Misha’s POV Ginala ako ni Jaye dito sa farm. Hindi na busy ang gaga. Isa pa, panay ang selfie niya sa amin at saka niya pino-post sa social media niya. Palibhasa't nag-viral kami ni Everett, heto, gustong-gusto niyang maki-spotlight. "Bakit hindi mo kinakain ang dala kong pizza?" tanong niya habang nasa loob kami ng kubo ko. "Hindi ko trip," mabilis kong sagot. "Dapat sinabi mo para hindi nasayang," reklamo niya. "Dapat din kasi nagsabi ka na parating ka, hindi 'yong bara-bara ang dating mo," sagot ko at saka ako umirap. "Sige, ano bang gusto mo? Sige, baka kaya kong gawan ng paraan? Ayaw ko kasi na hindi mo manlang tinikman ang dala ko? Anong bet mong kainin?" tanong niya kaya napataas ang isang kilay ko at saka ako ngumisi sa kaniya. "Kahit ano?" tanong ko pa kaya tumango siya. "Sige, spaghetti, nagke-crave ako sa spaghetti ngayon." "Gusto mo bang mag-order ako?" tanong pa niya kaya mas lalo akong ngumisi. "Hindi 'yung spaghetti na nabibili sa labas ang gusto ko. Iba ang tri
Misha’s POV Lumabas ako ng kubo. Naupo ako sa bagong terrace na ginawa rito. Para kapag umaga, tanghali o hapunan, puwede akong kumain dito kung gusto ko. Pumunta ako rito kasi naisip kong tawagan na agad si Everett. ”Salamat naman at hindi ka busy," bungad ko nang sagutin agad ni Everett ang tawag ko. "Bakit, may problema ba diyan?" dama ko sa tono nang pananalita niya ang pag-aalala niya agad sa akin. "Wala naman. Si mama kasi, kakatawag lang sa akin ngayon," sabi ko at saka ko na sinabi sa kaniya ang lahat-lahat nang sinabi ni mama. Pati na rin ang mga eksena ni Teff. Nagulat si Everett. Humingi pa siyang tawad sa akin kasi nakalimutan daw niyang bigyan ng bodyguard sina mama at papa sa bahay namin. Huwag na raw akong mag-alala kasi agad-agad siyang magpapadala ng mga bodyguard doon. "Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Teff ‘yung matalino at mabangis. Nagbabait-baitan lang ito, pero sure akong may pinaplano na siya. Sa kaniya hanga ang mama at papa niya kasi malinis magtraba
Misha’s POV Wala akong magawa. Habang nagluluto sina Conrad at Jaye, naisip kong subukan gawin ang mga gawain ng mga staff namin sa farm para nakakapag-papawis naman ako. Sa wakas, tapos na rin ang lahat ng mga ginawa ko rito sa farm. Nakapulot na ako ng itlog mula sa mga manok, napakain ko na ang mga kambing, at ngayon, ready na akong umupo’t magpahinga. Pero higit sa lahat, ready na akong tikman ang nilutong seafood spaghetti nina Jaye at Conrad! Hindi ko inaasahang ang biro-biro ko lang kanina kay Jaye ay tototohanin niya. Lumabas ako sa terrace ng maliit naming kubo at naamoy ko agad ang halimuyak ng bawang, kamatis, at… hmmm, sariwang hipon? Oh wow, parang ang bango pa lang, solve na ako! Sa ‘di kalayuan, nakikita ko sina Jaye at Conrad sa ilalim ng puno ng mangga, naghahanda ng mesa. Ang set-up? Para kaming mag-pi-picnic. Nakapatong lang sa kahoy na mesa ang malaking bandehado ng spaghetti, may ilang prutas na nakaayos din sa gilid. “Hoy Misha, halika na! Huwag kang magpapahul
Everett’s POVPagdating ko sa coffee shop, agad kong hinanap si Teff. Nakaupo siya sa isang sulok, nagkakape at abalang nakatutok sa cellphone niya. Kapag nakikita ko siya, nag-iinit ang dugo ko. Kailangan kong harapin ang isa ‘to at hindi ko puwedeng palampasin ang pinaggagagawa niya. Hindi siya basta-basta naglalalapit sa isang tao, lalo na kung wala siyang kailangan. Lalo na kay Misha at sa mama niya. Hindi siya ganoon kaya alam kong may something sa gagong ‘to.“Teff,” tawag ko habang papalapit sa kaniya. Tumayo siya ng dahan-dahan, parang walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Pagtingin niya sa akin, wala akong nakitang gulat sa kaniyang mukha. Mukha siyang kalmado, pero alam kong may mas malalim na dahilan sa likod ng ngiti niya.“Everett,” sagot niya na parang wala lang. Umupo ako sa tapat niya, pinipilit ko ang sarili na huwag mairita.“So, what’s your deal with Misha and her mom?” tanong ko, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kailangan kong malaman kung ano talaga ang gusto n
Misha’s POVUmagang-umaga pa lang, ramdam ko na ang masarap na simoy ng hangin habang naglalakad ako sa aming manggahan. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga punong mangga na tila nag-aabang sa aking pagdating. Ang mga sanga ay puno ng mga hinog na mangga—malalaki, mabango, at parang kumikinang sa liwanag ng araw. Hindi ko mapigilang huminto at hawakan ang isang mangga. Ang lambot ng balat nito, tanda na handa na itong pitasin.“Perfect para sa mango graham,” bulong ko sa sarili. Naisip ko na baka magugustuhan ni Everett kung gagawa ako ng ganoon. Sinabi niya kasi kagabi na uuwi siya ng tanghali para mag-bonding kami. Matagal ko na rin siyang hindi nakakasama nang ganito—yung wala kaming iniisip na trabaho o anumang responsibilidad, kaya naman gusto kong gawing espesyal ang araw na ito. Tatlong araw kasi siyang sunod-sunod na busy sa work at sa condo lang siya tumutuloy para magpahinga. Tutok na tutok siya sa company na hawak niya, sinisiguradong hindi na siya maloloko pa ng Tit
Misha’s POVPagkaluto ng mga ulam, inayos ko na ang mesa sa terrace ng bahay kubo ko. Pero nang mapansin kong mainit na sa bandang terrace, mas napili ko tuloy na sa lilim ng mga sanga ng mga puno ng mangga kami mananghalian, inayos ko ang mga plato, kutsara’t tinidor, at inilagay ang mga pinggan na puno ng mga niluto kong ulam. Ang bango ng piniritong tilapia ay humahalo sa amoy ng tortang talong at ang kakaibang aroma ng mga tuyong isda.At siyempre, inilapag ko ang tray ng mango graham sa gitna—ito ang magiging highlight ng aming tanghalian.Hindi nagtagal, narinig ko ang pamilyar na tunog ng makina ng kotse ni Everett. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. “Heto na siya,” bulong ko habang inaayos pa ang buhok ko habang papalapit siya.Bumaba siya mula sa magara niyang sasakyan, nakangiti—yung ngiting kapag nakikita ko ay mas lalo pa akong na-i-inlove sa kaniya. Agad akong sinalubong ng yakap niya, mahigpit at puno ng lambing. “Misha,” bulong niya sa akin. “Na-miss kita.”“Na-miss
Misha’s POVLumakad kami papasok sa isang marangyang boutique sa gitna ng city. Halos manliit ako sa mga makinang na chandelier na tila mga bituin sa itaas ng mga marmol na sahig. Pagdating pa lang namin sa harap, agad kaming sinalubong ng staff, pormal ang suot, pero nakangiti at tila sanay na sa mga katulad ni Everett—mga bilyonaryo, mga taong hindi tinatanong ang presyo.“Good afternoon, Mr. Tani,” bati ng babaeng staff, nakasuot ng sleek na itim na dress. “We’ve been expecting you.”Nakaramdam ako ng konting kaba habang hawak ni Everett ang aking kamay. Minsan, kahit gaano ko pa siya kakilala, hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa mundo niya—mundo ng mga bilyonaryo, ng mga walang katapusang kayamanan. Pumasok kami sa loob, at para kaming pumasok sa isang ibang dimensyon. Mga racks na puno ng mga wedding gown na bawat isa ay mukhang perpektong nilikha para sa mga prinsesa.Sa kabila ng aking kaba, pinisil ni Everett ang aking kamay at ngumiti sa akin, tila pinapakalma ako sa lahat
Misha’s POVPaglabas ko suot ang unang gown, kita ko agad ang reaksyon ni Everett. Seryoso ang mukha niya, tahimik, pero alam kong tinitimbang niya ang bawat aspeto ng gown—kung bagay ba sa akin, kung ito na ba ang hinahanap niya. Sa akin, okay na, pero alam kong iba rin talaga ang taste ni Everett sa mga bagay-bagay. May kung ano sa mga mata niya na sa unang tingin, alam niyang may mali, kahit para sa akin, perfect na.“What do you think?” tanong ng isa sa mga staff, pormal pero puno ng respeto.Everett crossed his arms, his eyes never leaving me. “It’s beautiful,” he said after a moment, “but, let’s try the next one.”Sabi na e, gusto pa rin niyang makita ang iba pa. Nakukulangan pa siguro siya. Alam ko kasing gusto ni Everett na maging perpekto ang lahat, hindi lang para sa kanya, kundi para sa akin din. Ayaw niyang mag-settle sa kahit ano lang.Nang isinuot ko ang pangalawang gown, mas mabigat ito dahil sa mga kumikislap na detalye sa buong tela. Ang mala-dyamanteng mga burda ay na
Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti
Everisha’s POvPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, naisip kong diretso na sana ako sa bahay para makapagpahinga dahil ang daming meeting na nangyari ngayon. Pero hindi iyon ang nangyari. Biglang nag-text si Marco sa akin, pinapapunta niya ako sa mansiyon niya.“Everisha, I need you to come over,” sabi niya sa mensahe. “Let’s have dinner. I need to tell you something important, and I know you don’t fully trust me yet. But after tonight, you will.”Nag-alangan ako. Bagama’t marami na siyang nasabi tungkol sa impostor ni Czedric, hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang mga motibo niya. Pero isang bahagi ko ang nagsasabing pumunta ako—baka may nalalaman nga siya na makakatulong kina Czedric.Pagdating ko sa bahay ni Marco, sinalubong niya ako sa pinto. Sa unang tingin pa lang, halata nang seryoso siya sa usapan.“Let’s eat first,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa dining room. “Then I’ll tell you everything you need to know.”Impyernes, napalaki ang mga mata ko sa dami ng ma
Czedric’s POVMagdamag akong hindi mapakali matapos kong aralin ang lahat ng impormasyon tungkol kay Marco. Kahapon, ginugol ko ang buong araw sa pagsisiyasat: saan siya nakatira, ano ang pinagkakakitaan niya ngayon at kung anong yaman na ang nakuha niya sa impostor ko. Pero may isang bagay na hindi ko mawari—walang negosyo si Marco. Sa kabila ng lahat, ang bahay niya ay tila mas lumaki at naging isang engrandeng mansyon pa. Hindi gaya nila Jeric, Mark Joseph at Jonas na halos may kani-kaniyang kompanya na. Natatanging si Marco lang ang parang napag-iwanan.Ngayon, ako na ang gagawa ng hakbang. Kasama ko si Tita Marie at siya mismo ang nag-alok na sumama sa akin.Parang bihasang assassin na rin kasi ngayon si Tita Marie. Sa kanila, natatangi ang galing niya sa lahat ng labanan at sa kung paano siya gumamit ng mga sandata.“Marco is dangerous, Czedric,” sabi niya habang binabasa ang isang mapa ng mansyon. “He’s not just a man with secrets. He’s an assassin. You can’t do this alone.”“K
Everisha’s POVNanlalata akong nagising habang ang ulo ko ay parang mabigat na bato habang sinusubukan kong idilat ang mga mata ko. Nang tuluyan akong magkamalay, napansin kong nasa loob ako ng kotse. Malamig ang paligid at ang amoy ng bagong linis na kotse ang unang bumungad sa akin.Nasa likod ako ng sasakyan, nakahiga sa upuang may malambot na unan. Napaupo ako, hawak-hawak ang ulo ko habang iniisip kung anong nangyari.Paano ako napunta rito? Nasaan si ang impostor na si Reagan?Habang ang kaba ko ay unti-unting bumabalot sa akin, sinilip ko ang driver’s seat. Ang nagmamaneho ay isang lalaking hindi ko agad nakilala. Ang akala ko ay si Reagan iyon—ang impostor ni Czedric.Galit na galit akong bumangon at agad na sinugod ang lalaking hayop na ‘to. Pinaghahampas ko siya sa balikat habang sumisigaw. “What did you do to me?!” sigaw ko. “Let me out of here!”“Stop it, Everisha!” sabi niya habang pilit akong nilalayo sa sarili niya. “I’m not who you think I am!”Hindi ko siya pinakingg
Everisha’s POVPagod ako mula sa trabaho nang araw na iyon. Hapon na at pauwi na ako mula sa opisina, pilit na nilalabanan ang antok habang nagmamaneho.Nang malapit na ako sa subdivision namin, napatigil ako nang makita ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ito? Pero bago pa ako makaisip ng kung ano, bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang pamilyar na mukha—ang impostor ni Czedric.Anong ginagawa niya rito? Ewan ko ba pero ayoko na. Ayaw nila papa at Czedric na lumalapit ako sa kaniya kaya hindi na talaga. Ayoko na kasi baka nga mapahamak pa ako sa taong ‘to.“Everisha,” tawag niya sa akin. “Join me. Let’s have merienda at the resort.”Ayokong pumayag. Alam kong delikado ang bawat paglapit ko sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam ko rin na baka may makuha ulit akong impormasyon, tulad ng nakuha ko dati. Kaya, kahit mabigat ang loob ko, tumango ako. At pinapangako kong last na talaga ‘to.Tahimik ang biy
Czedric’s POVDalawang araw na akong subsob sa matinding training kasama si Tito Everett. Walang tigil ang paghasa ko ng aking kakayahan, ngunit sa kabila nito, isang tanong pa rin ang gumugulo sa akin: Paano ko makikilala ang dalawang assassin na kaalyado ng impostor ko?“Hindi sila basta nagpapakita ng totoong mukha,” sabi ni Tito Everett noong huling usapan namin. “Every fight, they wear masks. No names, no identities. Kaya kahit anong gawin mo, you won’t win this fight unless you figure out who they are.”Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya. Hindi biro ang hamon na ito. Kung sila ang pinaka-alas ng impostor ko, malinaw na hindi sila basta ordinaryong kalaban. Pero sa ganitong sitwasyon, isang bagay ang sigurado: Kailangan ko ng tulong.Kaya lang ay sino? Eh, wala naman akong kaibigan o kahit kapangyarihan na mag-hire ng tauhan ko. Masyado na akong nahihiya kina Tito Everett kung pati ang pagha-hire ng mga tauhan ko ay iaasa ko pa sa kaniya.Pagkatapos ng dalawan
Czedric’s POVPagdating ni Tito Everett sa mansiyon, agad kong naramdaman na masama ang timpla niya. Ang mukha niya kasi ay seryoso, halatang may iniindang problema. Tumayo tuloy agad ako mula sa sofa at sinalubong siya."Good day po, Tito," bati ko na may pagkukumbaba sa tono. Alam kong hindi magiging magaan ang usapan naming dalawa.“Good day? What’s good about it, Czedric?” diretsong tanong niya habang nilalapitan ako. “Do you even realize what Everisha has been doing because of you?”Napakamot ako ng ulo. Alam kong hindi ako ang direktang may kasalanan, pero hindi ko rin maipagkaila na ako ang dahilan kung bakit sinusugal ni Everisha ang sarili niya.“I’m really sorry, Tito,” sagot ko. “I didn’t mean for her to get involved. I’ve tried stopping her, but you know how she is. Gamit ang account ni CD, sinusubukan kong pigilan siya pero talaga po atang matigas ang ulo niya.”Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at umiling. “She’s too stubborn for her own good. But you… you n
Everisha’s POVTahimik kong pinagmasdan ang paligid habang naglalakad papunta sa isang five-star resort na dati ay pagmamay-ari ng pamilya ni Czedric. Nakakapanghinayang. Sa unang tingin pa lang, halatang maganda pa rin ang pamamalakad dito. Ang malalaking puno ng palm, ang maaliwalas na tanawin ng dagat at ang tila walang katapusang luntiang hardin—lahat iyon ay parang buhay na testamento ng kayamanan at tagumpay ng pamilya Borromeo. Ngunit ngayon, nasa kamay na ito ng impostor ni Czedric.Nang makarating ako sa entrance, sinalubong ako ng isang pamilyar na tao. Ang impostor. Grabe, kahit saan talaga tignan ay magkamukha sila ng mukha. Pati laki ng katawan magkamukha. Mas malaki na nga lang ngayon ang katawan ng totoong Czedric.“Everisha,” bati niya sa akin habang ang ngiti niya ay tila mapagpakumbaba ngunit may halong yabang. “Welcome to my resort. I hope you like what you see.”“I do,” sagot ko habang pinipilit magpakaswal kahit na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin.
Everisha’s POVPauwi na ako mula sa engrandeng fashion show na iyon. Ang mga ilaw, ang runway at ang misteryosong boses ni Czedric—lahat iyon ay parang panaginip na hindi ko pa gustong matapos. Pero kailangan ko nang umuwi dahil tapos na ang event.Habang naglalakad ako patungo sa parking area ng hotel, inaalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Halata masyado si Czedric na nakatitig sa akin kanina habang kumakanta. Bakit kaya? Ah, siguro dahil nagulat siya na nakita niyang maganda ang ayos ko ngayon. Sabagay, first time niya akong makita na ganoon kaganda."Miss Everisha, your car is waiting," sabi ng valet habang iniabot ang susi. Tumango ako at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad.Bigla akong napatigil. May isang pamilyar na mukha ang lumabas mula sa dilim ng parking lot.Oh shït! Hindi ako puwedeng magkamali. Si Czedric ito na impostor. Bakit ko nalaman na impostor, well, hindi kasi nagtatanggal ng maskara si Czedric sa ganitonh public na lugar. "Good evening," bati niya,