Misha’s POVPaglabas ko suot ang unang gown, kita ko agad ang reaksyon ni Everett. Seryoso ang mukha niya, tahimik, pero alam kong tinitimbang niya ang bawat aspeto ng gown—kung bagay ba sa akin, kung ito na ba ang hinahanap niya. Sa akin, okay na, pero alam kong iba rin talaga ang taste ni Everett sa mga bagay-bagay. May kung ano sa mga mata niya na sa unang tingin, alam niyang may mali, kahit para sa akin, perfect na.“What do you think?” tanong ng isa sa mga staff, pormal pero puno ng respeto.Everett crossed his arms, his eyes never leaving me. “It’s beautiful,” he said after a moment, “but, let’s try the next one.”Sabi na e, gusto pa rin niyang makita ang iba pa. Nakukulangan pa siguro siya. Alam ko kasing gusto ni Everett na maging perpekto ang lahat, hindi lang para sa kanya, kundi para sa akin din. Ayaw niyang mag-settle sa kahit ano lang.Nang isinuot ko ang pangalawang gown, mas mabigat ito dahil sa mga kumikislap na detalye sa buong tela. Ang mala-dyamanteng mga burda ay na
Misha’s POVSa loob ng ilang buwan, ang buhay ko ay parang isang fairy tale—isang napakagandang fairy tale na puno ng kasiyahan at pag-iingat. Simula noong ipinagbuntis ko ang magiging anak namin ni Everett, hindi ako kailanman nag-alala, joke, siyempre, nag-alala rin dahil ang daming kontrabida sa buhay ni Everett. Sobrang higpit ng mga bodyguard ko, hindi nila ako hinayaan na malagay sa kahit anong panganib. Si Everett, bilang isang bilyonaryo, ginawa niyang misyon na hindi lamang ako maging komportable, kundi maging sobrang ligtas sa bawat oras. Minsan nga, iniisip ko kung dapat ba akong matakot sa mga bodyguard kaysa sa mga panganib na iniiwasan nila para sa akin.Ngayon, nandito kami sa mansiyon ni Everett at hindi lang basta-basta mansiyon. Ito ang pinaka-marangyang lugar na puwedeng pagdausan ng isang event na parang ginawa para sa mga maharlika. Ilang buwan na rin akong excited para sa araw na ito—ang gender reveal ng unang anak namin ni Everett. Parang nananaginip pa rin ako.
Misha’s POVDahan-dahan kaming lumapit sa gitna ng malaking ballroom kung saan naghihintay ang lahat. Ang mga mata ng bawat tao ay nakatutok sa amin, para bang kami ang bituin ng gabing ito. Nakaabang sila sa susunod na mangyayari. Sa harapan namin, may malaking velvet curtain na bumabalot sa isang bagay—ang simbolo ng gender reveal na inihanda ng event planner ni Everett. Ang kaba ko ay parang lalo pang lumakas habang papalapit kami sa harap ng curtain.Sa ibabaw ng malaking stage na iyon, nakahanda na ang lahat—mga ilaw, mga paputok, at kahit ano pa ang inihandang sorpresa ni Everett. Lahat ito ay para sa isang grand reveal.“I’m ready,” bulong ko sa sarili ko, halos hindi ko na marinig ang boses ko sa sobrang excitement at kaba.Nang nasa gitna na kami ng stage, tumingin ako kay Everett. Ngumiti siya nang parang nagpapapogi pa sa mga bisita namin kaya tatawa-tawa rin ako. Minsan, lumalabas na rin talaga ang pagiging makulit niya. Gumitna pa kami sa stage at saka tinaas ang kamay na
Misha’s POVMadaling araw pa lang, nagising na ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil sa sobrang katahimikan ng paligid o marahil dulot ng nakaraang kaganapan kagabi—ang gender reveal ng anak namin ni Everett. Lahat ng bisita ay nalasing, at dahil buntis ako, ako lang ‘yung hindi nalasing kaya maaga nagising. Tulog na tulog pa si Everett sa tabi ko, malalim ang paghinga at mukhang hindi magigising agad. Bumangon na ako kasi alam kong hindi na ako makakatulog pa, maaga rin kasi akong natulog kagabi. Simula nung mabuntis ako, hindi na ako nakakapagpuyat, maaga akong dinadapuan ng antok.Tahimik akong bumangon sa kama, ingat na hindi magising si Everett. Nang masiguro kong hindi siya nagising, hinayaan ko na ang paa ko’y magdala sa akin kung saan man. Maganda ang umaga sa labas, pero masyado pang maaga para bumaba. Sa halip, naisip kong galugarin ang ilan sa mga kuwartong hindi ko pa napuntahan dito. Hindi ako madalas na nag-iikot sa mansiyon na ito, dahil lagi kaming naglala
Misha’s POV Nakatayo ako sa harap ng bintana ng kuwarto namin, iniisip kung paano ko sisimulan ang pagtatanong. Si Everett ay nasa kama pa, unti-unti nang gumigising. Nakahiga pa siya, tila lumulutang pa sa pagitan ng pag-idlip at paggising. May bigat sa dibdib ko, kanina pa. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pag-uusap na ito—hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon niya. Pero kailangan kong malaman kung para saan ang mga armas na ‘yon.Narinig kong nag-inat si Everett at tumingin siya sa akin. Medyo pagod pa rin ang mukha niya mula sa gabing puno ng kasiyahan. Tumitig siya sa akin, ngumiti nang bahagya.“Good morning, mahal,” bati niya pero ramdam ko na may bahid ng kaba ang tono ko. Hindi ko na maitatago ito, at alam kong kailangan ko nang magtanong.“Good morning,” sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.Tumahimik ng saglit, ang ingay ng mga ibon sa labas lamang ang naririnig namin. Hindi ako agad nagsalita. Alam kong sensitive ito, pero hindi ko kayang mag
Misha’s POVNang bumalik ako sa farm namin, bumungad agad sa akin ang mga bagong mukha ng mga bodyguard na pinadala ni Everett dito. Alam ko namang alaga na niya ako noon pa, pero ngayon, tila dumoble ang seguridad sa paligid ko. Sa bawat sulok ng farm, may nakabantay—mga lalaking matikas at seryoso, lahat alerto sa kanilang paligid. May kakaibang bigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko sila. Hindi ko naman naisip na aabot kami sa ganitong punto na kailangan ko ng ganitong klase ng proteksyon na sobra-sobra pa kaysa sa dati. Pero siguro nga, hindi ko dapat alalahanin ito. Babalik na sa trabaho si Everett, at alam kong gusto niyang siguraduhin na ligtas ako dito sa farm habang wala siya.Naglakad ako papasok sa bahay kubo, at sinalubong ako ni Manang Helen na may bitbit na cake. Hindi ko napansin ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya agad, dahil akala ko ay simpleng surpresa lamang ito. “Misha, may nagpapaabot ng cake para sa ‘yo,” aniya habang iniabot ito sa akin.Tumango ako at t
Misha’s POVSa gitna ng umaambang sikat ng araw, nararamdaman ko ang halong kaba at excitement na bumabalot sa akin habang tinitingnan ko ang malaking ballroom kung saan gaganapin ang rehearsal para sa aming kasal. “This will be perfect,” bulong ko sa sarili ko habang pilit na pinapakalma ang sarili. Napakaganda ng lugar, eleganteng-elegante, ‘yung tipong wala nang hihigit pa.“Ma’am, do you think this centerpiece will do?” tanong ni Aline, ang aming wedding planner, habang itinuturo ang grandeng bulaklak na nakapatong sa isang kristal na vase.Napatingin ako sa kanya at ngumiti. “It’s beautiful, but I think we need something more dramatic. What if we add taller flowers? Something that will grab everyone’s attention the moment they enter the room,” sagot ko sa kaniya, hindi ko mapigilang mag-isip nang kung ano-ano para lang maging bongga ang lahat.“Got it, Ma’am. We’ll make it taller and add some crystal accents for a more striking effect,” sagot ni Aline habang nagmamadaling kinokop
Misha’s POVMatapos ang mahabang araw ng meetings, fittings, at rehearsals, sa wakas ay nakaupo na ako sa harap ng salamin sa dressing room. Tumutok ako sa aking repleksyon, pinagmasdan ang pagod na mukha ko. “Is this really what I want?” tanong ko sa sarili ko habang hinahaplos ang mga buhok kong nakatirintas nang maayos.Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jaye, ang matalik kong kaibigan na kumikerengkeng na rin ngayon sa isa ko pang kaibigan na si Conrad. “Oh my God, Misha, you look exhausted!” bungad niya habang papasok.“Jaye, you have no idea,” sagot ko habang napapahawak sa noo ko. “All of this… it’s too much. I don’t even know if I’m making the right choices anymore.”“Well, you’re marrying Everett Tani, a freaking billionaire. I think you’re making pretty good choices,” biro niya habang umuupo sa tabi ko.“I know, but this wedding is turning into something I never imagined. It’s so grand… so overwhelming,” sabi ko habang iniiling ang ulo ko. “All I wanted was a simple wed
Czedric's POVPagtingin ko sa aking email inbox, namutla ako sa sobrang dami ng notifications na natanggap ko mula sa iba’t ibang kumpanya, endorsements, at press releases. Ngunit may isang email ang talagang tumutok sa akin—isang imbitasyon mula sa isa sa pinakamalalaking TV network sa bansa.Subject: Invitation to Perform on Sunday’s Live ShowSender: Talent Management DivisionBinasa ko ito nang mabuti at habang nagbabasa, hindi ko mapigilang mapangiti. Iniimbitahan nila akong mag-guest sa isang sikat na live variety show kung saan palaging nagpe-perform ang mga pinakamalalaking artista. Hindi ko maipaliwanag ang excitement ko. Ito na ba ang pagkakataon kong ipakita sa mas malaking audience ang talento ko?Napaisip ako. Habang lumalalim ang iniisip ko, biglang nag-pop sa isip ko ang mukha ni Everisha. Ano kaya ang masasabi niya kapag nalaman niya ito? Magiging proud kaya siya sa akin?Agad kong kinuha ang phone ko at nag-text sa kanya."Hey, love. I got invited to perform on Sunday
Czedric's POVTahimik kong hinihintay si Everisha sa labas ng opisina niya. Nakaparada ang sasakyan ko malapit sa entrance, habang pinagmamasdan ang mga empleyadong naglalabasan, mukhang pagod pero masaya matapos ang araw ng trabaho. Malaki na rin ang building ng company ni Everisha. Nakaka-proud na tao si Everisha kasi kahit mayaman na siya, nagpapayaman pa lalo. Sabagay, ganoon naman talaga lahat. At ganoon din ako, mas gusto ko ‘yung mas yumaman pa para maganda ang kinabukasan ng mg future son & daughter ko.Gusto kong makita ang ekspresyon sa mukha niya tuwing lalabas siya mula sa trabaho—ang unti-unting pagbawas ng tensyon sa kanyang mukha kapag nakita niya akong naghihintay.Ito na ang simula, sabi ko sa sarili ko. Gusto kong gawin ang lahat para mapalapit sa kanya.Nang makita ko siyang naglalakad palabas, tumigil ang lahat sa paligid ko. Ang bawat kilos niya ay parang sinadya para makuha ang atensyon ko. Simple lang ang suot niya—isang corporate attire na black pencil skirt at
Everisha’s POVPagpasok ko sa mansiyon ni Czedric, agad akong sinalubong ng mabining tunog ng soft jazz music at ang liwanag ng grand chandelier na bumabagsak mula sa napakataas na kisame. Mabilis akong napansin ng mga staff, ngunit mas pinili kong huwag silang pansinin habang dahan-dahan kong tinatahak ang daan papunta sa dining area.Nauna nang pumasok sa loob si Marco kasi nag-retouch pa ako ng makeup ko.Sa lamesa, nakita ko ang pamilya ko na masayang nag-uusap habang nagde-dessert. Naroroon si Papa, si Mama, si Mishon, pati si Tita Marie na mabuti-buti na pakiramdam. Pero hindi ko maiwasang mapansin na tila wala man lang nagtanong kung bakit ngayon lang ako dumating.Late na naman ako, sabi ko sa sarili, napapailing. Ngunit nang umikot ang paningin ko at magtama ang mga mata namin ni Czedric, parang huminto ang oras.Nakangiti siya—isang ngiti na puno ng kasiyahan at kung anong damdamin na tila laging ipinagdadamot niyang ipakita sa iba. Nagbalik ngiti naman ako, bagama’t dama ko
Everisha’s POV“Miss, pasensya na po, pero kailangan nating huminto,” sabi ng driver ko habang dahan-dahan niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.Napatigil ako sa pagbabasa ng message sa phone at napatingin sa labas. Madilim, liblib, at wala halos mga bahay. Hindi ko alam kung anong eksaktong lugar ito, pero isa lang ang sigurado, walang gustong maghintay sa ganitong lugar.“Bakit tayo huminto?” tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.“May problema po sa makina,” sagot niya habang bumaba ng sasakyan. Nakaawang ang bintana ko kaya naririnig ko ang pagbulong-bulong niya habang sinusuri ang makina.Tumingin ako sa paligid. Ang dilim at ang katahimikan ng lugar ay parang sumisigaw ng panganib. Sinubukan kong tingnan ang cellphone ko para tawagan si Czedric, pero wala akong signal.Great. Perfect timing talaga, bulong ko sa sarili ko habang napapikit na lang sa inis.“Ma’am,” balik ng driver ko sa gilid ng bintana, “hindi ko po maaayos agad ito. Kailangan kong maghanap
Czedric’s POVAbala na ang mga staff ko sa paghahanda ng espesyal na hapunan para sa Pamilyang Tani. Hindi ko maiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ko sila. Napakaganda ng tanawin mula sa bintana ng mansyon ko—ang mga ilaw sa hardin na parang bituin sa lupa, ang magagarbong bulaklak na inayos ng mga florist, at ang malinis na swimming pool na parang salamin sa ilalim ng buwan.Masaya ako ngayon dahil nagagawa ko na ang gusto ko, nang hindi na kailangang magbanat ng buto tulad noong mga panahong itinatago ko pa ang tunay kong pagkatao. Isang senyas lang mula sa akin, agad na kikilos ang mga tao ko para tuparin ang anumang gusto ko. Hindi ko ito tinuturing na kayabangan, kundi isa itong patunay na naibalik ko na ang kontrol sa buhay ko.“Life is good,” bulong ko sa sarili ko habang iniinom ang mamahaling alak na galing pa sa France.“Sir, everything is set for tonight,” sabi ng head staff ko na si Lenard. Tumango siya habang inilalatag ang listahan ng mga detalye sa hapag na nasa harap
Everisha's POVPagmulat pa lang ng mga mata ko ngayong umaga, diretso na agad ang kamay ko sa cellphone. Alam ko na ang una kong hahanapin—ang bagong video ni CD Borromeo dahil trending ‘yun ngayong umaga. Nang buksan ko ang social media niya, tumambad sa akin ang thumbnail niya. Walang maskara, at sa unang pagkakataon, ipinakita niya ang mukha niya sa publiko.Kinakabahan akong pinindot ang play button. Kahit alam ko na ang totoo, hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa na talaga ni Czedric ang bagay na matagal niyang itinago. Habang pinapanood ko ang video, parang bumalik lahat ng alaala namin. Ang mga plano, ang mga sikreto, at ang mga dahilan kung bakit kailangang manatili siyang anonymous dati.Pero ngayon, nagbago na ang lahat.Pagdating sa bahagi kung saan hinubad niya ang maskara, tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa screen, parang hindi ko pa rin maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Seryoso ang mukha ni Czedric, pero kitang-kita mo ang confidence niya ha
Czedric's POVPagdilat ng aking mga mata, unti-unti akong nag-adjust sa maliwanag na ilaw ng kwarto. Amoy na amoy ko ang disinfectant, tanda na nasa ospital ako. Napabuntong-hininga ako. Buhay pa ako. Tagumpay kaming lahat. Pero pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko—parang pinagbagsakan ng daigdig.Napansin ko ang dalawang pamilyar na mukha sa gilid ng kama. Si Edric, ang kapatid kong sumalo sa akin kanina at si Marco, ang pinsan naming parating nakaalalay sa amin. Pareho silang nakangiti nang mapansin nilang gising na ako.“Finally, bro,” sabi ni Edric. May bahagyang ginhawa sa boses niya na parang binagsakan ng bato ang balikat niyang matagal niyang kinikimkim. “You're awake.”“Kumusta?” mahinang tanong ko habang ramdam ang pagod sa boses ko. Halos lumabas lang ito bilang bulong.“You're fine now,” ani Marco. “We made it, Czedric. Tapos na ang lahat. Nabawi na natin ang lahat—lahat ng pera, ari-arian, pati mga negosyo. They're back where they belong—sa inyo ng kapatid mo.”Napaluno
Czedric POV Tahimik akong nakatingin sa malayo habang papalapit kami sa private resort. Ang tension sa loob ng sasakyan ay sobrang bigat, parang humihigpit ang paligid sa bawat segundo. Nakita ko ang kamay ni Everisha na bahagyang nanginginig habang hawak ang baril. Si Marco naman ay nakatitig sa mapa, tinitiyak ang bawat detalye. Si Edric at Mishon ay tahimik, pero kita sa mga mata nila ang kaseryosohan sa magaganap na huling laban. “Everyone ready?” tanong ni Marco. “Always,” sagot ni Edric, sabay sulyap kay Everisha na ngumiti nang bahagya bilang sagot. Napabuntong-hininga ako. Hindi ito ang oras para magpaka-distracted, pero ang pag-aalala ko para kay Everisha ay masyadong malakas. At si Edric—alam kong kapwa ko siya maaasahan, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may masamang nangyari kay Everisha. Pagdating namin sa resort, nagpaikot muna kami sa harapan. Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi iyon nangangahulugang ligtas kami. Pagbuka
Czedric POVMatagal ko nang alam na hahantong kami sa ganitong punto, pero iba pa rin ang bigat na nararamdaman ko habang tahimik na nakaupo sa loob ng bulletproof na sasakyan. Tumitingin ako sa bintana habang umaandar ang kotse, pinagmamasdan ang tanawin ng mga bundok at kalangitan na tila tahimik ngunit puno ng tensyon.“Czedric, nakikinig ka ba?” tanong ni Marco na nasa tabi ko at mukhang seryoso.“Ha?” sagot ko habang umiwas ng tingin mula sa bintana.“I said,” ulit niya, “Raegan and Jonas are practically on their knees. Ilang linggo nang umaatras ang mga tauhan nila. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang mga taong sumuporta sa kanila pero bigla na lang bumaliktad, o ang katotohanang matagal bago nangyari ito.”Napatingin ako kay Marco. Kita sa mukha niya ang bahagyang saya, pero mas nangingibabaw ang pagod.“Takot na silang madamay,” dagdag niya. “Sino ba naman ang hindi matatakot, eh halos ubos na ang mga tauhan nila dahil sa atin?”Ang mga huling linggo ay parang mahabang