Share

Chapter 2

Author: Pennieee
last update Huling Na-update: 2024-10-16 11:22:59

Hindi nga nagamit ni Clein ang kaniyang sasakyan. Ayaw ipagamit ng kaniyang ama dahil takot ito na magmaneho siya ng mag-isa at dahil sa Cabanatuan pa siya ay inihatid siya ng kaniyang Kuya Ivan sa may Bulacan. Doon naman siya dinaanan ni Crossia, ang isa sa mga kaibigan niya.

Mamayang gabi ang kasal ni Ariza at ni Albert at tamang-tama lang ang gayak niya. Hindi sila mahuhuli.

“Where’s Vera? Akala ko ay sasabay sa atin?” tanong niya.

“Hay naku, nagpahatid siguro kay Elias ang bruha, alam mo naman iyon,” sabi ni Crossia.

Natulog siya sa buong byahe at hindi niya halos namalayan ang walong oras nila sa daan. Narating nila ni Crossia ang Tagaytay ng alas tres ng hapon. Naroon na ang lahat ng mga kaibigan nila pati na si Vera.

“Oh, gosh! Ibig sabihin ay boyfriend mo pala si Krisanto, Crossia?! Bagay kayo! Ang pangalan niya ay Krisanto, Santo! Ikaw naman Crossia, Cross! Oh, ‘di ba! Ikaw isinasabit sa kaniya!”

Napa-face palm si Crossia sa mga sinabi ni Vera. Tinakpan naman ni Ariza ang bibig ni Vera dahil nakakakuha na sila ng atensyon sa mga taong dumarating. Papasok na ang iba sa hotel at magchecheck-in na.

“Plasteran nga natin iyang bibig mo, Vera! Hyper ka na naman! Palibahasa inihatid ka dito ni Elias!” sabi ni Crossia.

Humalukipkip si Vera at ngumiti. Nagmamalaki ang ngiti nito.

“Ha, kahit anong gawin ninyo sa akin tatanggapin ko, good mood ako ngayon.”

“Let’s go inside, nang makapagpahinga sa mahabang byahe itong si Clein at si Crossia,” sabi ni Tania.

One person one room sila. Pero mamaya ay sa room ni Vera sila mag-aayos ng magkakasama.

“Clein,” tawag sa kaniya ni Ariza. Kumapit ito sa kaniya.

“Thank you! Akala ko talaga hindi ka papayagan, kilala ko sila tito, pag malayo ay hindi ka nila hinahayaan,” sabi nito sa kaniya.

Ngumiti naman siya, “Walang magagawa si daddy, saka, kasal mo ito, hindi puwedeng absent ako.”

Iyon nga lang, hindi siya pinayagan na gumamit ng sasakyan niya kaya hanggang pag-uwi ay sasakay siya kay Crossia.

Nang makapag check-in na silang lahat ay nagpasya silang magkakaibigan na kumain na muna sa room niya. Alas siyete ang kasal ni Ariza kaya’t may oras pa silang magkakaibigan na kumain at magkamustahan. Bihira lang rin kasi silang magkita dahil magkakalayong lugar na sila ngayon.

“Ibig sabihin ay inihatid ka ni Ivan sa Bulacan? Grabe, napaka-protective pa rin ng daddy mo sa iyo, Prima. You are twenty eight years old already!” sabi ni Vera.

“Her parents are conservative, Vera, also, Clein is the only girl. Nakalimutan mo na ba na bunso siya at ang mga kapatid niya ay lalake lahat?” sabi ni Crossia.

Iyon pa ang mahirap. Hindi talaga siya noon magka-boyfriend dahil takot sa mga kapatid niya . Bantay sarado pa siya ng mga ito lalo na ng Kuya Ivo niya na pang-apat sa kanilang magkakapatid.

“Naiintinihan ko naman si dad, saka hindi naman madalas magbawal, pag lang talaga malayo ang pupuntahan ay gusto niya ay may isama ako na pinagkakatiwalaan niya. Sinabi nga niya sa akin na isama ko si Kuya Ivan ngayon, iyon nga lang ay nakabakasyon siya at kailangan ng pahinga. Kawawa naman kung magiging yaya ko pa dito,” sabi niya at sinundan pa ng pagtawa.

“May point ka, pero Clein, single pa rin ba si Ivan until now?” tanong ni Ariza.

“Ha? Oo, wala rin naman siyang sinasabi o dinadala sa bahay, saka malalaman naman namin kaagad kung meron, ngayon kasi busy siya sa work niya,” sabi niya.

“Ooh...”

Tumingin si Vera, Ariza at si Crossia kay Tania pagkatapos ng sinabi niya. Napataas ang mga kilay niya sa reaksyon ng mga kaibigan niya.

“Why?” she asked.

Binato ni Vera ng unan si Tania, “Kasi hindi lang naman ako iyong may long-time crush dito, ‘no? Ito rin!” muling binato ni Vera si Tania ng unan.

“What the hell, Vera! Tigilan mo nga ang pagbato!” sigaw ni Tania.

“H-ha? Teka...” hindi pa maproseso ng utak niya ang sinabi ni Vera.

“Clein, ang slow! Matagal nang may gusto si Tania kay Ivan!” sabi ni Ariza.

“Ano?!”

Nakarinig sila ng katok sa kaniyang pinto kaya’t lumapit siya doon para buksan. Nang makita niya ang mukha ng kapatid ni Ariza ay tinawag niya ang kaibigan.

“Ariza! Si Aaron andito, mukhang kailangan ka nang ayusan!” sabi niya.

“Hello, Prima, buti nakarating ka,” sabi naman sa kaniya ni Aaron.

“Uy, oo, pinayagan naman,” sagot niya.

Nang lumabas ng pinto si Ariza ay hinila nito sa tainga ang kapatid.

“Halika na, Aaron, mamaya mo na kamustahin si Clein,” sabi ni Ariza sa kapatid.

Pagkalabas ni Ariza ay tumayo na rin sina Tania. Nagpaalam ang mga ito sa kaniya na babalik na sa kaniya-kaniyang silid upang makapag-beauty rest. Ganoon rin ang ginawa niya. Natulog muna siya dahil pakiramdam niya ay hindi pa sapat ang naitulog niya sa sasakyan kanina.

“Clein! Ay jusko, Clein! Gumising ka na, bruha! Maligo ka na!”

Napadilat si Clein nang makarinig ng kalabog sa pinto. Kaagad siyang bumangon at binuksan iyon.

“Tulog mantika ka talaga! Kanina pa ako kumakatok dito sa pinto mo. Maligo ka na, ikaw na lang ang hindi pa nakakaligo. May pictorial pala na magaganap kaya kailangan gumayak na tayo,” sabi ni Vera.

Pipikit-pikit pa siya nang pumasok si Vera sa loob ng room niya.

“Maligo ka na, makikigamit ako ng blower, ha? Hindi ko nadala iyong akin,” sabi nito.

Tumango siya at kinuha ang tuwalya niya. Nang makatapos siyang gumayak ay kaagad na silang lumipat sa silid ni Vera. Naroon na ang mag-aayos sa kanila. Naging abala ang lahat sa pag-aayos. Ilang oras lang ay natapos na rin ang photoshoot kasama si Ariza.

Napakaganda nito sa suot na gown. Biglang pumasok sa isipan niya. Siya kaya? Kailan siya ikakasal?

Wala pa siyang nagiging seryosong relasyon. Iyong naging boyfriend niya noong 4th year high school siya ay hindi naman nagtagal. Tuloy ay nawalan siya bigla ng pag-asa, twenty eight years old na siya pero hanggang ngayon ay wala pa ring nanliligaw sa kaniya.

Pangit ba ako?

“You may now kiss the bride.”

Napatingin si Clein kay Ariza at Albert nang magsalita ang pastor. Napangiti siya nang makita ang dalawa. Masaya siya para sa kaibigan niya. Hindi biro ang pinagdaanan ni Ariza at ni Albert sa limang taon na pagsasama ng mga ito at ngayon nga ay kasal na at magkakaroon na ng anak.

Nang makarating sila sa venue ay napakasaya ng lahat.

“Everyone, let’s welcome, Mr. And Mrs. Franco!”

“I can’t take it, huhuhu Ariza is so beautiful huhuhu she’s so beautiful! Hindi ko alam na ganito pala ako magiging emosyonal pag isa na sa inyo ang ikinasal,” sabi ni Vera.

She can’t take off her smile. Kahit siya ay sobrang natutuwa para sa kaibigan nila. Pinunasan niya ang luha na nalaglag sa kaniyang mga mata. Nang gumalaw ang false eyelashes niya ay naalarma siya. Baka mamaya ay kumalat na ang maskara sa mga mata niya!

“Vera, cr lang ako, ha? Pag hinahanap ako nila Tania sabihin mo nag-cr lang sandali,” sabi niya.

“Samahan na kita?”

“Hindi ako na lang, baka hanapin tayo nila Tania.”

Nang tumango si Vera ay pumunta siya sa cr. Maigi niyang tiningnan ang mukha lalo na ang kaniyang mga mata kung may kumalat ba na maskara ngunit nagpapasalamat siya dahil wala naman. Nag-retouch siya ng makeup at inayos rin niya ang mahaba at kulot niyang buhok.

Nang masiguro niya na maayos na ang kaniyang itsura ay lumabas na siya ng cr.

Pero paglabas niya ay may isang lalake ang humarang sa kaniya.

Matangkad ito, maputi, ang buhok ay itim na itim at maayos ang gupit. Mayroon itong tattoo sa leeg na sa tingin niya ay rosas. Gwapo ang lalake pero sino ito at bakit ito nakaharang sa kaniya?

Magsasalita pa lang sana si Clein pero may inilahad sa kaniya ang lalake. Isang maliit na papel. Habang nakatingin doon ay napagtanto niya kung ano iyon.

Blank cheque?

“Give me your price. Any amount for one night.”

Napaawang ang mga labi niya. Ano raw?!

A-Ano ang sinasabi ng lalakeng ito? any amount for one night? Mahabagin! Is he... is he?

Ngayon lamang siya nabastos ng ganoon sa buong buhay niya! The man is indeed gorgeous, his tattoo made him even look hotter but no way she would stay with him in one night! Hindi siya ganoong klase ng babae!

Kinuha ni Clein ang cheque at ang ginawa niya ay pinunit niya iyon sa maliliit na piraso at itinapon mismo sa mukha ng lalake.

Napapikit ito sa ginawa niya ngunit sandali lamang iyon.

“Tngina mo pala, eh! Anong akala mo sa akin, p****k?!”

Tumalikod siya pero hindi pa man siya nakakalayo ng tuluyan nang lingunin niya ang lalake.

"Pangit!" sigaw niya. Nakita niya ang gulat sa mga mata ng lalake. Bago pa ito makasagot ay mabilis niyang nilayasan ang lalake. Taas baba ang dibdib niya dahil sa inis na nararamdaman. Ang gwapo nga! Bastos naman!

“He’s insane! Oh, My! I can’t believe that kind of men really exist! Kahit gwapo siya wala akong pakialam! Pangit naman ang ugali niya!”

Kaugnay na kabanata

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 3

    “Oh? Bakit pang biyernes santo iyang mukha mo, Clein?” tanong ni Tania sa kaniya. Nakabalik na siya sa table nilang magkakaibigan. May pagkain na sa harap niya. Mukhang kinuhanan na siya ng mga ito. “Nakita ko lang si satanas kanina,” sagot niya. Kumunot naman ang noo ng kaniyang mga kaibigan sa sinabi niya. “Pumunta ka lang sa cr sumama na ang itsura mo, bakit? constipation?” tanong ni Vera. “Sana nga iyon na lang ang nangyari,” sambit niya. Mas gusto pa niya iyon, dahil mawawala pa pero ang pambabastos sa kaniya kanina nung lalake baka hanggang kamatayan na niya. Matagal siyang makalimot lalo at hindi maganda ang ginawa sa kaniya. “Alright, everyone, I will ask a question per table this is just for fun. Sa bawat lamesa ay magbibigay kayo ng representative para sagutin ang aking tanong!” sabi ng emcee. Susubo pa lang sana si Clein ng pagkain nang pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya. At hindi nga siya nagkakamali, iyong lalake sa cr kanina ay nasa tapat ng table

    Huling Na-update : 2024-10-16
  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 1

    WARNING MATURE CONTENT R18+ This story contains scenes that are not suitable for young readers. Reader discretion is advised.PLAYBOY BILLIONAIRE SERIES 1: Seduced By The Playboy Billionaire by: Pennieee Claritha Eina Contresa “Sure ka ba na hindi mo na kailangan ng kasama? Puwede mo naman isama ang Kuya Ivan mo. Malayo ang Tagaytay, Clein, mag-aalala rin ang mommy mo kapag mag-isa ka lang.” She is Claritha Eina Contresa. Short for Clein/Klayn. Dalawampung-walong taong gulang na ngunit hirap na hirap pa ring magpaalam sa kaniyang mga magulang kapag may pupuntahan siya. Hindi niya ba alam kung OA lang talaga ang dad niya pero grabe naman, ha? 28 years old na siya! Ang mga kaedaran niya, may mga asawa na pero siya hirap pa rin magpaalam kapag may gala! “Dad, that was three days and two nights only. Nakakahiya kay Ariza, kilala mo naman siya ‘di ba? Since high school until now we are super friends. Isa ang kasal niya sa hindi ko dapat mapalampas sa buhay ko,” sabi niya. Talag

    Huling Na-update : 2024-10-16

Pinakabagong kabanata

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 3

    “Oh? Bakit pang biyernes santo iyang mukha mo, Clein?” tanong ni Tania sa kaniya. Nakabalik na siya sa table nilang magkakaibigan. May pagkain na sa harap niya. Mukhang kinuhanan na siya ng mga ito. “Nakita ko lang si satanas kanina,” sagot niya. Kumunot naman ang noo ng kaniyang mga kaibigan sa sinabi niya. “Pumunta ka lang sa cr sumama na ang itsura mo, bakit? constipation?” tanong ni Vera. “Sana nga iyon na lang ang nangyari,” sambit niya. Mas gusto pa niya iyon, dahil mawawala pa pero ang pambabastos sa kaniya kanina nung lalake baka hanggang kamatayan na niya. Matagal siyang makalimot lalo at hindi maganda ang ginawa sa kaniya. “Alright, everyone, I will ask a question per table this is just for fun. Sa bawat lamesa ay magbibigay kayo ng representative para sagutin ang aking tanong!” sabi ng emcee. Susubo pa lang sana si Clein ng pagkain nang pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya. At hindi nga siya nagkakamali, iyong lalake sa cr kanina ay nasa tapat ng table

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 2

    Hindi nga nagamit ni Clein ang kaniyang sasakyan. Ayaw ipagamit ng kaniyang ama dahil takot ito na magmaneho siya ng mag-isa at dahil sa Cabanatuan pa siya ay inihatid siya ng kaniyang Kuya Ivan sa may Bulacan. Doon naman siya dinaanan ni Crossia, ang isa sa mga kaibigan niya.Mamayang gabi ang kasal ni Ariza at ni Albert at tamang-tama lang ang gayak niya. Hindi sila mahuhuli.“Where’s Vera? Akala ko ay sasabay sa atin?” tanong niya.“Hay naku, nagpahatid siguro kay Elias ang bruha, alam mo naman iyon,” sabi ni Crossia.Natulog siya sa buong byahe at hindi niya halos namalayan ang walong oras nila sa daan. Narating nila ni Crossia ang Tagaytay ng alas tres ng hapon. Naroon na ang lahat ng mga kaibigan nila pati na si Vera.“Oh, gosh! Ibig sabihin ay boyfriend mo pala si Krisanto, Crossia?! Bagay kayo! Ang pangalan niya ay Krisanto, Santo! Ikaw naman Crossia, Cross! Oh, ‘di ba! Ikaw isinasabit sa kaniya!”Napa-face palm si Crossia sa mga sinabi ni Vera. Tinakpan naman ni Ariza ang bib

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 1

    WARNING MATURE CONTENT R18+ This story contains scenes that are not suitable for young readers. Reader discretion is advised.PLAYBOY BILLIONAIRE SERIES 1: Seduced By The Playboy Billionaire by: Pennieee Claritha Eina Contresa “Sure ka ba na hindi mo na kailangan ng kasama? Puwede mo naman isama ang Kuya Ivan mo. Malayo ang Tagaytay, Clein, mag-aalala rin ang mommy mo kapag mag-isa ka lang.” She is Claritha Eina Contresa. Short for Clein/Klayn. Dalawampung-walong taong gulang na ngunit hirap na hirap pa ring magpaalam sa kaniyang mga magulang kapag may pupuntahan siya. Hindi niya ba alam kung OA lang talaga ang dad niya pero grabe naman, ha? 28 years old na siya! Ang mga kaedaran niya, may mga asawa na pero siya hirap pa rin magpaalam kapag may gala! “Dad, that was three days and two nights only. Nakakahiya kay Ariza, kilala mo naman siya ‘di ba? Since high school until now we are super friends. Isa ang kasal niya sa hindi ko dapat mapalampas sa buhay ko,” sabi niya. Talag

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status