Everisha’s POV Pagkatapos ng ilang gabing halos hindi makatulog sa kaiisip, nagdesisyon akong bumalik sa mansiyon na tinutuluyan ni CD Borromeo. Hindi ako mapakali sa ideya na tila may tinatago siya—lalo na pagkatapos kong makita ang Papa Everett ko na tila malapit sa kanya. Sino ba talaga siya? Bakit siya naroon? Kaya heto ako, maaga pa lang ay naroon na sa may gilid ng mansiyon, tahimik at maingat na nagmamasid. Ayokong malaman nila na narito ako. Sa likod ng mansiyon, nakita ko ang isang malawak na hardin. Malinis ang damuhan, at may ilang kagamitan sa exercise na naroon. Ilang minuto akong naghintay, nagtatanong sa sarili kung tama ba ang ginagawa ko, hanggang sa makita ko siya. Doon ko unang natanaw si CD. Topless siya, pawisan at abala sa pag-eehersisyo. Halos manlaki ang mga mata ko. “Diyos ko, ano ba ‘to?” bulong ko sa sarili ko habang tinatakpan ang bibig ko. "Why does he look... so hot?" Hindi lang maganda ang boses niya, maganda rin ang katawan. Pang-model din
Czedric’s POVSi Jeric Cruz ang susunod kong target. Ayon kay Tito Everett, dating kriminal si Jeric—isang taong maraming pinaslang para sa pera. Isang mahirap na tao na biglang yumaman. Ngayon, may mga hotel na siya, mga ari-ariang sigurado si Tito Everett na mula sa pera’t yaman ng pamilya ko.At ngayon, balita ko ay may sakit si Jeric. Ilang araw akong nag-stalk sa kaniya bago ang planong pagpunta ko sa kaniya.Nakangisi akong umalis ng mansiyon. “Perfect timing,” sabi ko sa sarili ko habang nagmamaneho papunta sa bahay ni Jeric. Wala siyang ideya kung ano ang darating sa kanya ngayon. Pagdating ko sa mansiyon ni Jeric, halos napailing ako sa laki nito. “From rags to riches, huh?” bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang grandiosong disenyo ng bahay. Pero hindi ko hinayaan na magtagal ang paghanga. Ang lugar na ito ay isang simbolo ng lahat ng ninakaw nila sa akin.Madali akong nakapasok. Walang kahirap-hirap. Ito ang isa sa mga pabor sa sitwasyon ko ngayon. Hindi alam ng m
Czedric’s POVAng gabi ay malamig dahil sa malakas na aircon dito sa kuwarto niya, ngunit ang apoy ng galit sa puso ko ay higit pa sa anumang init na naranasan ko. Si Jeric Cruz. Isa sa mga nagtaksil sa akin at tumulong sa impostor ko para nakawin ang buhay ko ang nalalagay ngayon sa alanganin.Ngayon, oras na siguro para malaman ko ang buong katotohanan.Pagkatapos ng mahabang kwentuhan kanina, napagpasyahan kong alamin ang saklaw ng kasamaan ni Jeric—kung gaano kalalim ang kanyang kasalanan sa akin at sa aking pamilya. Ang layunin ko? Bawat detalye, bawat pangalan ng biktima, ay magsisilbing gasolina sa apoy ng paghihiganti.Naupo ako ulit sa tabi ng kama niya, ang mukha ko ay kunwari'y kalmado, pero ang utak ko naman ay puno ng diskarte."Jeric," tanong ko habang pilit ang pagiging interesado, "how many people have you killed again? Marani na ‘no?"Napatingin siya sa akin, tila nag-iisip kung dapat ba niyang sabihin. Pero sa huli, ngumiti siya at tila nagyabang pa. “Honestly? I los
Everisha’s POV Isa itong espesyal na araw. Hindi pwedeng magmukha akong dugyot. Sa tuwing may malaking kaganapan tulad ng fashion show na ito, dapat kong ipakita na nararapat ako sa makisama o makisali sa mga kilala, sikat, at mayayaman. Ngayon, abala na ang glam team ko sa paggawa ng kanilang mahika. Pinong-pinong foundation ang inilalagay sa mukha ko, habang ang hairstylist ko ay tinatapos ang makintab na mga kulot sa buhok ko. Sulit ang ibabayad sa mga ito kasi kita naman na magagaling silang magtrabaho. Balita ko nga ay mga sikat na artista at model din ang naayusan nila. "Make sure my lashes are dramatic but not too heavy," sabi ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. "This is a high-profile event, and I need to look flawless." Tumango ang makeup artist ko. “Of course, Miss Everisha. You’ll be the most stunning guest there.” Pagkatapos ng halos tatlong oras na preparasyon, tumayo ako sa harap ng full-length mirror. Suot ko ang isang luxury dress na sinadya pang
Everisha’s POVPauwi na ako mula sa engrandeng fashion show na iyon. Ang mga ilaw, ang runway at ang misteryosong boses ni Czedric—lahat iyon ay parang panaginip na hindi ko pa gustong matapos. Pero kailangan ko nang umuwi dahil tapos na ang event.Habang naglalakad ako patungo sa parking area ng hotel, inaalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Halata masyado si Czedric na nakatitig sa akin kanina habang kumakanta. Bakit kaya? Ah, siguro dahil nagulat siya na nakita niyang maganda ang ayos ko ngayon. Sabagay, first time niya akong makita na ganoon kaganda."Miss Everisha, your car is waiting," sabi ng valet habang iniabot ang susi. Tumango ako at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad.Bigla akong napatigil. May isang pamilyar na mukha ang lumabas mula sa dilim ng parking lot.Oh shït! Hindi ako puwedeng magkamali. Si Czedric ito na impostor. Bakit ko nalaman na impostor, well, hindi kasi nagtatanggal ng maskara si Czedric sa ganitonh public na lugar. "Good evening," bati niya,
Everisha’s POVTahimik kong pinagmasdan ang paligid habang naglalakad papunta sa isang five-star resort na dati ay pagmamay-ari ng pamilya ni Czedric. Nakakapanghinayang. Sa unang tingin pa lang, halatang maganda pa rin ang pamamalakad dito. Ang malalaking puno ng palm, ang maaliwalas na tanawin ng dagat at ang tila walang katapusang luntiang hardin—lahat iyon ay parang buhay na testamento ng kayamanan at tagumpay ng pamilya Borromeo. Ngunit ngayon, nasa kamay na ito ng impostor ni Czedric.Nang makarating ako sa entrance, sinalubong ako ng isang pamilyar na tao. Ang impostor. Grabe, kahit saan talaga tignan ay magkamukha sila ng mukha. Pati laki ng katawan magkamukha. Mas malaki na nga lang ngayon ang katawan ng totoong Czedric.“Everisha,” bati niya sa akin habang ang ngiti niya ay tila mapagpakumbaba ngunit may halong yabang. “Welcome to my resort. I hope you like what you see.”“I do,” sagot ko habang pinipilit magpakaswal kahit na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin.
Czedric’s POVPagdating ni Tito Everett sa mansiyon, agad kong naramdaman na masama ang timpla niya. Ang mukha niya kasi ay seryoso, halatang may iniindang problema. Tumayo tuloy agad ako mula sa sofa at sinalubong siya."Good day po, Tito," bati ko na may pagkukumbaba sa tono. Alam kong hindi magiging magaan ang usapan naming dalawa.“Good day? What’s good about it, Czedric?” diretsong tanong niya habang nilalapitan ako. “Do you even realize what Everisha has been doing because of you?”Napakamot ako ng ulo. Alam kong hindi ako ang direktang may kasalanan, pero hindi ko rin maipagkaila na ako ang dahilan kung bakit sinusugal ni Everisha ang sarili niya.“I’m really sorry, Tito,” sagot ko. “I didn’t mean for her to get involved. I’ve tried stopping her, but you know how she is. Gamit ang account ni CD, sinusubukan kong pigilan siya pero talaga po atang matigas ang ulo niya.”Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at umiling. “She’s too stubborn for her own good. But you… you n
Czedric’s POVDalawang araw na akong subsob sa matinding training kasama si Tito Everett. Walang tigil ang paghasa ko ng aking kakayahan, ngunit sa kabila nito, isang tanong pa rin ang gumugulo sa akin: Paano ko makikilala ang dalawang assassin na kaalyado ng impostor ko?“Hindi sila basta nagpapakita ng totoong mukha,” sabi ni Tito Everett noong huling usapan namin. “Every fight, they wear masks. No names, no identities. Kaya kahit anong gawin mo, you won’t win this fight unless you figure out who they are.”Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya. Hindi biro ang hamon na ito. Kung sila ang pinaka-alas ng impostor ko, malinaw na hindi sila basta ordinaryong kalaban. Pero sa ganitong sitwasyon, isang bagay ang sigurado: Kailangan ko ng tulong.Kaya lang ay sino? Eh, wala naman akong kaibigan o kahit kapangyarihan na mag-hire ng tauhan ko. Masyado na akong nahihiya kina Tito Everett kung pati ang pagha-hire ng mga tauhan ko ay iaasa ko pa sa kaniya.Pagkatapos ng dalawan
Czedric POVSa kalagitnaan ng gabi, halos mapuno ng tawa ni Marco ang lumang kubo sa gitna ng farm. Nakabukas ang isang bote ng alak sa lamesa, kasama ng ilang baso na puno pa. Ako naman, tahimik lang na nakaupo habang hawak ang baso ko, nakatitig sa malayo. Pero habang tumatagal, hindi ko na rin napigilan ang damdamin ko.“Marco,” sabi ko, sabay lagok ng alak, “kailan ko ba ulit makikita si Everisha? Kailan ko ulit makakasama ang nag-iisang babaeng mahal ko?”Tumawa siya nang malakas na halos mabitiwan ang baso niya. “Czedric, you’re hopeless!” biro niya. “Parang bata na nawalay sa nanay! Ang drama mo, bro!”Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Hindi ko na nga iniintindi kung anong sasabihin niya. Ang totoo, parang may bumabagabag sa puso ko. “I miss her, Marco,” sabi ko na halos hindi makatingin sa kanya. “I miss her so much it hurts.”“Alam mo, pre,” sabi ni Marco habang nilalagok ang natitirang alak sa baso niya, “kung ganyan ka nang ganyan, hindi mo maibabalik si Everisha. Stop cryin
Everisha POVNakatayo ako sa malaking sala ng mansiyon namin habang hinihintay ang pagdating ni Papa. Kanina pa ako kinakabahan mula nang sabihin ni Edric na gusto niyang makilala ang mga magulang ko. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat.Nang marinig ko ang tunog ng kotse sa driveway, tila tumigil ang mundo ko. Bumukas ang pinto, at pumasok si Papa, kasunod si Mama na sumundo sa kaniya sa airport. Pareho silang elegante sa suot nilang mga damit, pero kita sa mga mata nila ang pagod mula sa biyahe.“Everisha, we're here,” sabi ni Papa na binibigyan ako ng ngiti, pero alam kong gusto niyang malaman agad kung bakit ko siya pinatawag.“Papa, Mama, may gusto po akong ipakilala sa inyo,” sabi ko habang pilit nilalabanan ang kaba. Nilingon ko si Edric na tahimik na nakaupo sa isang sofa sa gilid. Tumayo siya nang makita ang mga magulang ko at maayos na tumango bilang pagbati.“This is Edric,” sabi ko habang itinuro siya. “Kapatid po siya ni Czedric.”Nanlaki ang
Czedric POVMadilim ang gabi. Napakatahimik, kaya sa bawat hakbang ko, pinipilit kong hindi makagawa ng ingay kasi kung hindi ay patay ako. Bitbit ko ang mga armas ko at ang determinasyon na wakasan ang paghahasik ng lagim ni Jonas. Nasa akin na ang impormasyon mula kay Marco—isang tagong property na madalas daw puntahan ni Jonas. Dito raw siya nagpapakasasa, malayo sa mga mata ng mga taong kilala siya.Walang buwan ngayong gabi, ngunit sapat na ang liwanag mula sa mga ilaw ng resort para makita ko ang bawat detalye. Palihim akong pumasok sa likod ng property, dumaan sa isang sirang bakod na malapit sa pool area. Walang security na pumigil sa akin; masyadong kampante ang lugar na ito, marahil dahil tago at pribado. Isang pagkakamali nila iyon na alam kong mapapakinabangan ko.Habang nakatago ako sa likod ng isang makapal na halaman, narinig ko ang mahinang hagikhikan mula sa swimming pool. Dinungaw ko ito, at doon ko nakita si Jonas, nakaupo sa gilid ng pool, basang-basa ang katawan a
Everisha POVNasa ilalim kami ng lilim ng isang puno sa park habang tuloy ang pag-uusap namin ng lalaking hindi ko pa rin lubos na kilala. Ngunit habang tumatagal, mas lalo akong nagiging interesado sa kanya. Hindi lang dahil Pinoy siya, kundi dahil sa paraan ng kanyang pagsasalita—tila may bigat na dala ang bawat salitang binibitawan niya, parang may malalim na kwento sa likod ng kanyang presensya."You know," nagsimula siya, nakatingin sa malayo habang hawak ang baso ng kape niya, "there's someone I'm preparing to face when I return to the Philippines."Napatingin ako sa kanya, halatang curious sa kung ano ang ibig niyang sabihin. "Preparing to face? What do you mean?"Huminga siya nang malalim at saka ngumiti nang pilit. "It's a long story. But since you opened up to me about your life, I think I can share mine, too."Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. May kakaiba sa tono niya, parang bumabalik siya sa isang alaala na matagal na niyang gustong kalimut
Everisha POVMaga ang mga mata ko habang nakatanaw sa malawak na tanawin mula sa bintana ng silid ko sa mansiyon namin dito sa South Korea. Napakaganda ng lugar—ang hardin na puno ng cherry blossoms, ang malalaking fountains na parang sa mga pelikula, at ang mismong mansiyon na tila galing sa fairytale. Pero sa kabila ng ganda ng lahat, ramdam ko ang bigat sa puso ko.Nami-miss ko na si Czedric.Wala na akong ginawa kundi ang magtago ng mukha ko sa unan habang umiiyak. Ang hirap tanggapin na malayo ako sa kanya, lalo na’t alam kong nasa panganib siya. Paulit-ulit kong sinubukan siyang tawagan, pero hindi ko na makontak ang phone number niya."Bakit, Mama?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya dumiretso ako sa opisina ng mama ko, si Mama Misha. Nakatayo siya sa harap ng malaking mesa, hawak ang ilang dokumento. Mukha siyang abala, pero hindi ko na iniisip kung istorbohin ko siya o hindi.“Why can’t I call him, Mama?” tanong ko nang diretsahan.Tumingin siya sa akin, pero wala akong
Czedric POVAng bigat ng pakiramdam ko habang nakaupo sa isang sulok ng ospital. Ang mga ilaw sa paligid ay malamlam, at ang amoy ng disinfectant ay mas lalong nagpapalala ng tensyon sa bawat hakbang ng mga tao sa pasilyo. Kahit pa tahimik ang paligid, ramdam ko ang ingay sa loob ng ulo ko—mga alaala, takot, at galit na paulit-ulit na bumabalik.Bawat segundo ay parang oras habang hinihintay ko ang mga resulta ng ginawang operasyon kay Tita Marie. Bantay-sarado siya ngayon ng mga bodyguard na ipinadala ni Tito Everett, at si Marco naman, tahimik na nakatayo sa malapit sa pinto. Hindi ko pa rin matukoy kung hanggang saan ang katapatan ni Marco, pero sa ngayon, wala akong ibang magagawa kundi magtiwala sa plano namin.“Czedric,” basag ni Tito Everett sa katahimikan habang papalapit siya sa akin. Ang titig niya ay matalim, puno ng galit at pagkadismaya. “How long have you been hiding this from me?”Hindi ko magawang tumingin sa kanya nang diretso. Alam kong may kasalanan ako, pero hindi
Czedric’ POVAng bigat ng hangin sa pagitan namin ni Everisha habang nakatitig siya sa akin matapos ang tawag ni Tita Marie. Ramdam ko ang kaba at takot sa mukha niya, pero hindi siya nagpapahalata ng kahinaan. Kilala ko siya—hindi siya sumusuko sa ganitong klaseng sitwasyon.“Czedric, let’s go. Now,” matigas ang boses niya habang nag-aayos ng bag.Umiling ako. “You’re not coming with me, Everisha. It’s too dangerous.”“Do you think I care about that? Tita Marie is in trouble! Hindi ako puwedeng magpaiwan.”Napabuntong-hininga ako. Alam kong walang saysay ang pagtatalo naming dalawa. Sa huli, siya rin ang magwawagi. “Fine, but stay close to me. Don’t wander around. Got it?”Tumango siya, pero alam kong ang determinasyon niya ay parang bakal na hindi basta-basta mapipilipit.Sa kalsada pa lang, ramdam ko na ang bigat ng sitwasyon. Halos hindi ako makapag-focus sa pagmamaneho dahil sa dami ng iniisip ko. Si Raegan—ang impostor ko—ang unang pumasok sa isip ko. Kung siya ang nasa hideout,
Everisha POVTahimik akong nakaupo sa gilid ng swimming pool, hawak pa rin ang baso ng champagne habang iniisip ang sinabi ni Czedric. Nakatingin siya sa akin mula sa kabilang dulo, seryosong-seryoso ang mukha. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko—sobrang saya, kaba, o pagkalito.“Czedric,” simula ko habang pilit na binabawi ang boses kong nanginginig. “Are you serious about what you said? Or baka naman lasing ka lang?”Umiling siya, at may kung anong determinasyon ang nakita ko sa kanyang mga mata. “I’m serious, Everisha. I’ve never been more serious in my life.”Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Parang ang hirap paniwalaan, pero alam kong totoo ang naririnig ko.“But…” Napatingin ako sa baso ko, hindi makatingin nang diretso sa kanya. “Why now? Why tell me now?”Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko, hindi inaalis ang tingin sa akin. “Because I couldn’t keep it to myself anymore. And because you deserve to kn
Everisha’s POVNasa gitna ako ng pag-aayos ng mga papeles sa office room ko nang biglang bumukas ang pinto nang walang paalam. Halos mahulog ang hawak kong folder nang makita kong si Mishon pala ang pumasok, mukhang excited na naman sa kung anong pakulo niya.“Mishon! Ano ba? Kumakatok naman dapat,” sabi ko habang inaayos ang sarili ko, pilit na binabawi ang nawalang composure.Ngumisi lang siya na may halong pilyo sa mga mata. “Ate, tara. Bonding tayo.”Napataas ang kilay ko. “Ha? Bonding agad? Ano na namang trip mo?”“Ay naku, huwag ka nang tanong nang tanong. Tara na. Sumama ka na lang, wala nang tanggihan pa,” sagot niya na para bang wala akong ibang choice. Tipikal na Mishon—demanding at may pagka-bossy.Nagbuntong-hininga ako. Alam ko naman na hindi siya titigil hangga’t hindi ko siya sinasamahan. Ganito na talaga kami dati, kahit gaano ako ka-seryoso sa trabaho, si Mishon ang laging nagpapaalala sa akin na kailangan ko ring mag-relax.“Fine,” sabi ko habang tinatanggal ang sala