Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti
Czedric’s POV Ang init ng hapon ay unti-unti nang humuhupa habang papalubog ang araw. Ang hangin mula sa dagat ay malamig-lamig na, na tila nagpapakalma sa lahat ng kaba at tensyon sa dibdib ko. Kanina, galing ako sa ospital. Bumubuti na ang lagay niya, pero sinabihan niya ako na huwag munang magdadalaw kasi madalas gumala doon si Jonas at ang impostor ko. Delikado raw para sa akin. Napatunayan namin nila Tita Marie at Tito Everett na kakampi ko ang pinsan kong si Marco. Hanggang ngayon, wala pa rin kaalam-alam si Tiro Everett na may alam na si Everisha. Hindi rin niya alam na muntik nang mapasama si Everisha. Mabuti na lang at pinagtatakpan kami ni Tita Marie, sobrang bait niya. Nakatanggap ako ng text message kay Everisha kaya ako nandito ngayon sa tabing-sagat. Sa ganitong mga oras, paborito namin ni Everisha na magkita sa tabing dagat. Dala niya ang paborito niyang kape, samantalang ako naman ang bahala sa pastries. Ngayon, wala na akong maskara. Wala na rin ang balbas at bigot
Czedric’s POVPagkatapos ng halos magdamag na training kasama si Tito Everett, pakiramdam ko ay parang nanlambot ang buong katawan ko. Pero alam kong kailangan ko itong tiisin. Ang bawat galaw, bawat atake na tinuturo niya, ay bahagi ng paghahanda para sa pinakamalaking laban ng buhay ko.Habang papalabas ako ng training field, ramdam ko ang malamig na hangin ng gabi. Pinahid ko ang pawis sa aking noo gamit ang tuwalya. Sa malayo, narinig ko ang huni ng mga kuliglig—tila nagpapaalala sa akin na kahit papaano, buhay pa rin ang mundo sa kabila ng lahat ng kaguluhan. Sa totoo lang, kapag naririnig ko ang mga huni ng mga ibon, nararamdaman kong safe ako kasi ganoon ang naririnig ko palagi sa bundok nung doon pa ako naka-stay. Nakaka-miss pero hindi na ako duwag para umatras pa sa laban ngayon. Tama sila, kailangan kong ipaglaban ang dapat na sa akin. Ang mukha ko, pangalan at kayamanan namin.Isang text ang natanggap ko mula kay Marco: "Meet me at the usual place."Ang lugar na iyon ay pa
Everisha’s POVPagbaba ko mula sa kwarto, naghihikab pa ako dahil medyo inaantok pa ako. Late na kasi akong nakatulog kagabi dahil magka-video call kami ni Czedric. Sa akin niya unang pinakinggan ang kauna-unahang compose niyang kanta. Ewan ko ba, natuwa ako nang marinig ko ang kanta niyang parang inspire sa unang pagkikita namin. Ang title ay Abula-bula mountain love story, at sure akong kami ang magkasintahan na tinutukoy sa kanta niya. Ang hindi lang malinaw ay ‘yung magkasintahan kami dahil wala pang ganun. Ang simpleng tunog ng mga yapak ko sa hagdanan ay parang naging mas maingay kaysa sa dati. Nang makarating ako sa sala, nakita ko ang isang pamilyar na tao na nakaupo sa sofa.W-wait. Si Czedric?Nanatili akong tahimik habang nakatayo sa tabi ng hagdan. Gusto kong lapitan siya, pero hindi ko magawang alisin ang mga duda ko. Paano kung hindi siya si Czedric? Paano kung siya ang impostor—si Raegan?Ngumiti ako nang bahagya, hindi sapat para magduda siya, pero hindi rin sapat par
Czedric’s POVHindi ko pa man naririnig ang buong detalye mula kay Tita Marie, nagpasya na akong pumunta sa hideout kung saan nila dinala si Raegan. Ang ideya na ang impostor ko ay hawak na nila ay nagdulot ng halo-halong emosyon—galit, takot, at paghihiganti. Pero higit sa lahat, gusto kong marinig mula sa kanya ang dahilan ng lahat ng ito.Habang papalapit ako sa hideout, pinilit kong panatilihing malamig ang ulo ko. Alam kong hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon. Dala-dala ko ang maskarang natanggap ko kay Tito Everett. Hindi ko agad ipapakita ang mukha ko sa kanya—gusto kong makita ang reaksyon niya kapag nalaman niyang buhay pa ako.Pagpasok ko sa madilim na silid, nandoon si Raegan, nakagapos sa upuan. Mukhang pagod siya, pero kahit ganun, may halong kayabangan pa rin sa mga mata niya. Napansin ko rin ang bahagyang galos sa mukha niya, marahil dulot ng pananäkit sa kaniya ni Tita Marie nung magising na ito kanina. Mabuti na lang talaga at nagmana si Everisha sa papa niya, dahi
Czedric’s POVNapabalikwas ako ng bangon mula sa kama nang marinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa ibaba ng mansiyon. Halos tumalon ako mula sa kama, mabilis na isinuot ang aking tsinelas at nagmadaling bumaba. Bumilis ang tibok ng puso ko, iniisip ko kung ano na naman ang kaguluhan ang nagaganap.Pagdating ko sa sala sa ibaba, bumungad sa akin ang isang lalaki—matangkad, matipuno at mayabang ang tindig. Hindi ko siya kilala, pero malinaw sa kanyang kilos at tingin na hindi siya naroroon para makipag-usap ng maayos.“Hoy, sino ka at anong ginagawa mo dito?” singhal ko habang bumaba ng hagdan nang may galit sa boses.Hindi siya sumagot. Ngumisi lang siya nang bahagya, tila hindi natitinag sa tanong ko. “Ako? Ako dapat ang magtanong sa’yo, boy. Anong ginagawa mo sa mansiyon namin?”Mansiyon namin? Sino ba itong lalaking ito? Pinili kong huwag siyang sagutin. Sa halip, sinugod ko siya, tinatakbo ang pagitan namin habang handang gamitin ang mga natutunan ko mula kay Tito Everett at
Everisha’s POVAlas kuwatro palang ng madaling-araw na gising na ako. Kanina pa ako nakaabang sa labas ng mansiyon namin, hinahaplos ng malamig na hangin ang aking braso habang pinagmamasdan ang labas ng gate. Ilang beses ko nang sinilip ang oras sa relo ko, at ilang beses ko ring pinigilan ang sarili kong tawagan si Mishon para tanungin kung nasaan na siya. Ayoko namang magmukhang atat, pero kailangan kong kausapin ang bunso kong kapatid bago siya makapasok sa mansiyon.Hindi puwedeng malaman nina Mama Misha at Papa Everett na alam ko na ang tungkol kay Czedric. At higit sa lahat, hindi rin dapat malaman ni Mishon ang anumang detalye na puwedeng ikagalit ng mga magulang namin. Ngayong alam na ni Mishon ang lahat—dahil sa pagiging madaldal ni Czedric—hindi ko maalis ang kaba ko. Paano kung mabanggit niya iyon sa kanila?Habang wala pa, nagpatimpla muna ako ng kape sa kasambahay namin para mainitan naman ang sikmura ko, nagpakuha din ako sa kaniya ng slice bread na may palaman na peanu
Everisha’s POVNapatitig ako sa mga mata ni Czedric matapos ang aksidenteng paghalik namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya na tila bumalot sa aking balat, nagpapatigil sa tibok ng puso ko at nagpapabilis naman ng bawat paghinga ko. Nang akma akong tatayo para magpaliwanag o kahit paano’y mabawasan ang awkwardness, bigla niyang hinawakan ang braso ko, pinigilan niya ang aking pagtayo.“Wait,” aniya na pabulong ngunit mariin, habang nakatitig pa rin sa akin.Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, pero bago pa ako makapagsalita, hinila niya ako pabalik at muling hinawakan ang aking mukha. Nagulat ako nang dumikit ulit ang labi niya sa labi ko—pero ngayon, hindi na ito aksidente. Hindi na ito padalos-dalos.Ang mga labi niya ay gumagalaw nang marahan ngunit puno ng init. Ramdam ko ang bawat haplos ng paghalik niya—banayad sa una, ngunit habang tumatagal ay tila may halong panggigigil na parang matagal nang itinatago.Ano ba 'to? tanong ko sa sarili ko, habang unti-unting nara
Samira POVNung buhay pa ang mga magulang ko at ang kapatid kong babae, masaya na kami kapag may isang buong manok sa hapagkainan, pero dito sa manisyon ng mga demonyo, tangina, halos lagpas sampu ang putahe sa lamesa. Nagtataka tuloy ako, bakit parang mas masarap pa ang buhay ng mga taong makasalanan? Tapos, kung sino pa ang mga mababait, sila ang hirap na hirap sa buhay? Ang gara lang.Lalo tuloy akong naiinis, gusto kong lagyan ng lason itong mga pagkain nila, gusto ko lagyan ng pako, lagyan ng blade para magkautasan na silang lahat. Nakakagigil, lalo na’t alam kong makikita ko na ngayong gabi ang hayop na Vito na ‘yon.Sa gabing iyon, isa-isa na naming inilagay sa dining area ang mga pagkain para sa hapunan ng pamilyang demonyo este, pamilyang Salvatore. Kabilang ako sa mga naatasang mag-serve ngayong gabi at hindi ko maitanggi ang excitement sa dibdib ko. Sa wakas, makikita ko na siya. Ang taong pumatay sa kapatid at ama ko. Ang demonyong naging dahilan ng pagkamatay sa atake sa
Miro POVPagkatapos ng klase ko, dumiretso ako sa hacienda ng mga tito-titoan kong sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Isang malaking selebrasyon ang mayroon doon dahil birthday ngayon ni Tito Zuko. Sa likod ng sasakyan ko, maingat kong kinuha ang regalong inihanda ko para sa kanya, isa itong mamahaling samurai na in-order ko pa mula sa Japan, last month. Hindi lang ito basta-basta espada, handcrafted ito ng isang sikat na gumagawa talaga ng mga samurai at may halagang aabot sa daang libo. Alam kong magugulat si Tito Zuko, pero deserve naman niya ito kasi malaki ang naitulong nila sa akin para maging magaling ako sa pakikipaglaban.Pagpasok ko sa malawak na courtyard ng hacienda, sinalubong ako ng ingay ng mga bisitang naroroon na. Puro mga assassin at mga taong bihasa sa pakikipaglaban ang naroon, mga kalalakihan at kababaihang sanay sa patayan, ngunit sa ngayon, ang mga kamay nilang madalas may hawak na armas ay puno ng alak at pagkain.Walang gulo.Walang tensyon.Pero alam ko
Samira POVPumasok sa kuwarto ko si Manang Percy, sinabi niro sa akin na pinapatawag ako ni Manang Luz sa kaniyang kuwarto para kausapin. Hindi ko na kailangang hulaan kung bakit.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko, matutulog at magpapahinga pa naman ako pero istorbo ang gurang na iyon.Pagdating ko sa kuwarto nito, sumalubong sa akin ang magkasalubong na kilay niya, galit na labi at halos nakayukom na mga kamao niya.“Samira, you have to learn how to behave,” bungad niya sa akin habang malamig ang tono ng boses niya. “Next time Ma’am Via bullies you, just take it. Don’t fight back, or you’ll be the one in trouble.”Tumango ako, hindi dahil sang-ayon ako, kundi dahil wala akong balak makipagtalo ngayon. Kung alam lang niya na sa loob-loob ko ay natatawa ako. Lihim akong napatingin sa mga paa niyang parehong may benda. Satisfying talaga sa akin ang pagsadyang kong pagbuhos ng mainit na kape sa mga paa niya.Sa tingin ko, ako palang ang nakakagawa nun sa kaniya. Well, deserve n
Samira POVTangina ni Manang Luz, hinila ba naman ako sa tenga habang palabas sa kuwarto ni Via. Sa inis ko, sinadya kong bitawan ang tasa ng kape sa paanan niya. Kaya pagkatapos magsisigaw ni Via, siya ang sunod na sumigaw kasi napaso ng mainit na kape ang paa niya. Akala niya, maiisahan niya rin ako. Iyon nga lang, pinarusahan niya ako. Sinabi niya na pumunta ako sa garden at magbilad sa araw ng isang oras.Ang araw pa naman ay tirik na tirik, nagbabaga ang sikat nito sa balat ko. Nandoon ako sa part na kung saan ay walang masisilungan. Parusa raw sa kasalanang hindi ko naman sadya. For me, okay lang ang parusa. Mas nakakatawa kasi ang nangyari kay Via at pati na rin kay Manang Luz.Sa totoo lang, ayos nga ito. Makakapahinga pa ako ng isang oras sa trabaho ko. Kung ganito naman pala ang parusa, masarap gumawa ng maraming pagkakamali para marami akong pahinga pala. Hindi nila kasi alam, easy lang ito para sa akin. Noong nagte-training ako sa pakikipaglaban, tatlo o hanggang limang or
Miro POVAng hangin ng dagat ay malamig habang nakasandal ako sa railings ng private yatch ni Zaven. Nasa tabi ko ang mismong may-ari ng yate na si Zaven Montenegro, naka-suot ng designer sunglasses at nakahawak sa baso ng whiskey. Sa kabilang dulo ng deck, si Dristan at Lysander ay abala naman sa pag-aasaran habang nagbibiruan tungkol sa kung sino ang may pinakamaraming babaeng naiuwi sa kanilang mga party nung nakaraang magpunta sila sa La union.Kami ang mga itinuturing na hari ng campus, mga anak-mayaman, mga hinahangaan, mga hinahangad na masungit ng mga babaeng student sa school namin. Ngunit sa kanilang lahat, ako lang ang may lihim na plano, isang planong hindi ko kailanman ipapaalam sa pamilya ko. Hindi nila kailangang malaman na ang tahimik at mapagkumbabang si Miro Tani ay may mas matinding mission sa buhay at ito ay ang paghihiganti ko sa pagpatay sa Mama Raya ko.“Are you serious about this, Miro?” tanong ni Dristan nang inilapag ang kanyang baso sa mesa. “You’re talking
Samira POVHabang hinihiwa ko ang mga gulay sa lamesa, nakilala ko na rin doon ang iba pang matagal ng kasambahay dito sa manisyon ni Don Vito.Sina Manang Josie, Manang Cora, Manang Percy, Manang Luciana at Manang Rowena. Halos lahat sila ay may edad na pala kaya nagulat din ako. Parang dito na sila nagtandaan. Napansin ko kasi na ako lang ang nag-iisang dalaga sa grupo, naalala ko tuloy ang kasambahay na sinagasaan ko. Siya lang pala ang natitirang dalaga dito noon. Ngayon, ako na ang pumalit sa puwesto niya.Napansin kong nakatingin sa akin si Manang Cora. “Hija, you should not have come here. Wala ka nang kawala. Habang buhay ka nang magiging kasambahay dito,” aniya habang patuloy sa paghihiwa ng sibuyas. Nagtaka ako, bakit kaya nasabi niya ‘yon?“She’s right,” sabat ni Manang Luciana. “You might end up just like the others... as one of Don Vito’s toys.”Manang Rowena smirked. “Or worse, you’ll be Via’s new plaything. That brat will make your life a living hell.”Tumawa si Manang
Samira POVSa wakas, sa isang taon kong paghihintay, sa dami ng beses na halos mawalan na ako ng pag-asa, natanggap rin ako bilang kasambahay sa mansiyon ni Don Vito Monteverde. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang matanggap ko ang message ng mayordoma doon na si Manang Luz.Ang dami kong pinagdaanan para lang makapasok dito, at ngayon, heto na ako sa mismong gate ng engrandeng bahay ng lalaking may kasalanan sa pagkamatay ng pamilya ko. Pero hindi ko rin maiwasang mapabuntong-hininga.Dahil para makuha ko ang trabahong ito, may isang taong nadamay. Isang linggo na ang nakalipas, ngunit ramdam ko pa rin ang malamig na simoy ng hangin nang gabing iyon, ang tunog ng makina ng motor ko, ang malakas na sigaw ng babaeng kasambahay na sinadya kong sagasaan. Hindi ko siya pinatay, pero sinigurado kong hindi siya makakabalik agad sa trabaho rito. Isang pilay lang ang kailangan para mapuwersa siyang magpahinga at isang linggo lang ang lumipas bago ko natanggap ang balitang may bakanteng puwest
Miro POVHabang humaharurot ang luxury motorcycle ko sa matao na lansangan, ramdam ko ang kilabot sa katawan ko. Nakita ko kasi sa side mirror ko ang dalawang grupo ng lalaki na nakasunod sa akin na nakasakay sa kani-kanilang sasakyan.Imbes na matakot, napangisi pa ako. Hindi na ako ang batang Miro na hinahayaan lang na ma-bully nung bata ako. Huwag ngayon, marami na akong kayang gawin at marami na akong napadugong mukha.Gustung-gusto ko kapag ganito, may mga humahabol sa akin at gustong hamunin ako. Mas lalo akong ginaganahan kapag napapalaban. Pero hindi pa ngayon. Hahayaan ko muna silang humabol nang humabol. Hintayin ko lang na makarating kami sa liblib na lugar at doon ko sila haharapin kung away talaga ang habol nila sa akin.Ilang minuto pa ang lumipas bago ko natunton ang magandang lokasyon na gusto kong mapuntahan. Dito, wala ng tao at wala ng mga bahay. Sa bilis ko, halos ilang minuto pa ang tumagal bago sila nakasunod sa akin. Ang chi-cheap kasi mga bulok na kotse ang gami
Mishon POVSa unang beses na marinig ko ang boses ni Miro na nanginginig habang nagsusumbong, ramdam kong may bumalot na apoy sa dibdib ko. Walang nananakit sa amin kay Miro, kaya hindi ko nagustuhan nang marinig kong magsumbong siya sa akin.“Papa, some of my schoolmates... they keep saying I’m adopted by a famous fashion model. They make fun of me. Sometimes, they even push me. It’s not just one or two of them... there are a lot.”Tinignan ko ang siko niya, may gasgas at sugat siya sa siko. Dahil siguro sa pagtulak sa kaniya tapos nabuwal siya sa lupaan. Nakita ko rin na malibag ang suot niyang uniform, tapos ang bag niya, sira-sira na tila ginunting. Mukhang pinagkakatuwaan nila ng husto ang anak ko, hindi manlang inisip kung sino ang kinakalaban nila.Nanlilisik ang mga mata ko habang pinipigilan ko ang galit. Hindi ko mawari kung paano nagkaroon ng lakas ng loob ang mga batang iyon para saktan ang anak ko. Hindi ba nila kilala si Miro. Kung nabubuhay lang si Raya, baka kahit mga