett kung pati ang pagha-hire ng mga tauhan ko ay iaasa ko pa sa kaniya.Pagkatapos ng dalawan
Everisha’s POVPagod ako mula sa trabaho nang araw na iyon. Hapon na at pauwi na ako mula sa opisina, pilit na nilalabanan ang antok habang nagmamaneho.Nang malapit na ako sa subdivision namin, napatigil ako nang makita ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ito? Pero bago pa ako makaisip ng kung ano, bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang pamilyar na mukha—ang impostor ni Czedric.Anong ginagawa niya rito? Ewan ko ba pero ayoko na. Ayaw nila papa at Czedric na lumalapit ako sa kaniya kaya hindi na talaga. Ayoko na kasi baka nga mapahamak pa ako sa taong ‘to.“Everisha,” tawag niya sa akin. “Join me. Let’s have merienda at the resort.”Ayokong pumayag. Alam kong delikado ang bawat paglapit ko sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam ko rin na baka may makuha ulit akong impormasyon, tulad ng nakuha ko dati. Kaya, kahit mabigat ang loob ko, tumango ako. At pinapangako kong last na talaga ‘to.Tahimik ang biy
Everisha’s POVNapatitig ako sa mga mata ni Czedric matapos ang aksidenteng paghalik namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya na tila bumalot sa aking balat, nagpapatigil sa tibok ng puso ko at nagpapabilis naman ng bawat paghinga ko. Nang akma akong tatayo para magpaliwanag o kahit paano’y mabawasan ang awkwardness, bigla niyang hinawakan ang braso ko, pinigilan niya ang aking pagtayo.“Wait,” aniya na pabulong ngunit mariin, habang nakatitig pa rin sa akin.Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, pero bago pa ako makapagsalita, hinila niya ako pabalik at muling hinawakan ang aking mukha. Nagulat ako nang dumikit ulit ang labi niya sa labi ko—pero ngayon, hindi na ito aksidente. Hindi na ito padalos-dalos.Ang mga labi niya ay gumagalaw nang marahan ngunit puno ng init. Ramdam ko ang bawat haplos ng paghalik niya—banayad sa una, ngunit habang tumatagal ay tila may halong panggigigil na parang matagal nang itinatago.Ano ba 'to? tanong ko sa sarili ko, habang unti-unting nara
Everisha’s POVAlas kuwatro palang ng madaling-araw na gising na ako. Kanina pa ako nakaabang sa labas ng mansiyon namin, hinahaplos ng malamig na hangin ang aking braso habang pinagmamasdan ang labas ng gate. Ilang beses ko nang sinilip ang oras sa relo ko, at ilang beses ko ring pinigilan ang sarili kong tawagan si Mishon para tanungin kung nasaan na siya. Ayoko namang magmukhang atat, pero kailangan kong kausapin ang bunso kong kapatid bago siya makapasok sa mansiyon.Hindi puwedeng malaman nina Mama Misha at Papa Everett na alam ko na ang tungkol kay Czedric. At higit sa lahat, hindi rin dapat malaman ni Mishon ang anumang detalye na puwedeng ikagalit ng mga magulang namin. Ngayong alam na ni Mishon ang lahat—dahil sa pagiging madaldal ni Czedric—hindi ko maalis ang kaba ko. Paano kung mabanggit niya iyon sa kanila?Habang wala pa, nagpatimpla muna ako ng kape sa kasambahay namin para mainitan naman ang sikmura ko, nagpakuha din ako sa kaniya ng slice bread na may palaman na peanu
Czedric’s POVNapabalikwas ako ng bangon mula sa kama nang marinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa ibaba ng mansiyon. Halos tumalon ako mula sa kama, mabilis na isinuot ang aking tsinelas at nagmadaling bumaba. Bumilis ang tibok ng puso ko, iniisip ko kung ano na naman ang kaguluhan ang nagaganap.Pagdating ko sa sala sa ibaba, bumungad sa akin ang isang lalaki—matangkad, matipuno at mayabang ang tindig. Hindi ko siya kilala, pero malinaw sa kanyang kilos at tingin na hindi siya naroroon para makipag-usap ng maayos.“Hoy, sino ka at anong ginagawa mo dito?” singhal ko habang bumaba ng hagdan nang may galit sa boses.Hindi siya sumagot. Ngumisi lang siya nang bahagya, tila hindi natitinag sa tanong ko. “Ako? Ako dapat ang magtanong sa’yo, boy. Anong ginagawa mo sa mansiyon namin?”Mansiyon namin? Sino ba itong lalaking ito? Pinili kong huwag siyang sagutin. Sa halip, sinugod ko siya, tinatakbo ang pagitan namin habang handang gamitin ang mga natutunan ko mula kay Tito Everett at
Czedric’s POVHindi ko pa man naririnig ang buong detalye mula kay Tita Marie, nagpasya na akong pumunta sa hideout kung saan nila dinala si Raegan. Ang ideya na ang impostor ko ay hawak na nila ay nagdulot ng halo-halong emosyon—galit, takot, at paghihiganti. Pero higit sa lahat, gusto kong marinig mula sa kanya ang dahilan ng lahat ng ito.Habang papalapit ako sa hideout, pinilit kong panatilihing malamig ang ulo ko. Alam kong hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon. Dala-dala ko ang maskarang natanggap ko kay Tito Everett. Hindi ko agad ipapakita ang mukha ko sa kanya—gusto kong makita ang reaksyon niya kapag nalaman niyang buhay pa ako.Pagpasok ko sa madilim na silid, nandoon si Raegan, nakagapos sa upuan. Mukhang pagod siya, pero kahit ganun, may halong kayabangan pa rin sa mga mata niya. Napansin ko rin ang bahagyang galos sa mukha niya, marahil dulot ng pananäkit sa kaniya ni Tita Marie nung magising na ito kanina. Mabuti na lang talaga at nagmana si Everisha sa papa niya, dahi
Everisha’s POVPagbaba ko mula sa kwarto, naghihikab pa ako dahil medyo inaantok pa ako. Late na kasi akong nakatulog kagabi dahil magka-video call kami ni Czedric. Sa akin niya unang pinakinggan ang kauna-unahang compose niyang kanta. Ewan ko ba, natuwa ako nang marinig ko ang kanta niyang parang inspire sa unang pagkikita namin. Ang title ay Abula-bula mountain love story, at sure akong kami ang magkasintahan na tinutukoy sa kanta niya. Ang hindi lang malinaw ay ‘yung magkasintahan kami dahil wala pang ganun. Ang simpleng tunog ng mga yapak ko sa hagdanan ay parang naging mas maingay kaysa sa dati. Nang makarating ako sa sala, nakita ko ang isang pamilyar na tao na nakaupo sa sofa.W-wait. Si Czedric?Nanatili akong tahimik habang nakatayo sa tabi ng hagdan. Gusto kong lapitan siya, pero hindi ko magawang alisin ang mga duda ko. Paano kung hindi siya si Czedric? Paano kung siya ang impostor—si Raegan?Ngumiti ako nang bahagya, hindi sapat para magduda siya, pero hindi rin sapat par
Czedric’s POVPagkatapos ng halos magdamag na training kasama si Tito Everett, pakiramdam ko ay parang nanlambot ang buong katawan ko. Pero alam kong kailangan ko itong tiisin. Ang bawat galaw, bawat atake na tinuturo niya, ay bahagi ng paghahanda para sa pinakamalaking laban ng buhay ko.Habang papalabas ako ng training field, ramdam ko ang malamig na hangin ng gabi. Pinahid ko ang pawis sa aking noo gamit ang tuwalya. Sa malayo, narinig ko ang huni ng mga kuliglig—tila nagpapaalala sa akin na kahit papaano, buhay pa rin ang mundo sa kabila ng lahat ng kaguluhan. Sa totoo lang, kapag naririnig ko ang mga huni ng mga ibon, nararamdaman kong safe ako kasi ganoon ang naririnig ko palagi sa bundok nung doon pa ako naka-stay. Nakaka-miss pero hindi na ako duwag para umatras pa sa laban ngayon. Tama sila, kailangan kong ipaglaban ang dapat na sa akin. Ang mukha ko, pangalan at kayamanan namin.Isang text ang natanggap ko mula kay Marco: "Meet me at the usual place."Ang lugar na iyon ay pa
Czedric’s POV Ang init ng hapon ay unti-unti nang humuhupa habang papalubog ang araw. Ang hangin mula sa dagat ay malamig-lamig na, na tila nagpapakalma sa lahat ng kaba at tensyon sa dibdib ko. Kanina, galing ako sa ospital. Bumubuti na ang lagay niya, pero sinabihan niya ako na huwag munang magdadalaw kasi madalas gumala doon si Jonas at ang impostor ko. Delikado raw para sa akin. Napatunayan namin nila Tita Marie at Tito Everett na kakampi ko ang pinsan kong si Marco. Hanggang ngayon, wala pa rin kaalam-alam si Tiro Everett na may alam na si Everisha. Hindi rin niya alam na muntik nang mapasama si Everisha. Mabuti na lang at pinagtatakpan kami ni Tita Marie, sobrang bait niya. Nakatanggap ako ng text message kay Everisha kaya ako nandito ngayon sa tabing-sagat. Sa ganitong mga oras, paborito namin ni Everisha na magkita sa tabing dagat. Dala niya ang paborito niyang kape, samantalang ako naman ang bahala sa pastries. Ngayon, wala na akong maskara. Wala na rin ang balbas at bigot
Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti
Everisha’s POvPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, naisip kong diretso na sana ako sa bahay para makapagpahinga dahil ang daming meeting na nangyari ngayon. Pero hindi iyon ang nangyari. Biglang nag-text si Marco sa akin, pinapapunta niya ako sa mansiyon niya.“Everisha, I need you to come over,” sabi niya sa mensahe. “Let’s have dinner. I need to tell you something important, and I know you don’t fully trust me yet. But after tonight, you will.”Nag-alangan ako. Bagama’t marami na siyang nasabi tungkol sa impostor ni Czedric, hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang mga motibo niya. Pero isang bahagi ko ang nagsasabing pumunta ako—baka may nalalaman nga siya na makakatulong kina Czedric.Pagdating ko sa bahay ni Marco, sinalubong niya ako sa pinto. Sa unang tingin pa lang, halata nang seryoso siya sa usapan.“Let’s eat first,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa dining room. “Then I’ll tell you everything you need to know.”Impyernes, napalaki ang mga mata ko sa dami ng ma