"CHEF Melvin," untag ko sa assistant chef na mas nauunang pumasok kaysa sa akin. "Anong oras nandito iyong customer sa table number eight?"
Pagpasok ko kaninang umaga ay nadatnan ko na naman si Craig sa restaurant. Tulad kahapon, nakapwesto siya sa sulok na bahagi ng restaurant habang nakaharap sa isang laptop.
"Pagbukas pa lang ng restaurant, nandito na siya, Ma'am."
"Chef, di ba magkakilala kayo?" tanong sa akin ni Andrea. "Paano mo siya nakilala?"
Tumikhim ako. "Uh… naging kapitbahay ko siya sa Maynila."
"Oh." Napangiti ang babae. "Baka naman pwede mo akong ipakilala, Chef. May girlfriend na ba siya?"
"Hindi ko alam," sagot ko. "Hindi naman kami g
KINABUKASAN ay muli akong sinundo ni Sky at hinatid sa restaurant.Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Sky habang nakatingin sa mukha ko. "Bakit parang namumutla ka?" Hinawakan niya ang noo ko.Bahagya akong napanguso. "Medyo pagod lang saka late na ako nakakatulog. Nagising kasi si Carina dahil sumakit ang ngipin."Bukod pa ron, ilang araw na ring hindi maayos ang tulog ko.Hindi lang naman kasi si Craig ang naalala ko. Iniisip ko rin si Carlos. Craig said his father has cancer. Ano kaya ang lagay niya? Kumusta siya ngayon? Pero siguro naman, kung malala ang kalagayan niya ay wala dito si Craig, di ba?"Is Carina okay now?" tanong sa akin ni Sky.
"CHEF Caress, okay ka lang?" tanong sa akin ni Melvin nang mapasandal ako sa refrigerator.Bahagya akong ngumiti sa kanya. "Medyo nahihilo lang ako." Nasa kalagitnaan ng duty nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.Dinala nila ako sa lounge at pinaupo sa sofa. "Chef, tatawagin namin si Doc Pat."Ang tinutukoy nila ay ang resident doctor ng resort. Kumuha ng resident doctor si Mam Maggie dahil malayo ang hospital dito sa lugar."Hindi na," wika ko pagkatapos sumimsim ng tubig na inabot ni Allen sa akin. "Konting pahinga lang ito."Subalit ilang minuto lang ang lumipas ay dumating si Doc Pat. Agad niya akong nilapitan at chineck."I suggest you rest, Caress
"GOOD morning!"Muntik na akong mapaigtad nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.Craig was sitting in our living room, having coffee. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng antok sa sistema ko nang makita siya.Tumikhim ako at pasimpleng inayos ang magulong buhok. "Good morning."Anong ginagawa niya rito ng ganito kaaga? Ang sabi niya kahapon ay maaga siyang pupunta pero hindi ko in-expect na ganito kaaga.Agad na hinanap ng mata ko ang orasan sa sala. It was seven in the morning. Medyo nagpatanghali ako ng bagon ngayon dahil hindi ako papasok sa trabaho."Sorry, napaaga ako ng punta," wika niya sa akin pagkatapos ibaba ang hawak na tasa n
"ANO 'to?" tanong ko kay Craig nang makita ang mga dala niya kinabukasan.Nagkakape na ako nang dumating siya. Bukod sa dala niya kay Carina ay may bitbit din siyang grocery bags. May mga basket din ng prutas doon at sako ng bigas. Kung susumahin ay parang pang ilang buwang supplies na namin ang dala niyang iyon."Groceries?" He answered, shrugging and with a smile on his face.Kumunot ang noo ko. "Alam kong groceries ito pero bakit?""I wanted to provide for my daughter's needs," simpleng sagot niya."Ang dami naman, Craig.""Kulang pa iyan sa ilang taong wala ako," seryosong sagot niya sa akin. "Kung may kailangan ka pa, magsabi ka lang sa akin."
"SORRY natagalan tayo," wika sa akin ni Sky pagpasok namin sa arko ng Patar. Mula sa daan ay ibinaling niya ang tingin sa akin.Inabot kami ng hapon dahil nasiraan ang kotse niya habang pauwi kami. Natawag pa kami ng gagawa dahil sa gitna ng daan nasira ang sasakyan."Pasalamat ka, binusog mo ako." Pabiro akong umirap sa kanya. Habang ginagawa ang sasakyan niya kanina ay nagfood trip na lang muna kami sa Alaminos."Baka magtampo si Carina, tagal kitang hiniram sa kanya."Napanguso ako. "Kasama naman niya ang Papa niya." Mas mabuti na rin siguro iyon para mas magkaroon si Craig ng oras kay Carina."Dito na lang ako bababa," wika ko sa kanya nang tumapat kami sa del Fierro resort.
"NA-MISS kong magtrabaho," wika ko kay Sky nang magkita kami sa Del Fierro resort nang umagang iyon.Pagkatapos ng dalawang araw kong pahinga ay pumasok na ako sa trabaho."You're only on leave for two days, Caress," Sky said to me, pouting."Sky, sa tingin mo alam na ng mga katrabaho ko?" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa restaurant. Maliit lang ang Patar. Halos lahat ng empleyado ng resort ay residente ng baryo namin. Isa pa, si Carina na rin ang nagsasabi sa mga kapitbahay namin na nagtatanong na ama niya si Craig."It's your private life, Caress," sagot niya. "Kung nalaman man nila ang tungkol doon, wala silang karapatang mag-usisa sa 'yo.""Si Ma'am Maggie?" tanong
"AKO na dyan, Caress," wika sa akin ni Craig nang maabutan niya akong nagliligpit ng pinagkainan."Hindi na." Tumingin ako sa kanya. "Balikan mo na si Carina."Sa halip na sundin ako ay lumapit lang siya sa akin. "Ikaw na doon sa anak natin.""Craig.""Caress."Pareho kaming tumingin sa isa't-isa.Kinuha niya mula sa akin ang hawak na plato. Napaatras ako nang maramdaman ko ang pagdikit ng daliri namin."Uh, sigurado ka ba?" Tumikhim ako.He smiled at me. "I'm used to living alone, Caress," sagot niya sa akin. "And remember? Ako ang laging nag
"MAMA, sabi ni Lolo Carlos, bibigyan niya ako ng sobrang laking barbie doll kapag nagkita kami," pagkukuwento sa akin ni Carina habang inaayos ko ang buhok niya.Day off ko ngayon sa trabaho. Pagkatapos kong bihisan si Carina ay pinusod ko ang buhok niya.Kahapon ay nagpaalam sa akin si Craig na ipapasyal si Carina sa bayan. Sabi niya sa akin ay kakain sila sa Jollibee. Iyon ang unang beses na ilalabas ni Craig ang anak."Tapos si Lola Arabella, ibibili niya daw ako ng maraming dress." Bumaling siya sa akin at ngumiti. Lumiit ang mga mata niya sa ginawa niya.Simula noong makausap ni Carina ang mga magulang ni Craig ay madalas na iyong ikwento sa akin ni Carina. Halata ang excitement sa mukha ng anak sa tuwing nagkukwento siya sa akin.