Five years later…
"MAMA!"
Malayo pa lang ay narinig ko na ang matinis na boses ni Carina. Halos patakbo niya akong sinalubong mula sa pinto ng bahay.
"Di ba sabi ko sa 'yo wag kang tatakbo kapag sasalubungin ako?" wika ko sa kanya nang yakapin niya ako. "Madilim na, oh. Paano kung madapa ka, anak?" Bahagya akong yumuko at hinaplos ang buhok niya. "At bakit hindi na naman nakapusod ang buhok mo?"
Bahagya siyang kumawala sa akin at nag-angat ng tingin. "Mama, natanggal kasi noong naglalaro ako." Ngumuso siya sa akin na tila nagpapa-cute. "Sorry na kung tumakbo ako, eh namiss kita." Lalo pa niyang pinahaba ang nguso dahilan upang matawa ko. Lagi niya iyong ginagawa sa akin kapag may kasalanan siya o kapag inutos ako na h
PINANOOD kong yakapin ni Carina si Sky pagdating ng lalaki sa pintuan. "Wow, na-miss mo talaga ako, ah," nakangiting wika ni Sky sa inaanak."Opkors, Ninong," sagot ni Carina nang bumitiw sa binata.Bahagyang yumuko si Sky. "Now give me a kiss if you really miss Ninong." Itinuro ni Sky ang pisngi niya gamit ang hintuturo.Tumingkayad ang anak at kinintalan ng matunog ng halik sa pisngi si Sky."Ang sweet naman talaga ng inaanak ko," wika ni Sky. "At dahil dyan…meron kang doughnuts."Itinaas ni Sky ang box na hawak sa kanang kamay."Yehey!" Namilog ang mga mata ni Carina sa tuwa. Muli nitong niyakap si Sky bago kinuha ang box ng donuts mula sa k
NATIGILAN ako sa narinig. Kung hindi siguro malakas ang kabog ng dibdib ko ay natawa na ako sa tanong ng anak."Anong alien, anak?" nakangusong sagot ko kay Carina. "Saan mo naman nalaman ang tungkol sa alien na iyan?""Napanood ko sa TV, Ma," nakangusong sagot niya sa akin. "Nakatira din sila sa stars, eh. Tapos may antenna sa ulo nila."Matalinong bata si Carina. Sa edad na apat na taon ay marami na siyang alam. Tulad ng pagkaraniwang bata ay curious din siya sa mga bagay-bagay.Patuloy ko siyang sinuklay habang nakaharap siya sa akin. "Anak, hindi alien ang papa mo, okay? Kung alien siya, dapat half-alien ka rin."Patuloy siyang ngumuso. "Eh, ano siya, Ma? Patay na ba siya? Tulad ba siya ni Loki? Di ba sa
Five years ago... PLEASE call me when you get there, okay? Please be safe, Caress. Binasa ko ang chat sa akin ni Leandra bago ko ibinalik ang cellphone sa bulsa ng body bag. Ibinaling ko ang tingin kay Loki na katabi sa upuan ng bus. Sa kabila ng mabigat na mga mata ay nagawa kong ngumiti sa alaga habang hinahaplos ang ulo niya. Dito kami sa terminal ng bus dumiretso ni Loki pag-alis namin ng unit. Ngayon ay naghihintay na lang kaming dalawa ng pag-alis ng sinasakyang bus patungo sa Bolinao, Pangasinan. Hindi ko kayang manatili dito sa Maynila pagkatapos ng lahat ng nalaman ko. Kailangan kong umalis. Kailangan kong tumakas. Hindi ko kayang makita si Andrew—Craig. Hindi ko alam kung kakayani
"GOODLUCK, Sky," nakangising wika ko sa lalaki pagdating namin sa campus grounds ng SLU. Bago kami dumiretso doon ay nag-lunch muna kami sa isang restaurant sa session road. Doon na rin siya nagpalit ng damit."Do you think I already look presentable?" tanong niya sa akin pagbaba namin ng sasakyan.He was already wearing a white long sleeved shirt, dark pants and black shoes. He was holding his coat in his right hand. He was going to give a talk about mental health.Pabiro akong umirap sa kanya. "Ano ka ba? Lagi ka namang mukhang presentable."You mean, gwapo?" Umangat ang kilay niya.Natawa ako. "Oo. Lagi kang gwapo. Tingnan mo, oh, ang dami na namang napapatingin sayo." Bumaling ako sa mga baba
"HELLO, Caressa?"Bumungad sa akin ang boses ni Ate Lena sa kabilang linya. Mula sa bintana ng hotel ay natanaw ko ang malakas ng buhos ng ulan.Mahigit isang oras nang umuulan sa Baguio subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon humihinto. Sa halip ay lalo pa iyong lumakas.Ang sabi sa balita ay mayroon daw thunderstorm na maaaring tumagal ng apat na oras.Sumulyap ako sa suot na relo. Mag-aalas otso na ng gabi. Pagkatapos naming mamili ng gulay ni Sky sa Benguet Market ay didiretso na sana kami ng uwi. Subalit hindi kami natuloy dahil habang namimili kami ng mga pasalubong ay inabutan na kami ng malakas na ulan. Hinintay naming humina ang ulan subalit pagkatapos ng isang oras ay lalo pa iyong lumakas.
"MAMA!" Nagliwanag ang mukha ni Carina nang ako ang bumungad sa kanya paggising niya.Agad niya akong binalot ng yakap."Good morning, anak," bati ko sa kanya."Good morning, Mama," bati niya sa akin yabang nakayakap. "Nandito ka na," masayang sambit niya."O, di ba? Sabi ko sayo paggising mo nandito na ako, eh."Alas kwatro kami umalis ni Sky ng Baguio. Pasado alas sais ay nakarating na kami ng Patar.Nag-angat sa akin ng tingin si Carina at ngumiti. "Pasalubong?" Ngumuso siya sa akin.Natawa ako sa kanya. "Nasa ref na anak. Mamaya na natin tingnan pagkatapos kumain ng breakfast, okay?"
"SIGE na Chef, kami na ang bahala rito," wika sa akin ng assistant cook na si Marissa.Sumulyap ako sa wall clock na nakadisplay sa kusina ng restaurant. Pasado alas-siete na ng gabi. Hanggang alas dies nagsasara ang Casa Del Fierro subalit pagdating ng alas sais ay tapos na ang duty ko. Minsan nga lang ay naatraso ako ng uwi. Tulad na lang ngayon, medyo naatraso ako ng labas dahil nagkaproblema kanina sa isa sa mga kitchen staff ko."Okay. Basta tawagan nyo na lang ako ulit kapag nagkaroon ng problema," wika ko sa kanya.Lumabas ako ng kitchen area at dumiretso sa locker para magbihis ng damit.Binati ako ng mga nadaanan kong server."Nako, Ma'am, kanina pa naghihintay si Doc Sky sa inyo," malaki ang
"CHEF, wala yata si Doc Sky ngayon," wika sa akin ni Andrea nang mag-out ako sa trabaho. Halos isang linggo na ang nakalilipas mula nang magsimula ng manligaw si Sky. Sa bawat araw na iyon ay lagi siyang may pabulaklak sa tuwing sinusundo ako sa trabaho. Wala namang nagbago sa aming dalawa, maliban na lamang sa lalong nadagdagan ang ibinibigay niya sa tuwing nakikikain siya sa amin. Bukod sa mga pasalubong sa anak ko ay nagbibigay din siya kay Ate Lena. Kahit sinabi ko sa kanya na huwag na siyang magbigay ng kung ano-ano ay hindi naman siya nakikinig kaya sa huli ay hinayaan ko na lang.Noong day off ko ay ipinasyal namin ni Sky si Carina sa bayan ng Alaminos. Pagkatapos naming bisitahin ang sikat na hundred islands ay nagsimba kami at kumain sa paboritong fast food restaurant ni Carina. Tuwang-tuwa ang anak dahil paborito niya ang spaghetti sa Jollibee.