"CHEF, wala yata si Doc Sky ngayon," wika sa akin ni Andrea nang mag-out ako sa trabaho. Halos isang linggo na ang nakalilipas mula nang magsimula ng manligaw si Sky. Sa bawat araw na iyon ay lagi siyang may pabulaklak sa tuwing sinusundo ako sa trabaho. Wala namang nagbago sa aming dalawa, maliban na lamang sa lalong nadagdagan ang ibinibigay niya sa tuwing nakikikain siya sa amin. Bukod sa mga pasalubong sa anak ko ay nagbibigay din siya kay Ate Lena. Kahit sinabi ko sa kanya na huwag na siyang magbigay ng kung ano-ano ay hindi naman siya nakikinig kaya sa huli ay hinayaan ko na lang.
Noong day off ko ay ipinasyal namin ni Sky si Carina sa bayan ng Alaminos. Pagkatapos naming bisitahin ang sikat na hundred islands ay nagsimba kami at kumain sa paboritong fast food restaurant ni Carina. Tuwang-tuwa ang anak dahil paborito niya ang spaghetti sa Jollibee.
"GRABE ang gwapo niya talaga, Andrea.""Narinig ko iyong boses noong umorder sa bar kagabi, pati iyong boses ang sarap sa tenga.""Hay, feeling ko malalaglag panty ko, eh."Uminom ako ng tubig sa pagkatapos ay bumaling sa dalawang kitchen staff na nag-uusap habang kumakain sa gilid ko.Nasa employee's lounge kami at kumakain ng lunch. Hindi sabay-sabay mag-lunch ang kitchen department dahil hindi pwedeng mawalan ng tao sa kusina."Sino naman iyang pinag-uusapan niyo, ha?" pag-uusisa ko sa kanila. Inilapit ko sa akin ang platito ng leche flan at kumutsara doon.Bumaling sa akin ang dalawang babae na parehong may malaking ngiti sa mga labi. "Iyong isang turista, Ch
"ATE Lena, iyong bilin ko, ah," wika ko kay Ate Lena bago ako pumasok sa trabaho.Sinabi ko sa kanya hangga't maaari ay huwag muna niyang isasama si Carina sa labas. Huwag muna silang pupunta ni Carina sa bayan. Kung may kailangan siya ay itawag na lang niya sa akin.Kahit hindi alam ni Craig na may anak kami, kailangan kong mag-anak. Craig… he's smart. Kapag nalaman niya na anak ko si Carina…alam kong unang papasok sa isip niya na anak namin itong dalawa."Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo, Caress? Wala ka ba talagang balak ipaalam sa lalaking iyon ang tungkol kay Carina?"Sumulyap sa sala kung saan naroon si Carina. Abala ang anak sa panonood ng cartoon."Hindi sa nanghihimasok
"CHEF Melvin," untag ko sa assistant chef na mas nauunang pumasok kaysa sa akin. "Anong oras nandito iyong customer sa table number eight?"Pagpasok ko kaninang umaga ay nadatnan ko na naman si Craig sa restaurant. Tulad kahapon, nakapwesto siya sa sulok na bahagi ng restaurant habang nakaharap sa isang laptop."Pagbukas pa lang ng restaurant, nandito na siya, Ma'am.""Chef, di ba magkakilala kayo?" tanong sa akin ni Andrea. "Paano mo siya nakilala?"Tumikhim ako. "Uh… naging kapitbahay ko siya sa Maynila.""Oh." Napangiti ang babae. "Baka naman pwede mo akong ipakilala, Chef. May girlfriend na ba siya?""Hindi ko alam," sagot ko. "Hindi naman kami g
KINABUKASAN ay muli akong sinundo ni Sky at hinatid sa restaurant.Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Sky habang nakatingin sa mukha ko. "Bakit parang namumutla ka?" Hinawakan niya ang noo ko.Bahagya akong napanguso. "Medyo pagod lang saka late na ako nakakatulog. Nagising kasi si Carina dahil sumakit ang ngipin."Bukod pa ron, ilang araw na ring hindi maayos ang tulog ko.Hindi lang naman kasi si Craig ang naalala ko. Iniisip ko rin si Carlos. Craig said his father has cancer. Ano kaya ang lagay niya? Kumusta siya ngayon? Pero siguro naman, kung malala ang kalagayan niya ay wala dito si Craig, di ba?"Is Carina okay now?" tanong sa akin ni Sky.
"CHEF Caress, okay ka lang?" tanong sa akin ni Melvin nang mapasandal ako sa refrigerator.Bahagya akong ngumiti sa kanya. "Medyo nahihilo lang ako." Nasa kalagitnaan ng duty nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.Dinala nila ako sa lounge at pinaupo sa sofa. "Chef, tatawagin namin si Doc Pat."Ang tinutukoy nila ay ang resident doctor ng resort. Kumuha ng resident doctor si Mam Maggie dahil malayo ang hospital dito sa lugar."Hindi na," wika ko pagkatapos sumimsim ng tubig na inabot ni Allen sa akin. "Konting pahinga lang ito."Subalit ilang minuto lang ang lumipas ay dumating si Doc Pat. Agad niya akong nilapitan at chineck."I suggest you rest, Caress
"GOOD morning!"Muntik na akong mapaigtad nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.Craig was sitting in our living room, having coffee. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng antok sa sistema ko nang makita siya.Tumikhim ako at pasimpleng inayos ang magulong buhok. "Good morning."Anong ginagawa niya rito ng ganito kaaga? Ang sabi niya kahapon ay maaga siyang pupunta pero hindi ko in-expect na ganito kaaga.Agad na hinanap ng mata ko ang orasan sa sala. It was seven in the morning. Medyo nagpatanghali ako ng bagon ngayon dahil hindi ako papasok sa trabaho."Sorry, napaaga ako ng punta," wika niya sa akin pagkatapos ibaba ang hawak na tasa n
"ANO 'to?" tanong ko kay Craig nang makita ang mga dala niya kinabukasan.Nagkakape na ako nang dumating siya. Bukod sa dala niya kay Carina ay may bitbit din siyang grocery bags. May mga basket din ng prutas doon at sako ng bigas. Kung susumahin ay parang pang ilang buwang supplies na namin ang dala niyang iyon."Groceries?" He answered, shrugging and with a smile on his face.Kumunot ang noo ko. "Alam kong groceries ito pero bakit?""I wanted to provide for my daughter's needs," simpleng sagot niya."Ang dami naman, Craig.""Kulang pa iyan sa ilang taong wala ako," seryosong sagot niya sa akin. "Kung may kailangan ka pa, magsabi ka lang sa akin."
"SORRY natagalan tayo," wika sa akin ni Sky pagpasok namin sa arko ng Patar. Mula sa daan ay ibinaling niya ang tingin sa akin.Inabot kami ng hapon dahil nasiraan ang kotse niya habang pauwi kami. Natawag pa kami ng gagawa dahil sa gitna ng daan nasira ang sasakyan."Pasalamat ka, binusog mo ako." Pabiro akong umirap sa kanya. Habang ginagawa ang sasakyan niya kanina ay nagfood trip na lang muna kami sa Alaminos."Baka magtampo si Carina, tagal kitang hiniram sa kanya."Napanguso ako. "Kasama naman niya ang Papa niya." Mas mabuti na rin siguro iyon para mas magkaroon si Craig ng oras kay Carina."Dito na lang ako bababa," wika ko sa kanya nang tumapat kami sa del Fierro resort.
"ARE you ready?"Mula sa labas ng simbahan ay tanong sa akin ni Carlos. Today was my wedding day. I was going to marry Craig who was already inside the church waiting for me.Hindi ako makapaniwala na darating ang araw na ito.Malaki ang ngiting tumango ako kay Carlos at bahagyang inayos ang laylayan ng wedding gown.I was wearing a wedding gown designed by Ada. Sabi niya ay iyon na daw ang wedding gift niya sa amin ni Craig. Last week siya bumalik ng Pilipinas kasama ang anak na si James para iuwi ang wedding gown ko at umattend sa kasal namin ni Craig.Ada and I… we were already friends. Noong araw na pinuntahan ko si Craig sa ospital at nagkaayos kaming dalawa, nagkausap kami ni Ada. Na
"CRAIG, what happened?"Nag-angat ako ng tingin kay Ada nang marinig ko ang boses niya.I was drinking at the bar when she called me."Masyado pang maaga para uminom," litanya bago maupo sa tabi ko."She was gone," mahinang sagot ko habang nakatingin sa baso ng alak sa harap ko. "I lost."Sumenyas siya sa bartender bago bumaling sa akin. "But Caress loves you." Her forehead creased.Mapait akong natawa bago muling nagsalin ng alak sa bago at nilagok iyon. "Akala ko rin, eh. But she choose that fucking doctor, Ada."Caress' reactions toward me in that one week we were together confirmed one thing—that she was sti
Craig's POV"CARESS…" I whispered in the air as I saw her. I blinked my eyes. I couldn't believe that after five years, I'd finally see her again.Five years ago, she decided to leave me and never show herself to me again. Naalala ko pa ang galit sa akin ni Dad nang ipagtapat ko sa kanya ang tungkol sa naging relasyon namin ni Caress—ng babaeng inakala kong kabit niya."How could you do that, Craig?" My father angrily said to me after giving me another punch in the face. I just told him everything. Including the real reason I came back to the Philippines—my plan to seduce the woman I mistook as his mistress.But my plan to seduce Caressa Ilea Mendoza backfired on me. Because in the end, I was the one who fell for that woman. In
"CHEF, thank you sa pasalubong, ah. Naubos ko agad iyong hopia."Pangalawang araw ko ngayon sa trabaho matapos kong bumalik ng Patar.Pagpasok ko pa lang kaninang umaga ay kanya-kanyang pasalamat ulit sila sa pasalubong na ibinigay ko kahapon. Pare-parehong nilang nagustuhan ang hopia na dala ko."Chef, sabihin mo kapag babalik ka ulit ng Manila, ah," wika ni Allen. "Magpapabili ako ng madaming hopia."Mula sa pagpe-plating ng salad na order na isang customer ay napatingin ako babae. Ngumiti na lang ako kahit alam ko sa sarili ko kung makakabalik pa ba ako ng Maynila."Chef, okay ka lang?" tanong sa akin ni Andrea habang kumakain kami ng lunch sa lounge. "Parang kahapon ka pa tahimik."
NATUTULOG na mukha ni Craig ang bumungad sa akin nang magising ako. Iginila ko ang tingin sa paligid. We were inside his bedroom, and I was naked beside him. Napahawak ako sa noo nang maalala ang mga nangyari kagabi. We were stranded here last night. And then… something happened to me. Mariing pumikit ako. It was all my fault.Damn. Anong pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon? I was the only one to blame here.I was the one who kissed him. Last night… I let my emotions get the best of me.Mabilis kong isinuot ang damit at lumabas ng kwarto. Sumalubong sa akin ang nakakalat na pinagkainan namin sa sala. Tumama ang mga mata ko sa bote ng wine na nasa center table. Was it the wine? Napahawak ako sa mga labi. I could still remember the taste of his lips against mine.
OUR way back to Manila was awkward. Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Craig. I couldn't believe I managed to walk out on him. Was he mad at me? I don't know. And I shouldn't care.I knew what I did was right. But my heart… it was breaking.Sa kalagitnaan ng byahe ay pumikit ako at nagpanggap na tulog. Napadilat lang ako nang marinig ko ang isang malakas na kulog. Nagulat ako nang makitang malakas ang ulan sa labas.Tumikhim ako at nag-aalangang bumaling kay Craig. Iginala ko ang tingin sa paligid. "Nasaan na tayo?""Quezon City," tipid na sagot niya. Bumaling ako sa bintana. Wala akong masyadong makita sa labas dahil sa lakas ng ulan subalit sa kabila niyon ay napansin ko na pamilyar sa akin ang kalsadang ito. Muli ko sanang ipipikit an
"PARA kay Ate Lena lahat ito?" tanong ni Craig habang nakatingin sa basket na dala niya. Nasa loob kami ng sikat na hopia store sa Binondo.Bukod sa Cafe Mezzanine ay pinuntahan din namin ang iba pang sikat na restaurant doon. Niyaya ko rin si Craig sa Estero Street para tikman ilang street foods na binebenta roon. Hindi ko makalimutan ang ekspresyon ng mukha niya nang pakainin ko siya ng piniritong frog legs kanina.Muli akong kumuha ng panibagong flavor ng hopia sa estante at inilagay iyon sa basket. "Hindi. Magbibigay din ako sa mga ka-work ko. Saka kay Sky. Favorite niya iyong hopia dito."He slightly cocked his brows. "I thought we're not going to talk about other people today?""Ikaw iyong nagtanong, eh." Ibinaba ko ang tingin sa basket na halos m
"MAMA, ingat po kayo ni Papa sa date nyong dalawa."Napahinto ako sa pagsusuot ng sapatos nang marinig ko si Carina. Nakaupo siya sa kama habang nakatingin sa akin."Date?"Nginitian niya ako. "Di ba, magde-date kayo ni Papa?""Kanino mo nalaman iyan?""Iyong date? Eh, di kay Papa. Di ba nanliligaw siya sayo? Kaya kayo magde-date?"Hindi ako makasagot sa anak. Minsan, hindi ako makapaniwala na napakarami na niyang alam. Pakiramdam ko ay ang bilis niyang lumaki. Parang kailan lang, baby pa siya at hindi nakapagsalita. Ngayon, pati date ay alam na niya.
AKALA ko nananaginip ako nang magising ako na nakabalot sa katawan ko ang braso ni Craig. Subalit naalala ko ang ilang bahagi ng nangyari kagabi. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi na nilalamig. I found Craig in my room. Then I asked him the craziest thing I could ever do in my life. I asked Craig to cuddle with me.Kinagat ko ang ibabang labi. What have I done last night?I miss you, baby. So much. I miss you so damn much.Naalala ko ang huling sinabi niya bago ako nakatulog kagabi. I even remembered shedding a tear last night.Maingat kong inalis ang braso niya sa katawan ko. Halos mahigit ko ang hininga habang lumalayo sa kanya. I didn't want him to wake up just yet. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng inasta ko kagabi.