"ANO 'to?" tanong ko kay Craig nang makita ang mga dala niya kinabukasan.
Nagkakape na ako nang dumating siya. Bukod sa dala niya kay Carina ay may bitbit din siyang grocery bags. May mga basket din ng prutas doon at sako ng bigas. Kung susumahin ay parang pang ilang buwang supplies na namin ang dala niyang iyon.
"Groceries?" He answered, shrugging and with a smile on his face.
Kumunot ang noo ko. "Alam kong groceries ito pero bakit?"
"I wanted to provide for my daughter's needs," simpleng sagot niya.
"Ang dami naman, Craig."
"Kulang pa iyan sa ilang taong wala ako," seryosong sagot niya sa akin. "Kung may kailangan ka pa, magsabi ka lang sa akin."
"SORRY natagalan tayo," wika sa akin ni Sky pagpasok namin sa arko ng Patar. Mula sa daan ay ibinaling niya ang tingin sa akin.Inabot kami ng hapon dahil nasiraan ang kotse niya habang pauwi kami. Natawag pa kami ng gagawa dahil sa gitna ng daan nasira ang sasakyan."Pasalamat ka, binusog mo ako." Pabiro akong umirap sa kanya. Habang ginagawa ang sasakyan niya kanina ay nagfood trip na lang muna kami sa Alaminos."Baka magtampo si Carina, tagal kitang hiniram sa kanya."Napanguso ako. "Kasama naman niya ang Papa niya." Mas mabuti na rin siguro iyon para mas magkaroon si Craig ng oras kay Carina."Dito na lang ako bababa," wika ko sa kanya nang tumapat kami sa del Fierro resort.
"NA-MISS kong magtrabaho," wika ko kay Sky nang magkita kami sa Del Fierro resort nang umagang iyon.Pagkatapos ng dalawang araw kong pahinga ay pumasok na ako sa trabaho."You're only on leave for two days, Caress," Sky said to me, pouting."Sky, sa tingin mo alam na ng mga katrabaho ko?" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa restaurant. Maliit lang ang Patar. Halos lahat ng empleyado ng resort ay residente ng baryo namin. Isa pa, si Carina na rin ang nagsasabi sa mga kapitbahay namin na nagtatanong na ama niya si Craig."It's your private life, Caress," sagot niya. "Kung nalaman man nila ang tungkol doon, wala silang karapatang mag-usisa sa 'yo.""Si Ma'am Maggie?" tanong
"AKO na dyan, Caress," wika sa akin ni Craig nang maabutan niya akong nagliligpit ng pinagkainan."Hindi na." Tumingin ako sa kanya. "Balikan mo na si Carina."Sa halip na sundin ako ay lumapit lang siya sa akin. "Ikaw na doon sa anak natin.""Craig.""Caress."Pareho kaming tumingin sa isa't-isa.Kinuha niya mula sa akin ang hawak na plato. Napaatras ako nang maramdaman ko ang pagdikit ng daliri namin."Uh, sigurado ka ba?" Tumikhim ako.He smiled at me. "I'm used to living alone, Caress," sagot niya sa akin. "And remember? Ako ang laging nag
"MAMA, sabi ni Lolo Carlos, bibigyan niya ako ng sobrang laking barbie doll kapag nagkita kami," pagkukuwento sa akin ni Carina habang inaayos ko ang buhok niya.Day off ko ngayon sa trabaho. Pagkatapos kong bihisan si Carina ay pinusod ko ang buhok niya.Kahapon ay nagpaalam sa akin si Craig na ipapasyal si Carina sa bayan. Sabi niya sa akin ay kakain sila sa Jollibee. Iyon ang unang beses na ilalabas ni Craig ang anak."Tapos si Lola Arabella, ibibili niya daw ako ng maraming dress." Bumaling siya sa akin at ngumiti. Lumiit ang mga mata niya sa ginawa niya.Simula noong makausap ni Carina ang mga magulang ni Craig ay madalas na iyong ikwento sa akin ni Carina. Halata ang excitement sa mukha ng anak sa tuwing nagkukwento siya sa akin.
"MAMA, malayo pa tayo?" tanong sa akin ni Carina mula sa backseat. Kung kanina, mataas ang energy ng anak, ngayong pauwi na kami ay matamlay na siya. Halos dalawang oras kaming nagtagal sa amusement park ng mall kanina. Pagkatapos naming kumain sa paboritong fast food restaurant ni Carina ay naglakad-lakad pa kami sa mall sandali bago kami umuwi."Anak, malayo pa." Sumulyap ako sa suot na relo. Twenty-minutes pa lang kami sa byahe. Halos isang oras pa bago kami makauwi ng Patar."I have snacks here, sweetheart. Gusto mo ba?" Binuksan ni Craig ang dashboard drawer ng sasakyan nito. Tumambad roon ang piraso ng candies at chocolate bar.Napatingin ako roon. Hindi pa rin siya nagbabago. He still has sweets in his car.Nakita ko ang pag-iling ng anak s
"ATE Caress!" malaki ang ngiting kumaway sa akin si Lorie pagdating ko sa bahay. Naabutan ko siyang kumakain ng cake sa terrace."Lorie, umuwi ka pala," bati ko sa kanya."Two days kaming walang pasok kaya umuwi muna ako." Binigyan niya ako ng kakaibang ngiti. "Di ko man lang nabalitaan iyong kaganapan dito sa bahay."Natigil ako sa akmang paghubad ng sapatos."Kailan pa nandito iyong tatay ni Carina?""Oh. Uhm, isang linggo na," sagot ko sa kanya. Kilala ko si Lorie. Sigurado akong hindi siya babalik ng Baguio na hindi niya ako iintrigahin. "Nasaan si Carina?" tanong ko sa kanya.Sumubo siya ng cake. "Nasa kusina kasama ang Papa niya. Sila ang naglul
"SALAMAT, Lorie," wika ko kay Lorie nang ilapag niya sa harap ko ang tasa ng kape.Naupo siya sa tabi ko at humigop ng kape. Nasa terrace kaming dalawa."Naku, ate. Need talaga natin ng kape kasi parang hindi ako natunawan sa hapunan kanina." Ngumuso siya at naupo sa tabi ko."Grabe, pinagpawisan yata kili-kili ko sa dinner kanina."Pagkatapos ng hapunan ay umuwi na rin si Sky. Sabi niya ay dumaan lang daw talaga siya. Si Craig ay kasama ngayon ni Carina sa kwarto. Gusto ng anak na ang papa nito ang magpatulog sa kanya. Sa loob lang ng isang linggo ay napalapit na talaga si Carina sa ama nito.When Sky joined us earlier, the dinner became awkward. Mabuti na lang at nandoon si Lorie at ang anak na
"INGAT kayo sa byahe!" bilin sa amin ni Ate Lena nang nagpaalam kami sa kanya."Oh, Carina, magpakabait ka roon, ah." Pinisil ni Ate Lena ang pisngi ni Carina. "Wag ka magpapasaway."Yumakap si Carina kay Ate Lena. "Mamimiss kita, Tita. Uuwi kami agad para di ka ma-sad."Bahagyang natawa si Ate Lena nang pakawalan ang anak ko. "Basta wag ka magpasaway sa mama mo, ah. Saka pasalubong ko.""Opo, Tita."Lumapit si Carina kay Craig na katatapos lang ilagay sa sasakyan ang mga bagahe namin.Ngayon ang byahe namin pa-Maynila. Ang una naming napag-usapan ni Craig, si Carina lang ang isasama niya. Subalit ayaw pumayag ng anak ko na hindi ako kasama. Kaya sa huli ay napil