Share

0037 : Misha meet Tani Family

Misha’s POV

Wow!

Iyon ang unang salitang nasabi ko sa utak ko pagpasok sa loob ng bahay ni Ninong Everett. Mapapamura ka talaga kasi iisipin mo na parang hindi ‘to bahay. Parang palasyo sa sobrang lawak. Sala palang parang kalahati na ng loob ng mall.

Nakakahiyang itapak ang sapatos sa kumikinang na puting tiles.

Walang tao sa loob, puro mga kasambahay ang nagkalat na nakatingin sa aming dalawa. Lahat sila ay bumabati kay Everett. Siyempre, amo nila kaya dapat lang. Para akong nasa korean drama kasi yumuyuko sila kapag binabati nila ang may-ari ng bahay na ‘to. Tapos, grabe din ‘yung mga uniform ng mga kasambahay dito, ang gaganda, hindi mo iisipin na kasambahay sila. Parang mga staff sa hotel ang mga itsura nila.

“Maupo ka muna sa sofa, nasa cinema room kasi sila, nanunuod raw ng movie,” sabi Everett. Hinatid niya ako sa bonggang sofa dito sa sala nila. Grabeng sofa ‘to, parang kama na sa sobrang laki. Benteng tao ata ang kasya rito.

Tinawag ni Everett ang isa sa mga kasambahay niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Kimberly Canlas
next chapter
goodnovel comment avatar
Beverly Sumondong-Brigole
pa update nman po more pa
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status