Czedric’s POVPagdating ni Tito Everett sa mansiyon, agad kong naramdaman na masama ang timpla niya. Ang mukha niya kasi ay seryoso, halatang may iniindang problema. Tumayo tuloy agad ako mula sa sofa at sinalubong siya."Good day po, Tito," bati ko na may pagkukumbaba sa tono. Alam kong hindi magiging magaan ang usapan naming dalawa.“Good day? What’s good about it, Czedric?” diretsong tanong niya habang nilalapitan ako. “Do you even realize what Everisha has been doing because of you?”Napakamot ako ng ulo. Alam kong hindi ako ang direktang may kasalanan, pero hindi ko rin maipagkaila na ako ang dahilan kung bakit sinusugal ni Everisha ang sarili niya.“I’m really sorry, Tito,” sagot ko. “I didn’t mean for her to get involved. I’ve tried stopping her, but you know how she is. Gamit ang account ni CD, sinusubukan kong pigilan siya pero talaga po atang matigas ang ulo niya.”Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at umiling. “She’s too stubborn for her own good. But you… you n
Czedric’s POVDalawang araw na akong subsob sa matinding training kasama si Tito Everett. Walang tigil ang paghasa ko ng aking kakayahan, ngunit sa kabila nito, isang tanong pa rin ang gumugulo sa akin: Paano ko makikilala ang dalawang assassin na kaalyado ng impostor ko?“Hindi sila basta nagpapakita ng totoong mukha,” sabi ni Tito Everett noong huling usapan namin. “Every fight, they wear masks. No names, no identities. Kaya kahit anong gawin mo, you won’t win this fight unless you figure out who they are.”Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya. Hindi biro ang hamon na ito. Kung sila ang pinaka-alas ng impostor ko, malinaw na hindi sila basta ordinaryong kalaban. Pero sa ganitong sitwasyon, isang bagay ang sigurado: Kailangan ko ng tulong.Kaya lang ay sino? Eh, wala naman akong kaibigan o kahit kapangyarihan na mag-hire ng tauhan ko. Masyado na akong nahihiya kina Tito Everett kung pati ang pagha-hire ng mga tauhan ko ay iaasa ko pa sa kaniya.Pagkatapos ng dalawan
Everisha’s POVPagod ako mula sa trabaho nang araw na iyon. Hapon na at pauwi na ako mula sa opisina, pilit na nilalabanan ang antok habang nagmamaneho.Nang malapit na ako sa subdivision namin, napatigil ako nang makita ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ito? Pero bago pa ako makaisip ng kung ano, bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang pamilyar na mukha—ang impostor ni Czedric.Anong ginagawa niya rito? Ewan ko ba pero ayoko na. Ayaw nila papa at Czedric na lumalapit ako sa kaniya kaya hindi na talaga. Ayoko na kasi baka nga mapahamak pa ako sa taong ‘to.“Everisha,” tawag niya sa akin. “Join me. Let’s have merienda at the resort.”Ayokong pumayag. Alam kong delikado ang bawat paglapit ko sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam ko rin na baka may makuha ulit akong impormasyon, tulad ng nakuha ko dati. Kaya, kahit mabigat ang loob ko, tumango ako. At pinapangako kong last na talaga ‘to.Tahimik ang biy
Everisha’s POVNanlalata akong nagising habang ang ulo ko ay parang mabigat na bato habang sinusubukan kong idilat ang mga mata ko. Nang tuluyan akong magkamalay, napansin kong nasa loob ako ng kotse. Malamig ang paligid at ang amoy ng bagong linis na kotse ang unang bumungad sa akin.Nasa likod ako ng sasakyan, nakahiga sa upuang may malambot na unan. Napaupo ako, hawak-hawak ang ulo ko habang iniisip kung anong nangyari.Paano ako napunta rito? Nasaan si ang impostor na si Reagan?Habang ang kaba ko ay unti-unting bumabalot sa akin, sinilip ko ang driver’s seat. Ang nagmamaneho ay isang lalaking hindi ko agad nakilala. Ang akala ko ay si Reagan iyon—ang impostor ni Czedric.Galit na galit akong bumangon at agad na sinugod ang lalaking hayop na ‘to. Pinaghahampas ko siya sa balikat habang sumisigaw. “What did you do to me?!” sigaw ko. “Let me out of here!”“Stop it, Everisha!” sabi niya habang pilit akong nilalayo sa sarili niya. “I’m not who you think I am!”Hindi ko siya pinakingg
Czedric’s POVMagdamag akong hindi mapakali matapos kong aralin ang lahat ng impormasyon tungkol kay Marco. Kahapon, ginugol ko ang buong araw sa pagsisiyasat: saan siya nakatira, ano ang pinagkakakitaan niya ngayon at kung anong yaman na ang nakuha niya sa impostor ko. Pero may isang bagay na hindi ko mawari—walang negosyo si Marco. Sa kabila ng lahat, ang bahay niya ay tila mas lumaki at naging isang engrandeng mansyon pa. Hindi gaya nila Jeric, Mark Joseph at Jonas na halos may kani-kaniyang kompanya na. Natatanging si Marco lang ang parang napag-iwanan.Ngayon, ako na ang gagawa ng hakbang. Kasama ko si Tita Marie at siya mismo ang nag-alok na sumama sa akin.Parang bihasang assassin na rin kasi ngayon si Tita Marie. Sa kanila, natatangi ang galing niya sa lahat ng labanan at sa kung paano siya gumamit ng mga sandata.“Marco is dangerous, Czedric,” sabi niya habang binabasa ang isang mapa ng mansyon. “He’s not just a man with secrets. He’s an assassin. You can’t do this alone.”“K
Everisha’s POvPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, naisip kong diretso na sana ako sa bahay para makapagpahinga dahil ang daming meeting na nangyari ngayon. Pero hindi iyon ang nangyari. Biglang nag-text si Marco sa akin, pinapapunta niya ako sa mansiyon niya.“Everisha, I need you to come over,” sabi niya sa mensahe. “Let’s have dinner. I need to tell you something important, and I know you don’t fully trust me yet. But after tonight, you will.”Nag-alangan ako. Bagama’t marami na siyang nasabi tungkol sa impostor ni Czedric, hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang mga motibo niya. Pero isang bahagi ko ang nagsasabing pumunta ako—baka may nalalaman nga siya na makakatulong kina Czedric.Pagdating ko sa bahay ni Marco, sinalubong niya ako sa pinto. Sa unang tingin pa lang, halata nang seryoso siya sa usapan.“Let’s eat first,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa dining room. “Then I’ll tell you everything you need to know.”Impyernes, napalaki ang mga mata ko sa dami ng ma
Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti
Czedric’s POV Ang init ng hapon ay unti-unti nang humuhupa habang papalubog ang araw. Ang hangin mula sa dagat ay malamig-lamig na, na tila nagpapakalma sa lahat ng kaba at tensyon sa dibdib ko. Kanina, galing ako sa ospital. Bumubuti na ang lagay niya, pero sinabihan niya ako na huwag munang magdadalaw kasi madalas gumala doon si Jonas at ang impostor ko. Delikado raw para sa akin. Napatunayan namin nila Tita Marie at Tito Everett na kakampi ko ang pinsan kong si Marco. Hanggang ngayon, wala pa rin kaalam-alam si Tiro Everett na may alam na si Everisha. Hindi rin niya alam na muntik nang mapasama si Everisha. Mabuti na lang at pinagtatakpan kami ni Tita Marie, sobrang bait niya. Nakatanggap ako ng text message kay Everisha kaya ako nandito ngayon sa tabing-sagat. Sa ganitong mga oras, paborito namin ni Everisha na magkita sa tabing dagat. Dala niya ang paborito niyang kape, samantalang ako naman ang bahala sa pastries. Ngayon, wala na akong maskara. Wala na rin ang balbas at bigot
Mishon POVNapasandal ako sa leather seat ng aking study habang nakatitig sa screen ng tablet. May ilang minuto na akong nagbabasa ng mga bagong updates mula sa team ko tungkol sa galaw ni Oliver, pero sa totoo lang, parang naubos na ang energy ko sa kakaisip tungkol sa lalaking iyon.Para bang ang buong mundo namin ni Ada ay umiikot na lang sa pagpapabagsak sa kaniya. Hindi ako nagrereklamo, syempre. Gusto kong matikman ni Oliver ang karma sa ginagawa niyang panloloko, lalo na sa mama ni Ada na inuto niya. Sa totoo lang, natatangahan din ako sa mama ni Ada. Nadamay lang talaga si Ada at ang perang pinaghihirapan niya.Pero habang tumatagal, parang unti-unting nawawala ang oras ko kasama si Ada bilang girlfriend ko na siya—at hindi lang bilang kakampi niya sa paghihiganti.Kaya ngayong gabi, napagpasyahan kong iba muna ang atupagin namin. A night for just the two of us. No revenge. No schemes. No Oliver. Just us.“Are you seriously making me wear this?” reklamo ni Ada habang tinitingn
Ada POVTahimik ang buong mansiyon nang magising ako kinabukasan. Walang ingay ng mga hakbang ng papa ko na kadalasan ay napakaingay talaga kapag gagayak. Wala ring malakas na boses ni Verena sa hallway kapag naghahanap ng mga gamit niya na nawawala. Ngayong umaga, kami lang ng mama ko ang nandito.Pagkalabas ko ng kuwarto, sinalubong ako ng sikat ng araw mula sa malalawak na bintana ng mansiyon namin. Ang amoy ng mamahaling kape at tinapay ay umaalingasaw mula sa dining area. Nakagayak na pala agad ‘yung inutos ko sa kasambahay namin na kape ko.Nang makita ako ng mama ko, agad siyang ngumiti, pagbaba ko sa hagdan.“Good morning, anak.” Nilapag niya ang tasa ng kape sa lamesa sa living area. “You were stunning last night.”Nasa mood ang magaling kong mama kasi nabigyan ko siya ng pera na sure akong binigay niya lang sa lintek na Oliver na iyon.Umupo ako sa tapat niya at kinuha ang baso ng orange juice. “Thank you. The event was amazing.”Napangiti siya habang tumutuloy sa pagsandok
Ada POVIto ang klase ng event na hindi basta-basta matutunghayan ng kung sino lang. Isang grand opening ng pinakamahal at pinakaprestihiyosong luxury hotel sa Paris—isang landmark na tinaguriang The Crown Jewel of Parisian Luxury.At isa ako sa mga VIP guest. Pagdating ko sa venue, bumungad agad sa akin ang nakasisilaw na mga ilaw mula sa media. Ang buong lugar ay puno ng red carpet, mamahaling floral arrangements at isang golden chandelier sa mismong entrance. Sa bawat paglalakad ko, naririnig ko ang pag-click ng mga camera. Mga litratistang nagmamadaling makuha ang perpektong anggulo ng mga gaya kong big star na.I was wearing a custom Versace gown—deep red, elegant and sculpted perfectly to my figure. Sa bawat paggalaw ko, ang tela ay parang dumadaloy na tubig sa aking katawan. Classic. Timeless. Unforgettable.“Miss Ada! Look here!”“Ada, how does it feel to be invited as one of the top international models for this event?”“Who designed your gown tonight?”I smiled slightly, jus
Mishon POVSi Oliver, ang lalaking kabit ng mama ni Ada ay kasalukuyang nakapulupot sa isang lalaking hindi ko kilala. Ang lalaki ay matangkad, may malapad na balikat at walang suot na pang-itaas. Kitang-kita ang mga muscle nito sa ilalim ng dim na ilaw ng private room. Pero ang higit na nakapagpahinto ng paghinga ko ay ang paraan ng pagtingin nila sa isa’t isa—parang may isang lihim na mundo sila na hindi puwedeng pakialaman ng iba. Wala rin silang pake kahit nandito ako sa loob at nagse-serve ng alak. Siguro ay matagal na nila itong ginagawa kaya hindi na sila nahihiya.Parang bumagal ang oras habang pinagmamasdan ko sila habang kunyari ay inaayos ko ang mga alak at pagkain sa lamesa. Halos dumikit si Oliver sa katawan ng lalaki at kita kong nakangiti siya habang binubulongan ito. Ang isang kamay niya ay dumadausdos sa dibdib ng lalaki, at ang kabila naman ay nakapulupot sa leeg nito.Hindi nagtagal ay pinasok na ni Oliver ang kamay niya sa loob ng zipper ng pantalon ng lalaki.“Ugh
Mishon POVHabang wala pa akong ibang pinagkakaabalahan, sinimulan ko na agad ang plano ko. Hindi ko hahayaang makatakas ang lalaking iyon—si Oliver—na hindi ko pa alam kung anong surname. Pero isang bagay ang sigurado ako. Filipino siya. At mukhang sanay na sanay siyang magpaikot ng mga mayayamang ginang.Sinimulan ko sa pinakamadaling paraan: surveillance. Nag-hire ako ng dalawang tauhan ko para sundan siya palagi. Kahit saan siya magpunta, siguradong may mata akong nakabantay sa kanya. Hindi ko hahayaan na hindi ko malaman ang baho ng lalaking ito.Ginagawa ko ito hindi lang dahil sa galit ko sa kanya, kundi dahil gusto kong tulungan si Ada. Kitang-kita at ramdam ko kasi na sobra siyang na-stress dahil sa nalaman niyang pangangabit ng mama niya.Hindi ko hahayaang masira ang pamilya niya nang dahil lang sa isang manloloko. At kung kinakailangang gibain ko ang mundo ng Oliver na ‘yon para protektahan si Ada, gagawin ko.Sa unang mga araw, walang masyadong kakaiba. Walang permanenten
Ada POVPagkatapos ng dinner nila, naghiwalay na si Mama at ang lalaking iyon. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya—at hindi ko rin alam kung gusto ko siyang makilala. Ang alam ko lang ay hindi pa rito natatapos ‘to ang lahat. Hindi ko pa puwedeng bitawan ang araw na ito na wala akong nalalaman sa buwisit na kabit ng mama ko. Hindi pa puwedeng matapos ang gabing ‘to nang hindi ko nalalaman kung sino talaga siya.“Tara,” sabi ni Mishon habang mahina lang ang boses. “We follow him.”Tumango ako. ‘Yun din ang gusto kong mangyari. “Yeah. We need to know who he is.”Habang nakasakay pa rin kami sa sasakyan, sinundan namin ang lalaki. Hindi siya nagmamadali, pero halata sa kilos niya na aware siyang may nakatingin sa kanya. Ilang beses siyang palingon-lingon sa paligid, lalo na sa likod niya, na parang tinitingnan kung wala na bang nakasunod.Napakunot-noo si Mishon. “Something’s off.”Tumingin ako sa kanya. “What do you mean?”“He’s too cautious. He’s looking back too often, but not at u
Ada POVHindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko, biglang may sumakal sa lalamunan ko. Hindi dahil sa iyak, kundi sa biglaang buhos ng galit at pagkabigo na nararamdaman ko sa mama ko ngayon. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig sa screen ng phone ni Mishon. Kitang-kita ko ang mukha ni Mama sa video—eleganteng naka-make-up, naka-red dress at mukhang masaya. Hindi lang basta masaya. Kinikilig pa.Hindi ko kilala ang lalaking kasama niya. Mas bata ito sa kanya, siguro nasa late twenties o early thirties. Matangkad, matikas ang katawan at mukhang sanay sa marangyang buhay. Sa video, nakasandal ito sa upuan habang nakangiti, nakikinig kay Mama na tila aliw na aliw sa kuwento niya.At sa dulo ng video, dumating ang bill. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Mama ang resibo, inilabas ang kanyang credit card at siya ang nagbayad. Ano ‘to, nagpapaka-sugar mommy siya sa binatang iyon? My God, nakakahiya si Mama.Nag-init talaga ang dugo ko. Akala ko napakatino niya pero may ganito palang
Ada POVAng bango.Halos hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa kusina ni Mishon, pero ang amoy ng bagong lutong pizza ay parang yakap na mainit sa akin at nakakagutom talaga sa pang-amoy. Nasanay na ako na sa tuwing dadalaw ako sa mansiyon niya, palaging may nakahandang pizza na siya mismo ang gumagawa. Alam na alam ni Mishon ang paborito kong pagkain.Pero may kakaiba ngayon. Nakatayo siya sa harap ng lamesa sa dirty kitchen, abala sa paglagay ng toppings sa nilulutong pizza. “This is a new flavor,” aniya nang makita niya akong dumating. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin bago bumalik sa ginagawa niya. “I made this especially for you.”Napangiti ako at lumapit sa kanya. “What’s the flavor this time?”Hinila niya ang apron niya at nagbigay ng maliit ngiti sa akin. “You’ll see. It’s a surprise.”Umupo ako sa high chair na nasa gilid ng lamesa habang pinagmamasdan siyang magtrabaho. Ang sarap panoorin ni Mishon habang nagluluto—maayos, malinis at parang may sarili
Ada POV“Papa, pwede po bang mag-overnight ako sa mansiyon nila Mishon?” tanong ko habang tinutulungan siyang maglagay ng kape sa tasa niya. Kahit na pure american siya, sa tagal na niyang kasama kami ni mama na pinay pareho ay kahit pa paano ay nakakaintindi na siya ng pure pinoy na lengguwahe.Ngumiti lang si Papa. Alam naman niya na good girl ako. Isa pa, hindi naman kailanman naging problema ang paghingi ko ng permiso sa kanya, lalo na’t kasama si Mishon na kilala niyang matino naman. Saka, sabi pa niya minsan, hindi ko naman na kailangang magpaalam dahil matanda na ako. Nasanay kasi ako dahil lagi akong pinaghihigpitan ni mama.“Of course, Ada. You don’t even have to ask,” sagot niya. Napaka-simple ng tono, parang natural na natural lang na pumayag siya. Hindi ko na nga kailangang magpaliwanag pa. Sanay si Papa sa mga ganitong paalam ko, lalo na’t alam niyang safe ako sa piling ni Mishon.Kinuha ko ang bag ko na nakahanda na sa sofa. “Thank you, Pa! I’ll see you tomorrow,” sabi