"MAMA!" Nagliwanag ang mukha ni Carina nang ako ang bumungad sa kanya paggising niya.
Agad niya akong binalot ng yakap.
"Good morning, anak," bati ko sa kanya.
"Good morning, Mama," bati niya sa akin yabang nakayakap. "Nandito ka na," masayang sambit niya.
"O, di ba? Sabi ko sayo paggising mo nandito na ako, eh."
Alas kwatro kami umalis ni Sky ng Baguio. Pasado alas sais ay nakarating na kami ng Patar.
Nag-angat sa akin ng tingin si Carina at ngumiti. "Pasalubong?" Ngumuso siya sa akin.
Natawa ako sa kanya. "Nasa ref na anak. Mamaya na natin tingnan pagkatapos kumain ng breakfast, okay?"
"SIGE na Chef, kami na ang bahala rito," wika sa akin ng assistant cook na si Marissa.Sumulyap ako sa wall clock na nakadisplay sa kusina ng restaurant. Pasado alas-siete na ng gabi. Hanggang alas dies nagsasara ang Casa Del Fierro subalit pagdating ng alas sais ay tapos na ang duty ko. Minsan nga lang ay naatraso ako ng uwi. Tulad na lang ngayon, medyo naatraso ako ng labas dahil nagkaproblema kanina sa isa sa mga kitchen staff ko."Okay. Basta tawagan nyo na lang ako ulit kapag nagkaroon ng problema," wika ko sa kanya.Lumabas ako ng kitchen area at dumiretso sa locker para magbihis ng damit.Binati ako ng mga nadaanan kong server."Nako, Ma'am, kanina pa naghihintay si Doc Sky sa inyo," malaki ang
"CHEF, wala yata si Doc Sky ngayon," wika sa akin ni Andrea nang mag-out ako sa trabaho. Halos isang linggo na ang nakalilipas mula nang magsimula ng manligaw si Sky. Sa bawat araw na iyon ay lagi siyang may pabulaklak sa tuwing sinusundo ako sa trabaho. Wala namang nagbago sa aming dalawa, maliban na lamang sa lalong nadagdagan ang ibinibigay niya sa tuwing nakikikain siya sa amin. Bukod sa mga pasalubong sa anak ko ay nagbibigay din siya kay Ate Lena. Kahit sinabi ko sa kanya na huwag na siyang magbigay ng kung ano-ano ay hindi naman siya nakikinig kaya sa huli ay hinayaan ko na lang.Noong day off ko ay ipinasyal namin ni Sky si Carina sa bayan ng Alaminos. Pagkatapos naming bisitahin ang sikat na hundred islands ay nagsimba kami at kumain sa paboritong fast food restaurant ni Carina. Tuwang-tuwa ang anak dahil paborito niya ang spaghetti sa Jollibee.
"GRABE ang gwapo niya talaga, Andrea.""Narinig ko iyong boses noong umorder sa bar kagabi, pati iyong boses ang sarap sa tenga.""Hay, feeling ko malalaglag panty ko, eh."Uminom ako ng tubig sa pagkatapos ay bumaling sa dalawang kitchen staff na nag-uusap habang kumakain sa gilid ko.Nasa employee's lounge kami at kumakain ng lunch. Hindi sabay-sabay mag-lunch ang kitchen department dahil hindi pwedeng mawalan ng tao sa kusina."Sino naman iyang pinag-uusapan niyo, ha?" pag-uusisa ko sa kanila. Inilapit ko sa akin ang platito ng leche flan at kumutsara doon.Bumaling sa akin ang dalawang babae na parehong may malaking ngiti sa mga labi. "Iyong isang turista, Ch
"ATE Lena, iyong bilin ko, ah," wika ko kay Ate Lena bago ako pumasok sa trabaho.Sinabi ko sa kanya hangga't maaari ay huwag muna niyang isasama si Carina sa labas. Huwag muna silang pupunta ni Carina sa bayan. Kung may kailangan siya ay itawag na lang niya sa akin.Kahit hindi alam ni Craig na may anak kami, kailangan kong mag-anak. Craig… he's smart. Kapag nalaman niya na anak ko si Carina…alam kong unang papasok sa isip niya na anak namin itong dalawa."Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo, Caress? Wala ka ba talagang balak ipaalam sa lalaking iyon ang tungkol kay Carina?"Sumulyap sa sala kung saan naroon si Carina. Abala ang anak sa panonood ng cartoon."Hindi sa nanghihimasok
"CHEF Melvin," untag ko sa assistant chef na mas nauunang pumasok kaysa sa akin. "Anong oras nandito iyong customer sa table number eight?"Pagpasok ko kaninang umaga ay nadatnan ko na naman si Craig sa restaurant. Tulad kahapon, nakapwesto siya sa sulok na bahagi ng restaurant habang nakaharap sa isang laptop."Pagbukas pa lang ng restaurant, nandito na siya, Ma'am.""Chef, di ba magkakilala kayo?" tanong sa akin ni Andrea. "Paano mo siya nakilala?"Tumikhim ako. "Uh… naging kapitbahay ko siya sa Maynila.""Oh." Napangiti ang babae. "Baka naman pwede mo akong ipakilala, Chef. May girlfriend na ba siya?""Hindi ko alam," sagot ko. "Hindi naman kami g
KINABUKASAN ay muli akong sinundo ni Sky at hinatid sa restaurant.Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Sky habang nakatingin sa mukha ko. "Bakit parang namumutla ka?" Hinawakan niya ang noo ko.Bahagya akong napanguso. "Medyo pagod lang saka late na ako nakakatulog. Nagising kasi si Carina dahil sumakit ang ngipin."Bukod pa ron, ilang araw na ring hindi maayos ang tulog ko.Hindi lang naman kasi si Craig ang naalala ko. Iniisip ko rin si Carlos. Craig said his father has cancer. Ano kaya ang lagay niya? Kumusta siya ngayon? Pero siguro naman, kung malala ang kalagayan niya ay wala dito si Craig, di ba?"Is Carina okay now?" tanong sa akin ni Sky.
"CHEF Caress, okay ka lang?" tanong sa akin ni Melvin nang mapasandal ako sa refrigerator.Bahagya akong ngumiti sa kanya. "Medyo nahihilo lang ako." Nasa kalagitnaan ng duty nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.Dinala nila ako sa lounge at pinaupo sa sofa. "Chef, tatawagin namin si Doc Pat."Ang tinutukoy nila ay ang resident doctor ng resort. Kumuha ng resident doctor si Mam Maggie dahil malayo ang hospital dito sa lugar."Hindi na," wika ko pagkatapos sumimsim ng tubig na inabot ni Allen sa akin. "Konting pahinga lang ito."Subalit ilang minuto lang ang lumipas ay dumating si Doc Pat. Agad niya akong nilapitan at chineck."I suggest you rest, Caress
"GOOD morning!"Muntik na akong mapaigtad nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.Craig was sitting in our living room, having coffee. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng antok sa sistema ko nang makita siya.Tumikhim ako at pasimpleng inayos ang magulong buhok. "Good morning."Anong ginagawa niya rito ng ganito kaaga? Ang sabi niya kahapon ay maaga siyang pupunta pero hindi ko in-expect na ganito kaaga.Agad na hinanap ng mata ko ang orasan sa sala. It was seven in the morning. Medyo nagpatanghali ako ng bagon ngayon dahil hindi ako papasok sa trabaho."Sorry, napaaga ako ng punta," wika niya sa akin pagkatapos ibaba ang hawak na tasa n