Misha’s POVSa gitna ng umaambang sikat ng araw, nararamdaman ko ang halong kaba at excitement na bumabalot sa akin habang tinitingnan ko ang malaking ballroom kung saan gaganapin ang rehearsal para sa aming kasal. “This will be perfect,” bulong ko sa sarili ko habang pilit na pinapakalma ang sarili. Napakaganda ng lugar, eleganteng-elegante, ‘yung tipong wala nang hihigit pa.“Ma’am, do you think this centerpiece will do?” tanong ni Aline, ang aming wedding planner, habang itinuturo ang grandeng bulaklak na nakapatong sa isang kristal na vase.Napatingin ako sa kanya at ngumiti. “It’s beautiful, but I think we need something more dramatic. What if we add taller flowers? Something that will grab everyone’s attention the moment they enter the room,” sagot ko sa kaniya, hindi ko mapigilang mag-isip nang kung ano-ano para lang maging bongga ang lahat.“Got it, Ma’am. We’ll make it taller and add some crystal accents for a more striking effect,” sagot ni Aline habang nagmamadaling kinokop
Misha’s POVMatapos ang mahabang araw ng meetings, fittings, at rehearsals, sa wakas ay nakaupo na ako sa harap ng salamin sa dressing room. Tumutok ako sa aking repleksyon, pinagmasdan ang pagod na mukha ko. “Is this really what I want?” tanong ko sa sarili ko habang hinahaplos ang mga buhok kong nakatirintas nang maayos.Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jaye, ang matalik kong kaibigan na kumikerengkeng na rin ngayon sa isa ko pang kaibigan na si Conrad. “Oh my God, Misha, you look exhausted!” bungad niya habang papasok.“Jaye, you have no idea,” sagot ko habang napapahawak sa noo ko. “All of this… it’s too much. I don’t even know if I’m making the right choices anymore.”“Well, you’re marrying Everett Tani, a freaking billionaire. I think you’re making pretty good choices,” biro niya habang umuupo sa tabi ko.“I know, but this wedding is turning into something I never imagined. It’s so grand… so overwhelming,” sabi ko habang iniiling ang ulo ko. “All I wanted was a simple wed
Misha’s POVUmuwi kami ngayon nila Ate Ada sa bahay namin. Nag-message sa akin kanina si Everett na mag-dinner daw kami sa bahay namin kasama ang parents ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang naisip ko, parang gusto niya lang atang maka-bonding ang parents ko. Kaya pag-uwi sa bahay, agad kaming naghanda nila mama at Ate Ada ng masasarap na pagkain.Sa mesa, naroon na si mama, abala sa pag-aayos ng kubyertos, habang si papa naman ay tahimik na nakaupo at tumutulong sa paghanda ng mga pagkain. “Anak, siguradong espesyal itong gabi na ‘to, ha? Mukhang seryoso si Everett na maka-bonding tayo,” pabirong sabi ni mama habang tinitingnan ako habang may kasamang matamis na ngiti.“Yes, mama,” sagot ko habang kinakabahan at nasasabik sa maaaring mangyari. Ano kaya ang sorpresa ni Everett? Feel ko may pasabog na naman siya, e. Isa ba itong simpleng dinner, o may mas malalim pa siyang balak?Pagdating ni Everett, kasama niya ang isang maliit na itim na envelope. Naka-pormal siya, na parang isang
Misha’s POVInabot niya ang envelope kay papa, at tila nanginginig pa ang mga kamay ni papa nang tanggapin ito. Dahan-dahan itong binuksan ni papa, at nang makita niya ang laman, bumungad ang mga dokumentong agad niyang kinilala.“T-Titulo…?” gulat na tanong ni papa na halos hindi makapaniwala.Napatingin ako kay Everett, na nakangiti lang. “Opo,. Ang lahat ng titulo ng mga lupa n’yo na nakasangla sa bangko. Nabayaran ko na ang mga iyon.”Parang tumigil ang oras. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang mga lupa namin—ang apat na farm na matagal nang ipinangakong babayaran pero hindi namin magawa dahil sa kakulangan ng pera—nabayaran na ni Everett?!“M-Misha, totoo ba ito?” tanong ni mama ba halos hindi makapagsalita sa sobrang gulat.Tumango ako, hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa bawat araw na dumadaan, alam kong pasama nang pasama ang kalagayan ng mga farm namin dahil hindi namin mabayaran ang pagkakautang. Pero ngayon, parang isang himala—lahat ng iyon, naayos na!“
Misha’s POVNasa opisina ako ngayon ng kompanya ni Everett. Parang panaginip lang talaga ang mga nagaganap. Ilang beses na akong nakapunta dito dati pero hanggang ibaba lang, hanggang doon lang sa mga display area ng mga old luxury car niya, pero iba na ngayon, nandito ako sa mga office nila at ang pakiramdam ngayong opisyal na akong ipinakilala bilang kanyang magiging asawa ay talaga namang nakakataba ng puso. Pagpasok pa lang namin, lahat ng empleyado ay tumigil sa kanilang ginagawa para batiin kami. Pero ang totoo, ako ang binabati nila.“Good morning, ma’am,” sabi ng isa. Sumunod ang iba,lahat sila ay panay ang pagbati sa bawat paglalakad namin. Para akong nanunuod ng Korean drama kung saan kasama ng CEO ang mapapangasawa niya.Tumataas ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sobrang saya ko. Minsan iniisip ko pa rin kung totoo ba ito—ako, magiging asawa ng isang tulad ni Everett. Ako, isang simpleng babae na hindi naman galing sa marangyang pamilya, ngayon ay naglalakad sa tabi n
Misha’s POVAng dami-daming lugar rito sa company na puwede naming pagkitaan, dito pa talaga sa loob ng banyo na kung saan ay tanging kaming dalawa lang ang naroon. Natakot na naman ako. Masamang tao ang isang ‘to, iyon na ang tumatak sa isip ko kaya hindi puwedeng ‘di ako kakabahan. Mamaya niyan, bigla niya akong saksakin, paano na ang baby ko, lagot ako tiyak kay Everett kapag nangyari ‘yon.“Akala mo ba ay mahal ka talaga ni Everett?’ bigla niyang tanong sa isang malamig na boses. Ang mga mata niya, tila ba sumusuri sa bawat galaw ko. “Akala mo ba totoo siya sa’yo?”Hindi ako nakapagsalita agad. Ang tono ng boses niya, matalim. Ramdam kong may mabigat na dahilan kung bakit niya ito sinasabi. Sinubukan kong maglakad papunta sa pinto, pero hinarangan niya ako habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata. Anumang oras, naiisip ko na sasaktan niya ako.“No,” she continued. “Because once he gets what he wants, you and that child you’re carrying… you’ll be nothing. Right now, he need
Everett’s POVPagdating namin sa White sand na private beach, ramdam ko ang excitement ni Misha. Hindi lang dahil sa photoshoot, kundi dahil dito na rin kami mag-overnight. Dito naming gagawin ang prenup video at photoshoot namin. Sa totoo lang, ayaw ng may ganito, si Misha lang ang nagpumilit. Hindi ko naman siya matanggihan kaya sinunod ko na lang.The setup was simple yet elegant. White tents adorned with flowing fabric stood on the beach, swaying gently with the breeze. Flowers, mostly white roses, were scattered everywhere. The team did an amazing job setting the mood—romantic, intimate, and completely us.Misha stood in front of me, her back turned as the stylist adjusted the soft fabric of her dress. I couldn’t help but stare at her, my heart racing as I realized how lucky I was. Minsan, hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti tuwing titignan ko siya—simple lang pero ang lakas ng dating. She turned slightly, catching me watching her.“You’re staring,” she said with a playful sm
Everett’s POVLater that night, we decided to stay on the beach. The team set up a small tent for us, complete with soft cushions, candles, and a small table with food and drinks. It was cozy and romantic—exactly what we needed. The tent was open enough to allow us a full view of the stars, which were now twinkling brightly in the dark sky.“I can’t believe we’re spending the night here,” Misha said, her voice filled with excitement. “It’s like something out of a movie.”“It’s better than a movie,” I replied, pulling her close to me as we sat on the soft cushions. “Because it’s real. And because I get to be with you.”She rested her head on my shoulder as we both looked out at the ocean. “I never imagined I’d have something like this,” she admitted softly. “This life… with you.”I turned to her, taking her face in my hands. “This is just the start, Misha. We’re going to have so much more. More adventures, more memories… a lifetime together.”I kissed her forehead, and she closed her e
Mishon POVSi Oliver, ang lalaking kabit ng mama ni Ada ay kasalukuyang nakapulupot sa isang lalaking hindi ko kilala. Ang lalaki ay matangkad, may malapad na balikat at walang suot na pang-itaas. Kitang-kita ang mga muscle nito sa ilalim ng dim na ilaw ng private room. Pero ang higit na nakapagpahinto ng paghinga ko ay ang paraan ng pagtingin nila sa isa’t isa—parang may isang lihim na mundo sila na hindi puwedeng pakialaman ng iba. Wala rin silang pake kahit nandito ako sa loob at nagse-serve ng alak. Siguro ay matagal na nila itong ginagawa kaya hindi na sila nahihiya.Parang bumagal ang oras habang pinagmamasdan ko sila habang kunyari ay inaayos ko ang mga alak at pagkain sa lamesa. Halos dumikit si Oliver sa katawan ng lalaki at kita kong nakangiti siya habang binubulongan ito. Ang isang kamay niya ay dumadausdos sa dibdib ng lalaki, at ang kabila naman ay nakapulupot sa leeg nito.Hindi nagtagal ay pinasok na ni Oliver ang kamay niya sa loob ng zipper ng pantalon ng lalaki.“Ugh
Mishon POVHabang wala pa akong ibang pinagkakaabalahan, sinimulan ko na agad ang plano ko. Hindi ko hahayaang makatakas ang lalaking iyon—si Oliver—na hindi ko pa alam kung anong surname. Pero isang bagay ang sigurado ako. Filipino siya. At mukhang sanay na sanay siyang magpaikot ng mga mayayamang ginang.Sinimulan ko sa pinakamadaling paraan: surveillance. Nag-hire ako ng dalawang tauhan ko para sundan siya palagi. Kahit saan siya magpunta, siguradong may mata akong nakabantay sa kanya. Hindi ko hahayaan na hindi ko malaman ang baho ng lalaking ito.Ginagawa ko ito hindi lang dahil sa galit ko sa kanya, kundi dahil gusto kong tulungan si Ada. Kitang-kita at ramdam ko kasi na sobra siyang na-stress dahil sa nalaman niyang pangangabit ng mama niya.Hindi ko hahayaang masira ang pamilya niya nang dahil lang sa isang manloloko. At kung kinakailangang gibain ko ang mundo ng Oliver na ‘yon para protektahan si Ada, gagawin ko.Sa unang mga araw, walang masyadong kakaiba. Walang permanenten
Ada POVPagkatapos ng dinner nila, naghiwalay na si Mama at ang lalaking iyon. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya—at hindi ko rin alam kung gusto ko siyang makilala. Ang alam ko lang ay hindi pa rito natatapos ‘to ang lahat. Hindi ko pa puwedeng bitawan ang araw na ito na wala akong nalalaman sa buwisit na kabit ng mama ko. Hindi pa puwedeng matapos ang gabing ‘to nang hindi ko nalalaman kung sino talaga siya.“Tara,” sabi ni Mishon habang mahina lang ang boses. “We follow him.”Tumango ako. ‘Yun din ang gusto kong mangyari. “Yeah. We need to know who he is.”Habang nakasakay pa rin kami sa sasakyan, sinundan namin ang lalaki. Hindi siya nagmamadali, pero halata sa kilos niya na aware siyang may nakatingin sa kanya. Ilang beses siyang palingon-lingon sa paligid, lalo na sa likod niya, na parang tinitingnan kung wala na bang nakasunod.Napakunot-noo si Mishon. “Something’s off.”Tumingin ako sa kanya. “What do you mean?”“He’s too cautious. He’s looking back too often, but not at u
Ada POVHindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko, biglang may sumakal sa lalamunan ko. Hindi dahil sa iyak, kundi sa biglaang buhos ng galit at pagkabigo na nararamdaman ko sa mama ko ngayon. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig sa screen ng phone ni Mishon. Kitang-kita ko ang mukha ni Mama sa video—eleganteng naka-make-up, naka-red dress at mukhang masaya. Hindi lang basta masaya. Kinikilig pa.Hindi ko kilala ang lalaking kasama niya. Mas bata ito sa kanya, siguro nasa late twenties o early thirties. Matangkad, matikas ang katawan at mukhang sanay sa marangyang buhay. Sa video, nakasandal ito sa upuan habang nakangiti, nakikinig kay Mama na tila aliw na aliw sa kuwento niya.At sa dulo ng video, dumating ang bill. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Mama ang resibo, inilabas ang kanyang credit card at siya ang nagbayad. Ano ‘to, nagpapaka-sugar mommy siya sa binatang iyon? My God, nakakahiya si Mama.Nag-init talaga ang dugo ko. Akala ko napakatino niya pero may ganito palang
Ada POVAng bango.Halos hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa kusina ni Mishon, pero ang amoy ng bagong lutong pizza ay parang yakap na mainit sa akin at nakakagutom talaga sa pang-amoy. Nasanay na ako na sa tuwing dadalaw ako sa mansiyon niya, palaging may nakahandang pizza na siya mismo ang gumagawa. Alam na alam ni Mishon ang paborito kong pagkain.Pero may kakaiba ngayon. Nakatayo siya sa harap ng lamesa sa dirty kitchen, abala sa paglagay ng toppings sa nilulutong pizza. “This is a new flavor,” aniya nang makita niya akong dumating. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin bago bumalik sa ginagawa niya. “I made this especially for you.”Napangiti ako at lumapit sa kanya. “What’s the flavor this time?”Hinila niya ang apron niya at nagbigay ng maliit ngiti sa akin. “You’ll see. It’s a surprise.”Umupo ako sa high chair na nasa gilid ng lamesa habang pinagmamasdan siyang magtrabaho. Ang sarap panoorin ni Mishon habang nagluluto—maayos, malinis at parang may sarili
Ada POV“Papa, pwede po bang mag-overnight ako sa mansiyon nila Mishon?” tanong ko habang tinutulungan siyang maglagay ng kape sa tasa niya. Kahit na pure american siya, sa tagal na niyang kasama kami ni mama na pinay pareho ay kahit pa paano ay nakakaintindi na siya ng pure pinoy na lengguwahe.Ngumiti lang si Papa. Alam naman niya na good girl ako. Isa pa, hindi naman kailanman naging problema ang paghingi ko ng permiso sa kanya, lalo na’t kasama si Mishon na kilala niyang matino naman. Saka, sabi pa niya minsan, hindi ko naman na kailangang magpaalam dahil matanda na ako. Nasanay kasi ako dahil lagi akong pinaghihigpitan ni mama.“Of course, Ada. You don’t even have to ask,” sagot niya. Napaka-simple ng tono, parang natural na natural lang na pumayag siya. Hindi ko na nga kailangang magpaliwanag pa. Sanay si Papa sa mga ganitong paalam ko, lalo na’t alam niyang safe ako sa piling ni Mishon.Kinuha ko ang bag ko na nakahanda na sa sofa. “Thank you, Pa! I’ll see you tomorrow,” sabi
Mishon POVSa gitna ng malamig na hapon sa city ng Paris, naglalakad ako sa cobblestone street ng Rue Saint-Honoré, ang lugar na puno ng mga boutique at café. Ang layunin ko sana sa araw na iyon ay simple lang…bisitahin ang bagong bukas na tindahan ng strawberry wine. May rekomendasyon ang ilang kaibigan ko sa Pinas tungkol sa tindahan iyon at bilang tagahanga ng mga ganitong klase ng alak, naisip kong bakit hindi ko nga subukang puntahan?Habang papunta ako sa direksyon ng tindahan, napansin ko ang isang magarang itim na kotse na naka-park malapit sa isa sa mga café. Ang eleganteng disenyo nito ay bagay lamang sa isang taong may sinasabi sa buhay. Ngunit hindi ang sasakyan ang nakakuha ng pansin ko. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha na bumaba mula rito—isang ginang na babaeng maganda, elegante at pamilyar sa mga mata ko. Sa unang tingin, parang imposibleng maging siya iyon, pero habang binubuo ng isip ko ang bawat detalye, napagtanto kong hindi ako puwed
Ada POV Matapos ang masayang hapunan, nagpasya akong bigyan si Mishon ng tour sa kuwarto ko. Natapos na ang mahaba at makabuluhang usapan sa dining table at mukhang na-impress naman ang mama at papa ko sa kanya. Nang iminungkahi ni Mishon ang ideya, nagkatinginan muna ang mga magulang ko. Tumango ang papa ko at ngumiti naman ang mama ko. "Of course, Mishon. Go ahead," sabi ng mama ko. "Just make sure to behave, young man." Tumawa si Mishon. “I will, Mrs. Hill.” Habang umaakyat kami ng hagdan papunta sa kuwarto ko, ramdam ko ang kaba. Hindi dahil sa pagpunta niya sa kuwarto ko, pero dahil sa hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa sinabi ni Taris kanina. Bakit kaya niya iyon sinabi? At totoo ba iyon? Pero itinaboy ko muna ang mga alalahaning iyon. Ang focus ko ngayon ay si Mishon. Pagbukas ko ng pinto, tumambad kay Mishon ang kuwarto kong para bang isang feature sa isang high-end na lifestyle magazine. Ang silid ko ay malawak, halos kasinlaki ng isang living are na. Sa kaliwang ba
Ada POVDumating na si Mishon kaya agad akong tumayo mula sa sofa at pumunta sa pinto para salubungin siya. Sa likod ko, naramdaman ko ang mga mata ni Verena at Taris na nakasunod sa akin. Halatang excited na rin silang makita si Mishon.Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang pogi nga ngiti ni Mishon. Simple lang ang suot niya—isang plain white button-down shirt na naka-roll up ang manggas, dark jeans at pares ng clean white shoes. Walang kahit anong flashy accessory, pero para siyang isang model na galing mula sa isang magazine cover. Ang lakas ng dating niya kahit hindi siya nag-effort magpa-pogi.“Good evening, Ada,” bati niya sa akin kasabay ng pagbigay ng isang bouquet ng white tulips. Ang sweet talaga.“Good evening, Mishon. Come in,” sagot ko habang hinahayaan siyang pumasok sa loob ng bahay namin.Pagpasok niya, naabutan niyang nakaupo ang mama at papa ko sa living room. Tumayo agad ang mama ko, habang ang papa ko naman ay tumingin nang maigi kay Mishon, tila sinusuri i