Share

CHAPTER 3

Isang mahabang buntong-hininga ang ginawa ko bago kumatok sa pintuan ni Sir Buhangin, a.k.a. Sir Sungit na perfectionist. Jusko, mga dai! Seven minutes late ako! Baka mapatay na ako nitong h*******k na 'to. Huhuhu. Paano na si Nanang 'pag namatay ako? Paano na si Baby Pseudonym 'pag nawala mommy niya?

Tatlong beses pa akong kumatok pero walang sumagot.

Ah, siguro mas nauna siyang namatay sa'kin? Sinumpa ko kasi siya kanina na mamatay na sana siya habang nasa elevator ako kasama si Bullet. Pero syempre, bulong lang. Baka isumbong pa ako ni Bullet.

"Seeeerr! Buhay ka pa?" malakas na sigaw ko habang kumakatok. But still, wala pa ring sumagot.

Pinihit ko na lang ang seradura at binuksan ang pintuan.

Ui! Walang tao. Nice, ang tanga mo Dame!

"Baka nagbigti na 'yun sa banyo kasi sobrang depress sa kakahintay sa kape niya? Sana ng—" napatigil ako sa pagsasalita nang may marinig akong kumasa sa likuran ko.

Napapikit ako nang mariin.

Spell tanga, D-A-M-E!

"I'm not going to do that in just for that fucking coffee!" malakas na sigaw nito sa pagmumukha ko nang humarap ako sa kanya.

Kamot-batok akong humarap sa kanya.

"Alam mo, Sir Buhangin—este, Sir Sandro—ganito lang talaga bunganga ko kaya pagpasensiyahan niyo na hihi." Then I gave him my sweetest smile na nakakalaglag brief!

"Don't smile, Agasher, okay? You look like a fucking crazy clown."

Napausog ako ng bahagya at pinagtaasan siya ng kilay. "Grabe yung clown, Sir. Ikaw nga mukhang tae kapag nagtatagalog."

Pero syempre, bulong lang 'yung dulo. Baka mamaya sumabog na naman 'to.

"What?" magkasalubong na tanong niya.

Tinignan ko naman siya na kunwaring nagtataka. "Sir Sandro? Ah! Sabi ko po, ang gwapo-gwapo niyo!"

"Tch! Get out!" Nagmamadali naman akong lumabas ng opisina niya.

Mahirap na, baka mapatay niya pa ako ng 'di oras.

Nang makalabas ako ng opisina niya ay agad akong nagtungo sa mesa ko, magkakatabi lang naman din ang opisina namin nila Jean at Sir Sandro.

Syempre nag-ayos at namirma lang ng mga gagawin ko dahil 'yon lang din ang inutos sa akin tsaka tignan ang bawat detalye ng mga folder na iyon.

"Gagawa din pala ako ng report, hala!" Akmang kukunin ko na sana ang dalawang folder sa side ko nang biglang may tumawag.

Inabot ko ang telepono at linagay sa tenga ko, "Good afternoon, I am Agasher, Mr. Salvador's secretary. What may I help you po?" sagot ko agad sa kabilang linya.

"Oh! New secretary?" Halata sa boses niya ang inis.

Luh, si ante nyare?

"Yes, Ma'am. Who's this and may I ask what's your name po?" tanong ko sa kabilang linya.

"I am Sandro's fianceé. May I talk to him? I couldn't reach his office, busy ang line niya. Paki-tawag na lang, pakisabi ay tumatawag ako." masungit na sabi nito at 'di man lang binanggit ang pangalan.

Fianceé, we? 'Di nga? Hindi ka nga masagot ni Sir.

"Busy po siya, Ma'am. Ayaw po niyang magpaistorbo," pagkukunwari ko.

"Argh, fine! Ikaw na lang ang pumunta tomorrow. I have something important to say. 10 a.m. at El Lieché Café near the Bank of Conduct katabi lang ng building ni Sandro," I tsked before she ended the call.

Nakakatae, dai. Mukhang desperada ang kausap ko. Nakakainit ng ulo. Bakit? Yung boses niya parang nang-aasar na ewan!

Makalipas lang ang ilang oras pirma-break-pagbabasa-training lang ang inatupag ko kasama si Jean hanggang sa umabot dapot hapon.

"Agasher, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Jean sa'kin habang nakatutok sa phone ang mata.

"Mamaya na lang po, baka may ipapa-utos pa si Sir Sandro sa'kin." Napaangat naman ito ng tingin sa'kin.

"Nah-ah, you should go home na. Wala ng iuutos 'yang si Sandro dahil magtatagal pa 'yan kaya kailangan walang istorbo. Kaya dali, uwi ka na or kung gusto mo sumama ka sa'kin?" Nakangiting aso ito.

Saan naman kaya? Halu, baka may binabalak ito, ha.

Bago pa ako makaangal ulit ay pinatayo niya ako at hinila papalabas ng opisina, "Where are we going, Jean?" tanong ko habang pababa kami ng hagdan. Medyo madilim na sa labas kaya iniisip ko kung anong klaseng lugar ang pupuntahan namin.

"Basta, trust me! Mage-enjoy ka dito," sagot niya na may kasamang pilyong ngiti.

See? May balak 'yan.

Paglabas namin ng building, agad kaming sumakay ng jeep. Tahimik lang ako habang minamasdan ang mga nadadaanan naming mga kalsada at establisyemento. Maya-maya pa, bumaba na kami sa isang kalsadang hindi ko pamilyar.

"Walking Street 'to," sabi ni Jean habang tinuturo ang sign sa dulo ng kalsada. Puno ng mga tao ang kalsada. May mga naglalakad, may mga nagtitinda, at may mga tumatambay sa gilid-gilid. Ang dami ring ilaw na nagkukulay sa paligid kaya parang fiesta ang datingan.

"Dito tayo tatambay?" tanong ko kay Jean habang nakahawak sa kaniyang braso para hindi ako mawala sa dami ng tao.

"Oo, pero may mas maganda pa akong pupuntahan natin. Tara, sundan mo lang ako."

Sumunod ako kay Jean habang naglalakad kami sa gitna ng Walking Street. Ang daming makukulay na ilaw at tunog ng musika mula sa iba't ibang building at bar. Parang ang saya-saya ng lugar na 'to. Pero kahit ganito, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa opisina. Nakakainis talaga si Sir Sandro. Sana naman, hindi ako masabihan ng kung anu-ano bukas. Baka bigla 'no makalabit niya nang hindi oras ang gatilyo sa ulo ko yari na!

Nang makarating kami sa dulo ng kalsada, may nakita kaming isang maliit na pintuan na parang patago. Walang sign at mukhang hindi kapansin-pansin.

"Jean, sure ka ba dito? Mukhang delikado yata," sabi ko habang tinitingnan ang pintuan.

"Relax ka lang, Dame. Safe dito. Hindi ka ba nagtiwala sa akin?" Umirap siya sabay hilang muli sa akin papasok sa pintuan.

Pagpasok namin, madilim at tila tahimik. Pababa ng hagdan na naman ang daan, at habang bumababa kami, unti-unti kong naririnig ang tunog ng bass ng musika.

Nang makarating kami sa dulo, nabungaran namin ang isang malaking pinto na may guwardiya. Tumango lang si Jean at agad kaming pinapasok.

Pagbukas ng pinto, halos mabingi ako sa lakas ng musika. Nasa isang underground bar na kami, puno ng mga taong nagsasayawan at nag-iinuman. Ang mga ilaw ay kumikislap-kislap, at ang vibe ay sobrang saya.

Ah, bar.

"Welcome to the Underground!" sigaw ni Jean para marinig ko siya.

"Dito tayo mag-eenjoy at kakalimutan natin muna ang trabaho!" Natawa na lang ako at sinundan siya papunta sa isang mesa malapit sa dance floor. Umupo kami at agad na umorder si Jean ng drinks. Hard agad ang inorder!

"Cheers!" sabi ni Jean sabay taas ng baso. "Para sa stress ngayong araw at susunod pang mga araw!"

Nag-clink kami ng baso at uminom. Naramdaman ko agad ang init ng alak na dumaloy sa katawan ko. Nagsimula na ring mag-relax ang mga balikat ko at unti-unting nawawala ang stress na dala ko mula sa opisina.

"Hindi ko alam na may ganito pala. Try natin ulit sa susunod huh?" sabi ko habang sinusundan ang beat ng musika.

"Yan ang gusto ko sa'yo, Dame! Kailangan mo rin magpahinga at mag-relax minsan. Hindi puro trabaho," sagot niya na may ngiti sa kaniyang labi.

Nang medyo nakaubos na kami ng ilang baso, napagpasyahan ni Jean na sumayaw. Hinila niya ako papunta sa dance floor at nagsimula kaming gumalaw sa aliw ng musika. Nakakatuwa pala ang ganito, na kahit isang gabi lang, nakalimutan ko ang mga problema ko sa opisina tsaka si Buhangin.

Habang nagsasayaw kami, napansin kong may isang lalaki na nakatingin sa akin. Matangkad, moreno, at mukhang seryoso. Hindi ko maiwasang mapatitig din sa kanya. Nagtaka ako, dahil pamilyar siya pero sino kaya siya parang kilala ko pero hindi ko matandaan? Pero bago pa ako makapagtanong kay Jean, hinila na ako nito para bumalik sa mesa namin.

"Dame, may nakuha akong flyer kay Manong Robert kanina. May event pala dito sa Sabado. Gusto mo bang bumalik?" tanong niya habang pinapakita ang flyer.

"Tingnan natin, mhie. Pero mukhang maganda nga 'yan," sagot ko habang tinitingnan ang flyer. Napaisip ako, mukhang may bago na kaming tambayan nila Spring at hindi puro paraiso paraiso tinatambayan namin.

Maalam naman ako sa mga ganito lugar pero hindi ko naman din maiwasang mapahanga na may ganito palang lugar na parang tago at nakakatakot sa papunta pero maangas naman ang loob.

Kapag kasama ko nga si Spring laging juice ang inaalok sa akin juicekaurold. Binibaby kaya ako nun hehe.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status