Misha’s POVTutuloy na raw kami sa Tagaytay kasi doon na rin naman ‘yung ruta nang dinadaanan namin. Gusto niya raw ng bulalo kaya sino naman ako para tumanggi. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakatikim ng bulalo kaya sumama na lang ako sa kaniya. Sabi niya malamig daw ang panahon ngayon sa Tagaytay kaya nung may madaanan kaming mall, bumili kami ng tag-isang jacket para kung sakaling lamigin kami, may masusuot kaming jacket.May nadaanan din kaming pizza-han kaya bumili na rin kami para may makain kami habang nasa biyahe. May isang oras pa kasi ‘yung biyahe. Habang kumakain na ako ng pizza, napansin ko na hindi pa makakain si Everett dahil nagda-drive siya ng sasakyan. Kaya naman naisipan kong alukin na siya ng pizza.“Kung hindi ka maarte, puwede naman kitang subuan ng pizza kung gusto mo?” tanong ko kaya tinapunan niya ako ng tingin. Napatingin siya sa pizza na parang natatakam na rin.“Kung okay sa ‘yo,” sagot naman niya. “Nagutom din kasi talaga ako. Kapag kakatapos ko lang ma
Misha’s POVNatutulog ako sa loob ng kuwarto ko nang magising ako sa malalakas na katok sa pinto ko. Kasabay pa nun ang malalakas na boses ni mama. Ayaw ko pa sanang bumangon kasi napagod ako kahapon sa paggala namin ni Ninong Everett sa Tagaytay. Ang ending kasi ay doon na kami nagpalipas ng gabi. Ang usapan namin na magkakabayuhan kami sa kotse ay natuloy sa luxury hotel. Doon kami halos naka-dalawang round. Kung tutuusin, hindi ko na mabilang kung nakailang paputok na si Everett sa loob ng butas ko sa ibaba. Malakas ang kutob ko na malapit na malapit na ang aking pagbubuntis. Nakauwi kami kaninang alas kuwatro ng madaling-araw. Kaya heto, parang antok na antok pa rin ako. Hindi ko kasi tinulugan sa biyahe si Everett. Gusto niya ay maghuntahan kami para hindi raw siya antukin.“Misha, may bisita ka! Lumabas at bumangon ka na diyan!” pagsisigaw pa rin ni mama sa labas ng kuwarto ko kaya tuluyan na talagang nasira ang tulog ko.Wala tuloy akong nagawa kundi ang bumangon na. “Opo, ayan
Misha’s POV“E-everett?” tawag ko agad sa kaniya habang namimilog pa rin ang mga mata ko. Nang tawagin ko siya, doon lang din niya ako tinapunan ng tingin. Tingin na mas malamig pa sa yelo. Tingin na alam ko na agad na may halong pagka-dissappoint sa akin. Siguradong iba na naman ang iisipin niya. Baka isipin niyang malandi ako. Na matigas ang ulo kasi patuloy akong nakikipagkita kay Conrad kahit binawalan na niya ako.Tumayo naman si Conrad. Nauna siyang lumapit sa akin. Gaya ni Everett, nagtataka rin siya. “M-may boyfriend ka na?” tanong ni Conrad.“Oo, boyfriend nga niya ako, ikaw, sino ka naman?”Si Ninong ang sumagot sa kaniya. Lumapit din ito sa akin para hawakan ang kamay ko. Napapataas na lang ang isang kilay ko kasi ramdam ko ang tension sa kanilang dalawa. Na para bang may agawan na mangyayari. Parang ang haba tuloy ng buhok ko ngayon.Nang tignan ko naman si mama sa may dining area, nakapamaywang na lang siya at tinitignan ang eksena ng dalawang lalaking ‘to. Parang na-stre
Misha’s POVWow!Iyon ang unang salitang nasabi ko sa utak ko pagpasok sa loob ng bahay ni Ninong Everett. Mapapamura ka talaga kasi iisipin mo na parang hindi ‘to bahay. Parang palasyo sa sobrang lawak. Sala palang parang kalahati na ng loob ng mall.Nakakahiyang itapak ang sapatos sa kumikinang na puting tiles.Walang tao sa loob, puro mga kasambahay ang nagkalat na nakatingin sa aming dalawa. Lahat sila ay bumabati kay Everett. Siyempre, amo nila kaya dapat lang. Para akong nasa korean drama kasi yumuyuko sila kapag binabati nila ang may-ari ng bahay na ‘to. Tapos, grabe din ‘yung mga uniform ng mga kasambahay dito, ang gaganda, hindi mo iisipin na kasambahay sila. Parang mga staff sa hotel ang mga itsura nila.“Maupo ka muna sa sofa, nasa cinema room kasi sila, nanunuod raw ng movie,” sabi Everett. Hinatid niya ako sa bonggang sofa dito sa sala nila. Grabeng sofa ‘to, parang kama na sa sobrang laki. Benteng tao ata ang kasya rito.Tinawag ni Everett ang isa sa mga kasambahay niya
Misha’s POVKakaiba ang pagkaing naka-ready sa lamesa. Gusto kong itanong kay Everett ang pangalan ng mga ito pero nahihiya ako kasi baka isipin nila lalo na nagpapanggap lang ako na elegante sa harap nila.Ang mga pagkain kasi dito ay kailanman ay never ko pa atang natikman. Kung may kilala ako, baka steak lang. Ang plating, grabe, ang ganda-ganda. Ganito pala ang pagkain ng mga bilyonaryo.Nasa tabi ko na si Ninong Everett. Kapag nasa tabi ko siya, nawawala ang takot at ang kaba ko. Sa mga pinagsasasabi kasi ng mga pinsan at tita niya kanina sa akin ay natakot talaga ako. May mga banta na agad sila sa akin. Hindi uso sa kanila ang plastikan. Dito, kung anong gusto nilang sabihin, sasabihin nila ng walang hiya na nararamdaman.“Mas magagandang babae ‘yung mga nauna mong syota, Everett,” sabi ni Rei habang nakangiting nakatingin sa akin.“Shut up, Rei,” sita sa kaniya ng ama niya. Grabe, wala talagang preno ang bibig ng Rei na ‘to. Sa harap talaga nilang lahat, lalo na’t nandito na si
Misha’s POVMay malaking lamesa dito sa terrace ng second floor nila. Maganda rin ang tanawin, mahangin at sobrang presko. Dito, nagpa-ready si Ninong Everett ng lunch naming dalawa. Gaya ko kasi, hindi siya nakakain ng maayos kanina. Kaya naman, dito namin tinuloy ang pagkain namin ng tanghalian.Nang araw ding ‘yon, pinaalis na niya sa bahay niya ang pamilya ng tito niya. Dinig na dinig ko pa na nagsasagutan silang lahat. Isa laban sa lahat ng pamilya ng tito niya. Kung ano-anong masasakit na salita ang binato nila kay Everett. Ang lala talaga, sobra. Sa gigil ni Ninong Everett kanina, naglabas siya ng baril. Tinutukan niya ang mga ‘to kaya nagmadali na rin silang umalis.Sabi ni Ninong, okay lang na umalis na sila. Ang mahalaga naman ay nakilala na ako ng mga ito. Sinabi niya rin sa akin na sinasadya raw ng mga iyon na mambastos para ma-turn off ako sa kaniya. Sinadya nila na gumawa ng gulo para magpakitang gilas sa akin. Para raw mauntol ang pinaplano ni ninong na mag-asawa. Kapag
Misha’s POVAkala ko sina Rei, Teff o Eff itong pumasok dito sa cinema room, hindi pala. Nang makita ko siya, bumaba agad ang takot na nararamdaman ko.“Akala ko ba’y natutulog ka?” tanong ko kay Everett. Oo, siya pala itong biglang pumasok dito. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya ito sa akin. Gusto pa niya akong takutin talaga. Minsan, hindi ko rin talaga ma-predict ang mga galawan at ugali niya. Kaya kapag may nakikita akong bago, nagugulat na lang talaga ko.“Nagising agad ako. Eh, hindi na ako makatulog kaya naisip kong silipin ka,” sagot niya at saka na naupo sa may upuan ko kanina.“May patago-tago ka pa. Akala ko tuloy kung sino na.”Tumabi na ako sa kaniya at pinagpatuloy na rin ang panunuod.“Nasabi kasi ng kasambahay ko na horror ang pinapanuod mo ngayon kaya naisip kong takutin ka. Hindi ko naman inaasahang matatakot kita. Kita ko kasi sa itsura mo kanina na natakot ka na. Kaya nung palabas ka na, doon na ako nagsalita at nagpakita,” paliwanag niya habang kumakain na rin
Misha’s POVNakalabas na kami ni Everett ng clinic ng kakilala niyang magaling na OBG-YN. Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako. Hindi ako makapaniwala sa naging resulta.“Alalayan na kita, Misha,” sabi niya pagsakay namin ng sasakyan niya. Hinawakan pa niya ang kamay ko habang papasok sa loob ng kotse.“Kaya ko naman, hindi mo na ako kailangang alalayan,” sagot ko sa kaniya nang nakangiti.Yung malungkot, cold at palaging seryoso niyang mukha ay naiba ngayon. Ngayon, kitang-kita ko sa mukha niya na nagliwanag na. Halatang natuwa siya nang malaman ang naging resulta sa OBG-YN ko.Nawala rin sa loob ko na kahapon, araw na nga pala kung saan dinadatnan ako ng dalaw ko. Hindi ko naman inaasahang ganito na agad. May ganito pala?“Hindi pa naman sure ‘yan, babalik pa tayo sa susunod na buwan. Pero, mainam na rin na sinabi ng doctora na maaaring three weeks pregnant ka na. Pero next month natin malalaman ang totoo. Mas malinaw na doon kaya mag-ingat ka pa rin. Sa ngayon, baka hindi na muna k
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu
Misha’s POVTahimik akong tumayo sa tabi ng kama ni Marlyn, ang malamig na hawak kong baril ay nakapaloob pa rin sa aking jacket. Ang ilaw ng buwan ay nagbibigay ng kakaunting liwanag sa kaniyang mukha. Ang bawat paghinga niya, ang bawat kaluskos ng kumot, parang musika na nagdaragdag sa tensyon ng gabi.Hinugot ko ang facemask ko nang bahagya para makahinga nang mas maayos. Kasabay nito, hinugot ko rin ang baril mula sa jacket at itinutok ito sa mukha niya. Sa pagkakataong ito, alam kong wala nang atrasan. Napuno ng adrenaline ang bawat hibla ng katawan ko.“Marlyn!” Ang mabigat kong tinig ay sapat para gulatin siya mula sa mahimbing niyang tulog. Ang kaniyang mga mata ay mabilis na bumukas, at ang takot ay agad na bumalot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ito sa baril o sa itim na cap at facemask na suot ko. Pero ang mahalaga, nakuha ko na ang atensyon niya.“S-sino ka po? Huwag po!” natatakot niya agad na sabi.“Nasaan ang pantal?” tanong ko habang malamig ang boses ko, p
Misha’s POVAng bigat ng gabi ay parang nagpapasan ng bawat galit na kinikimkim ko. Tahimik kong tinanaw ang mukha ni Everett habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Wala siyang kamalay-malay sa plano kong gawin ngayong gabi. Mahal ko siya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko kayang humingi ng tulong mula sa kanya kasi alam kong kayang-kaya ko na ang mahinang babaeng iyon. Alam kong pipigilan niya ako, pero hindi ako papayag na palampasin ang ginawa ni Marlyn.Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. Binayaran man siya o hindi, ginawa niya ang imposible para sirain ako at ang lahat ng pinaghirapan ko. Kaya ngayon, gagawin ko rin ang imposible. Tiyak na manginginig siya sa takot ngayong gabi kapag nagkaharap kami.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, iniingatang huwag makagawa ng kahit anong ingay para hindi magising ang asawa ko. Nang maibalik ko ang kumot sa katawan ni Everett, tinitigan ko siya nang saglit, malalim ang tulog niya kaya sure na akong hindi siya magigising. Sa is
Misha’s POVSa kabila ng dapat ay masayang selebrasyon, nanatili akong nakaupo sa harap ng laptop, ramdam ang bigat sa dibdib habang pinapanood ang video ng babaeng nagrereklamo laban sa M&E skincare. Sa video, nanginginig pa siya habang ipinapakita ang namumula, namamantal, at sugat-sugat niyang balat. “Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Sinubukan ko lang kasi viral sa social media. Pero tingnan niyo naman... ang sakit-sakit!”Tumigil ako sandali sa paghinga. May parte ng sarili kong naniniwala sa kasinungalinga niya, pero kasi one hundred percent akong sure na safe sa all skin type ang product namin. Parang totoong-totoo ang sinasabi niya. Pero sa likod ng pagiging magaling niyang umarte, alam kong may mali. Napakabilis ng mga pangyayari. Kahapon lang, trending sa social media ang M&E skincare, ang produktong taon kong inaral, pinaghirapan, at sinigurong ligtas gamitin. Pero ngayon, parang lumalabas na may mali sa product namin.Dahan-dahan akong huminga nang malalim, pilit
Misha’s POVHabang tumatakbo ang araw, abala ang bawat miyembro ng team sa iba’t ibang gawain. Ang mga PR package ay maingat na na-load sa mga delivery van, habang ibang staff ko ay patuloy na nakikipag-coordinate sa logistics team ni Everett para matiyak na ang bawat package ay makarating sa tamang destinasyon. Habang pinapanood ko ang lahat mula sa gilid, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng pagod mula sa event kagabi, ramdam ko ang sigla at kasabikan na parang bagong simula para sa akin. Lumapit si Everett na may dalang dalawang tasa ng kape. Inabot niya sa akin ang isa habang ngumiti. “Here, take a break for a minute. You’ve been working non-stop since this morning.”“Thank you, honey,” sabi ko, tinanggap ang tasa. Saglit akong tumingin sa kaniya, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi palagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na tulad nito.“Everything’s running smoothly. By the end of the day, those packages will be in the hands of the top influencers in the coun
Misha’s POVPagdilat ng mga mata ko, bumungad agad ang liwanag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng presidential suite. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ko ang presensiya ni Everett sa tabi ko. Nakayakap ang isang braso niya sa aking baywang, mahigpit ngunit banayad, habang ang kaniyang mukha ay guwapo pa rin kahit nakanganga siyang matulog.Ngunit hindi ko maiwasang bumalik sa realidad. Bumaling ako sa gilid, kinuha ang cellphone ko, at doon ko nakita ang umaapaw na mga notification. Social media posts, comments, at mentions—halos lahat ay tungkol sa event kagabi.“Everett,” mahina kong tawag sa kaniya habang bahagyang iniuga ang balikat niya.“Hmm?” ungol niya, hindi man lang dumilat.“Wake up, we’re viral,” sabi ko, kahit alam kong kalahati lang ang naiintindihan niya habang nasa pagitan ng tulog at gising.Dumilat siya, bahagyang napakunot ang noo. “Viral? What do you mean?”“It’s all over social media. The launch of M&E Skincare is the talk of the town. People are post
Everett’s POVPagod kami ni Misha, pero masaya. Success itong ginawa ng asawa ko kahit na maraming nangyaring problema nitong mga nagdaang linggo.Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Misha habang sabay kaming naglalakad palabas ng grand ballroom ng Tani Luxury Hotel. Kakatapos lang ng matagumpay na collaboration event ng M&E Skincare at ng Tani Luxury Hotels, at ramdam ko pa rin ang init ng mga ilaw, ang tunog ng mga palakpak, at ang matamis na ngiti ng mga bisita habang nagkakainan at nagtatawanan.“Everett, are you sure hindi na muna tayo uuwi?” tanong niya, bahagyang bumubulong. Parang nahihiya siyang marinig ng ibang staff niya rito na rito kami mag-stay. Eh, bakit ba, mag-asawa naman na kami. Siguro, dahil ayaw niyang makita ng mga staff niya ang ganoong side niya. Naalala ko, strikto na nga pala siya sa mga tauhan niya rito.Tumigil ako at humarap sa kaniya. Nakapulupot ang buhok niya sa kanyang balikat, at ang kanyang mata, parang bituin sa kalangitan, kumikislap sa ilalim ng d
Misha’s POVTignan mo nga naman, kahit na maraming kaguluhang nangyayari sa buhay namin, heto, tuloy ang pagpapalago ng pera. Hindi hadlang ang buwisit na si Tito Gerald para mauntol ang lahat ng pangarap namin ni Everett.Habang hindi pa rin siya nagpaparamdam, heto, magsasaya muna kami ng kaunti kasi isa na naman sa mga pangarap ko ang natupad ko.Pagbukas ng malalaking double doors ng ballroom, tumingin ang lahat sa akin. Naka-floor-length emerald green gown ako na dinisenyo ng isang sikat na fashion designer, habang si Everett naman, ang guwapo sa kaniyang custom tuxedo. He held my hand as we walked in, his eyes brimming with pride.“You’ve outdone yourself, Misha,” bulong niya habang papunta kami sa stage.Ngumiti ako at bahagyang hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. “We did this together. This is as much your achievement as it is mine.”Si Everett ang mas tinitignan, bakit nga ba hindi, eh, para akong may asawang hollywood artista. Nakaayos pa siya ngayon kaya mas lalong guwap