Misha’s POV Nagising ako na magkatabi at magkayakap kami ni Ninong Everett. Nagulat pa ako na parehas kaming hubü’t hubäd. Gusto ko na sanang tumayo kasi gusto ko nang magbihis, kaya lang naaanlig ako sa pagtitig sa mukha niya. Sa malapitan, talagang ang amo ng mukha ni ninong. Kahit tulog, guwapo pa rin. “Tatayo ka na ba?” Nagulat ako na gising na pala siya. Nahiya tuloy ako na nakatitig ako sa kaniya. Gusto ko na sanang tumayo at bumaklas sa kaniya. Kaya lang napansin ko na siya pala ang nakayakap sa akin. “Puwede bang tumayo na ako?” tanong ko sa kaniya habang nahihiya ang boses. Dati, ako ‘yung may gusto na makipaglandian sa kaniya. Pero kapag naman heto na, parang ako ‘yung tumitiklop. “Hindi ba’t ganito ang gusto mo. Sweet. Ngayong ganito na tayo, bakit parang ikaw pa ang umaayaw.” Nakakainis. Hindi ko inaasahang sasabihin niya ‘to. Pero, tama naman siya. Sa ganitong pagkakataon dapat sinasamantala ko na. Imbis sumagot, hindi na lang ako nagsalita. Hinayaan ko na lang
Everett’s POVBanas na banas ako nang madatnan ko pa ring nakabuntot si Garil kay Rei nang puntahan ko na sila. Grabe, ilang oras na akong nakatulog sa tabi ni Misha, tapos ganito pa rin pala ang eksena nilang dalawa. Nakakahiya kay Garil. Si Rei naman na lasing na lasing, panay ang pahabol kay Garil. Hindi ko alam kung lasing pa ba ‘tong tama niya o tama na ito nang pinagbabawal na gamot. Hinila ko na si Garil para itigil na niya ang paghahabol kay Rei, dahil alam kong pagod na pagod na rin siya. Nang tignan ko si Garil ay pawis na pawis na ito. Haggard na haggard na siya.“Sige na, bro. Ako nang bahala sa kaniya,” sabi ko habang hawak ko ang kamay niya.“Sure ka? Naku, napaka-kulit niyan. Ayaw papigil. Kanina, muntik pa akong sapakin sa mukha ko. Mabuti na lang at nakaiwas ako,” sagot naman niya habang natatawa. Pangiti-ngiti lang si Garil, pero sa loob-loob nito ay inis na rin siya. Nahihiya lang din ito sa akin kaya tinatago niya ang inis.“Subukan lang niyan, sasampalin ko siya na
Misha’s POVAlas otso na ng umaga pero wala pa rin si Ate Ada. Kaya naman nagkaroon ako ng time para lumabas ng bahay. Gustong-gusto ko na kasi talagang masilip ang pinapagawa kong swimming pool resort.Alas nuebe nang dumating ako sa swimming pool resort. Nag-taxi na lang muna ako. Sa labas palang, dinig ko na agad ang mga gumagawang mga labor namin. Sa entrance, medyo buo na ang iba. Hindi mawala ang ngiti ko habang nililibot ko ang buong resort. Malaki na nga ang nabago. Mabilis silang gumawa.Kinausap ako ng isang labor nang makilala niya ako. Sinabi niya na kayang-kaya nila itong tapusin ng tatlong buwan. Natuwa ako kasi ‘yun talaga ang gusto kong mangyari. Sa sobrang tuwa ko, inutusan ko ang isa sa kanila na bumuli ng merienda nila. Para naman ganahan silang magtrabaho lalo.Pagkatapos kong dalawin ang resort ko, dumaan na rin ako sa isang coffee shop. Naisipan kong doon na mag-almusal kasi nagugutom na rin ako. Paminsan-minsan, masaya ring mapag-isa. Binati ako ng isang staff p
Misha’s POVPag-uwi ko sa bahay namin ay nandoon na si Ate Ada. Nakangiwi ito nang makita ako. “Saan ka po nanggaling?” tanong niya agad sa akin. Sa tingin ko ay napagalitan siya nang dahil sa akin. “Nasa kuwarto po ninyo si Sir Everett, galit na galit. Hindi lang sa akin kundi sa ‘yo rin po,” sabi pa niya.Nilapitan ko si Ate Ada. “Ate, sorry, ha. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko. Pero, don’t worry, akong bahala sa ‘yo. Saka, nagkape lang naman ako sa labas,” sabi ko sa kaniya at saka ko siya niyakap kasi alam kong pinagalitan talaga siya ni Everett. “Sina mama at papa ay wala na po ba rito?” tanong ko pa.“Wala, kaya nga po napagalitan ako nang malala ni Sir Everett. Nasigawan niya ako kasi hindi ka niya nadatnan dito. Tapos, nakita pa niya ‘yung post mo sa social media na nagkakape ka po,” sagot niya kaya lalo akong natawa. Kaya naman pala galit na galit siya. Eh, ano ba naman kasi ang masama sa pagkape sa labas? Isa pa, hindi pa naman ako hirap sa pagbubuntis. Masyado siyang
Misha’s POVPauwi na kami galing sa OBY-GYN ko, hindi na naman maipinta ang mukha ni Everett matapos niyang malaman na pineke ko ang pagkakaroon ko ng lagnat ngayong araw. Hindi kasi siya pumayag na hindi ako ipatingin sa doctor kaya wala akong nagawa. Sumama na ako sa kaniya kanina para magpa-check up.“Here’s the problem with you, Misha: makulit, matigas ang ulo at sinungaling pa. Why didn’t you just admit the truth when we were still at your house? Hindi sana nasayang ang oras ko. Alam mo naman may pinagkaka-busy-han ako ngayon. Pinili kong pumunta sa ‘yo kasi pati si Ate Ada, sinali mo sa kalokohan mo, pinalabas mo pang may lagnat ka kahit wala naman talaga!”Hindi ako puwedeng sumagot kasi talagang mali ako rito. Para talaga sa kaniya ay ginto ang oras. Sabagay, busy nga pala talaga siya dahil sa paghahanda niya ng birthday party niya. Sa tingin ko ay tila mas galit siya ngayon kaysa kahapon. Akala ko pa naman ay magiging okay na kami.“Sorry na, huwag ka nang magalit. Saka, huwa
Misha’s POVTulog na si Ate Ada. Nakatulog siya sa pinainom kong juice na may halong pampatulog. Sakto, dumating na rin si Jaye dito sa bahay namin. Pinapunta ko siya para ayusan ako. Walang makakapigil sa akin, pupunta ako sa birthday party ni Everett kahit ayaw niya. Ilang beses ko ‘tong pinag-isipan buong maghapon. Ayokong tumunganga lang. Gusto kong makasaksi ng birthday party ng isang bilyonaryo.“Ano bang susuotin mo?” tanong ni Jaye habang nasa closet room ko siya. “Tang-ina, grabe ‘tong mga luxury item mo dito. Hindi ko kinakaya ang mga presyo nito. Iba talaga ‘yang lalaking nasungkit mo. Kung magkakatuluyan kayo, tiba-tiba ka na talaga. Magandang-maganda na ang future mo at pati na rin ng mga magiging anak ninyo,” sabi pa niya habang patuloy na umiikot sa loob ng closet room ko.Hindi ko siya masagot kasi kino-contact ko si Garil. Kanina ko pa ‘to tinatawagan, kaya lang ayaw niyang sumagot. Hindi kasi ako kapagdaka makakapasok sa party na ‘yon kung wala akong invitation, kail
Misha’s POVDumating na kami ni Jaye sa venue ng birthday party ni Ninong Everett. Ngayong lang nakarating dito sa manisyon nila Everett si Jaye kaya siya naman ngayon ‘yung nakanganga ang bibig habang naglalakad na kami dito sa garden palang.Sa garden palang ay laglag na ang panga niya sa mga luxury car display dito. At siyempre, kay Everett lahat ng ‘yan. Sila ang may-ari ng company ng Luxury Car dito sa Pilipinas kaya hindi ‘to puwedeng mawala sa mga pa-eksena niya sa birthday party niya. Ang dinig ko nga sa ibang mga bisita ay ito ‘yung mga model ng sasakyan na palabas palang. Kumbaga, lahat ng guest niya ngayon ay masuwerteng unang makakakita sa mga magagandang kotse na ‘to.“Misha, mag-aala-princessa ka pala kapag nagkatuluyan kayo,” sabi niya habang nakapalupot ang mga kamay niya sa braso ko. “Ngayon, gets ko na ang papa at mama mo kaya botong-boto sila kay Everett. Kung ako man, botong-boto na rin sa kaniya para sa ‘yo,” dagdag pa niya habang parang kinikilig. Kahit ako man,
Misha’s POV“Oh, Everett, nasaan ka ba? Oo, nandito kami sa swimming pool area. Anyway, may gurang na nang-aaway sa amin dito, sino ba ‘to? Bakit nang-aaway ang isang ‘to?” sabi ni Jaye na biglang tinapat ang cellphone sa tenga niya. Nakita ko tuloy na namilog ang mga mata ni Tita Maloi. Nakitaan ko rin siya ng takot kasi hindi niya inaasahang magsusumbong si Jaye. Kahit ang totoo ay alam kong uma-acting lang si Jaye kasi wala naman siyang phone number ni Everett.Inagaw nito bigla ang cellphone ni Jaye. “Huwag kang magsumbong, bruha ka,” sabi nito habang galit na galit ang boses. Nakakatakot ang mukha niya. Parang gustong-gusto na niyang manakit. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang siya kagalit. Na para bang may nagawa akong kasalanan sa kaniya. Dahil kaya ito sa nangyari kay Rei? Bakit, inasikaso naman siya nang maayos nung magpunta ito sa bahay ah? Anong pinuputok ng butchi niya?Pero bago pa man makita ni Tita Maloi ang screen ng cellphone ni Jaye, nakipag-agawan na rin agad s
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu
Misha’s POVTahimik akong tumayo sa tabi ng kama ni Marlyn, ang malamig na hawak kong baril ay nakapaloob pa rin sa aking jacket. Ang ilaw ng buwan ay nagbibigay ng kakaunting liwanag sa kaniyang mukha. Ang bawat paghinga niya, ang bawat kaluskos ng kumot, parang musika na nagdaragdag sa tensyon ng gabi.Hinugot ko ang facemask ko nang bahagya para makahinga nang mas maayos. Kasabay nito, hinugot ko rin ang baril mula sa jacket at itinutok ito sa mukha niya. Sa pagkakataong ito, alam kong wala nang atrasan. Napuno ng adrenaline ang bawat hibla ng katawan ko.“Marlyn!” Ang mabigat kong tinig ay sapat para gulatin siya mula sa mahimbing niyang tulog. Ang kaniyang mga mata ay mabilis na bumukas, at ang takot ay agad na bumalot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ito sa baril o sa itim na cap at facemask na suot ko. Pero ang mahalaga, nakuha ko na ang atensyon niya.“S-sino ka po? Huwag po!” natatakot niya agad na sabi.“Nasaan ang pantal?” tanong ko habang malamig ang boses ko, p
Misha’s POVAng bigat ng gabi ay parang nagpapasan ng bawat galit na kinikimkim ko. Tahimik kong tinanaw ang mukha ni Everett habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Wala siyang kamalay-malay sa plano kong gawin ngayong gabi. Mahal ko siya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko kayang humingi ng tulong mula sa kanya kasi alam kong kayang-kaya ko na ang mahinang babaeng iyon. Alam kong pipigilan niya ako, pero hindi ako papayag na palampasin ang ginawa ni Marlyn.Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. Binayaran man siya o hindi, ginawa niya ang imposible para sirain ako at ang lahat ng pinaghirapan ko. Kaya ngayon, gagawin ko rin ang imposible. Tiyak na manginginig siya sa takot ngayong gabi kapag nagkaharap kami.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, iniingatang huwag makagawa ng kahit anong ingay para hindi magising ang asawa ko. Nang maibalik ko ang kumot sa katawan ni Everett, tinitigan ko siya nang saglit, malalim ang tulog niya kaya sure na akong hindi siya magigising. Sa is
Misha’s POVSa kabila ng dapat ay masayang selebrasyon, nanatili akong nakaupo sa harap ng laptop, ramdam ang bigat sa dibdib habang pinapanood ang video ng babaeng nagrereklamo laban sa M&E skincare. Sa video, nanginginig pa siya habang ipinapakita ang namumula, namamantal, at sugat-sugat niyang balat. “Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Sinubukan ko lang kasi viral sa social media. Pero tingnan niyo naman... ang sakit-sakit!”Tumigil ako sandali sa paghinga. May parte ng sarili kong naniniwala sa kasinungalinga niya, pero kasi one hundred percent akong sure na safe sa all skin type ang product namin. Parang totoong-totoo ang sinasabi niya. Pero sa likod ng pagiging magaling niyang umarte, alam kong may mali. Napakabilis ng mga pangyayari. Kahapon lang, trending sa social media ang M&E skincare, ang produktong taon kong inaral, pinaghirapan, at sinigurong ligtas gamitin. Pero ngayon, parang lumalabas na may mali sa product namin.Dahan-dahan akong huminga nang malalim, pilit
Misha’s POVHabang tumatakbo ang araw, abala ang bawat miyembro ng team sa iba’t ibang gawain. Ang mga PR package ay maingat na na-load sa mga delivery van, habang ibang staff ko ay patuloy na nakikipag-coordinate sa logistics team ni Everett para matiyak na ang bawat package ay makarating sa tamang destinasyon. Habang pinapanood ko ang lahat mula sa gilid, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng pagod mula sa event kagabi, ramdam ko ang sigla at kasabikan na parang bagong simula para sa akin. Lumapit si Everett na may dalang dalawang tasa ng kape. Inabot niya sa akin ang isa habang ngumiti. “Here, take a break for a minute. You’ve been working non-stop since this morning.”“Thank you, honey,” sabi ko, tinanggap ang tasa. Saglit akong tumingin sa kaniya, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi palagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na tulad nito.“Everything’s running smoothly. By the end of the day, those packages will be in the hands of the top influencers in the coun
Misha’s POVPagdilat ng mga mata ko, bumungad agad ang liwanag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng presidential suite. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ko ang presensiya ni Everett sa tabi ko. Nakayakap ang isang braso niya sa aking baywang, mahigpit ngunit banayad, habang ang kaniyang mukha ay guwapo pa rin kahit nakanganga siyang matulog.Ngunit hindi ko maiwasang bumalik sa realidad. Bumaling ako sa gilid, kinuha ang cellphone ko, at doon ko nakita ang umaapaw na mga notification. Social media posts, comments, at mentions—halos lahat ay tungkol sa event kagabi.“Everett,” mahina kong tawag sa kaniya habang bahagyang iniuga ang balikat niya.“Hmm?” ungol niya, hindi man lang dumilat.“Wake up, we’re viral,” sabi ko, kahit alam kong kalahati lang ang naiintindihan niya habang nasa pagitan ng tulog at gising.Dumilat siya, bahagyang napakunot ang noo. “Viral? What do you mean?”“It’s all over social media. The launch of M&E Skincare is the talk of the town. People are post
Everett’s POVPagod kami ni Misha, pero masaya. Success itong ginawa ng asawa ko kahit na maraming nangyaring problema nitong mga nagdaang linggo.Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Misha habang sabay kaming naglalakad palabas ng grand ballroom ng Tani Luxury Hotel. Kakatapos lang ng matagumpay na collaboration event ng M&E Skincare at ng Tani Luxury Hotels, at ramdam ko pa rin ang init ng mga ilaw, ang tunog ng mga palakpak, at ang matamis na ngiti ng mga bisita habang nagkakainan at nagtatawanan.“Everett, are you sure hindi na muna tayo uuwi?” tanong niya, bahagyang bumubulong. Parang nahihiya siyang marinig ng ibang staff niya rito na rito kami mag-stay. Eh, bakit ba, mag-asawa naman na kami. Siguro, dahil ayaw niyang makita ng mga staff niya ang ganoong side niya. Naalala ko, strikto na nga pala siya sa mga tauhan niya rito.Tumigil ako at humarap sa kaniya. Nakapulupot ang buhok niya sa kanyang balikat, at ang kanyang mata, parang bituin sa kalangitan, kumikislap sa ilalim ng d