Misha’s POV“Hindi mo puwedeng palagpasin ito, Misha,” mariing sabi ni Conrad pagkatapos ng ilang minuto. “This is serious. Alam mo ba kung gaano kalaking bagay ang pananakot na ‘yan? Hindi lang ito tungkol sa pera o yaman, ito na ang mismong seguridad mo. Puwede ka niyang idamay sa gulo ng pamilya nila at hindi mo dapat hayaan ‘yun.”“Tama ka, pero…” nagsimula akong magsalita, pero mabilis akong pinutol ni Conrad.“Pero ano?” tanong niya habang sumeryoso ang mukha. “You can’t just let this slide, Misha. You have to tell Everett. Kung hindi mo siya sasabihan, paano niya mapoprotektahan ang sarili niya at ikaw? At isa pa, this is his family—he needs to know what’s going on.”Napaisip ako sa sinabi ni Conrad. Alam kong tama siya, pero sa loob-loob ko, baka makagawa ng naman ng hindi maganda si Everett. Baka awayin na naman niya ng husto ang mga iyon. Ayoko kasing napapaaway si Everett.“Alam ko… alam ko dapat kong sabihin sa kanya,” mahinang sagot ko. “Pero paano kung mas lumala pa ang
Everett’s POVPagkarating ko sa bahay nila Tita Maloi, ramdam ko agad ang pagtitimpi sa loob ng dibdib ko. Pinili kong kumalma habang umaakyat sa hagdan, hindi ako makapaniwala na siya pa ang gagawa nito para takutin ang syota kong buntis. Ang kapal lang ng mukha, oh baka utos din ng demonyong tito ko. Halatang-halata na uhaw sila sa yaman ko. Halatang-halata sila na ayaw nilang makuha ko pa ang yaman ko.Binuksan ko ang pinto at nakita ko agad si Tita Maloi na nakaupo sa may sofa, nag-aayos ng mga gamit sa lamesa. Hindi man lang siya nagulat sa bigla kong pagdating, pero sa likod ng mapagbalatkayong ngiti niya, alam kong nararamdaman niya ang tensyon na dala ko.“Everett,” bati niya nang walang kagatol-gatol, “what brings you here so suddenly?”Hindi ko sinayang ang oras sa mga pleasantries. Diretso akong lumapit sa kaniya, hindi ko ininda ang kabog sa dibdib ko. “I know what you’ve been doing, Tita.”Napakunot ang noo niya. Tumigil siya sa ginagawa at tumayo, tila nagpapanggap na in
Misha’s POVNagmamadali akong bumangon mula sa kinahihigaan ko nang marinig ko ang kaluskos sa labas ng kuwarto. Tumayo ako at sumilip sa bintana—nandiyan ang mga bodyguard ni Everett, tahimik na nakatayo sa labas ng bahay kubo ko dito sa farm. Agad akong napakunot-noo. Hindi naman araw ng pagbisita ni Everett ngayon. Bakit kaya may mga tao siyang pinadala?Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Ate Ada. Nakangiti siya, pero may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata. Parang eng-eng, hindi naman siya ganito sa umaga.“Misha, kailangan mong mag-ayos ng maganda. May sorpresa si Sir Everett para sa’yo,” sabi niya habang itinutulak niya ako pabalik sa kuwarto.“Sorpresa? Ano na naman ‘to?” tanong ko habang sinusundan siya ng tingin.Hindi siya sumagot at inabot sa akin ang isang malaking kahon na may kulay gintong laso. Takang-taka ako habang pinagmamasdan ko ang kahon—hindi ito pangkaraniwang regalo. Para namang baliw si Everett. Parang nung isang araw lang ay muntik na siyang magalit
Misha’s POVLahat ng mata ay napunta sa akin. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog—ang tanging naririnig ko ay ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o kung anong gagawin ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko.Ilang sandali pa, may nakita akong pamilyar na pigura sa harap ng entablado. Si Everett. Suot niya ang itim na tuxedo na nagpapatingkad ng kaniyang postura at tindig. Nakangiti siya habang lumalapit sa akin. Nang makita ko siya, parang gumaan ang pakiramdam ko. Ngunit may kung anong malalim na emosyon ang bakas sa mga mata niya.“Misha,” bulong ni Everett nang magkatapat kami. Hinawakan niya ang kamay ko at parang natunaw ang lahat ng kaba sa dibdib ko. Ngayon ko lang naramdaman na tila ba may napakaespesyal na mangyayari ngayong gabi.“Everett, ano ‘to? Ano ang nangyayari?” tanong ko habang nararamdaman ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko.Ngumiti siya, pero halata ang kaba sa kaniyang mga mata. Bago pa siya makapagsalita, bumalik sa mikropono an
Misha’s POVKinabukasan, pagkatapos ng engagement party namin ni Everett, bumangon ako nang may ngiti sa aking labi. Ramdam ko pa rin ang kilig mula sa gabing iyon, na parang nasa hangin pa rin ang mga salita na malapit na akong ikasal, malapit na akong maging Misha Tani.Paglabas ko ng kuwarto, naroon siya—nakangiti, nakaayos na parang may mahalagang lakad. Masaya ito, nakadalawang round kami kagabi, sarap na sarap na naman siya sa nangyari. “Good morning, love,” bati niya sa akin sabay halik sa noo ko. “May sorpresa ako para sa’yo. Magbihis ka. Lalabas tayo.”Napakunot ako ng noo habang siya naman ay parang nang-aasar ang ngiti, hindi pa pala siya tapos sa mga sopresa niya. “Sorpresa na naman? Hindi ka pa ba napapagod sa kakasorpresa?”“Hindi pa. At hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapasaya araw-araw,” sagot niya sabay kindat.Nagmadali akong mag-ayos. Pagkatapos ng ilang minuto, handa na agad ako, mabuti at pagkagising ko kanina, naligo na agad ako. Suot ko ang isang simple
Misha’s POVHuminto kami sa isang malawak na lupain na tila walang hangganan ang laki. Naglakad kami palabas ng sasakyan at pumasok kami sa bakanteng lote. Walang mga bahay, walang mga tao—kundi puro lupa, mga damo at mga punong halos hindi mo matanaw ang dulo.Napakunot ang aking noo. “Ano to? Lupa?”Ngumiti si Everett at hinawakan ang kamay ko, dinala ako sa gitna ng lugar. “Oo, lupa ito. Pero hindi basta-bastang lupa lang.”Napatingin ako sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”Huminga siya ng malalim at hinaplos ang aking pisngi. “Binili ko ang lupang ito para sa atin. Dito itatayo ang magiging bahay natin, ang magiging tahanan ng magiging pamilya natin.”Halos hindi ko mapaniwalaan ang narinig ko. Nanatili akong tahimik, hindi alam kung ano ang sasabihin. Tinitigan ko ang malawak na espasyong nasa harapan ko, sinusubukang isipin kung paano ito magiging bahay namin. Grabe, iyon lang ang una kong nasabi. Mall ba ang ipapatayo niya rito at ganito kalaki?“Everett… seryoso ka?” tanong ko
Misha’s POVParang isang panaginip ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala. Naging viral na ang engagement party namin ni Everett at hindi ko mapigilan ang kilig at hiya sa atensyong natatanggap ko ngayon. Gusto ko mang magtago, hindi ko maikakaila na tuwang-tuwa rin ako. Sino ba naman ako, si Misha Merdz, para magpakilala sa buong mundo bilang mapapangasawa ng isang Everett Tani?Nang bumangon ako at abutin ang cellphone sa gilid ng kama, agad akong sinalubong ng mga notifications mula sa social media. Bawat post, bawat comment—puro tungkol sa amin. Hindi ko pa natatagalan ang pag-scroll nang makita ko ang isang video clip ng isang news anchor:“Breaking news! The engagement of billionaire Everett Tani to Misha del Rosario has taken social media by storm. Dubbed as the luckiest woman in the Philippines, Misha has captured the heart of one of the country’s wealthiest men.”Napakagat ako sa labi. Grabe, pati sa balita? Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Pindot dito, pindot doon
Misha’s POVAt ngayon, heto na ako, nakaupo sa gitna ng aking kuwarto, binabalikan ang bawat sandali na parang pelikula. Hindi ko inasahan na magiging ganito kasaya ang wakas ng plano nina Mama at Papa. Hindi ko rin inakalang magiging tunay ang pagmamahal namin ni Everett sa isa’t isa.Tumunog muli ang cellphone ko—this time, it was Everett.“Hey, how are you feeling? I saw the news. We’re all over it.”Nakangiti akong sumagot. “Yeah, I saw it too. I can’t believe it’s real. It feels… surreal.”“Don’t worry. I’ll take care of everything. I know the attention can be overwhelming, but I’m here for you. Always.”Muling napangiti ang puso ko. Kung noon ay may alinlangan pa akong nararamdaman, ngayon ay alam ko nang nasa tamang landas ako.Nang ibaba ko ang tawag, bumalik ako sa pagbabasa ng mga comment sa social media.“Grabe! Ang suwerte ni Misha!”“Pinaka-suwerteng babae sa buong Pilipinas!” “Sana all may Everett Tani.”Napangiti ako, pero sa loob-loob ko, hindi lang ito tungkol sa pag
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para