Share

Chapter 3

Author: Pennieee
last update Last Updated: 2024-10-16 11:30:03

“Oh? Bakit pang biyernes santo iyang mukha mo, Clein?” tanong ni Tania sa kaniya. Nakabalik na siya sa table nilang magkakaibigan.

May pagkain na sa harap niya. Mukhang kinuhanan na siya ng mga ito.

“Nakita ko lang si satanas kanina,” sagot niya.

Kumunot naman ang noo ng kaniyang mga kaibigan sa sinabi niya.

“Pumunta ka lang sa cr sumama na ang itsura mo, bakit? constipation?” tanong ni Vera.

“Sana nga iyon na lang ang nangyari,” sambit niya.

Mas gusto pa niya iyon, dahil mawawala pa pero ang pambabastos sa kaniya kanina nung lalake baka hanggang kamatayan na niya. Matagal siyang makalimot lalo at hindi maganda ang ginawa sa kaniya.

“Alright, everyone, I will ask a question per table this is just for fun. Sa bawat lamesa ay magbibigay kayo ng representative para sagutin ang aking tanong!” sabi ng emcee.

Susubo pa lang sana si Clein ng pagkain nang pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya. At hindi nga siya nagkakamali, iyong lalake sa cr kanina ay nasa tapat ng table nila! He was looking at her seriously while his arms were formed into cross.

“Okay, the third table! Wow, gorgeous! Napakagaganda naman ng mga narito sa table number 3!”

Nasa tabi niya ang emcee ngayon.

Ibinaba ni Clein ang kutsara na hawak niya at ngumiti siya.

Relax, Clein, relax... huwag mong hayaang masira ng tuluyan ang gabi mo ng lalakeng impakto na iyan. Kasal ito ni Ariza, kailangan mong maging masaya hanggang matapos.

“Okay, base sa bride natin ay kaibigan niya ang mga narito sa table number 3. Ang tanong ko dito ngayon, sino na lang ang single sa inyo?”

Itataas sana ni Clein ang kamay niya para ituro si Vera at si Tania ngunit lahat ng mga ito ay nakaturo na sa kaniya ngayon na ikinaaawang ng mga labi niya. Aba at parang nag-usap-usap pa ang mga ito sa klase ng ngiti para pagkaisahan siya, ha!

Holy sht. Sinasabi ko na nga ba! Ilalaglag ako ng mga 'to! Hindi ako nagkamali sa naisip ko!

“Ohh, Ms., what’s your name and how old are you?”

Tiningnan niya isa-isa ang tatlo na parang sinasabi na mamaya kayo sa akin.

“Clein, Claritha Eina and I am twenty eight years old,” sagot niya sa emcee.

“And how long are you single, Ms. Clein?” tanong ng emcee.

Putragis. Kailangan pa ba ‘yon?

Hindi siya kaagad nakasagot.

“Clein, how long daw, real answer, ha? Huwag kang magsisinungaling at alam mo na ang mangyayari!” pagbabanta ni Vera sa kaniya.

Umawang ang mga labi niya para sumagot pero talagang hindi niya mabanggit ang sampung taon! Paano syempre sa circle talaga nilang magkakaibigan ay siya lang ang hindi na talaga nagkaroon pa ng kasintahan!

“T-T---"

“Two? Three?” tanong ng emcee sa kaniya. Hindi siya talaga pinatapos nito!

Napapikit siya ng mariin. Nahihiya sa sasabihin. Hindi niya ba alam rin wala naman nakakahiya sa single ng samupung taon. Ibig sabihin lang non ay ine-enjoy naman niya ang buhay pagkadalaga niya. Also, given na rin na may tatlo siyang kapatid na lalake na sobrang mga istrikto at seryoso sa buhay.

“Wait, before you answer, Ms. Clein, can you stand so that the bachelors here can see you? Malay mo narito na pala ang pag-ibig mo!”

Umingos siya don. Napasama ang mukha niya pagkatingin niya kila Vera na tuwang-tuwa dahil napagtripan na naman talaga siya. At kahit ang bride niyang kaibigan ay pumapalakpak rin sa kaganapan.

Pero bago siya tumango ay inambaan niya pa ang mga kaibigan niya.

"Alright, Ms Clein... pwede dito ka muna?" sambit pa ng emcee na ikinahinga niya ng malalim.

The pressure was on! Lalo pa at ramdam niyang halos lahat ng mga mata sa venue ay talagang nasa kaniya! She even heard someone whistle!

“Wow! Ang tangkad! Are you a model, Ms. Clein?” tanong ng emcee sa kaniya.

Hindi ba dapat saglit na tanungan lang?! Ang daming questions sa kaniya, eh!

“Hindi,” sagot niya.

“Oh, so balik tayo sa tanong ko kanina, ilang taon na po kayong single?”

Tinignan niya si Ariza na ngiting-ngiti, ganoon rin sila Vera.

“T-Ten.”

“Ilan ulit, Ms. Clein?”

Maski ang emcee ata ay hindi makapaniwala sa sinabi niya.

“Ten, ten years,” sabi niya.

“W-Wow! With this kind of beauty?! Hindi ata kami naniniwala, Ms. Clein!” sabi ng emcee.

Nag-ingay rin ang mga naroon at sumang-ayon sa emcee.

“Maniwala na kayo, ten years talagang single iyang bestfriend ko,” sabi ni Ariza na naka-microphone pa.

Naupo na siya nang makaramdam ng hiya.

“Ayan! Totoo nga! So, sampung taon ngang single, alam ninyo na, sa mga bachelors natin dito, huwag mag-una-unahan, ha? Pumila ng maayos!”

Ramdam na ramdam ni Clein ang pamumula ng kaniyang mga tainga pagkaupo niya. Sinamaan niya ng tingin sina Vera dahil sa ginawa ng mga ito.

“Sabi single! Single kayo, ah?” tanong niya at tumingin kay Vera at Tania.

“Excuse me, taken na ako ni Frederico Elias, kami na,” sagot ni Vera.

Nagsalubong ang mga kilay niya, “Ha? Totoo ba?”

Tumango si Vera, “Oo, kaso ako pa lang ang nakakaalam.”

Napahilot siya sa sintido nang marinig ang sinabi ni Vera. Ilang sandali pa ay pinalinya na sila ng emcee. Ihahagis na ni Ariza ang bulaklak nito.

“Parang awa ninyo na, ibigay niyo na sa akin ‘to. Gusto ko nang ikasal kay Frederico Elias,” sabi ni Vera habang nakatingala. Inaantay ang paghagis ni Ariza sa bulaklak.

“Okay, in 3... 2... 1...” sabi ng emcee.

Hindi siya gumagalaw naroon lang siya sa likod nakadistansya sa mga ito habang inaabangan ng ibang mga bridesmaid ang paghagis ni Ariza ng bulaklak. Kaya’t nang matapos magbilang ang emcee at nang maihagis ang bulaklak ay nanlaki ang mga mata niya nang sa layo niya ay napunta pa sa direksyon niya ang bulaklak.

Wala na siyang nagawa kung hindi saluhin iyon dahil talagang sa puwesto niya iyon nalaglag.

“Wow! Mukhang matatapos na ang pagiging ten year single ni Ms. Clein!” sabi ng emcee.

Oh sht. Don’t mention it.

Nang garter naman ang susunod ay pinaupo silang mga bridesmaid at ang mga groomsmen naman ang tumayo. Nakita ni Clein ang lalakeng humarang sa kaniya kanina sa cr. Matangkad rin ito, mukhang nasa 6 ft. Ang taas.

“Sabi ni Ariza iyong mga kaibigan ni Albert mayayaman, napi-feature sa mga bachelor’s magazine. Lalo na raw iyang isang ‘yan,” sabi ni Vera kay Tania.

“I heard about that too,” sagot naman ni Tania.

Nang ihagis ang garter ay nakita ni Clein na nakahalukipkip pa rin ang lalake. He looks like he’s not interested but he needs to participate that’s why he’s standing there. Mabuti iyon, mabuting iba ang makasalo kaysa ito pa, ayaw na niyang makaharap ang bastos na lalake na iyon. Ngunit nang ihagis ni Albert ang garter ay nagulat si Clein nang makitang nalaglag iyon sa ulo mismo ng lalakeng humarang sa kaniya sa cr kanina!

Napanganga siya. What the hell! Hindi na nga ito sumalo at kumilos tapos dito pa sa ulo nito mismo nalaglag ang garter!

“And now we have a pair! Mr. Clauze and Ms. Claritha Eina Contresa!”

Napangiwi siya.

“Ohh, Clein, gwapo iyan, mayaman kaso playboy, tayo ka na. Naghihintay na sa iyo,” sabi ni Vera.

“Go, Clein!” sabi ni Crossia at Tania.

"Oo na! Huwag ninyo na akong ipagtulakan!"

She doesn’t have a choice! Saglit lang naman! Matatapos rin!

Tumayo siya at naupo siya sa bangko na nasa gitna. Huminga siya ng malalim at seryosong tumingin sa lalake na nakaismid ngayon sa kaniyang harapan. He was holding the garter.

“Bro! Use your teeth,” sigaw ng isang lalake na ikinaawang ng bibig niya.

“You don’t need to teach me how, Rev,” sagot ng lalake.

Nagkantiyawan ang mga naroon nang marinig ang sinabi niya. Ang ingay ng lahat at halatang nag-eenjoy ang mga ito maliban sa kaniya.

Nang lumapit sa kaniya ang lalake at lumuhod ito ay nais na niyang tumayo at umalis.

“Ten years, huh?”

Sht. Is he mocking me?

“Ano naman ngayon? Ayoko lang magkamali sa pagpili ng lalake. Ayoko sa mga manloloko at playboy,” sabi niya. Pinagkadiinan niya talaga ang salitang playboy. Tumaas naman ang sulok ng mga labi nito at itinagilid pa ang ulo habang nakatingin sa kaniya.

P-Pero infairness, gwapo naman nga. Kaso mayabang! Ramdam ko rin ang lamig sa sobrang lakas ng hangin!

“If you say so...”

The man held her legs and she flinched when she felt his touch.

“Oohh!” sigaw ng mga bisita sa venue.

Sumuot ito sa ilalim ng gown niya at hindi niya mapigilan hindi makaramdam ng hiya dahil sa hiyawan ng mga tao na naroon. Mahaba ang gown nilang mga bridesmaid at ngayon ay nakaluhod ito sa kaniya at ramdam niya na lumalakad ang garter sa kaniya binti.

“Higher! Higher!” sigaw ng kalapit nilang table.

Putragis itong mga kaibigan niya pala ay kunsintidor!

Nang maramdaman niya na huminto ang garter sa kaniyang hita ay akala niya aalis na ang lalake. But to her surprise the man just kissed her leg!

Holy sht.

When the jerk stood he even smirked at her! Nagkibit balikat rin ito sa kaniya at siya naman ay inis na tumayo. Ngunit nakuha pa rin niyang ngumiti. Ayaw niyang sirain ang wedding ni Ariza dahil lamang sa inis niya sa lalake sa kaniyang harapan.

He just fckng kissed her leg!

“He took a long time on that part, Clein, tell us, what did he do?” tanong ni Tania sa kaniya.

“I noticed that he was looking at you since at the wedding ceremony, do you know him personally, Clein?” tanong naman ni Crossia.

“Naku, si Clein, magkaka-boyfriend na!” sabi ni Vera.

Kung magkaka-boyfriend man siya hindi ang lalakeng iyon! hinding-hindi!

Nang matapos ang party ay bumalik na sila sa kaniya-kaniyang room para magpalit. Napagpasyahan nilang magkakaibigan na magkita-kita ng alas onse sa bar malapit sa hotel kung saan sila tumutuloy. Sandaling inuman lamang para sa kanila.

The bar was near the beach. Chill night for them.

Nagsuot siya ng red crochet halter top na pinaresan niya ng maong shorts. Habang nag-aayos siya ay tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang tumatawag si Ariza.

“Hello?”

“Clein! We are all here in the bar. Akala ko naman ay nagkaunawaan si Tania at si Vera na isa sa kanila ang magsasabay sa ‘yo. But don’t worry, sinabihan na ni Albert ang isang kaibigan niya na isabay ka papunta dito. Nahuli rin kasi ang kaibigan niya dahil nakatulog ito.”

Wala naman problema sa kaniya kahit na mag-isa pa siyang pumunta.

“Ako na lang ang mag-isang pupunta, Ariza, don’t worry about me. Saka malapit lang naman ‘di ba?” tanong niya.

“Yes, but to be safe, I wanted someone to be with you, mahirap na sa ganitong oras, delikado. ‘Tell her that my friend was already outside her door’”Narinig niya ang boses ni Albert sa kabilang linya.“Clein nasa labas na raw pala, sumabay ka na, ha? Para safe! Bye! Love you!”

Nang mamatay ang tawag ay kinuha niya ang kaniyang little bay shoulder bag at pinasadahan ng tingin ang kaniyang sarili sa salamin. Hindi na siya nagmake-up. Hindi naman siya talaga madalas magmakeup kahit na aalis.

Itinali rin niya ang mahaba niyang buhok. Nang makita na maayos na ang itsura niya sa salamin ay isinarado niya na ang ilaw at lumabas siya ng kaniyang room.

Ngunit paglabas niya ay nakita niya ang lalakeng kinaiinisan niya simula pa kanina.

“What are you doing here?” she asked.

The man was wearing a navy blue plain board short and a black sando. He looks different in this look! Also, damn! He has a tattoo on his left arm! Hindi iyon kita sa long sleeve nitong suot kanina!

“I was asked to take you to the bar.”

Napapikit siya ng mariin.

I think it’s safer to go there alone than to be with this man.

“You don’t need to, papunta na ako doon mag-isa.”

Nauna na siyang maglakad pero nagulat siya nang hawakan ng lalake ang tali sa buhok niya at hilahin nito yon. Bumagsak ang mahaba niyang buhok dahil sa ginawa nito.

“What the hell? Ano ba ang problema mo?” tanong niya.

Itinaas ng lalake ang panali ng buhok niya at ngumiti ito sa kaniya.

“You have a sexy nape, I just don’t like others to see it.”

What?! ano ba ang trip ng lalakeng ‘to?

Nilapitan niya ang lalake at aagawin sana ang pantali niya ng buhok nang hawakan nito ang kamay niya at isandal siya sa pader.Their body was so close! also, she can smell his breath! napakalapit nito sa kaniya!

“My offer still stands, woman, one night, just put any price that you want. One million? Ten? I don’t care.”

Malakas niya itong itinulak.

“And my answer is still the same!” masama niya itong tiningnan. Giigil na gigil siya sa lalake! Grabe!

“Tangina mo pala, eh! Hindi ako bayarang babae!” at pagkasabi niya non ay itinaas niya talaga dito ang middle finger niya na nanginginig pa. Habang ang lalake ay nakangiti lang sa kaniya at mukhang natutuwa pa!

"Fck yourself!"

She was so mad! Pagkatapos ng kasal ni Ariza ay sana! Sana talaga hindi na mag-krus pa ang landas nila ng mayabang na lalakeng ‘to!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Johana Loren
hala ang ganda beb ...🫰
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 1

    WARNING MATURE CONTENT R18+ This story contains scenes that are not suitable for young readers. Reader discretion is advised.PLAYBOY BILLIONAIRE SERIES 1: Seduced By The Playboy Billionaire by: Pennieee Claritha Eina Contresa “Sure ka ba na hindi mo na kailangan ng kasama? Puwede mo naman isama ang Kuya Ivan mo. Malayo ang Tagaytay, Clein, mag-aalala rin ang mommy mo kapag mag-isa ka lang.” She is Claritha Eina Contresa. Short for Clein/Klayn. Dalawampung-walong taong gulang na ngunit hirap na hirap pa ring magpaalam sa kaniyang mga magulang kapag may pupuntahan siya. Hindi niya ba alam kung OA lang talaga ang dad niya pero grabe naman, ha? 28 years old na siya! Ang mga kaedaran niya, may mga asawa na pero siya hirap pa rin magpaalam kapag may gala! “Dad, that was three days and two nights only. Nakakahiya kay Ariza, kilala mo naman siya ‘di ba? Since high school until now we are super friends. Isa ang kasal niya sa hindi ko dapat mapalampas sa buhay ko,” sabi niya. Talag

    Last Updated : 2024-10-16
  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 2

    Hindi nga nagamit ni Clein ang kaniyang sasakyan. Ayaw ipagamit ng kaniyang ama dahil takot ito na magmaneho siya ng mag-isa at dahil sa Cabanatuan pa siya ay inihatid siya ng kaniyang Kuya Ivan sa may Bulacan. Doon naman siya dinaanan ni Crossia, ang isa sa mga kaibigan niya.Mamayang gabi ang kasal ni Ariza at ni Albert at tamang-tama lang ang gayak niya. Hindi sila mahuhuli.“Where’s Vera? Akala ko ay sasabay sa atin?” tanong niya.“Hay naku, nagpahatid siguro kay Elias ang bruha, alam mo naman iyon,” sabi ni Crossia.Natulog siya sa buong byahe at hindi niya halos namalayan ang walong oras nila sa daan. Narating nila ni Crossia ang Tagaytay ng alas tres ng hapon. Naroon na ang lahat ng mga kaibigan nila pati na si Vera.“Oh, gosh! Ibig sabihin ay boyfriend mo pala si Krisanto, Crossia?! Bagay kayo! Ang pangalan niya ay Krisanto, Santo! Ikaw naman Crossia, Cross! Oh, ‘di ba! Ikaw isinasabit sa kaniya!”Napa-face palm si Crossia sa mga sinabi ni Vera. Tinakpan naman ni Ariza ang bib

    Last Updated : 2024-10-16

Latest chapter

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 3

    “Oh? Bakit pang biyernes santo iyang mukha mo, Clein?” tanong ni Tania sa kaniya. Nakabalik na siya sa table nilang magkakaibigan. May pagkain na sa harap niya. Mukhang kinuhanan na siya ng mga ito. “Nakita ko lang si satanas kanina,” sagot niya. Kumunot naman ang noo ng kaniyang mga kaibigan sa sinabi niya. “Pumunta ka lang sa cr sumama na ang itsura mo, bakit? constipation?” tanong ni Vera. “Sana nga iyon na lang ang nangyari,” sambit niya. Mas gusto pa niya iyon, dahil mawawala pa pero ang pambabastos sa kaniya kanina nung lalake baka hanggang kamatayan na niya. Matagal siyang makalimot lalo at hindi maganda ang ginawa sa kaniya. “Alright, everyone, I will ask a question per table this is just for fun. Sa bawat lamesa ay magbibigay kayo ng representative para sagutin ang aking tanong!” sabi ng emcee. Susubo pa lang sana si Clein ng pagkain nang pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya. At hindi nga siya nagkakamali, iyong lalake sa cr kanina ay nasa tapat ng table

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 2

    Hindi nga nagamit ni Clein ang kaniyang sasakyan. Ayaw ipagamit ng kaniyang ama dahil takot ito na magmaneho siya ng mag-isa at dahil sa Cabanatuan pa siya ay inihatid siya ng kaniyang Kuya Ivan sa may Bulacan. Doon naman siya dinaanan ni Crossia, ang isa sa mga kaibigan niya.Mamayang gabi ang kasal ni Ariza at ni Albert at tamang-tama lang ang gayak niya. Hindi sila mahuhuli.“Where’s Vera? Akala ko ay sasabay sa atin?” tanong niya.“Hay naku, nagpahatid siguro kay Elias ang bruha, alam mo naman iyon,” sabi ni Crossia.Natulog siya sa buong byahe at hindi niya halos namalayan ang walong oras nila sa daan. Narating nila ni Crossia ang Tagaytay ng alas tres ng hapon. Naroon na ang lahat ng mga kaibigan nila pati na si Vera.“Oh, gosh! Ibig sabihin ay boyfriend mo pala si Krisanto, Crossia?! Bagay kayo! Ang pangalan niya ay Krisanto, Santo! Ikaw naman Crossia, Cross! Oh, ‘di ba! Ikaw isinasabit sa kaniya!”Napa-face palm si Crossia sa mga sinabi ni Vera. Tinakpan naman ni Ariza ang bib

  • Seduced By The Playboy Billionaire   Chapter 1

    WARNING MATURE CONTENT R18+ This story contains scenes that are not suitable for young readers. Reader discretion is advised.PLAYBOY BILLIONAIRE SERIES 1: Seduced By The Playboy Billionaire by: Pennieee Claritha Eina Contresa “Sure ka ba na hindi mo na kailangan ng kasama? Puwede mo naman isama ang Kuya Ivan mo. Malayo ang Tagaytay, Clein, mag-aalala rin ang mommy mo kapag mag-isa ka lang.” She is Claritha Eina Contresa. Short for Clein/Klayn. Dalawampung-walong taong gulang na ngunit hirap na hirap pa ring magpaalam sa kaniyang mga magulang kapag may pupuntahan siya. Hindi niya ba alam kung OA lang talaga ang dad niya pero grabe naman, ha? 28 years old na siya! Ang mga kaedaran niya, may mga asawa na pero siya hirap pa rin magpaalam kapag may gala! “Dad, that was three days and two nights only. Nakakahiya kay Ariza, kilala mo naman siya ‘di ba? Since high school until now we are super friends. Isa ang kasal niya sa hindi ko dapat mapalampas sa buhay ko,” sabi niya. Talag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status