Itinuon ni Lera ang atensyon sa daan habang abalang magmaneho si Lucas patungo sa opisina. Hindi niya malaman kung bakit nagawa niyang sabihin na sira ang kan’yang kotse para lang makasabay sa lalaki. Ideya iyon ni Maris, hindi kan’ya. Kulang na nga lang ay iuwi niya na ang sasakyan sa kanilang bahay dahil hindi niya naman ito nagagamit.
Tumikhim si Lucas kaya dahan-dahan siyang tumingin dito. Hindi niya nagugustuhan na tila kaytagal nilang makarating sa paroroonan.
“Doon ba kayo matutulog ni Arim mamaya kina nanay Nora?” kaswal nitong tanong.
Walang pasok ang bata kaya napagpasyahan nilang ihatid ito sa nanay ni Lera.
“Oo,” tipid niyang sagot. Masyadong mabait ang kan’yang ina para ito na ang magsabi kay Lucas na tawagin siyang nanay. Minsan naiisip niyang tama na naglihim siya dito sa planong ipaghiganti ang ama, dahil kung hindi ay paniguradong ito ang unang sasaway sa kan’ya.
Naalala niya nang isa
Isang malamig na baso ng alak ang nilagok ni Lera habang sinusundan ng tingin si Lucas palabas ng bar. Nakatanggap ito ng tawag kaya sandali munang iniwan silang apat sa pabilog na sofa.Padabog niyang inilapag ang baso sa lamesa pagkatapos ay kinuha ang bote ng alak upang sana’y inumin pero wala na itong laman. Hindi lang iyon kun’di lahat ng boteng nasa lamesa. Higit tatlong oras na silang nag-iinom kaya hindi na iyon nakakapagtaka.Sumimangot siya kay Jervy.“Ubos na, Jervy.” Ang kan’yang panalita ay hindi na malinaw, indikasyon na nasa wisyo na siya ng alak.Marahas na kinuha ni Maris ang bote sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit halos ito pa ang walang pakundangan na um-order ng alak sa kanila, gayong hindi naman ito mahilig uminom. Hindi niya rin gusto na hinayaan ito ni Lucas na magpakalasing.Masamang tingin ang ipinukol ni Lera kay Maris. Kung hindi sana nito inimbitahan si Lucas ay hindi siya iinom nang ma
Ang pamilyar na amoy ng lalaki ang nagpamulat kay Lera sa malalim na pagkakatulog. Mabilis siyang bumangon nang maalala ang nangyari kagabi. Dahan-dahan siyang lumingon sa tabi at nakahinga nang maluwag nang makitang wala na doon si Lucas.Napatingin siya sa ilalim ng kumot at napagtantong suot niya ang damit ni Lucas. Malaki ito kaya natatakpan ang boxer shorts na isunuot din ng lalaki sa kan'ya bago ito tumabi sa kan'ya sa pagtulog kagabi. Hindi niya iyon maalala dahil mabilis siyang nakatulog sa pagod at pagkalasing.Napatingin siya sa kan'yang teleponong nasa side table. Kinuha niya iyon at bubuksan sana nang makarinig ng kaluskos mula sa pintuan. Mabilis siyang bumangon at nagtungo sa banyo.Siguradong tandang-tanda pa ni Lucas ang nangyari kagabi. Kung paano niya hinila ang lalaki dahilan upang may mangyari sa kanila."Lera?" Napapitlag siya nang kumatok ito sa pintuan ng banyo. Dali-dali niyang binuksan ang shower upang magmukhang naliligo siya. Tu
Ano nga ba ang pakiramdam ng nililigawan? Paano ba ito ginagawa? Palagi ba’ng nagbibigay ng bulaklak at tsokolate ang lalaki sa babae o may iba pa’ng mas nakakakilig na paraan upang ipadama sa nililigawan mo na seryoso at totoo ang nararamdaman mo para sa kan’ya?Muling binura ni Lera ang ginagawang report sa kan’yang laptop. Hindi siya makapag-pokus dahil naglalaro sa kan’yang isipan ang binitiwang salita kahapon ni Lucas.Pinapatigil nitong manligaw si Jervy sa kan’ya gayong simula’t sapol ay wala pa’ng nanliligaw sa kan’ya. At ayaw nitong may karibal. Karibal saan? Sa panliligaw ba?Ano ba’ng alam ni Lera sa panliligaw? Simula nang magkaroon siya ng anak ay ibinuhos niya na ang lahat ng pagmamahal dito at ‘ni minsan ay hindi sumagi sa kan’yang isipan ang magkaroon ng nobyo.Subalit kung totoo man na manliligaw si Lucas, hindi ba dapat ay masaya siya? Dahil ibig sabihin lamang nito
Sabi nila, ang pagmamahal ay dumarating sa panahon at taong ‘di mo inaasahan.Nakakailang hikab na si Lucas subalit pilit niya pa din nilalabanan ang antok. Marami pa’ng papeles ang nakatambak sa kan’yang lamesa na kailangan niyang review-hin.“Yes?” Nanatiling tutok ang kan’yang mga mata sa ginagawa nang sagutin ang kumakatok sa pinto.Iniluwa nito si Lera na may dalang kape. Mabilis niya itong binalingan ng tingin.Kailan ba nagsimulang magbago ang paningin niya sa babae? Hindi niya matandaan. Basta ang alam niya lang kapag nasa paligid ito ay kusang napupunta dito ang buong atensyon niya.Inilapag ni Lera ang kape sa lamesa.“Thank you.” Wala siyang matandaan na humingi siya ng kape dito, pero kailangan niya ito ngayon upang ipanglaban sa labis na pagkaantok.Sumimsim siya. Sigurado siyang hindi pa iyon umeepekto pero nawala na ang antok niya. Dahil ba iyon sa presensya ng magan
Mahirap para kay Lera na akitin ang isang Lucas Valle. Makailang ulit niyang naisip na umatras sa plano dahil pakiramdam niya’y magmumukha lamang siyang tanga. Para sa kan’ya, mataas si Lucas, hindi ito kailanman mahuhulog sa patibong niya. Gayunpaman, itinuloy niya ang balak. Subalit sa proseso ay mas lalo niyang nakilala ang lalaki, may kabutihan itong taglay. Mabait at maunawain na tagapamahala sa sakahan, isang masipag at tapat na kasosyo sa negosyo, at higit sa lahat, mabuting ama para kay Arim.Tumigil ang mundo ni Lera nang marinig niya ang katanungan nito. Hindi pala ang pang-aakit sa isang Lucas Valle ang mahirap kun’di ang pagsagot sa tanong nito.Hindi lang siya basta gusto ng binata, mahal na siya nito. Nakalimutan niya na yata ang nasa kan’yang plano na kapag nangyari ang bagay na ito ay walang pag-aalinlangan siyang sasagot ng ‘oo’.“Ang bilis naman yata, Lucas.” Sa wakas ay nagawa niyang magsalita.
Ano ang mas matimbang ang noon o ang ngayon?Tulalang hinahalo ni Lera ang kan’yang kape sa pantry ng opisina. Sasapit pa lamang ang tanghali subalit hindi niya na kayang labanan ang antok.“Lera.” Pinalakas yata ng kape ang nerbyos niya nang marinig ang boses ni Lucas sa kan’yang likod.Kagaya niya ay nangangalumata ito. Hindi rin ba ito nakatulog kagabi?Ang kan’yang katanungan ay nasagot nang sabay silang humikab. Hindi napigilan ni Lucas ang mapangiti nang mapansin iyon. Si Lera nama’y yumuko at dali-daling binitbit ang kape upang sana’y lumabas na nang pigilan siya ng lalaki.“Iniiwasan mo ba ako?”Nakakatawang isipin na si Lera ang unang nagpakita ng motibo ngunit nang pinatulan na siya ay siya na itong umaatras.Para ba’ng pinahulog ka lang tapos n’ong hulog na hulog ka na basta ka na lang iiwan.“H-hindi. May gagawin pa kasi ako.”&ldqu
Marami ang nagbago matapos umamin si Lucas kay Lera. Sa pagdaan ng mga araw ay tinupad nito ang pangakong hihintayin ang babae hanggang sa matanggap na nito ang pag-ibig niya.Napabuntong-hininga na lamang si Lera nang makita ang lunch box sa kan'yang lamesa sa loob ng opisina. Ilang araw na siyang ipinaghahanda ng pagkain ni Lucas subalit naninibago pa din siya.Alas-dose na, lunch time, kaya kinuha niya na iyon at dinala sa receiving area kung saan naghihintay si Maris.Mag-iisang linggo nang wala si Lucas sa opisina dahil abala itong asikasuhin ang farm, bagay na pabor sa kan'ya.Binuksan niya ang lunch box at hindi napigilan ang ngumiti nang makita ang bagong putahe na niluto ni Lucas para sa kan'ya. Alam niyang ito ang nagluluto dahil makailang ulit niya nang naabutan ito na abala sa kusina at maaga pa'ng magising kumpara sa nakasanayan nitong oras sa umaga.Nasabi na noon sa kan'ya ni Lucas na nag-aral itong magluto para sa kanilang ana
Pag-aalala, isang pakiramdam ng pangangamba na mararamdaman mo lang para sa taong sa buhay mo ay mahalaga.Matapos ihatid si Arim sa mansyon ay nagtungo si Lera sa farm. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan upang sundan si Lucas doon. Madilim na subalit wala pa din ito sa mansyon at wala din ipinadalang mensahe sa kan'ya.Ilang metro ang layo sa farm ay natanaw niya ang sasakyan ng lalaking sadya. Nakita niyang sumakay ito sa kotse, subalit hindi ito nag-iisa. May kasamang babae na sumakay din sa shotgun seat. Hindi niya iyon namukhaan.Mabagal na umandar ang sasakyan. Hindi siya nagdalawang isip na sundan ito."I'll wait for you, Lera." Wala sa sariling ginaya niya ang sinabi sa kan'ya noon ni Lucas. Hindi niya na makontrol ang kakaibang emosyon na naglalaro sa kan'yang damdamin."Manloloko! Hindi ako mahuhulog sa patibong mo. Akin ang panalo sa laban na ito, hindi sa'yo." Humigpit ang kapit niya sa manibela na para ba'ng si Lucas
Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad
Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.
Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang
Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H
Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha
Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.
Ang hirap magdesisyon kapag hindi umaayon sa'yo ang sitwasyon."Ipa-kidnap na lang natin si Arim. May kakilala ako'ng sindikato," seryosong saad ni Maris na ikinairap ni Lera.Bakit nga ba siya nagtatanong pa ng payo dito? Wala naman siyang makuhang matinong sagot.Kinuha niya ang bag at handa nang umalis sa opisina. Uuwi siya sa mansyon nila sa Sta. Ignacia, kagaya ng kondisyon na ibinigay niya sa anak. Mananatili sila sa Pilipinas kasama si Lucas ngunit doon sila maninirahan."Bye! Hoping for a comeback!"Naiiling na iniwan niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ba ito pumapanig. Isa pa'y wala naman balikan na mangyayari dahil walang nakikipagbalikan. Ang kanilang pagsasama ngayon ay para na lamang sa bata. Sa mga susunod na araw ay binabalak niya nang kumbinsihin ang anak at ipaunawa dito ang magiging set-up nila ni Lucas bilang magulang. Ipapaliwanag niya na hindi na sila pwedeng magsama sa iisang bubong."Mabuti naman kung hindi n
"Ikaw ang haligi ng tahanan. Keep your family in the loop. You are their protector. There is no reason to give up. Alam ko naman na hindi ka susuko, but I just wanted to remind you that dad didn't raise us to be ungentleman. Harapin mo ang problema mo. Bawiin mo ang pamilya mo. Ako na ang bahala kay mommy."Ang mga sinabi ng kan'yang kapatid na si Dominic ang nagpapalakas sa loob ni Lucas.Isang araw ang nilaan niya upang bigyan ng lakas ang sarili. Hindi biro ang sakit na ibinigay niya kay Lera. Hindi niya alam kung mayroon ba'ng kapatawaran iyon, subalit nais niyang subukan.Hindi niya susukuan ang taong kan'yang mahal."Lera, this is Lucas." Matapos ang higit isang buwan na hindi ito nakakausap ay hiningi niya kay Mikoy ang bagong numero nito."Please, not now Lucas. Nawawala ang anak natin." Gusto niyang ngumiti nang marinig ang salitang 'natin'. Mayroon pa din silang koneksyon. Subalit, pinili niyang hindi ituloy ang pagngiti nang
Matagal nang naka-plano sa isipan ni Lera na sarilinin si Arim. Ngayong kasama niya na ang anak akala niyang buo ang kasiyahan na kan'yang madarama. Hindi pala. Mayroong pa din kulang. Alam niya kung sino, pero alam niya din na hindi maaari."Ako na ang bahala sa kompanya. I'll report to you everything," ani Peter."Kami na din ang bahala kay Nanay Nora at Mikoy," dagdag ni Maris. Pinili niyang huwag na munang isama ang ina upang may makasama ang bunsong kapatid."Thank you." Nagpaalam siya sa dalawa nang umalis na ito.Iginala niya ang mata sa kabuuan ng lugar. Dalawang palapag na bahay ang kanilang nirentahan. Sa taas ay may dalawang kwarto at sa ibaba naman ang salas at kusina. Hindi ganoon kalaki subalit sapat na para sa kanilang dalawa ng anak. Pansamantala lang naman ito dahil sa susunod na buwan ay baka makaalis na din sila ng bansa kasama ang ina.Inihanda niya ang lahat ng kailangan sa ibang bansa para sa sana ay pag-alis nila,