"CRAIG, ang dami na niyan," komento ko habang nakatingin sa mga nakahanger na damit na bitbit ni Craig.
Pagkatapos naming bumili ng regalo para sa anak ni Ada ay ipinag-shopping niya ng mga damit ni Carina.
Halos dalawang oras na kami sa department store pero wala pa silang balak tumigil ni Carina. Tumingin ako sa anak na patuloy na nagtitingin ng mga nakadisplay na damit.
"These all look good on our daughter," wika ni Craig sabay sulyap sa mga hawak na damit.
"So, lahat ng makita mong damit na bagay kay Carina, bibilhin mo?"
He just shrugged. "Well, if she likes them, sure."
I couldn't help but roll my eyes. "You're spoiling our daughter, Craig."
"WAG ka nang tumulong dyan, hija." wika sa akin ni Tita Arabella nang maabutan niya ako sa kusina. Tinutulungan ko si Ate Maria at Ana sa paggawa ng chicken macaroni salad. Iyon daw kasi ang request ni Carlos ngayon."Okay lang po. Wala naman akong ginagawa." Sabado ngayon. Kanina pa kasama ni Carina si Craig at Carlos. Nasa TV room silang tatlo at nanonood ng cartoon.Naisipan kong tumambay na lang sa kusina.Si Tita Arabella ang madalas na magluto at maghanda ng mga pagkain ni Carlos. Kapag busy siya ay saka lang niya ipinapaubaya sa mga kasambahay ang pagluluto. Tulad ngayon, naabutan kong gumagawa ng salad si Ate Maria kaya naprisinta akong tumulong."Bakit hindi na lang kayo lumabas ni Craig?" Bumaling siya sa akin habang hawak ang isang baso
"INGAT kayo. Pakibigay na lang itong regalo ko kay James."Ngayon ang birthday ng anak ni Ada na si James.Nagbilin si Tita Arabella bago kami umalis dahil hindi siya makakasama sa amin. Gusto niyang bantayan si Carlos. Kahapon kasi ay galing sila sa chemo session si Carlos. Simula pa kahapon ay nanghihina siya. Sabi nila sa akin ay normal lang daw iyon pagkatapos ng chemotherapy session niya.Ibinaling ko ang tingin kay Carina. Suot niya ang pink dress na binili namin sa mall. Pinartneran niya iyon ng sandals at ng kwintas ng bigay sa kanya ng Lola niya.Suot ko rin ang pink dress na kapareho ng damit ni Carina. Kapag pinagtabi kaming daming dalawa ay hindi maikakaila na mag-ina nga kami.Pasimple ako
"COME on, you should eat more," untag sa akin ni Craig habang nakatingin sa plato ko.Nagsimula ang birthday program. Pagkatapos kantahan si James ay nagsimula nang magkainan."Ang dami ko nang nakain," sagot ko sa kanya. "Madami ka lang talagang nilagay sa plato ko."Napatingin ako sa plato ko na napangalhati ko lang. Dapat ay hindi ko siya hinayaan sa pagkuha ng pagkain kanina.Hindi namin kasama si Carina sa mesa dahil mula noong hilahin siya ni James kanina ay hindi na bumalik ang anak sa amin. Halatang magkasundo na agad ang dalawang bata. Naiwan tuloy ako kasama si Craig.Inilapit ni Craig ang plato ko sa kanya at kinain ang natira kong spaghetti.
"TAPOS merong dumating na clowns, Lola. Ang galing nila mag-magic!"Napangiti ako sa animated na pagkukuwento ni Carina sa lola niya. Kanina pa siya nagkukwento sa mga nangyari kahapon sa birthday party ni James.Kumakain kami ng breakfast. Hindi namin kasabay si Craig dahil maaga siyang nagpunta sa opisina."May palaro din sa party kahapon, Lola. Nanalo ako ng one hundred pesos sa bring me.""Ang galing naman ng apo ko," puri ni Tita Arabella kay Carina. "What did they ask you to bring?""Kulay red na ponytail, Lola. Ito, oh." Itinuro ni Carina ang ponytail niya sa buhok. "Tapos, alam mo ba, si Papa rin nakisali sa
PAKIRAMDAM ko ay itinulos ako sa kinatatayuan. It was him. Of course… how could I forget that monster's face.I never thought I'd see him again. He still looked the same the last time I saw him five years ago. Sa bookstore. Habang kasama ko si Craig.Lumabas ng elevator ang lalaki at bumaling kay Craig."Mr. Valdez," pormal na bati niya kay Craig. He was wearing a business suit just like Craig. It was him. Anong ginagawa niya rito sa opisina ni Craig?"Mr. Santiago," narinig ko ang boses ni Craig sa tabi ko.Napamaang ako. Craig and this man knew each other? Don't tell me…"Mr. Santiago, I hope you can spare me a few minutes of your time
"NANDYAN na rin pala si Sir? Akala ko may meeting si Craig?" tanong sa akin ni Ana nang dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig."Ah, hindi po natuloy."Tumuloy ako sa kwarto. Habang nakaupo sa kama ay bumalik sa akin ang mga nangyari kanina. But all I remembered right now was the look on his face when I told him about the man. Ni hindi ko na maalala ang naging reaksyon ko nang makita ko ang lalaking iyon kanina. Ang tanging tumatak sa isip ko ay ekspresyon ni Craig. Then I remembered how he hugged me to calm myself.Craig just threw away that important business deal just for me. And now, I couldn't even think straight because of guilt. It was my fault.Lumabas ako ng kwarto. Namalayan ko na lang ang sarili na tinatahak ang daan papunta sa kw
PANAY ang sulyap ko sa cellphone ni Craig na nakapatong sa dashboard ng sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi pa tumatawag si Tita Arabella. Ibig sabihin, hindi pa nahahanap ang anak namin.Nagmamadali kaming umalis ni Craig nang malaman na nawawala si Carina. Ni hindi na namin nasabi kay Carlos ang nangyari. Ayaw din naman naming pati siya ay mag-alala.Ayon kay Tita Arabella, naglalaro sa recreation park na pinuntahan nila si Carina nang bigla itong nawala sa paningin nila."C-craig…" nagnginginig ang boses na baling ko sa katabi. "Si Carina…" Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagbagsak ng luha. Kanina ko pa pinipigilang umiyak."Try to calm down, Caress," wika ni Craig sa tabi ko. Mula sa daan ay bahagya siyang sumulyap sa
PAGKATAPOS kong mag-shower ay bumaba ako sa kusina. Naabutan ko roon si Craig na gumagawa ng kape. Tulad ko ay mukhang bagong ligo rin siya. His hair was still damp from the shower.He was wearing a white shirt and drawstring shorts."Dumating na sila Carina?" tanong ko sa kanya."Nasa kwarto na. Nakatulog sa byahe." He motioned the island counter at me. "Sir down. I'll get you coffee."Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. I sat on the island counter and watched him as he made two cups of coffee.Then he went back to me and placed a cup of coffee in front of me. "Drink. That's caramel latte."Napatitig ako sa tasa ng kape sa harap. Hanggang ngayon ay alam