"COME on, you should eat more," untag sa akin ni Craig habang nakatingin sa plato ko.
Nagsimula ang birthday program. Pagkatapos kantahan si James ay nagsimula nang magkainan.
"Ang dami ko nang nakain," sagot ko sa kanya. "Madami ka lang talagang nilagay sa plato ko."
Napatingin ako sa plato ko na napangalhati ko lang. Dapat ay hindi ko siya hinayaan sa pagkuha ng pagkain kanina.
Hindi namin kasama si Carina sa mesa dahil mula noong hilahin siya ni James kanina ay hindi na bumalik ang anak sa amin. Halatang magkasundo na agad ang dalawang bata. Naiwan tuloy ako kasama si Craig.
Inilapit ni Craig ang plato ko sa kanya at kinain ang natira kong spaghetti.
"TAPOS merong dumating na clowns, Lola. Ang galing nila mag-magic!"Napangiti ako sa animated na pagkukuwento ni Carina sa lola niya. Kanina pa siya nagkukwento sa mga nangyari kahapon sa birthday party ni James.Kumakain kami ng breakfast. Hindi namin kasabay si Craig dahil maaga siyang nagpunta sa opisina."May palaro din sa party kahapon, Lola. Nanalo ako ng one hundred pesos sa bring me.""Ang galing naman ng apo ko," puri ni Tita Arabella kay Carina. "What did they ask you to bring?""Kulay red na ponytail, Lola. Ito, oh." Itinuro ni Carina ang ponytail niya sa buhok. "Tapos, alam mo ba, si Papa rin nakisali sa
PAKIRAMDAM ko ay itinulos ako sa kinatatayuan. It was him. Of course… how could I forget that monster's face.I never thought I'd see him again. He still looked the same the last time I saw him five years ago. Sa bookstore. Habang kasama ko si Craig.Lumabas ng elevator ang lalaki at bumaling kay Craig."Mr. Valdez," pormal na bati niya kay Craig. He was wearing a business suit just like Craig. It was him. Anong ginagawa niya rito sa opisina ni Craig?"Mr. Santiago," narinig ko ang boses ni Craig sa tabi ko.Napamaang ako. Craig and this man knew each other? Don't tell me…"Mr. Santiago, I hope you can spare me a few minutes of your time
"NANDYAN na rin pala si Sir? Akala ko may meeting si Craig?" tanong sa akin ni Ana nang dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig."Ah, hindi po natuloy."Tumuloy ako sa kwarto. Habang nakaupo sa kama ay bumalik sa akin ang mga nangyari kanina. But all I remembered right now was the look on his face when I told him about the man. Ni hindi ko na maalala ang naging reaksyon ko nang makita ko ang lalaking iyon kanina. Ang tanging tumatak sa isip ko ay ekspresyon ni Craig. Then I remembered how he hugged me to calm myself.Craig just threw away that important business deal just for me. And now, I couldn't even think straight because of guilt. It was my fault.Lumabas ako ng kwarto. Namalayan ko na lang ang sarili na tinatahak ang daan papunta sa kw
PANAY ang sulyap ko sa cellphone ni Craig na nakapatong sa dashboard ng sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi pa tumatawag si Tita Arabella. Ibig sabihin, hindi pa nahahanap ang anak namin.Nagmamadali kaming umalis ni Craig nang malaman na nawawala si Carina. Ni hindi na namin nasabi kay Carlos ang nangyari. Ayaw din naman naming pati siya ay mag-alala.Ayon kay Tita Arabella, naglalaro sa recreation park na pinuntahan nila si Carina nang bigla itong nawala sa paningin nila."C-craig…" nagnginginig ang boses na baling ko sa katabi. "Si Carina…" Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagbagsak ng luha. Kanina ko pa pinipigilang umiyak."Try to calm down, Caress," wika ni Craig sa tabi ko. Mula sa daan ay bahagya siyang sumulyap sa
PAGKATAPOS kong mag-shower ay bumaba ako sa kusina. Naabutan ko roon si Craig na gumagawa ng kape. Tulad ko ay mukhang bagong ligo rin siya. His hair was still damp from the shower.He was wearing a white shirt and drawstring shorts."Dumating na sila Carina?" tanong ko sa kanya."Nasa kwarto na. Nakatulog sa byahe." He motioned the island counter at me. "Sir down. I'll get you coffee."Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. I sat on the island counter and watched him as he made two cups of coffee.Then he went back to me and placed a cup of coffee in front of me. "Drink. That's caramel latte."Napatitig ako sa tasa ng kape sa harap. Hanggang ngayon ay alam
KINABUKASAN ay nagising ako na masama ang pakiramdam. Subalit pinilit kong bumangon at bumaba para makakain at makainom ng gamot. Nakasama nga talaga sa akin ang pagkakabasa ko sa ulan kahapon."Good morning."Natigilan ako nang maabutan ko si Craig na nagkakape sa kusina. Madalas kasi ay hindi ko siya naabutan sa umaga dahil maaga siyang umaalis pa-opisina."Wala ka bang pasok?" nagtatakang tanong ko. Nakapambahay lang kasi siya."I won't go to the office today." Ibinaba niya ang hawak na tasa ng kape at ngumiti.Damn. Bakit ang gwapo pa rin niya kahit bagong gising?"Good morning, Mama."Bago ako makasagot ay
NAGISING ako na nilalamig. Bumaling ako sa tabi ko. Natigilan ako nang makita si Craig na natutulog sa couch. I looked at the side table. Ala-una na ng madaling araw. Ilang oras ba akong nakatulog?Ang huling naalala ko kanina, lumabas siya pagkatapos naming kumain ng dinner.Hindi ko alam na bumalik pala siya. He really did what he said earlier. Na babantayan niya ako. Hindi ko lang akalain na hanggang sa pagtulog ay mananatili siya."Come on, I cooked this," wika sa akin ni Craig nang ilapag niya sa harap ko ang food tray na may dinner namin.Dinampot ko ang kutsara at pinagmasdan ang bowl ng tinola sa harap ko. "Really?"Naupo siya sa harap ko at ngumiti. "Wala ka b
AKALA ko nananaginip ako nang magising ako na nakabalot sa katawan ko ang braso ni Craig. Subalit naalala ko ang ilang bahagi ng nangyari kagabi. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi na nilalamig. I found Craig in my room. Then I asked him the craziest thing I could ever do in my life. I asked Craig to cuddle with me.Kinagat ko ang ibabang labi. What have I done last night?I miss you, baby. So much. I miss you so damn much.Naalala ko ang huling sinabi niya bago ako nakatulog kagabi. I even remembered shedding a tear last night.Maingat kong inalis ang braso niya sa katawan ko. Halos mahigit ko ang hininga habang lumalayo sa kanya. I didn't want him to wake up just yet. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng inasta ko kagabi.