Misha’s POVNanginginig ang mga daliri ko habang nakatingin kay Everett na gulat na gulat matapos banggitin ang ng emcee ang pangalan ko. Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito—todo panalangin na ako na sana ay hindi ako mabunot, pero ako pa rin ang nabunot.“Suwerte talaga ang buntis!” tuwang-tuwang sabi ni Jaye habang napapatalon pa sa tuwa.“Congratulations! Pakipunta na lang po sa stage, Miss Misha, para kunin ang inyong premyo!” sigaw ng emcee sabay turo sa tabi ni Everett na parang seryoso na lalo ang mukha ngayon. Narinig ko ang ingay ng mga tao, pero ang tunog ng pintig ng puso ko ang pinakamalakas sa lahat.Nagpalakpakan ang mga tao, naghihiyawan pa ang ilan sa excitement. Paano nga ba hindi magugulo ang isip ko? Ang dami kong puwedeng maging problema ngayong gabi, pero mas pinili kong unahin ang pagpunta rito. Oo na, matigas na ang ulo ko. Alam kong hindi magugustuhan ni Everett na makita ako sa party niya, pero gusto ko kasing masaksihan ang party ng mga bilyonaryo. Ngayon k
Misha’s POVHabang tumatakbo ako palayo kay Everett, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. Parang bawat pintig ng puso ko’y may kasamang kurot ng pangungulila at galit—sa kanya, sa sarili ko, sa lahat ng taong nasa paligid namin na tila walang alam sa nangyayari. Ang ingay ng party ay tila musika sa isang pelikulang may magulong kuwento. Walang nakakapansin sa totoong nangyayari sa likod ng mga ngiti at engrandeng kasiyahan.Huminto ako sa gilid ng isang haligi, pilit na pinapakalma ang mabilis kong paghinga. Hawak ko pa rin ang susi ng kotse—ang premyo na tila walang halaga kumpara sa naging alitan namin ni Everett. Ipinikit ko ang mga mata ko, sinubukang isaisip ang bawat dahilan kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito. Para sa anak namin. Para sa farm namin, sige. at para sa sarili ko. Para sa pagmamahal na pilit kong pinanghahawakan kahit na mukhang palaging nasa gilid ng pagkawasak. Okay, sige, ganito na lang. Iisipin ko na lang na para sa kinabukasan ko ‘to. Para sa magandang kina
Misha’s POVLumapit siya sa akin, halos magkadikit na kami at tiningnan ako ng diretsong-diretso, para bang sinasabi ng mga mata niya ang lahat ng hindi niya masabi. Napansin ko na nakatingin na sa amin ang ibang mga tao. Ang ilan ay nage-gets na rin siguro kung sino ako. Karamihan kasi sa narito ay na-meet na ako. Pero ang iba ay nagtataka kasi hindi pa ako kilala. Marahil ay iniisip nila na ako na ang girlfriend ni Everett. Dahil dito, dahil sa kinikilos naming dalawa.“Ano ang gusto mong gawin ko, Misha?” tanong niya na tila nawawala sa sarili. “Sabihin mo kung ano ang dapat kong gawin para matigil na ‘to.”Nakakakonsensya na para bang palagi na lang akong sakit sa ulo niya. Na para bang palagi akong isip-bata na pinaiinit lalo ang ulo niya. Na wala na akong ginawang tama. Na ang tingin ko tuloy sa sarili ko ay para akong bobong tao na mahirap umintindi. Ganoon ang napi-feel ko habang tumatagal na puro siya na lang ang nasusunod. Porket ba siya ang gumagastos, ganoon? Oh, sadyang h
Misha’s POVMaaga akong nagising ngayong araw. Ewan, parang hindi nga ako nakatulog kagabi dahil sa mga nangyari sa birthday party ni Ninong Everett. Kagabi pa paulit-ulit na nag-e-echo sa tenga ko ang mga sinabi niya sa akin. Para akong nananaginip. Si Jaye, siya ang nag-drive ng luxury car na napalanunan ko. Dito na nga rin siya natulog. Nandoon ito sa guest room namin. Lasing na lasing ang gaga kagabi kasi pag-uwi namin, humingi pa siya ng wine sa akin kasi nabitin daw siya sa birthday party ni Everett.Paglabas ko ng kwarto, bumungad sa akin ang pamilya ko, nakangiti. Hindi ko maintindihan pero lahat sila parang may lihim na hindi ko alam.“Anong nangyayari?” tanong ko habang bumababa ako sa hagdan. Si Mama, na abala sa pag-aayos ng mesa ay napangiti sa akin. “Misha, maghanda ka na. May pupuntahan tayo,” sabi niya habang puno ng excitement ang boses niya. Ayoko ng ganito. Hindi ako sanay na ganito sila.“Pupuntahan? Saan?” Hindi ko maiwasang magduda. Paano, pagkatapos ng lahat ng
Misha’s POVPagdating namin sa resort, halos hindi ako makahinga sa ganda ng tanawin. Ang malawak na dagat ay tila sumasabay sa liwanag ng araw, habang ang hangin ay malamig at sariwa. May mga kubo sa tabi ng beach at ang mga alon ay banayad na humahampas sa pampang.“Wow,” bulong ko sa sarili ko.Si Mama at Papa ay masayang nakatingin sa paligid, habang ang si Jaye ay parang mga batang sabik na sabik tumakbo sa buhangin. Lahat ng ito, courtesy ni Everett.Pagkatapos naming mag-check-in, nagtungo kami sa isa sa mga kubo malapit sa dagat. Naka-setup na ang lahat—may buffet ng pagkain, mga upuan at mesa, pati na rin mga ilaw na gagawing romantiko ang paligid kapag dumilim na.Tahimik kaming naglakad ni Everett papunta sa tabing-dagat, habang ang pamilya ko ay abala sa pagkain at kasiyahan. Hindi ko alam kung anong sasabihin, pero ramdam ko ang init ng alon sa mga paa ko habang kami’y naglalakad sa buhangin.“Hindi mo naman kailangang gawin ‘to, Everett,” bulong ko pero hindi ko nagawang
Misha’s POVTahimik na ang buong paligid habang kami ni Everett ay nakaupo sa gilid ng kama, parehong nag-aalangan sa kung ano ang susunod na mangyayari. Bakit kung kailang nagkaaminan na kami, ngayon pa kami nagkaganito. Parang first time. Parang wala pang nangyayari sa amin.Ngayon ko lang nakita si Everett na ganito, halata sa mga mata niya ang pagkahiya. Ang cute lang. Sanay akong makita siyang komportable, laging may desidido sa bawat kilos niya, pero ngayong gabi, tila may kakaiba sa amin. Parang mga baliw, nagkakahiyaan pa.Nakatingin lang ako sa kaniya, sinusubukang pigilan ang ngiti sa aking mga labi. “Bakit parang kinakabahan ka?” biro ko sa kaniya habang pilit na binabasag ang katahimikan.Tumawa siya nang bahagya, pero halatang hindi pa rin mawala ang kaba sa kaniyang mga mata. “Ikaw kasi,” sagot niya, habang bahagyang tumagilid upang harapin ako nang tuluyan. “Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ‘to, nahihiya ako dahil alam mong seryoso na ako sa ‘yo. Nawala sa isip
Misha’s POVHiniga na niya ako sa kama. Binuka lalo ang mga hita. Pagtutok niya ng ari niya sa hiwa ko, huminga ako ng malalim kasi alam kong babagyuhin na naman ng malaki niyang titë ang pukë ko.Pero dahil kating-kati na ang hiwa ko na magpakamot sa matigas niyang pagkalalakë, laban lang, kastahin niya ako hanggang gusto niya, go lang dahil alam kong mahal naman na niya ako. Deserve na lalo ni Ninong Everett na pagsawaan ang katawan ko dahil kaniya lang ako. Sa kaniya lang ang lahat ng tungkol sa akin.Napakapit na lang ako sa kama nang isagad niya agad nang pasok ang titë niya sa loob ko. Napakasarap kasi tinamaan niya agad ang g-spot ko. Mukhang sinadya niya agad gawin ‘yon. Pumikit na lang ako at ngumanga para damhin ang masarap na pagkasta sa akin ni ninong. Oo, sobrang sarap kakasta nitong si Everett. Sa tuwing mayuyugyog ang katawan ko habang nasa ibabaw ko siya, sarap na sarap ako. Sakop na sakop ng mataba niyang titë ang loob ng pëpë kong bumabaha na ang basa sa loob.Ang mg
Misha’s POVHindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa mga oras na ‘to, pero siguro ay dahil sa balitang sinabi sa akin ni Rei sa akin kaninang tanghali. Biglaan siyang tumawag sa akin habang humihingal at parang kinakabahan. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang nakikinig sa kanya, pero ang bawat salitang lumabas sa bibig niya ay parang karayom na tinutusok ang dibdib ko.“Si Everett…” nagsimula siya at bago pa man siya matapos ramdam ko na ang pagkabog ng puso ko. “May nangyari sa kanya. Kailangan mo siyang puntahan dito sa bahay namin, Misha.”Hindi ko na natanong kung ano ang eksaktong nangyari, basta bigla na lang akong nag-ayos at lumabas ng bahay. Pinigilan pa ako ni Ate Ada pero dahil tuliro na ako, hindi na niya ako napigilan. Nakakalito ang takot na nararamdaman ko—parang hindi ako makapag-isip ng maayos. Nagmamadali ako pumunta sa bahay ni Rei, kung saan daw nila dinala si Everett pagkatapos ng insidente.Pagdating ko roon ay tahimik ang paligid. Kakaiba, parang may
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu
Misha’s POVTahimik akong tumayo sa tabi ng kama ni Marlyn, ang malamig na hawak kong baril ay nakapaloob pa rin sa aking jacket. Ang ilaw ng buwan ay nagbibigay ng kakaunting liwanag sa kaniyang mukha. Ang bawat paghinga niya, ang bawat kaluskos ng kumot, parang musika na nagdaragdag sa tensyon ng gabi.Hinugot ko ang facemask ko nang bahagya para makahinga nang mas maayos. Kasabay nito, hinugot ko rin ang baril mula sa jacket at itinutok ito sa mukha niya. Sa pagkakataong ito, alam kong wala nang atrasan. Napuno ng adrenaline ang bawat hibla ng katawan ko.“Marlyn!” Ang mabigat kong tinig ay sapat para gulatin siya mula sa mahimbing niyang tulog. Ang kaniyang mga mata ay mabilis na bumukas, at ang takot ay agad na bumalot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ito sa baril o sa itim na cap at facemask na suot ko. Pero ang mahalaga, nakuha ko na ang atensyon niya.“S-sino ka po? Huwag po!” natatakot niya agad na sabi.“Nasaan ang pantal?” tanong ko habang malamig ang boses ko, p
Misha’s POVAng bigat ng gabi ay parang nagpapasan ng bawat galit na kinikimkim ko. Tahimik kong tinanaw ang mukha ni Everett habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Wala siyang kamalay-malay sa plano kong gawin ngayong gabi. Mahal ko siya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko kayang humingi ng tulong mula sa kanya kasi alam kong kayang-kaya ko na ang mahinang babaeng iyon. Alam kong pipigilan niya ako, pero hindi ako papayag na palampasin ang ginawa ni Marlyn.Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. Binayaran man siya o hindi, ginawa niya ang imposible para sirain ako at ang lahat ng pinaghirapan ko. Kaya ngayon, gagawin ko rin ang imposible. Tiyak na manginginig siya sa takot ngayong gabi kapag nagkaharap kami.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, iniingatang huwag makagawa ng kahit anong ingay para hindi magising ang asawa ko. Nang maibalik ko ang kumot sa katawan ni Everett, tinitigan ko siya nang saglit, malalim ang tulog niya kaya sure na akong hindi siya magigising. Sa is
Misha’s POVSa kabila ng dapat ay masayang selebrasyon, nanatili akong nakaupo sa harap ng laptop, ramdam ang bigat sa dibdib habang pinapanood ang video ng babaeng nagrereklamo laban sa M&E skincare. Sa video, nanginginig pa siya habang ipinapakita ang namumula, namamantal, at sugat-sugat niyang balat. “Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Sinubukan ko lang kasi viral sa social media. Pero tingnan niyo naman... ang sakit-sakit!”Tumigil ako sandali sa paghinga. May parte ng sarili kong naniniwala sa kasinungalinga niya, pero kasi one hundred percent akong sure na safe sa all skin type ang product namin. Parang totoong-totoo ang sinasabi niya. Pero sa likod ng pagiging magaling niyang umarte, alam kong may mali. Napakabilis ng mga pangyayari. Kahapon lang, trending sa social media ang M&E skincare, ang produktong taon kong inaral, pinaghirapan, at sinigurong ligtas gamitin. Pero ngayon, parang lumalabas na may mali sa product namin.Dahan-dahan akong huminga nang malalim, pilit
Misha’s POVHabang tumatakbo ang araw, abala ang bawat miyembro ng team sa iba’t ibang gawain. Ang mga PR package ay maingat na na-load sa mga delivery van, habang ibang staff ko ay patuloy na nakikipag-coordinate sa logistics team ni Everett para matiyak na ang bawat package ay makarating sa tamang destinasyon. Habang pinapanood ko ang lahat mula sa gilid, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng pagod mula sa event kagabi, ramdam ko ang sigla at kasabikan na parang bagong simula para sa akin. Lumapit si Everett na may dalang dalawang tasa ng kape. Inabot niya sa akin ang isa habang ngumiti. “Here, take a break for a minute. You’ve been working non-stop since this morning.”“Thank you, honey,” sabi ko, tinanggap ang tasa. Saglit akong tumingin sa kaniya, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi palagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na tulad nito.“Everything’s running smoothly. By the end of the day, those packages will be in the hands of the top influencers in the coun
Misha’s POVPagdilat ng mga mata ko, bumungad agad ang liwanag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng presidential suite. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ko ang presensiya ni Everett sa tabi ko. Nakayakap ang isang braso niya sa aking baywang, mahigpit ngunit banayad, habang ang kaniyang mukha ay guwapo pa rin kahit nakanganga siyang matulog.Ngunit hindi ko maiwasang bumalik sa realidad. Bumaling ako sa gilid, kinuha ang cellphone ko, at doon ko nakita ang umaapaw na mga notification. Social media posts, comments, at mentions—halos lahat ay tungkol sa event kagabi.“Everett,” mahina kong tawag sa kaniya habang bahagyang iniuga ang balikat niya.“Hmm?” ungol niya, hindi man lang dumilat.“Wake up, we’re viral,” sabi ko, kahit alam kong kalahati lang ang naiintindihan niya habang nasa pagitan ng tulog at gising.Dumilat siya, bahagyang napakunot ang noo. “Viral? What do you mean?”“It’s all over social media. The launch of M&E Skincare is the talk of the town. People are post
Everett’s POVPagod kami ni Misha, pero masaya. Success itong ginawa ng asawa ko kahit na maraming nangyaring problema nitong mga nagdaang linggo.Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Misha habang sabay kaming naglalakad palabas ng grand ballroom ng Tani Luxury Hotel. Kakatapos lang ng matagumpay na collaboration event ng M&E Skincare at ng Tani Luxury Hotels, at ramdam ko pa rin ang init ng mga ilaw, ang tunog ng mga palakpak, at ang matamis na ngiti ng mga bisita habang nagkakainan at nagtatawanan.“Everett, are you sure hindi na muna tayo uuwi?” tanong niya, bahagyang bumubulong. Parang nahihiya siyang marinig ng ibang staff niya rito na rito kami mag-stay. Eh, bakit ba, mag-asawa naman na kami. Siguro, dahil ayaw niyang makita ng mga staff niya ang ganoong side niya. Naalala ko, strikto na nga pala siya sa mga tauhan niya rito.Tumigil ako at humarap sa kaniya. Nakapulupot ang buhok niya sa kanyang balikat, at ang kanyang mata, parang bituin sa kalangitan, kumikislap sa ilalim ng d