"GOOD morning, Mama," bati sa akin ni Carina nang umagang iyon. Nilapitan niya ako sa kama at binigyan ng halik sa pisngi. Kagabi ay doon siya natulog sa kwarto ni Tita Arabella.
"Good morning!" bati ko sa anak. "Ang aga mo naman nagising, anak."
"Mama, late na kaya." Sumulyap ako sa relo na nakapatong sa side table ng kwarto. Mag-a-alas ocho ng umaga! Nakalimutan kong mag-alarm. Late na ako natulog kagabi dahil nag-video call kami ni Leandra. Halos dalawang oras kaming nag-usap. Ayaw niya akong tigilan sa mga tanong niya.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba kami. Naabutan namin si Tita Arabella sa dining area.
"Magandang umaga po," nahihiyang bati ko sa matanda nang ibaling ko ang tingin sa hapagkainan. Nakahanda na ang almusal.
"CARINA, hindi mo dapat ginawa iyon," wika ko sa anak nang maiwan kaming dalawa sa elevator. Mabuti na lang at nauna sa aming bumaba ang dalawang babaeng kasabay. Pagdating ng eighteenth floor ay lumabas na sila. "Mama, nagtanong lang naman ako sa kanila," inosenteng sagot niya sa akin. "Masama ba iyon? Di ba sila ang masama kasi nag-chismis sila?" Napaawang ang labi ko. Saan naman niya nalaman ang salitang chismis? "Di ba, sabi ko behave ka lang?" sagot ko sa kanya. Ngumuso siya. "Okay po. Sorry, Mama." Paglabas namin ng elevator ay natanaw ko ang nag-iisang office table sa 34th floor. Sa likod niyon ay isang malaking pinto na may nakasulat na Office of the CEO. Sa gilid ng office table ay mayroong cou
"PAPA, bili na tayo ng regalo kay James," excited na yaya ni Carina kay Craig paglabas namin ng Jollibee. Sa mall kami dumiretso pag-alis namin sa office ni Craig. At tulad ng gusto ni Carina ay sa naturang fast food kami kumain ng lunch. Halos pagtinginan kami kanina. Paano? Agaw ng tingin si Carlos dahil sa suot niya. Sino ba naman kasing naka formal business attire ang kakain sa Jollibee? At kasinggwapo pa ni Craig? "You're quiet," puna sa akin ni Craig pagdating namin sa toy section department store. Sinundan ko ng mga mata si Carina na nagtitingin na ng mga laruan. "Anong gusto mong sabihin ko?" Bago kami umalis sa opisina niya ay kinausap ako ni Ada. Humingi siya ng tawad sa akin tungkol sa nangyari five years ago.
"CRAIG, ang dami na niyan," komento ko habang nakatingin sa mga nakahanger na damit na bitbit ni Craig.Pagkatapos naming bumili ng regalo para sa anak ni Ada ay ipinag-shopping niya ng mga damit ni Carina.Halos dalawang oras na kami sa department store pero wala pa silang balak tumigil ni Carina. Tumingin ako sa anak na patuloy na nagtitingin ng mga nakadisplay na damit."These all look good on our daughter," wika ni Craig sabay sulyap sa mga hawak na damit."So, lahat ng makita mong damit na bagay kay Carina, bibilhin mo?"He just shrugged. "Well, if she likes them, sure."I couldn't help but roll my eyes. "You're spoiling our daughter, Craig."
"WAG ka nang tumulong dyan, hija." wika sa akin ni Tita Arabella nang maabutan niya ako sa kusina. Tinutulungan ko si Ate Maria at Ana sa paggawa ng chicken macaroni salad. Iyon daw kasi ang request ni Carlos ngayon."Okay lang po. Wala naman akong ginagawa." Sabado ngayon. Kanina pa kasama ni Carina si Craig at Carlos. Nasa TV room silang tatlo at nanonood ng cartoon.Naisipan kong tumambay na lang sa kusina.Si Tita Arabella ang madalas na magluto at maghanda ng mga pagkain ni Carlos. Kapag busy siya ay saka lang niya ipinapaubaya sa mga kasambahay ang pagluluto. Tulad ngayon, naabutan kong gumagawa ng salad si Ate Maria kaya naprisinta akong tumulong."Bakit hindi na lang kayo lumabas ni Craig?" Bumaling siya sa akin habang hawak ang isang baso
"INGAT kayo. Pakibigay na lang itong regalo ko kay James."Ngayon ang birthday ng anak ni Ada na si James.Nagbilin si Tita Arabella bago kami umalis dahil hindi siya makakasama sa amin. Gusto niyang bantayan si Carlos. Kahapon kasi ay galing sila sa chemo session si Carlos. Simula pa kahapon ay nanghihina siya. Sabi nila sa akin ay normal lang daw iyon pagkatapos ng chemotherapy session niya.Ibinaling ko ang tingin kay Carina. Suot niya ang pink dress na binili namin sa mall. Pinartneran niya iyon ng sandals at ng kwintas ng bigay sa kanya ng Lola niya.Suot ko rin ang pink dress na kapareho ng damit ni Carina. Kapag pinagtabi kaming daming dalawa ay hindi maikakaila na mag-ina nga kami.Pasimple ako
"COME on, you should eat more," untag sa akin ni Craig habang nakatingin sa plato ko.Nagsimula ang birthday program. Pagkatapos kantahan si James ay nagsimula nang magkainan."Ang dami ko nang nakain," sagot ko sa kanya. "Madami ka lang talagang nilagay sa plato ko."Napatingin ako sa plato ko na napangalhati ko lang. Dapat ay hindi ko siya hinayaan sa pagkuha ng pagkain kanina.Hindi namin kasama si Carina sa mesa dahil mula noong hilahin siya ni James kanina ay hindi na bumalik ang anak sa amin. Halatang magkasundo na agad ang dalawang bata. Naiwan tuloy ako kasama si Craig.Inilapit ni Craig ang plato ko sa kanya at kinain ang natira kong spaghetti.
"TAPOS merong dumating na clowns, Lola. Ang galing nila mag-magic!"Napangiti ako sa animated na pagkukuwento ni Carina sa lola niya. Kanina pa siya nagkukwento sa mga nangyari kahapon sa birthday party ni James.Kumakain kami ng breakfast. Hindi namin kasabay si Craig dahil maaga siyang nagpunta sa opisina."May palaro din sa party kahapon, Lola. Nanalo ako ng one hundred pesos sa bring me.""Ang galing naman ng apo ko," puri ni Tita Arabella kay Carina. "What did they ask you to bring?""Kulay red na ponytail, Lola. Ito, oh." Itinuro ni Carina ang ponytail niya sa buhok. "Tapos, alam mo ba, si Papa rin nakisali sa
PAKIRAMDAM ko ay itinulos ako sa kinatatayuan. It was him. Of course… how could I forget that monster's face.I never thought I'd see him again. He still looked the same the last time I saw him five years ago. Sa bookstore. Habang kasama ko si Craig.Lumabas ng elevator ang lalaki at bumaling kay Craig."Mr. Valdez," pormal na bati niya kay Craig. He was wearing a business suit just like Craig. It was him. Anong ginagawa niya rito sa opisina ni Craig?"Mr. Santiago," narinig ko ang boses ni Craig sa tabi ko.Napamaang ako. Craig and this man knew each other? Don't tell me…"Mr. Santiago, I hope you can spare me a few minutes of your time