Share

Seduced By The Playboy Billionaire
Seduced By The Playboy Billionaire
Author: Pennieee

Chapter 1

Author: Pennieee
last update Huling Na-update: 2024-10-16 11:21:23

WARNING MATURE CONTENT R18+ This story contains scenes that are not suitable for young readers. Reader discretion is advised.

PLAYBOY BILLIONAIRE SERIES 1: Seduced By The Playboy Billionaire by: Pennieee

Claritha Eina Contresa

“Sure ka ba na hindi mo na kailangan ng kasama? Puwede mo naman isama ang Kuya Ivan mo. Malayo ang Tagaytay, Clein, mag-aalala rin ang mommy mo kapag mag-isa ka lang.”

She is Claritha Eina Contresa. Short for Clein/Klayn. Dalawampung-walong taong gulang na ngunit hirap na hirap pa ring magpaalam sa kaniyang mga magulang kapag may pupuntahan siya. Hindi niya ba alam kung OA lang talaga ang dad niya pero grabe naman, ha? 28 years old na siya! Ang mga kaedaran niya, may mga asawa na pero siya hirap pa rin magpaalam kapag may gala!

“Dad, that was three days and two nights only. Nakakahiya kay Ariza, kilala mo naman siya ‘di ba? Since high school until now we are super friends. Isa ang kasal niya sa hindi ko dapat mapalampas sa buhay ko,” sabi niya.

Talagang lagot siya kay Ariza, ay hindi lang pala sa kaibigan niyang 'yon kung hindi pa kina Vera. Ibibitin siya talaga patiwarik ng mga ito kapag hindi siya pumunta!

“I am not saying that you should not go, Claritha Eina. Ang sinasabi ko ay malayo, mas maganda kung isama mo ang isa sa mga kapatid mo. Ivan is available, he has a week vacation. Sinabi niya sa akin kagabi na mananatili muna siya rito sa Cabanatuan ng isang linggo. Oh, siya ang isama mo."

Napakamot siya sa kaniyang batok nang marinig ang sinabi ng kaniyang ama. Nagpapaalam siya ngayon dahil a-attend nga siya sa kasal ng kaibigan niyang si Ariza. Sa tagaytay kasi ang venue, may tutuluyan naman na siyang hotel kaagad kaya’t walang dapat na problemahin pa.

Ngunit dahil nag-iisa siyang babae sa kanilang limang magkakapatid at siya pa ang bunso ay talaga naman na napaka-protective ng mga lalake sa kaniya sa kanilang pamilya.

“Dad, Kuya Ivan is taking his vacation to relax. Napaka-busy non sa trabaho sa manila at iyong isang linggo lang ang magiging pahinga niya. Ayoko na maabala pa siya dahil lang kailangan niya akong bantayan at samahan sa Tagaytay.”

Ang hirap talagang magpaalam pag aalis ako. Pakiramdam ko teenager pa rin ako.

Bumuntong hininga siya. She could win this argument, she’s confident.

“Saka isa pa, I am 28 years old dad. Matanda na po ako, kaya ko na ang sarili ko. Paano ako makakapag-asawa kung itong pagpapaalam lang sa kasal ng bestfriend ko ay hindi mo ako mapayagan na mag-isa,” sambit niya.

“Aba’t—“ huminga ng malalim ang kaniyang ama. “At bakit napasok sa pag-aasawa ang usapang ito, Claritha? May nobyo ka na ba? Huwag mong sabihin na kaya ka ganito kaagresibo na pumunta mag-isa ay dahil naroon ang nobyo mo?”

Ang totoo ay wala pa siyang nobyo. Ang huling kasintahan niya ay noong 4th year high school pa siya. Ilang taon na ang nakalipas. Wala rin naman siyang ginawang kalokohan noong nag-aaral siya para maparanoid ang daddy niya ng ganito!

“Ang sinasabi ko lang dad ay nasa hustong edad na ako para magdesisyon ng mga bagay sa buhay ko. Kaya ko naman po na mag-isa, tatawag ako palagi sa inyo pag naroon na ako, saka wala ka pong dapat na ikabahala kasi kasama po namin ang mga high school friends namin noon. May makakasama pa rin ako, dad,” sabi niya.

"At puro naman kami mga babae!" dagdag pa niya.

“Let her be, Ignacio, malaki na si Clein. Hanggang ngayon ay bine-baby mo pa rin siya. Bahala ka, baka mamaya pinaglilihiman na tayo niyan sa sobrang higpit mo sa mga lakad niya,” sabi ng kaniyang ina na kadarating lang dala ang meryenda nila. Nakangiti ito at kinindatan pa siya. She mouthed thank you. Alam niya kasi na ise-save siya nito. Well, most of the time naman.

Ang daddy kasi! Akala mo tuwing magpapalaam ako na aalis ay makikipagtanan na!

“Ano? Magagawa mo na maglihim sa akin, Clein?” may pagtatampo na kaagad sa boses ng kaniyang ama.

Napakamot siyang muli sa batok. Tumayo siya at tumabi sa kaniyang ama sa sofa. Humilig siya sa balikat nito at kumapit sa braso nito. Iyong nanlalambing talaga. Oo at papayagan naman siya nito pero ayaw niya na may kasama pa dahil mas nakakahiya 'yon. Until now that she's 28 sinasamahan pa siya ng mga kuya niya? Inihahatid? She has a car naman!

“Dad, I can’t do that. I will always tell you my plans. Alam mo na simula noon pa man ay wala akong kahit anong lihim sa ‘yo. Binibiro ka lang ni mommy,” pagpapanatag rin niya ng loob nito. Pagbaling niya sa kaniyang ina ay napangiwi naman ito dahil mukhang napalala pa nga ang sitwasyon.

"Dapat lang," pumipikit-pikit ang kaniyang ama habang nanghahaba ang nguso nito.

“You are still my baby girl, you can’t lie or keep secrets from me. Magagalit talaga ako, Clein.”

Nagkatinginan sila ng kaniyang ina. Naiiling ito kasi naman, kahit ang mommy niya ay hindi na rin malaman ang pagsuway na gagawin sa kaniyang ama. Para rin ipaliwanag na matanda na siya.

“Hmm... oo nga po, daddy. Pero can you trust me?"

Hindi naman ito sumagot kaya mas humilig siya sa braso ng kaniyang ama.

"Silence means yes! And, uhm, so... I can go alone na?” tanong niya pa.

Nang malalim na bumuntong hininga ang kaniyang ama ay tumingin siya dito. Nakangiti ng malawak. Ramdam niyang bibigay na rin ito dahil sa pagkibot-kibot ng mga labi na nagpipigil ng ngiti.

“Hmmp, okay,” pagsang-ayon nito.

"Hindi ko rin naman matitiis ang pamimilit mo. Haaa," dagdag pa nito at napapailing.

“Yes! Thank you, dad!” sabi niya at humalik sa pisngi nito.

“I will go to my room now. Kausapin ko lang ang mga kaibigan ko. Maraming salamat, dad! I will use my car, ha? May lisensiya namana ako,” sabi niya at humalik naman sa mommy niya.

Habang paakyat siya sa hagdan ay narinig niya pa ang di pagsang-ayon ng daddy niya sa paggamit ng sasakyan niya.

“Iyan ang hindi ko mapapayagan, Claritha Eina! You will not use your car!”

Nang makarating siya sa kaniyang silid ay ngiting-ngiti siyang nagbukas ng laptop niya. Kaagad siyang tumawag sa group chat nilang magkakaibigan.

Ang unang sumagot ay si Ariza. Hinihintay talaga nito ang update niya dahil kilalang-kilala na nito ang kaniyang daddy.

“Ano? Pinayagan ka?”

Ang pangalawang pumasok sa group video chat ay si Vera.

“Hello, pipol! Oy, si buntis! Hello, buntis! Isang linggo na lang matatali ka na kay halimaw. Baka magbago pa ang isip mo?”

Natawa siya sa sinabi ng kaibigan niyang si Vera. Ito ang pinakamadaldal sa kanilang magkakaibigan.

“Tumahimik ka nga riyan, Vera Gracia, palibhasa lonely ang lovelife mo kasi hindi ka pa rin pinapansin ni Frederico Elias!” ganti ni Ariza.

Sumimangot si Vera. Long-time crush kasi ni Vera ang pinsan nitong si Frederico Elias. Well, cousins not by blood. Hindi rin naman legal na ampon si Frederico kaya maaaring magkatuluyan ang mga ito, ngunit ang mahirap lang ay pamilya ang makakalaban ni Vera, lalo pa at napakastrikto ng lolo nito. Lalo ng tumayong papa ni Frederico Elias.

“Buti pa si Eriz mabuhay ang lovelife, teka, nasaan na ba ang pinsan mong iyon, Vera? I-invite mo rin siya sa kasal ko!” sabi ni Ariza.

“Naku, wala ang impakta, naroon sa hawaii. Pagkatapos nilang ikasal ng asawa niya ay naghoneymoon kaagad. Nagpapakasaya ang gaga. Ni hindi na nga ako in-updatan, hinihintay ko pa naman. Saka busy iyon sa hotdog ni Triston,” sabi ni Vera.

Humagalpak sila sa tawa ni Ariza dahil sa sinabi ni Vera. Sanay na sanay na sila sa bibig ng babaeng ito. Hindi naman nila ka-close noon si Vera, naging kaibigan lamang nila ito nang maging ka-trabaho na. Pero sa kanilang limang magkakaibigan apat sa kanila ay magkaklase noong high school hanggang college.

“Sino ba naman ang ayaw sa hotdog ng asawa, Vera? Syempre lahat tayo gusto natin makatikim ng hotdog! so, balik tayo kay Clein,” sabi ni Ariza at tumingin ito sa kaniya. “Pinayagan ka? Hahanapan kita ng boyfriend doon! Maraming kaibigan ang honey ko. Puro gwapo at may sinasabi sa buhay!”

Buti natapos na sa usapang hotdog.

Hindi naman iyon ang magiging pakay niya. Nais niya lang talagang maka-attend para makita kung gaano kasaya ang bestfriend niya sa kasal nito.

“Oo, pinayagan ako, pero, huy! Hindi naman lalake ang hanap ko doon!” sabi niya.

“Aruuu, ikaw nga dapat ang mag-boyfriend na, Clein. Mawawala ka na sa kalendaryo, tapos baka tuluyan nang magsara iyang kipay mo dahil wala manlang pumapasok. Bahala ka! Masarap iyon, langit talaga,” sabi ni Vera.

Malakas na tumawa si Ariza sa sinabi ni Vera at siya naman ay biglang napaisip.

Oo nga, twenty eight years old na siya pero kahit first kiss ay wala pa siya.

Mawawala na siya sa kalendaryo pero ni hindi pa siya nakakaranas ng ligayang sarap dulot ng sex na madalas bukambibig ni Vera!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pennieee
In short Clein/Klayn. Yan po.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 2

    Hindi nga nagamit ni Clein ang kaniyang sasakyan. Ayaw ipagamit ng kaniyang ama dahil takot ito na magmaneho siya ng mag-isa at dahil sa Cabanatuan pa siya ay inihatid siya ng kaniyang Kuya Ivan sa may Bulacan. Doon naman siya dinaanan ni Crossia, ang isa sa mga kaibigan niya.Mamayang gabi ang kasal ni Ariza at ni Albert at tamang-tama lang ang gayak niya. Hindi sila mahuhuli.“Where’s Vera? Akala ko ay sasabay sa atin?” tanong niya.“Hay naku, nagpahatid siguro kay Elias ang bruha, alam mo naman iyon,” sabi ni Crossia.Natulog siya sa buong byahe at hindi niya halos namalayan ang walong oras nila sa daan. Narating nila ni Crossia ang Tagaytay ng alas tres ng hapon. Naroon na ang lahat ng mga kaibigan nila pati na si Vera.“Oh, gosh! Ibig sabihin ay boyfriend mo pala si Krisanto, Crossia?! Bagay kayo! Ang pangalan niya ay Krisanto, Santo! Ikaw naman Crossia, Cross! Oh, ‘di ba! Ikaw isinasabit sa kaniya!”Napa-face palm si Crossia sa mga sinabi ni Vera. Tinakpan naman ni Ariza ang bib

    Huling Na-update : 2024-10-16
  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 3

    “Oh? Bakit pang biyernes santo iyang mukha mo, Clein?” tanong ni Tania sa kaniya. Nakabalik na siya sa table nilang magkakaibigan. May pagkain na sa harap niya. Mukhang kinuhanan na siya ng mga ito. “Nakita ko lang si satanas kanina,” sagot niya. Kumunot naman ang noo ng kaniyang mga kaibigan sa sinabi niya. “Pumunta ka lang sa cr sumama na ang itsura mo, bakit? constipation?” tanong ni Vera. “Sana nga iyon na lang ang nangyari,” sambit niya. Mas gusto pa niya iyon, dahil mawawala pa pero ang pambabastos sa kaniya kanina nung lalake baka hanggang kamatayan na niya. Matagal siyang makalimot lalo at hindi maganda ang ginawa sa kaniya. “Alright, everyone, I will ask a question per table this is just for fun. Sa bawat lamesa ay magbibigay kayo ng representative para sagutin ang aking tanong!” sabi ng emcee. Susubo pa lang sana si Clein ng pagkain nang pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya. At hindi nga siya nagkakamali, iyong lalake sa cr kanina ay nasa tapat ng table

    Huling Na-update : 2024-10-16

Pinakabagong kabanata

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 3

    “Oh? Bakit pang biyernes santo iyang mukha mo, Clein?” tanong ni Tania sa kaniya. Nakabalik na siya sa table nilang magkakaibigan. May pagkain na sa harap niya. Mukhang kinuhanan na siya ng mga ito. “Nakita ko lang si satanas kanina,” sagot niya. Kumunot naman ang noo ng kaniyang mga kaibigan sa sinabi niya. “Pumunta ka lang sa cr sumama na ang itsura mo, bakit? constipation?” tanong ni Vera. “Sana nga iyon na lang ang nangyari,” sambit niya. Mas gusto pa niya iyon, dahil mawawala pa pero ang pambabastos sa kaniya kanina nung lalake baka hanggang kamatayan na niya. Matagal siyang makalimot lalo at hindi maganda ang ginawa sa kaniya. “Alright, everyone, I will ask a question per table this is just for fun. Sa bawat lamesa ay magbibigay kayo ng representative para sagutin ang aking tanong!” sabi ng emcee. Susubo pa lang sana si Clein ng pagkain nang pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya. At hindi nga siya nagkakamali, iyong lalake sa cr kanina ay nasa tapat ng table

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 2

    Hindi nga nagamit ni Clein ang kaniyang sasakyan. Ayaw ipagamit ng kaniyang ama dahil takot ito na magmaneho siya ng mag-isa at dahil sa Cabanatuan pa siya ay inihatid siya ng kaniyang Kuya Ivan sa may Bulacan. Doon naman siya dinaanan ni Crossia, ang isa sa mga kaibigan niya.Mamayang gabi ang kasal ni Ariza at ni Albert at tamang-tama lang ang gayak niya. Hindi sila mahuhuli.“Where’s Vera? Akala ko ay sasabay sa atin?” tanong niya.“Hay naku, nagpahatid siguro kay Elias ang bruha, alam mo naman iyon,” sabi ni Crossia.Natulog siya sa buong byahe at hindi niya halos namalayan ang walong oras nila sa daan. Narating nila ni Crossia ang Tagaytay ng alas tres ng hapon. Naroon na ang lahat ng mga kaibigan nila pati na si Vera.“Oh, gosh! Ibig sabihin ay boyfriend mo pala si Krisanto, Crossia?! Bagay kayo! Ang pangalan niya ay Krisanto, Santo! Ikaw naman Crossia, Cross! Oh, ‘di ba! Ikaw isinasabit sa kaniya!”Napa-face palm si Crossia sa mga sinabi ni Vera. Tinakpan naman ni Ariza ang bib

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 1

    WARNING MATURE CONTENT R18+ This story contains scenes that are not suitable for young readers. Reader discretion is advised.PLAYBOY BILLIONAIRE SERIES 1: Seduced By The Playboy Billionaire by: Pennieee Claritha Eina Contresa “Sure ka ba na hindi mo na kailangan ng kasama? Puwede mo naman isama ang Kuya Ivan mo. Malayo ang Tagaytay, Clein, mag-aalala rin ang mommy mo kapag mag-isa ka lang.” She is Claritha Eina Contresa. Short for Clein/Klayn. Dalawampung-walong taong gulang na ngunit hirap na hirap pa ring magpaalam sa kaniyang mga magulang kapag may pupuntahan siya. Hindi niya ba alam kung OA lang talaga ang dad niya pero grabe naman, ha? 28 years old na siya! Ang mga kaedaran niya, may mga asawa na pero siya hirap pa rin magpaalam kapag may gala! “Dad, that was three days and two nights only. Nakakahiya kay Ariza, kilala mo naman siya ‘di ba? Since high school until now we are super friends. Isa ang kasal niya sa hindi ko dapat mapalampas sa buhay ko,” sabi niya. Talag

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status