Share

CHAPTER 1

AGASHER DAME REYES

Kasalukuyan namin ngayong tinatahak ang opisina ni Mr. Salvador nang biglang kumabog ang dibdib ko ng malakas. Nanlalamig din mga kamay ko 'no pati yata kili-kili ko namamasa sa kaba.

Shoteks! Kinakabahan talaga ako dahil baka masungit itong boss ko. 'Di ba? What if masungit tapos bigla makita niya 'yong pawis sa kili-kili ko tapos mabahuhan siya kase naka-airconditioner ang opisina niya tapos fired agad? Gabayan niyo 'ko sana, Pa!

Papalapit na kami sa isang pinto nang makarinig kami ng sigaw at iyak mula sa loob nito.

Hala, anong nangyayari? May away yata sa loob? Napaka-unprofessional!

"Get out! You're fucking fired now!" ani ng isang baritonong boses na napakalamig.

Shala! Nag-exceed ang boss ko sa imagination ko. Mas malala pa yata siya sa iniisip ko. Mga mayayaman nga naman. Siguro matanda na rin 'to.

"Sir, kailangan ko pong magtrabaho para sa pamilya ko, kaya please, pasensiya na po sa naga—" bago pa man matapos ang babae, narinig ko ulit ang boses ng magiging boss ko.

"I said get out! I don't need you here in my fucking company!" sabat ng baritonong boses.

Mura nang mura grabe. So unprofessional.

"Eh, Madame pwese po bang mag-back o—" napatikom kaagad ako ng bibig dahil tinignan niya ako ng masama.

Sabi ko nga tatahimik na 'ko.

Kakatok na sana si Madame eck-eck, syemps 'di ko pa alam name niya e. Nang biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa'min ang isang babaeng umiiyak.

Geez, masungit nga 'tong boss ko at perfectionist, panigurado.

"Good morning, Boss," bati ni Madame sa kanya. Napaangat naman ito ng tingin at humarap sa'kin.

Nakakalusaw ang mga titig niya. Shete! Enebe beke nemen begle ekeng mehemetey.

Hoy! Ang landi pero inpernes akala ko matanda si Sir. Mukhang binata naman at amoy baby. Baby ko ehe!

"You have a new secretary here," nakangiting sabi ni Madame.

"I don't need a secretary now, Jean," diretsong sabi agad nito nang makita ako.

"Nah-ah, no more buts. Nandito na siya, Sandro."

Napaungol ito at ginulo ang kaniyang buhok tsaka napasalo ng mukha gamit ang dalawang kamay niya. Wow, so hot.

"Ugh, fine. Damn it!"

"So, Miss Reyes, pakilala ka na. Good luck, bye~!" paalam ni Madame sa'kin at kinindatan pa ako bago lisanin ang kwarto.

Aba't mabatukan nga mamaya. Chariz! Baka isumbong pa 'ko sa pulis.

"Ehem, good morning, Sir. I'm Agasher Dame Reyes. Mabait at may experience na ako as a secretary when I was in high school. At magal—" napatigil ako sa pagsasalita nang sumabat na naman ito.

Ke' lalaking tao ang hilig sumabat. Hindi pa ko tapos, oy!

"Did I ask you that? Jean said you're just going to introduce yourself, hindi yung buong talambuhay mo," masungit na sabi nito sabay irap.

Eww, bakla.

"Ay oo nga po, nagi-introduce na nga po ako at sinasabi ko ang expertise ko sayo hehehe." pilit ngiti kong sabi para hindi ako mapahiya.

You're fired! Abi niya niyan.

"Sarap manapak ng gwapo ngayon ha," bulong ko sa sarili ko.

"What did you say?" napalingon ako sa kanya nang magsalita ito.

"Huh?" patay-malisya kong tanong sa kanya.

"Repeat what you said earlier," madiin na sabi nito sa'kin. Napalunok ako ng bahagya.

"Nothing, Sir," agad na sagot ko sa kaniya at umiiling-iling.

"Get out!" napatayo ako ng maayos nang sumigaw siya.

"I said get out!" doon na ko natauhan nang sumigaw ulit ito at tinuro ang pinto na pinasukan namin kanina pagkatapos ay bumalik na siya sa ginagawa niya.

Aray ha! Ang sakit sa tenga.

Mabilis akong tumalikod at tumungo sa pinto upang lumabas.

"Achoouu~! Yucks, baho ni Sir," biro ko sa sarili ko nang maghatsing ako at bumulong-bulong pa.

"What did you say?" salita ng isang tao sa likuran ko.

May multo? Hala! I-suggest ko ngang ipabless nila 'tong company nila.

"Grabe naman multo ha, tinatakot mo kong h*******k ka."

"I'm not a fucking ghost." napasigaw ako nang magsalita ulit ito, "Ay kabayo!"

Patay! Si Sir? Si Sir!

"Pardon, Sir?" nagaalinlangan pa ko kung haharap ba ako o hindi. Sinapok ko pa ang sarili kong noo dahil sa katangahan ko.

Habang nakabukas pa ang pinto at humarap ako sa kaniya pagkatapos ay ngumiti. Ngiting malaki nang matakot!

"You'll start working here tomorrow. Mas maaga pa sa tilaok ng manok. Are we clear?" malamig nitong sabi bago malakas na isinara ang pintuan.

Pfft. Taeng! Ganiyan magtagalog si Sir, parang bumabaluktot yung dila.

"Pero walang hiya siya! Lakas akong murahin ha! Bwiset!" malakas na sabi ko sabay takip ng bibig ko.

Intrusive thoughts won. Nasabi niya gusto niyang sabihin ay! Narinig niya kaya 'yon?

"Prepare yourself tomorrow, Miss Reyes. I'll kill you!"

Narinig niya nga! Patay!

Pagkalabas ko ng opisina ni Sir Sandro, naisipan kong bumalik kay Madame Jean para sabihing tapos na ang introduction namin ni Sir.

Gusto ko na sanang umuwi at magpahinga, pero iba ang balak ni Madame. Hinostage niya pa ako.

"Madame, tapos na po. Babalik na lang po ako bukas," sabi ko habang kumakatok sa pinto ng opisina niya bago pumasok.

"Agasher, halika muna dito," sabi niya na may malambing na ngiti.

Pumasok ako sa loob ng opisina ni Madame Jean at nakita ko siyang nag-iimpake ng ilang dokumento sa kaniyang mesa.

"Ano, kumusta si Sandro?" tanong niya habang inaayos ang mga papel.

"Ah, medyo.. strict po siya, Madame," sagot ko, medyo nangingiti. Play safe ba.

"Well, ganun talaga siya. Pero huwag kang mag-alala, matututunan mo rin siyang pakisamahan. Ngayon, bago ka umuwi, gusto kong ipakilala ka sa mga floor employees natin. Importante na makilala mo sila agad para hindi ka na mailang sa mga susunod na araw. By the way, my name is Jeanry Mercedes." Napatango na lang ako. Sa totoo lang, pagod na ako huhuhu mula pa lang sa pila kanina pero naisip ko na mabuti rin na makilala agad ang mga makakasama ko sa trabaho para tuloy-tuloy ang bakbakan bukas.

"Nice name, Madame."

Lumabas kami ni Madame Jean sa kaniyang opisina at nagsimula siyang maglibot kasama ako sa iba't ibang bahagi ng floor. Una kaming pumunta sa marketing department.

"Ladies and gentlemen, this is Agasher Dame Reyes, new secretary ni Sandro. Agasher, these are the marketing team," pakilala ni Madame.

Bati sila nang bati sa akin at may ilang nagbigay pa ng mga encouraging words.

"Welcome, Agasher!"

"Good luck sa trabaho!"

"Nice to meet you!"

"Good luck kay Sir Sandro!"

Sunod naman kaming pumunta sa sales department. Dito, mas energetic ang mga tao at mukhang palakaibigan sila.

"Hey, Agasher! Welcome to the team!"

"Balita ko kumakain ng buhay si boss Sandro, kaya good luck!"

"Kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami!"

Nagpasalamat ako sa kanilang lahat at nagpatuloy kami ni Madame sa paglibot. Sa HR department naman, nakita ko ang mga taong mukhang busy sa kani-kanilang mga trabaho pero nagbigay pa rin ng oras para bumati.

"Hi, Agasher! Welcome aboard!"

"We're here if you need anything!"

"If you need back up, quit agad! Joke lang! Nandito kami kapag kinain ka ni Sir Sandro ng buhay."

Masarap sa pakiramdam na mainit ang pagtanggap ng mga tao sa akin. Nawala kahit papaano ang kaba at pagod ko sa maghapong ito pero minsan nagagambala ako sa welcome nila dahil ang iba sinasabi na kumakain daw ng buhay si Sir. So aswang siya?

Pagkatapos ng tour namin ni Madame Jean, bumalik kami sa opisina niya.

"Alright, Agasher. I hope you had a good time meeting everyone. Alam kong medyo overwhelming ang first day, pero kaya mo yan. See you tomorrow, and remember, mas maaga pa sa tilaok ng manok, ha!" biro niya sabay kindat.

"Opo, Madame. Maraming salamat po," sagot ko na may ngiti.

Lumabas ako ng building na may kaunting saya sa puso. Hindi man madali ang umpisa, alam kong kakayanin ko 'to. May mas dragon pa kay Sir Sandro na kakilala ko kaya easy lang 'to. Bukas naman ay isang bagong araw, at handa na akong harapin ang lahat ng hamon kasama ang mga bago kong katrabaho. Bagong araw bukas para harapin si Sir Buhangin at maghahanda na talaga ako dahil mapapatay ako ng bunganga ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status