Misha’s POV“E-everett?” tawag ko agad sa kaniya habang namimilog pa rin ang mga mata ko. Nang tawagin ko siya, doon lang din niya ako tinapunan ng tingin. Tingin na mas malamig pa sa yelo. Tingin na alam ko na agad na may halong pagka-dissappoint sa akin. Siguradong iba na naman ang iisipin niya. Baka isipin niyang malandi ako. Na matigas ang ulo kasi patuloy akong nakikipagkita kay Conrad kahit binawalan na niya ako.Tumayo naman si Conrad. Nauna siyang lumapit sa akin. Gaya ni Everett, nagtataka rin siya. “M-may boyfriend ka na?” tanong ni Conrad.“Oo, boyfriend nga niya ako, ikaw, sino ka naman?”Si Ninong ang sumagot sa kaniya. Lumapit din ito sa akin para hawakan ang kamay ko. Napapataas na lang ang isang kilay ko kasi ramdam ko ang tension sa kanilang dalawa. Na para bang may agawan na mangyayari. Parang ang haba tuloy ng buhok ko ngayon.Nang tignan ko naman si mama sa may dining area, nakapamaywang na lang siya at tinitignan ang eksena ng dalawang lalaking ‘to. Parang na-stre
Misha’s POVWow!Iyon ang unang salitang nasabi ko sa utak ko pagpasok sa loob ng bahay ni Ninong Everett. Mapapamura ka talaga kasi iisipin mo na parang hindi ‘to bahay. Parang palasyo sa sobrang lawak. Sala palang parang kalahati na ng loob ng mall.Nakakahiyang itapak ang sapatos sa kumikinang na puting tiles.Walang tao sa loob, puro mga kasambahay ang nagkalat na nakatingin sa aming dalawa. Lahat sila ay bumabati kay Everett. Siyempre, amo nila kaya dapat lang. Para akong nasa korean drama kasi yumuyuko sila kapag binabati nila ang may-ari ng bahay na ‘to. Tapos, grabe din ‘yung mga uniform ng mga kasambahay dito, ang gaganda, hindi mo iisipin na kasambahay sila. Parang mga staff sa hotel ang mga itsura nila.“Maupo ka muna sa sofa, nasa cinema room kasi sila, nanunuod raw ng movie,” sabi Everett. Hinatid niya ako sa bonggang sofa dito sa sala nila. Grabeng sofa ‘to, parang kama na sa sobrang laki. Benteng tao ata ang kasya rito.Tinawag ni Everett ang isa sa mga kasambahay niya
Misha’s POVKakaiba ang pagkaing naka-ready sa lamesa. Gusto kong itanong kay Everett ang pangalan ng mga ito pero nahihiya ako kasi baka isipin nila lalo na nagpapanggap lang ako na elegante sa harap nila.Ang mga pagkain kasi dito ay kailanman ay never ko pa atang natikman. Kung may kilala ako, baka steak lang. Ang plating, grabe, ang ganda-ganda. Ganito pala ang pagkain ng mga bilyonaryo.Nasa tabi ko na si Ninong Everett. Kapag nasa tabi ko siya, nawawala ang takot at ang kaba ko. Sa mga pinagsasasabi kasi ng mga pinsan at tita niya kanina sa akin ay natakot talaga ako. May mga banta na agad sila sa akin. Hindi uso sa kanila ang plastikan. Dito, kung anong gusto nilang sabihin, sasabihin nila ng walang hiya na nararamdaman.“Mas magagandang babae ‘yung mga nauna mong syota, Everett,” sabi ni Rei habang nakangiting nakatingin sa akin.“Shut up, Rei,” sita sa kaniya ng ama niya. Grabe, wala talagang preno ang bibig ng Rei na ‘to. Sa harap talaga nilang lahat, lalo na’t nandito na si
Misha’s POVMay malaking lamesa dito sa terrace ng second floor nila. Maganda rin ang tanawin, mahangin at sobrang presko. Dito, nagpa-ready si Ninong Everett ng lunch naming dalawa. Gaya ko kasi, hindi siya nakakain ng maayos kanina. Kaya naman, dito namin tinuloy ang pagkain namin ng tanghalian.Nang araw ding ‘yon, pinaalis na niya sa bahay niya ang pamilya ng tito niya. Dinig na dinig ko pa na nagsasagutan silang lahat. Isa laban sa lahat ng pamilya ng tito niya. Kung ano-anong masasakit na salita ang binato nila kay Everett. Ang lala talaga, sobra. Sa gigil ni Ninong Everett kanina, naglabas siya ng baril. Tinutukan niya ang mga ‘to kaya nagmadali na rin silang umalis.Sabi ni Ninong, okay lang na umalis na sila. Ang mahalaga naman ay nakilala na ako ng mga ito. Sinabi niya rin sa akin na sinasadya raw ng mga iyon na mambastos para ma-turn off ako sa kaniya. Sinadya nila na gumawa ng gulo para magpakitang gilas sa akin. Para raw mauntol ang pinaplano ni ninong na mag-asawa. Kapag
Misha’s POVAkala ko sina Rei, Teff o Eff itong pumasok dito sa cinema room, hindi pala. Nang makita ko siya, bumaba agad ang takot na nararamdaman ko.“Akala ko ba’y natutulog ka?” tanong ko kay Everett. Oo, siya pala itong biglang pumasok dito. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya ito sa akin. Gusto pa niya akong takutin talaga. Minsan, hindi ko rin talaga ma-predict ang mga galawan at ugali niya. Kaya kapag may nakikita akong bago, nagugulat na lang talaga ko.“Nagising agad ako. Eh, hindi na ako makatulog kaya naisip kong silipin ka,” sagot niya at saka na naupo sa may upuan ko kanina.“May patago-tago ka pa. Akala ko tuloy kung sino na.”Tumabi na ako sa kaniya at pinagpatuloy na rin ang panunuod.“Nasabi kasi ng kasambahay ko na horror ang pinapanuod mo ngayon kaya naisip kong takutin ka. Hindi ko naman inaasahang matatakot kita. Kita ko kasi sa itsura mo kanina na natakot ka na. Kaya nung palabas ka na, doon na ako nagsalita at nagpakita,” paliwanag niya habang kumakain na rin
Misha’s POVNakalabas na kami ni Everett ng clinic ng kakilala niyang magaling na OBG-YN. Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako. Hindi ako makapaniwala sa naging resulta.“Alalayan na kita, Misha,” sabi niya pagsakay namin ng sasakyan niya. Hinawakan pa niya ang kamay ko habang papasok sa loob ng kotse.“Kaya ko naman, hindi mo na ako kailangang alalayan,” sagot ko sa kaniya nang nakangiti.Yung malungkot, cold at palaging seryoso niyang mukha ay naiba ngayon. Ngayon, kitang-kita ko sa mukha niya na nagliwanag na. Halatang natuwa siya nang malaman ang naging resulta sa OBG-YN ko.Nawala rin sa loob ko na kahapon, araw na nga pala kung saan dinadatnan ako ng dalaw ko. Hindi ko naman inaasahang ganito na agad. May ganito pala?“Hindi pa naman sure ‘yan, babalik pa tayo sa susunod na buwan. Pero, mainam na rin na sinabi ng doctora na maaaring three weeks pregnant ka na. Pero next month natin malalaman ang totoo. Mas malinaw na doon kaya mag-ingat ka pa rin. Sa ngayon, baka hindi na muna k
Misha’s POVSi mama, weird na weird sa akin ilang araw na matapos nung sabihin ni Everett na tubusin na ang isang farm namin. Ngayong may kasambahay na kami dito sa bahay, takang-taka pa rin siya kung bakit nag-hire si Everett ng personal kasambahay ko. Ayaw naman niyang magtanong kasi masaya siya na hawak na ulit namin ang isa pa naming farm. Sa dalawang araw na dumaan, busy rin kasi siya sa pag-aayos sa isang farm namin na hindi na rin pala naalagaan. Ngayon hawak na namin ito ulit, pinaayos niya agad ito sa mga tauhan namin.“Ma’am Misha, heto na po ang gatas niyo,” sabi sa akin ni Ate Ada—ang kasambahay na na-hire sa akin ni Ninong Everett. Actually, kasambahay siya ni Everett sa mansyion nila. Nilipat lang siya dito sa bahay ko para pagsilbihan ako. Para alagaan ako at para bantayan. Parang bata lang tuloy ulit ako.“Salamat, Ate Ada,” sagot ko naman sa kaniya nang tanggapin ko ang gatas. “May kailangan pa po ba kayo?” tanong pa niya sa akin. Nang umiling ako, doon na siya umalis
Everett’s POV“Finally, nagkaroon na rin ng magandang sign. Ang tanging kailangan mo na lang gawin ay ingatan ‘yang si Misha,” sabi ni Garil matapos kong ibalita sa kaniya na maaaring buntis na si Misha.Nandito na naman kami sa gitna ng dagat, nakasakay sa yate habang umiinom ng wine.“I’ve already hired a personal nanny for her to ensure her pregnancy is well taken care of. Saka, kailangan ko munang ilihim sa pamilya ko ang pagbubuntis niya. I know that once they find out Misha is pregnant, they’ll find a way to stop it from happening. Si Tito, gusto niya na hawak niya ang lahat-lahat. Nag-e-enjoy siyang hawak pa ang lahat ng yaman ko.”“Ang isa pa sa dapat na gawin mo, ingatan mo rin ang sarili mo. Kasi kung gusto nun ma-solo talaga ang lahat ng ari-arian ninyo, mas madali kung ikaw ang buburahin nila sa mundong ‘to. Minsan, bobo ang tito mo, pero ang bobo pagdating sa mga ari-arian, business at pera, nagiging matalino. Hindi sa tinatakot kita, puwede kasing mangyari ‘yon. Ikaw ang