Misha’s POVTulog na si Ate Ada. Nakatulog siya sa pinainom kong juice na may halong pampatulog. Sakto, dumating na rin si Jaye dito sa bahay namin. Pinapunta ko siya para ayusan ako. Walang makakapigil sa akin, pupunta ako sa birthday party ni Everett kahit ayaw niya. Ilang beses ko ‘tong pinag-isipan buong maghapon. Ayokong tumunganga lang. Gusto kong makasaksi ng birthday party ng isang bilyonaryo.“Ano bang susuotin mo?” tanong ni Jaye habang nasa closet room ko siya. “Tang-ina, grabe ‘tong mga luxury item mo dito. Hindi ko kinakaya ang mga presyo nito. Iba talaga ‘yang lalaking nasungkit mo. Kung magkakatuluyan kayo, tiba-tiba ka na talaga. Magandang-maganda na ang future mo at pati na rin ng mga magiging anak ninyo,” sabi pa niya habang patuloy na umiikot sa loob ng closet room ko.Hindi ko siya masagot kasi kino-contact ko si Garil. Kanina ko pa ‘to tinatawagan, kaya lang ayaw niyang sumagot. Hindi kasi ako kapagdaka makakapasok sa party na ‘yon kung wala akong invitation, kail
Misha’s POVDumating na kami ni Jaye sa venue ng birthday party ni Ninong Everett. Ngayong lang nakarating dito sa manisyon nila Everett si Jaye kaya siya naman ngayon ‘yung nakanganga ang bibig habang naglalakad na kami dito sa garden palang.Sa garden palang ay laglag na ang panga niya sa mga luxury car display dito. At siyempre, kay Everett lahat ng ‘yan. Sila ang may-ari ng company ng Luxury Car dito sa Pilipinas kaya hindi ‘to puwedeng mawala sa mga pa-eksena niya sa birthday party niya. Ang dinig ko nga sa ibang mga bisita ay ito ‘yung mga model ng sasakyan na palabas palang. Kumbaga, lahat ng guest niya ngayon ay masuwerteng unang makakakita sa mga magagandang kotse na ‘to.“Misha, mag-aala-princessa ka pala kapag nagkatuluyan kayo,” sabi niya habang nakapalupot ang mga kamay niya sa braso ko. “Ngayon, gets ko na ang papa at mama mo kaya botong-boto sila kay Everett. Kung ako man, botong-boto na rin sa kaniya para sa ‘yo,” dagdag pa niya habang parang kinikilig. Kahit ako man,
Misha’s POV“Oh, Everett, nasaan ka ba? Oo, nandito kami sa swimming pool area. Anyway, may gurang na nang-aaway sa amin dito, sino ba ‘to? Bakit nang-aaway ang isang ‘to?” sabi ni Jaye na biglang tinapat ang cellphone sa tenga niya. Nakita ko tuloy na namilog ang mga mata ni Tita Maloi. Nakitaan ko rin siya ng takot kasi hindi niya inaasahang magsusumbong si Jaye. Kahit ang totoo ay alam kong uma-acting lang si Jaye kasi wala naman siyang phone number ni Everett.Inagaw nito bigla ang cellphone ni Jaye. “Huwag kang magsumbong, bruha ka,” sabi nito habang galit na galit ang boses. Nakakatakot ang mukha niya. Parang gustong-gusto na niyang manakit. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang siya kagalit. Na para bang may nagawa akong kasalanan sa kaniya. Dahil kaya ito sa nangyari kay Rei? Bakit, inasikaso naman siya nang maayos nung magpunta ito sa bahay ah? Anong pinuputok ng butchi niya?Pero bago pa man makita ni Tita Maloi ang screen ng cellphone ni Jaye, nakipag-agawan na rin agad s
Misha’s POVPaglabas namin ni Jaye sa garden ay naka-ready na ang lalaking emcee sa stage. Nang mapuno na ang garden ng mga bisita ni Everett ay nag-umpisa na rin ang pinaka-main program ngayong gabi.“Good evening, distinguished guests! Tonight, we’re not just here to celebrate—we’re here to witness a night filled with extravagance and luxury, befitting a true billionaire. The moment has arrived to welcome the star of our celebration, someone who has brought inspiration, success, and an undeniable energy to everyone around him. So, get ready for an entrance full of surprises and grand festivities. Please join me in welcoming, with all the glitz and glamour, our birthday celebrant… the one and only… Everett Tani!”Nung lumabas na sa stage si Everett ay nakatutok ang lahat sa kaniya. Madilim ang buong paligid, tanging spotlight lang ang nakatutok sa entrance. Hanggang sa dahan-dahan nang lumabas sa pintuang ‘yon ang napakaguwapong si Everett.“Ang suwerte mo, girl. Napakaguwapo ng nino
Misha’s POVNanginginig ang mga daliri ko habang nakatingin kay Everett na gulat na gulat matapos banggitin ang ng emcee ang pangalan ko. Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito—todo panalangin na ako na sana ay hindi ako mabunot, pero ako pa rin ang nabunot.“Suwerte talaga ang buntis!” tuwang-tuwang sabi ni Jaye habang napapatalon pa sa tuwa.“Congratulations! Pakipunta na lang po sa stage, Miss Misha, para kunin ang inyong premyo!” sigaw ng emcee sabay turo sa tabi ni Everett na parang seryoso na lalo ang mukha ngayon. Narinig ko ang ingay ng mga tao, pero ang tunog ng pintig ng puso ko ang pinakamalakas sa lahat.Nagpalakpakan ang mga tao, naghihiyawan pa ang ilan sa excitement. Paano nga ba hindi magugulo ang isip ko? Ang dami kong puwedeng maging problema ngayong gabi, pero mas pinili kong unahin ang pagpunta rito. Oo na, matigas na ang ulo ko. Alam kong hindi magugustuhan ni Everett na makita ako sa party niya, pero gusto ko kasing masaksihan ang party ng mga bilyonaryo. Ngayon k
Misha’s POVHabang tumatakbo ako palayo kay Everett, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. Parang bawat pintig ng puso ko’y may kasamang kurot ng pangungulila at galit—sa kanya, sa sarili ko, sa lahat ng taong nasa paligid namin na tila walang alam sa nangyayari. Ang ingay ng party ay tila musika sa isang pelikulang may magulong kuwento. Walang nakakapansin sa totoong nangyayari sa likod ng mga ngiti at engrandeng kasiyahan.Huminto ako sa gilid ng isang haligi, pilit na pinapakalma ang mabilis kong paghinga. Hawak ko pa rin ang susi ng kotse—ang premyo na tila walang halaga kumpara sa naging alitan namin ni Everett. Ipinikit ko ang mga mata ko, sinubukang isaisip ang bawat dahilan kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito. Para sa anak namin. Para sa farm namin, sige. at para sa sarili ko. Para sa pagmamahal na pilit kong pinanghahawakan kahit na mukhang palaging nasa gilid ng pagkawasak. Okay, sige, ganito na lang. Iisipin ko na lang na para sa kinabukasan ko ‘to. Para sa magandang kina
Misha’s POVLumapit siya sa akin, halos magkadikit na kami at tiningnan ako ng diretsong-diretso, para bang sinasabi ng mga mata niya ang lahat ng hindi niya masabi. Napansin ko na nakatingin na sa amin ang ibang mga tao. Ang ilan ay nage-gets na rin siguro kung sino ako. Karamihan kasi sa narito ay na-meet na ako. Pero ang iba ay nagtataka kasi hindi pa ako kilala. Marahil ay iniisip nila na ako na ang girlfriend ni Everett. Dahil dito, dahil sa kinikilos naming dalawa.“Ano ang gusto mong gawin ko, Misha?” tanong niya na tila nawawala sa sarili. “Sabihin mo kung ano ang dapat kong gawin para matigil na ‘to.”Nakakakonsensya na para bang palagi na lang akong sakit sa ulo niya. Na para bang palagi akong isip-bata na pinaiinit lalo ang ulo niya. Na wala na akong ginawang tama. Na ang tingin ko tuloy sa sarili ko ay para akong bobong tao na mahirap umintindi. Ganoon ang napi-feel ko habang tumatagal na puro siya na lang ang nasusunod. Porket ba siya ang gumagastos, ganoon? Oh, sadyang h
Misha’s POVMaaga akong nagising ngayong araw. Ewan, parang hindi nga ako nakatulog kagabi dahil sa mga nangyari sa birthday party ni Ninong Everett. Kagabi pa paulit-ulit na nag-e-echo sa tenga ko ang mga sinabi niya sa akin. Para akong nananaginip. Si Jaye, siya ang nag-drive ng luxury car na napalanunan ko. Dito na nga rin siya natulog. Nandoon ito sa guest room namin. Lasing na lasing ang gaga kagabi kasi pag-uwi namin, humingi pa siya ng wine sa akin kasi nabitin daw siya sa birthday party ni Everett.Paglabas ko ng kwarto, bumungad sa akin ang pamilya ko, nakangiti. Hindi ko maintindihan pero lahat sila parang may lihim na hindi ko alam.“Anong nangyayari?” tanong ko habang bumababa ako sa hagdan. Si Mama, na abala sa pag-aayos ng mesa ay napangiti sa akin. “Misha, maghanda ka na. May pupuntahan tayo,” sabi niya habang puno ng excitement ang boses niya. Ayoko ng ganito. Hindi ako sanay na ganito sila.“Pupuntahan? Saan?” Hindi ko maiwasang magduda. Paano, pagkatapos ng lahat ng
Ada POVDahil sa pagbabalik ni mama sa buhay namin, at sa pagtanggal sa trono ni Sora na mama ni Verena, naisip ko na kailanman ay hindi na magkakasundo ang Mama Franceska ko at si Verena.Si Verena—ang anak ng taong sumira sa buhay ng Mama ko noon. Kahit pa hindi kasalanan ni Verena ang mga ginawa ni Sora, hindi ko rin masisisi ang Mama kung bakit hindi niya agad pinansin si Verena kasi sinabi ko rin sa kaniya kung anong naging trato nito sa akin nitong mga nagdaang buwan. At dahil doon, kaya siguro nagalit o nagtampo din sa kaniya si mama.Pero nitong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. Napansin kong kahit paano, nagiging mabuti na ang Mama kay Verena. Kapag lunch o dinner, lagi niyang tinatawag si Verena para isabay sa pagkain namin.Hindi ito ‘yung tipong pilit lang o dahil anak pa rin siya ni papa. Ramdam kong genuine ito."Verena, come eat with us," madalas kong marinig na tawag ni Mama kapag nakikita niyang nasa malayo lang ito.At kahit pa minsan ay tila nag-aala
Ada POVPagkatapos ng isang marangyang kasal sa Paris, hindi pa rin natatapos ang kasiyahan. Ngayong gabi, sa loob ng aming mansiyon, sinamahan namin ni Mishon sina Mama Franceska at Papa Ronan sa pagbubukas ng kanilang mga regalo.At dahil halos lahat ng bisita ay bigatin—mga supermodels, fashion moguls at high-profile celebrities—inaasahan na naming hindi lang basta mamahalin ang mga regalong natanggap nila, kundi sobrang sosyal at nakakasilaw sa halaga.Nakaupo kami sa malawak na sala ng mansiyon, napapaligiran ng mga malalaking kahon na natatakpan ng mamahaling wrapping paper."Let's see what we got," natatawang sabi ni Papa habang kinukuha ang unang kahon.Si Sora naman ay palihim na patingin-tingin. Halatang naiinggit.Binuksan niya ito at sa loob ay isang exquisite diamond-encrusted Fabergé egg mula sa isang Russian billionaire na kilala sa pagko-collect ng rare artifacts."Damn, this could go straight to a museum," biro ni Mishon kaya natawa kaming lahat. Kahit kasi siya ay na
Ada POVHindi ko akalaing darating ang araw na ito.Ang araw kung kailan magiging opisyal na mag-asawa ang aking mga magulang. Sabi ni mama, ikakasal daw dapat sila dati ni papa, magaganap iyon pagkapanganak sa akin, pero dahil pinalabas ni Sora na namatay ako noong baby pa ako para manakaw niya ako, hindi natuloy ang dapat na masayang kasal nila. Pero dahil ang tadha pa rin ang masusunod, talagang sila pa rin sa huli ang magkakatuluyan.Matapos ang mahabang taon na pagiging single ni mama, na puro business at pagpapayaman na lang ang inisip, heto at hindi niya raw inaasahang pagkalipas ng mahabang taon ay ikakasal pa rin siya sa first love niya.Matapos ang lahat ng drama—narito na kami ngayon, sa pinakamagarbong kasal na nasaksihan ko sa buong buhay ko.Dahil ngayong araw, ikakasal na si Mama Franceska kay Papa Ronan.Nung nakaraang linggo nga ay may eksena pa bago ang masayang kasalan na ito. Noong una kasi ay ayaw pumirma ni Sora.Nakita ko kung paano siya humagulgol, halos hindi
Mishon POVMasarap ang merienda kahit nung una ay inisip ko na mukhang hindi maganda ang lasa. Masaya ang kwentuhan. Pero kahit pa gaano kasarap ang pagkaing hinanda ni Ada, hindi ko pa rin makalimutan ang ginagawa ni Verena kanina.Nasa likod lang siya, tahimik pero may pasimpleng panunuya. Alam kong may gustong ipahiwatig ang ginagawa niyang paghehele, pero ayaw kong patulan siya sa harap ni Ada. Kaya nang matapos kaming kumain at biglang nagpaalam si Ada para magbanyo, alam kong pagkakataon ko na ito.Dahan-dahan akong tumayo, naglakad papunta sa sala kung saan naroon si Verena ngayon. Sakto naman na nasa second floor si Sora.Nakahilig siya sa sofa, hawak ang baso ng juice, tila walang pakialam sa mundo. Pero alam kong alam niyang paparating ako. Tumigil ako sa harap niya, saka nagsalita sa mababang boses."You need to stop messing with me, Verena," malamig kong sabi. "Or else, I’ll start messing with you."Napataas ang kilay niya, saka ngumiti nang malapad. Alam kong iniinsulto n
Mishon POVMay kung anong ingay na bumabasag sa katahimikan ng umagang iyon. Medyo may hang-over pa ako dahil sa ilang basong wine na nainom kagabi sa pa-party ni Ada sa mama niya.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, habang pilit na nilalabanan ang antok.Matapos ang announcement ni Ada, bumaha ng mensahe sa phone ko, pero hindi ko na binasa lahat. Gusto ko lang matulog nang mahimbing, pero mukhang hindi iyon mangyayari ngayong umaga. Dapat alas nuebe pa ang gising ko.Napakunot ang noo ko nang mapansin ang ingay mula sa labas. Parang may rally? Demonstration?Pero nang humakbang ako papunta sa terrace ng kuwarto ko, doon ko nakita ang totoong kaguluhan."What the hell…?"Sa harap ng mansyon ko ay napakaraming tao ang nag-aabang—mga lagpas siguro isang daan.May mga banner pang hawak ang iba. May nagsisigawan. May nag-aabot ng mga papel. At may iba na sumisigaw ng pangalan ko?! "Mishon! Come out!" "We love you, Mishon!" "You're so hot! Can I take a picture with you?!" Putang—
Mishon POVHalos napagod ako sa ilang reporter na nag-interview sa akin. Dahil sa announce ni Ada na boyfriend niya ako, halos lahat ng tao rito ay nakatingin at interesado sa akin. Tiyak na viral ako sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. In-announce ba naman ng sikat kong girlfriend na ako ang boyfriend niya.Nakaka-proud pero ang tapang ni Ada kasi hindi siya natakot na mag-announce na ako ang boyfriend niya. Naisip ko tuloy na talagang seryoso na rin siya sa akin.Sobrang happy ko kasi hindi ko talaga inaasahang mangyayari ito ngayong gabi. Hindi lang para sa mama niya ang party na ito kundi para na rin sa akin.Sa totoo lang, ang daming message sa akin ng mga kaibigan kong nasa Pinas. Pati sina mama, papa, Everisha, Czedric, Edric at ang iba ko pang mga malalapit na tao sa Pinas ay sunod-sunod na nag-message sa akin. Ang ilan kasi na reporter kanina ay naka-live sa social media nila kaya agad na kumalat ang balita.Sa totoo lang, parang instant celebrity ang nangyari sa akin, gan
Ada POVNapakaganda ng gabi. Ang Paris ay punong-puno ng ilaw at sa pinakamagandang ballroom ng isang sikat na five-star hotel, nagsama-sama ang ilan sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.Tonight is not just about celebrating a homecoming. Tonight is about revealing the truth.Sa loob ng ballroom, kumikinang ang mga chandelier at sa bawat sulok ay makikita ang ginto at kristal na dekorasyon na pinaayos kong mabuti kasi gusto ko ay bongga ang magaganap ngayon dito. Ang mga bilugang mesa ay natatakpan ng pinakamamahaling tablecloths, bawat isa may centerpiece na gawa sa mga sariwang bulaklak mula sa flower farm ng mama ko. Ang champagne ay umaapaw sa bawat baso, at ang pagkain—isang kombinasyon ng French haute cuisine at ilang paborito kong pagkain mula sa Pilipinas—ay inihain ng pinakamagagaling na chef sa Paris.Umubos ako ng malaking pera ngayong gabi kasi gusto kong maramdaman ni mama na sobrang saya ko na makakasama ko na siya sa buhay namin ni Papa Ronan.Ang mga bisita? Mga sikat
Mishon POVSa bawat pagbubuhat ng lupa, sa bawat hakbang na may dalang mga sako ng bulaklak, kitang-kita ko ang bigat sa parusa namin kay Oliver.Bilog ang araw sa langit, at ang init ay parang apoy na bumaba mula sa langit para tupukin ang bawat patak ng pawis niya. Nakayuko siya, hawak ang isang mabigat na kahon na puno ng mga bouquet na ide-deliver sa city ng Paris. Sa tabi niya, may isang tumpok ng mga paso at kailangan niyang buhatin ang lahat ng iyon sa kabilang dulo ng flower farm.Alam kong hindi madali ang ginagawa niya—pero iyon ang punto ng lahat ng ito. Ang mahirapan siya ng mahabang taon matapos magpakasarap sa ginagawa niyang pang-scam sa mga ginang na gaya ng pekeng mama ni Ada na halos pera ni Ada ang nakuha niya."Faster, Oliver!" sigaw ng isa sa mga tagapamahala ng farm. "You're too slow!"Napangiwi si Oliver pero hindi siya sumagot. Wala siyang karapatan. Ito ang pinili niyang kapalaran, at wala siyang ibang magagawa kundi lunukin ito.Nagpalit siya ng trabaho pagka
Ada POVAng araw na ito ang simula ng panibagong kabanata ng buhay ko. Wala na akong dapat ikatakot. Nasa akin na ang hustisya.Kahapon, dahil duguan sina Sora at Verena, dinala sila sa ospital, pero hindi sila hinayaang makatakas dahil hindi pa kami tapos sa kanila. Pagkagamot sa kanila, dinala ulit sila sa bahay at doon kinulong sa guest room, pasalamat sila at sa guest room sila mag-stay at hindi sa yaya area.Kapatid ko pa rin sa ama si Verena kaya kahit siya na lang ang tignan ko ng kahit kaunti, kung magbabago pa siya, pero kung hindi, magagaya lang siya sa demonyitang ina niya.Si Mama Franceska—ang tunay kong ina—ay opisyal nang lumipat sa mansiyon ko. Hindi na siya magpapanggap bilang isang estranghera sa buhay ko. Wala nang distansiya, wala nang paghihiwalay. Makakasama ko na siya, sa wakas.Ang galing lang talaga ng boyfriend kong si Mishon. Hulog siya ng langit sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya, baka habang buhay na akong mabuhay sa kasinungaling mayroon ang buhay ko hab