Share

CHAPTER 2

KINABUKASAN

Hindi nag-alarm ang phone ko kainis! Mabuti na lang ay kaagad akong kumilos at nagbihis.

Kinakabahan talaga ako, mga mhie! Kase ba naman 'di ba pinagbantaan ako ni Sungit kahapon tapos nagkakausap na kami ni Madame Jean sa twitter. Do'n ako nagpa-add dahil iyon ang source of chismis ko kapag trabaho o academic non.

Infairness ang ganda ng name ni Madame Jeanry. Jeanry Anne Mercedes ang full name niya at may mga kuya pa raw siya, dalawang nakakatandang kapatid niya, sina Hyunjin and Ginsen Mercedes. Jean, Jin, Gin. Talino ng magulang.

Pinakita niya kahapon geez ang g-gwapo!

T-teka.. Shete! Paano na 'to? Hired pa ba ako? Ay oo nga pala. Pinalabas niya lang ako at sabi niya bago daw tumilaok ang manok ay dapat pumasok na ako—What the pakening tape! 9 na!

"S***a naman this! Kainis!" Mabilis kong inayos ang damit at gamit ko at pinara ang isang jeep na kokonti lang ang sakay.

Thank God! Sana sa konti ng pasahero ay mabilis ang byahe. Naku, may swapang na mga driver diyan 'no like every 5 minutes humihinto. Mahal naman din ng tricycle.

Kumuha ako ng pambayad at inabot sa isang lalaki na pasahero din.

"SB, diyan lang sa 3rd street po." Napalingon ang ibang pasahero sa'kin.

Did I said something wrong ba? Makatingin wagas.

"Starbucks?" tanong ng driver.

"Ay, hindi po, sa may sabawan ng buto siguro? Malamang sa Salvador Building ho, wala namang starbucks sa diretso diyan." magalang na pamimilosopo ko sa kaniya.

Aba't late na nga ako ay lalo pa nila ako b-bwisitin.

"Ay, ang swerte mo naman, girl," biglang tapik ng isang bading sa harapan ko.

Ay 'te, close tayo? Joke.

"Malas nga e," nakasimangot na sabi ko.

"Haluh, girl. Ang gwapo kaya ng CEO diyan e. Mapapasana all nalang talaga ako dahil ikaw araw-araw mo siyang nakikita. Kaya bakit malas?" tanong nito. Lumapit ako ng bahagya sa kanya sabay bulong, "Araw-araw may menopause ang boss namin."

"Kuya, para po!" Agad namang tumigil ang jeep sa tapat ng building mismo.

Bumaba na'ko at agad tumungo sa loob pero bago ako makapasok, syempre nagbatian kami ni Manong Guard.

"Magandang, magandang ako, Manong. HAHAHA, char. Magandang umaga, Manong," nakangiting bati ko sa kanya.

"Dumating na ba si Sir, Manong?" tanong ko agad sa kaniya. Umiling ito at ngumiti kaya naman ay nag-time in na ako.

Mabuti naman— Oh! Late siya!

"Parati—Ayan na pala siya oh." Awtomatiko akong napatayo ng tuwid, sabay kuha ng booklet ni Manong at mabilis na ipinagtakip sa mukha ko at yumuko.

"Good morning, Sir," dinig kong bati ni Manong sa kaniya.

Kita ko kung paano lumapit ang dalawang pares na kumikinang na sapatos sa harapan ko. Napapikit ako ng mariin.

"I smell something—Mm," palihim ko namang sininghot ang damit ko.

'Di naman ako mabaho ha. Napaka-judgemental naman nitong lalaking 'to.

"Look at me, woman." Mabilis pa sa alas-kwatrong napaangat ako ng tingin at nakasalubong ko ang tingin niya.

"Why are you covering your nose and mouth?" nagtatakang tanong nito sa'kin.

"Smell something bad too, Sir," panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

Ikaw, naaamoy ko ang maitim mong budhi.

"A'right," umurong itong konti at nag-umpisa na namang maglakad papasok pero nakakailang hakbang palang siya ay humarap ulit ito sa'kin kaya nagmamadali akong yumuko ulit.

"Miss Reyes, are you prepared?"

Ayan na! Jusmiyo santamaria! Hindi ako handa, Sungit. Kaya 'wag mo kong tanungin! Kainis!

Nang makapasok ito ay agad kong ibinigay kay Manong ang booklet niya at naglakad na din papasok.

Naglalakad pa lang ako patungong opisina ko nang bigla akong sinalubong ni Madame Jean.

"Bigyan mo siya ng kape. Ayaw niya ng matapang, sakto lang," agad-agad utos? Pahinga muna oy!

Ay sabagay trabaho ko 'to, ako si Andrea at si Sungit ang devil.

"Masusunod, Madame Jean." Yumuko muna ako sa kaniya tsaka nagpaalam. Akmang maglalakad na sana ako nang pigilan na naman ako nito.

What again? Again and again?

"Jean na lang. Masyadong pormal ang Madame, gotta go!"

Matapos mautusan ni Madame Jean na ipagtimpla ng coffee si Sir Sandro, agad din akong umalis para hanapin ang pantry. Hindi ko pa kabisado ang buong building pati na rin ang floor namin kaya't nagtanong-tanong ako sa mga nakakasalubong kong tao.

"Sorry, saan po ang pantry dito?" tanong ko sa isang empleyado na papunta sa kabilang corridor.

"Doon lang sa gilid ng marketing department, ma'am," sabi nito sabay turo.

"Ah, salamat po!" Pasalamat ko na lang at napakabilis niya akong tinuruan. Sana naman ay hindi ako makaabala ng sandali.

Dali-dali akong nagtungo sa direksyon na tinuro niya. Nang makarating ako, agad kong nakita ang malaking pinto na may tatak ng "Main Pantry" sa itaas nito. Nakahinga ako ng maluwag.

Pagpasok ko, maraming empleyado ang abala sa pagkuha ng kape at snacks sa araw na ito.

Pamilyar na ang iba sa akin kaya nginitian ko sila pabalik nang ngitian nila ako pagkakita nila sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status