"Mateo, ginabi ka na naman---"
"Ano naman ngayon sa 'yo kung ginabi ako?"
Napalunok ako sa naging sagot sa akin ng asawa ko. Unti unting namuo ang luha sa aking mga mata dala ng malamig na pakikitungo niya sa akin. Nagyuko ako't napapikit upang mapigilan pa ang pagluha ko.
Limang buwan na kaming kasal, ngunit sa loob nang mga panahong 'yon ay tila hindi pa yata ako natututunang mahalin ni Mateo magpasa hanggang ngayon. Sa loob ng limang buwan tila galit at pagkasuklam pa rin ang namumutawi sa kaniyang damdamin patungo sa akin.
Bahagya akong nagtaas nang tingin at pinanood siyang mag-alis ng kaniyang sapatos. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't nakailang beses pumikit pikit dahil sa panlalabo ng aking mga mata.
Hanggang kailan ba ako mamamalimos ng atensyon sa sarili kong asawa? Bakit ba ganito na lang kalala ang pagkadigusto niya't halos hindi niya na ako kinikilala bilang kabiyak niya?
Ngunit sabagay, kailan nga ba ako naging asawa niya sa kaniyang paningin? I wasn't even treated like one by him.
Napailing ako't pasimpleng suminghot.
"A-Ako kasi. Parang lagi ka na lang nasa opisina mo. May bahay ka rin naman, kung maaari sana, dito ka na lang gumawa sa bahay---"
"Inuuwian na nga kita, ang dami dami mo pang sinasabi. Tigilan mo ako, Fayra. Kung dito ako magtra-trabaho sa bahay, baka wala akong matapos, lalo na't hindi naman bahay ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Para 'tong kulungan sa akin, tch."
Parang akong binarahan sa lalamunan sa narinig. Kung gayon ang tingin niya sa bahay namin, ano pa kaya ako na lagi na lamang nandito at naghihintay sa kaniya? Kung anong nararamdaman niya dito sa bahay gano'n din naman ako, mas dinaig ko lang nga ang isang preso dahil sila, laging may dalaw, samantalang ako, mistulang inabanduna na mag-aantay na lamang kung kailan balak dalawin.
"Kumain ka na ba? Ahm, nagluto si Manang Celly, halika't maghapunan na tayo. Sakto pala ang iyong uwi, mainit init pa ang ulam at kanin." Pilit ang ngiting yaya ko ngunit isang matalim na tingin ang iginawad niya sa akin.
"Pati ba naman ang pagluluto ay si Manang Celly pa rin? Anong klase ka bang babae at bakit hindi mo magawa ang nga simpleng gawaing dapat at sa 'yo, Fayra? Ha?" Mababakasan ang galit sa kaniyang boses habang ang mga mata'y nag-aalab. "Walang wala ka talaga sa kalingkingan ni Rose. No wonder why all of us, Vejar, are drooling for her to become our wife, malas ko lang at ikaw ang ipinagkasundo sa akin."
"Huwag mo namang sabihin 'yan sa harapan ko, Mateo. Asawa mo pa rin ako."
"Asawa sa papel. Hindi porket pinakasalan kita ay kasama na doon na magiging iba ang pagtrato ko sa 'yo, Fayra. Hindi gano'n 'yon."
"Ngunit sobra ang mga salita mo. I'm still trying to do all the stuff here, Mateo. I'm still learning, kung sana ay nandito ka palagi, makikita mo rin na nagsusumikap akong gampanan ang lahat para sa 'yo."
Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. "Should I be thankful then?" Sarkastiko niyang tanong.
"H-Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin." Napapayukong sagot ko.
"You know what, I don't care if you're trying or not, Fayra. Manang Celly was here. She was enough for me. I don't need you to care for me. After all, I have Rose. She's more than enough because she can take care of me more than anyone could. "
Pagkasabi niya no'n ay mabilis itong umalis ng sala at dumiretso na paakyat. Isang mainit na patak ng aking luha ang naramdaman kong gumuhit sa aking pisngi habang nakasunod ang paningin ko sa unti unting pagkawala ng bulto ni Mateo sa aking paningin.
Ang bigat ng aking pakiramdam ay mas dumoble pa ata ngayon dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya. Masyado naman siyang below the belt, grabe naman 'yong pagpapamukha niya sa aking mas matimbang ang kaibigan kong si Rose sa kaniya. Nakakasama siya ng loob. Ang sakit sa loob.
"I'm the one who's here, Mateo, but why do you always compare me to her whenever there's something in not good at? I'm your wife, but why... but why do i feel like I'm hanging?"
Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas ng bahay at dumiretso sa comfort zone ko, ang halamanan. Umupo ako sa may swing at doon idinuyan ang sarili ko habang ninanamnam ang sariwang hangin ng gabi. Nawala ang pagkagutom ko sa buong araw na ito, tila nabusog ako sa pakikitungo ni Mateo sa akin. Payak akong napangiti at napailing.
Hanggang kailan ba ako magdurusa? Hanggang kailan ako manglilimos? Maaari bang matapos na ito bukas?
Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng maayos na buhay kasama ang taong mahal ko, ngunit bakit ayaw ipagkaloob sa akin ng tadhana ang isang ito? Naging mabait naman ako sa lahat, naging mabuti at masunuring anak naman ako, maging sa ibang tao ay maayos akong nakikitungo, ngunit bakit ganito ang buhay may asawa na ibinigay sa akin? Ano bang nagawa kong mali at ganito ang parusang kapalit?
"Hija, hindi ka pa ba kakain? Wala kang umagahan, at tanghalian, masyado na ring gabi, baka naman magkasakit ka na sa ginagawa mong 'yan."
Napataas ang tingin ko kay Manang Celly. Isang ngiti ang ginawa ko at muling pinagmasdan ang maliwanag na buwan.
"Manang, kung sakaling kumain ba ako ngayon, pati ba itong nararammdaman ko ay mabubusog din?" Payak kong tanong. Mula sa gilid ng aking paningin ay nakita kong nanlambot ang ekspresyon ng mukha ni manang.
Napayuko ako at ayon na naman ang mga luhang nag-uunahan sa pagkawala sa akin.
"If ever that happens, ikakain ko na lang nang ikakain ito para mabusog ang puso ko't hindi na mangulila pa at sa pagkakataong 'yon, siguro hindi na ako malulungkot, right manang?" Tanong ko ngunit nakayuko pa rin.
Ramdam ko ang marahang haplos ni manang sa aking likuran. Mas lalo akong napaluha.
"I did everything manang, I tried everything, I even swallowed my pride and worth para lang sa relasyong gusto kong mabigyang buhay, pero bakit... bakit ang sakit sakit? Bakit kailangan sakit ang kapalit?"
Napahagulhol ako at tila muli akong naging bata na inagawan ng candy. Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil alam kong mukha na akong kaawa awa ngayon.
"Hija, kung masakit na, huwag mo nang pilitin. Alam kong dapat ipinaglalaban ang pagmamahal sa isang tao, ngunit kung mismong siya na ang may ayaw sa 'yo ano pa bang magagawa mo? Hindi na tadhana ang kalaban mo dito, mismong damdamin na ng taong minamahal mo, anak." Haplos ni manang sa aking likod.
Natahimik ako.
"Huwag kang masyadong magpakababa, Fayra. Matalino kang bata, huwag mong sayangin ang oras at sarili mo sa isang taong ayaw kang pahalagahan. Isalba mo ang sarili mo, anak, habang hindi ka tuluyang lumulubog."
Katahimikan ang sunod na lumukob sa aming pagitan ni manang. Paano ko magagawang hindi magpakababa kung ang nais ko lang naman ay si Mateo, na bigyan din ako ng pansin kahit na minsan? Mahirap ang sinasabi ni manang. Ni kahit mga paa ko nga ay ayaw tumakbo palayo sa masakit na agos ng buhay ko ngayon.
Ilang taon din ang aking hinintay bago ko nakapiling ang taong ninanais ko noon, ilang taon akong nasaktan at hindi ko inaakala na wala pala iyong katapusan kahit pa ngayong nasa isang bubong na lamang kami. Ang pinapangarap kong kalinga na ibinibigay ni Mateo kay Rose noon, ay pinapangarap ko pa rin hanggang ngayon sa kasalukuyan. Akala ko noong mga panahong nasa harap kami ng altar ay mararanasan ko rin ang pag-aalaga niya at ginagawang pakikitungo kay Rose, ngunit hindi pala.
"Aakyat na po ako manang, kayo na lamang ho nila Mira ang kumain at isabay niyo na rin si Mang Jose." Ayos ko sa aking sarili at isang malungkot na pagkakangiti ang iginawad ko kay manang.
Hindi na ako nag-hintay pa, mabilis kong tinahak ang papasok sa bahay at mabilis na umakyat. Ngunit bago ko pasukin ang aking kuwarto ay napadaan muna ako sa silid ni Mateo na nakaawang ang pinto. Wala sa sariling humakbang ako palapit at kaunting sumilip.
Mula sa aking kinatatayuan ay kitang kita ko ang nakatalikod na bulto ni Mateo habang panay ang pagtitipa niya sa kaniyang phone, hindi na ako nagulat nang maya maya ay tumunog iyon at hindi naman magkamayaw na sinagot ni Mateo ang tawag.
Napayuko ako at hinila nang marahan ang kaniyang pinto at kasabay din no'n ay ang pagkakarinig ko sa masayang pagtatanong niya sa araw ng pinakamamahal niyang si Rose.
"Kumusta ang araw mo, Hon? Ayos ba ang niluto kong pagkain mo kanina?"
Napailing ako sa narinig at nilisan na ang pwestong kinalalagyan ko. Nasapo ko ang aking dibdib. Ako ang asawa ngunit ni minsan ay hindi man lang niya ako pinagsilbihan ng ganiyan.
Hindi ko mawari kung ano bang paglalagyan ko sa buhay niya. Masyado niya akong inaabanduna dahil alam niyang hindi naman ako susuko dahil mahal ko siya. Nakakapagod. Ngunit anong magagawa ko? Ayaw namang mamahinga muna ng aking sugatang puso. Gusto pa rin nitong lumaban, kahit masakit na.
"Bakit kasi ayaw mo pang iwanan ang Vejar na 'yan, Fayra? Martyr ka pa sa martyr sa totoo lang talaga."Napanguso ako sa sinabi ni Lyden. Halata ang pagkainis sa tono niya. Hindi na bago sa akin ang ganitong linyahan niya, simula noong nalaman niyang hindi pa rin kami ayos ni Mateo bilang mag-asawa ay lagi niya na lang akong pinapakalas sa sitwasyon kong ito. Hindi ko rin naman siya masisisi kung may inis siya sa asawa ko, sa lahat ng tao sa buhay ko, si Lyden ang nakakapansin ng totoong pagtrato ni Mateo sa akin. At nag-umpisa 'yon sa reception ng kasal namin. The day after I received my college diploma, my parents made the decision to arrange my marriage to one of Don Madeo Vejar's grandsons. At walang iba 'yon kung hindi si Mateo Alarkin Vejar. Sa reception, hindi niya ako kinikibo, ni hindi niya man lang nga ako inalalayan gayong napakahaba ng gown ko. Si Lyden ng mga panahong iyon ay nakita ang lahat nang naging gawi ni Mateo, kinompronta niya ito at nagkasagutan silang dala
"Would you mind if I sit here?"Isang payak na ngiti ang iginawad ko kay Morgan at marahang umiling, hindi na ako nagtangkang sumagot dahil pakiramdam ko wala akong balak magsalita ngayon.Habang pinagmamasdan ko ang pagkakaupo ni Morgan sa aking tabi ay panay naman ang laklak ko sa kape ko. Nang makitang ayos na siya sa kinauupuan niya ay muli kong ibinalik sa maalong dagat ang aking paningin at hinayaan ang mga mata kong panoorin at pagsawaan ang napakagandang umagang biyaya ng kalangitan ngayon sa akin. Isabay pa ang may kalakasang ihip ng hangin na nagbibigay ng perpektong sangkap sa umagang ito.Sana ganito lagi ang mamulatan ko. Itong parte nang kalikasan ang nakapagbibigay pakalma sa magulo kong kalooban at sa magulo kong isipan.Nasa isang resto kami. Open resto na malapit sa dagat kung kaya't napakaganda ng view. Tahimik din kahit parami na nang parami ang nagsisidatingan na mga tao, na sa palagay ko'y mag-u-umagahan na rin."Kape ka lang?""Oo," sagot ko't sinuyod ng tingin
Sandali pa akong namalagi at nang marinig ko ang boses ni manong na nagtatawag ay agad naman akong tumayo upang salubingin siya. Nang makabalik kami ay wala akong balak na umakyat agad at magkulong na namang mag-isa sa kuwarto namin. Malungkot doon, ayaw ko namang dalhin ang kalungkutang nakapaloob dahil baka tuluyang mabaliw na ako.Naagaw ng paningin ko ang kabilang banda ng Isla. May mga souvenirs shop ang nakahelera at dagsaan ang mga tao.Sinubok kong lumapit at gano'n na lamang ang galak ko nang makita ang iba't ibang key chain, necklace at iba pang maaaring maging abubot na inspired sa mga shells. Namulot ako ng isa at isinukat iyon, napangiti ako sa itsura ng isang bracelet sa aking pulsuhan."That looks great on you." Aniya ng isang boses.Agad na naagaw no'n ang paningin ko't napakunot naman ang noo ko nang hindi ko mahagilap kung kanino galing 'yon."In front of you, Ma'am." Pagkasabi no'n ay napatingin ako sa tindero.My jaw dropped as I realized who was behind that deep v
"Are you happy, Fayra? Masaya ka ba dahil nagkasakitan pa ang magkapatid kagabi ng dahil sa 'yo? Napangisi ako sa sinabing iyon ni Rose. Parehas kaming nasa may buffet ngayon. Mula sa gilid ng aking paningin ay kitang kita ko ang seryoso niyang ekspresyon habang pumipili ng kaniyang pagkain. Two days since we've been staying here, it's only now that the four of us have eaten at the same time. But it was interrupted because the two had a sudden meeting and were still at the hotel, so Rose and I were left alone. This is the ugliest morning and breakfast I've ever had.When I finished choosing what to eat, I went to the table prepared for us. I didn't bother to give Rose a look because I feel like my blood is about to boil for her again, as the scenario of her being together with Mateo last night comes back to me."Nakuha mo na si Mateo, pinag-aaway mo pa ang dalawa. Ano ba talagang gusto mong mangyari, Fayra?" Tanong niya pa. I didn't answer even more. I don't feel like talking to he
While I was looking out the car window back home, I was just silent. It started when we got off the plane. I have no intention of moving. I have no words and no strength to speak now. And one more thing: the words he said to me yesterday were too painful to get out of my mind right away. Those words were worse than the three daggers that could be thrust into me.Ngayon tuloy ay napapaisip ako.Am I truly worse off than Rose?It was like I was bombarded again and again every second I remembered Mateo's words to me. There is some truth in what he said, but I am confused if it is true that I am called a paid woman because my family received money from Don Madeo after the wedding. Am I really that low, even though I didn't use it? Is that the label?Ngunit sa pagkakaalam ko ay regalo lamang iyon ng kanilang pamilya, sa pagkakaalam ko rin ay ginagawa nila iyon dahil sa tradisyon na kanilang nakasanayan at sinusunod. Na kung ang ikakasal mula sa kanilang angkan ay isang lalaki, magbibigay s
CHAPTER 03"If I we're you I'll stick to my plan na, magalit man sila, deserve naman nila ang gagawin mo. After all, mas tutulungan mo pa nga sila, and by that, you may leave the Vejar's circle at any time.""And that is not going to happen, Lyden." Agarang pagsagot ko. "Kaya hindi ko magawang sabihan si Morgan ay dahil na rin sa magiging kalabasan. Kung ibubuking ko sila, Mateo and Rose will leave happily, lalo na't sa ngayon ay alam kong unti unti nang nawawalan ng pakialam si Mateo sa mana niya."A few days had passed after we went to their mansion, ay mas lalong naging malamig si Mateo sa akin, there are times that he will go back to our house with a lot of hickeys on his neck. He knows that I will never react to that, so he didn't even try to cover it up.Ipinagwawalang bahala ko na lang 'yon kaysa sa dumada ako gayong alam ko namang walang pakialam si Mateo. Buti na lang din ay mabilis na gumana ang utak ko, I know Mateo will be irritated if I mess with him, at mailalagay ko lan
"Hindi ka pa ba uuwi dito hija? Masyado nang sinosolo ng kalaguyo ng asawa mo ang dapat na sa iyo. Aba'y, Fayra. Umuwi ka na."Napabuntong hininga ako sa naging salita ni Manang Celly. Halata sa boses niya ang matinding inis. Ngunit ano namang magagawa ko? Ni hindi ko pa nga alam kung handa na ba akong makaharap silang dalawa. Kakayanin ko ba? Nasapo ko ang noo ko. It's so hard to decide when I'm torn between all the choices."Antabayan niyo na lang ho ako mamaya, Manang. Uuwi ho ako." Lakas loob kong saad na ikinatuwa naman ni Manang Celly sa kabilang linya."Oh, siya sige. Ako nang bahala dito, tumawag ka kapag malapit ka na. Hindi ko kayang pakisamahan ang babaeng ito, kaya't mabuti talagang makauwi ka na."Sandali pa kaming nagkausap ni Manang, pagkatapos ay ako na rin mismo ang nagbaba sa tawag. Nilingon ko si Lyden na nakamasid lang habang nagtitimpla ng kape namin. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit sa hapag.Wala kaming kibuan. Hindi na rin ako nagtangka pa dahil dumating ang fi
Ako naman ay muling bumalik sa pagkain ko't panay ang tapik sa lamesa nang mabosesan ko ang hindi ko inaasahang panauhin kailanman. "Hon, nakikiliti ako, tumigil ka nga muna!" Pasigaw na suway nito ngunit sinundan ng malalanding hagikhik. "Ang bango bango mo, talagang pinaghandaan mo ako ah." Napaarko ang kilay ko sa narinig, tumayo ako at inilapag sa sink ang platong pinaglagyan ng pinagkainan ko. Isang makahulugang tingin naman ang iginawad ni manang sa akin bago ako tuluyang makalabas ng kusina. "S-Stop, Mateo! Gosh, s-stop!" Halinghing pa na mas lalong nakapagpataas ng aking kilay. Dirediretso akong lumiko sa pesteng pasikot sikot na bahay na ito, ngayon lang ako nainis sa bahay dahil sa pagkalaki laki nito, hindi ko man lang mabilisang masisilip kung ano ang nangyayari sa ibang pasilyo ng kabahayan. "Kuya Mateo!" Dinig kong sigaw ni Mira sa pangalan ng aking asawa. Sumakto din na nasa bakuna na ako ng sala at doon ko nakita ang nakapatong kong asawa sa dati kong kaibigan.
Siguro nga dapat munang dinahan dahan muna namin ang lahat. Hindi nagpadalos dalos sa bugso ng damdamin upang hindi kami makagawa ng ubod ng kapusukan. Marami akong natutunan. Natutunan na isa na doon ang pahalagahan ang sarili. Isalba hanggat kaya pa. Dahil sa huli, ikaw lang sa sarili mo ang tutulong mismo sa 'yo. Wala nang iba pa. Hindi ko alam kung kaya ko bang kalimutan pa ang nakaraan na nagturo sa akin maging matatag at tumayo sa sarili kong mga paa. Ngunit hindi na nga ata mawawala sa akin ang nakaraang gusto kong ibaon na ng tuluyan dahil kasama ko na ito hanggang sa ako'y mabawian ng buhay. Cheating is a choice na hindi mo puwedeng sabihin lang na hindi mo sinasadya o kaya natukso ka lang kaya mo nagawa ang isang pagkakamaling iyon. Alam kong walang kapatawaran ang kasalanan iyon. Walang tamang ekplinasyon para makalusot dahil kapalit nang pagkakasalang iyon ay ang hinagpis ng isang taong kinukwestiyon kung ano ang mali at kulang sa kaniya. Akala ko, hanggang doon na lang
Mateo's POV"Ilang araw nang nasa sa 'yo 'yan, bro. Parang wala kang balak na ibigay 'yan kay Fayra."Nag-angat ako ng tingin kay Morgan na kakapasok lang sa opisina ko. Binuksan ko ang drawer at ipinasok ang hawak hawak ko doon. Inabot ko sa kaniya ang mga papeles na tapos ko nang pirmahan kani-kanina lang. "Naghahanap lang ako ng tama panahon. At hindi naman sa wala akong balak. Hindi pa ata handa si Fayra na muling matali sa akin." Malungkot kong saad. Umupo ito sa may couch at pinag-cross ang dalawang binti habang ang paningin ay nasa akin. "Isang taon na kayong nagsasama after mong bumalik. Hindi ka pa rin sigurado kung gusto niya ba o hindi?" Takang tanong niya. Napasandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga. "Pakiramdam ko lang naman. May mga times kasi na parang ilang pa rin siya about some things. Maybe because akala niya bumabalik kami sa dati." "That's bad, bro. Don't you think it's a sign?" Napakunot ang noo ko. "A sign of what?" "A sign that you should leave he
"Mateo, ano na naman ba 'to? Ang dami na namang bulaklak." Nakanguso kong wika habang sinusuyod ng tingin ang buong kusina na halos punuin niya na ng mga rosas.Napatigil ito sa pagva-vacuum at gulat na napatingin sa akin."Bakit hindi ka nagsabing dadating ka na pala?" Balik naman nitong tanong sa akin na ikinabuntong hininga ko. Inilagay ko ang shoulder bag ko sa sofa at sinuyod muli ng tingin ang kusina.Nang lingunin ko siya ay nagkamot ulo ito sabay lapit sa akin. Agad niyang pinulupot ang braso niya sa akin at pinupog ako ng halik."Babe, magrereklamo ka na naman eh." Nangingiwing aniya sa akin sabay hubad sa coat ko. Isinampay niya iyon sa balikat niya at hinapit ako paharap sa kaniya. Nangingiti na ito at agad akong kinintilan ng halik. "A-Ay!" Natatawang hawak nito sa noo niya pagkatapos kong pitikin.Inirapan ko siya at marahang itinulak."Nanliligaw ka pa nga lang may pahalik halik ka na. Ayos ka rin eh noh." Asik ko sa kaniya na ikinatawa niya ng husto."Matik 'yon, babe.
"Mommy, wake up na po.""Mommy."Marahan akong napadilat ng marinig ang boses ng anak ko at ang mahinang pagyugyog niya sa akin. Nang magmulat ako ng husto ay kinusot ko muna ang mga mata ko at iniunat ang braso."Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko't sabay yakap sa kaniya at hinilakan siya sa pisngi.Yumakap naman ng mahigpit pabalik si Ace sa akin. Nang humilay siya sa akin ay nakangiti itong bumaba ng higaan at inabot ang kamay ko."Stand up ka na, Mommy. Ready na ang breakfast na'tin." Aniya niya't ayaw akong tigilan sa paghila."Susunod ako anak, mag-aayos lang si mommy." Aniya ko't bumangon dahil mukhang hindi siya naniniwala."We'll wait for you, Mom." Saad pa nito at parang bulang naglaho sa harapan ko.Napabuntong hininga ako at muling nag-unat. Bigla naman akong natauhan nang maalala na nandito nga pala ang ama niya. Kaagad akong napabangon at basta na lang tinali ang buhok ko. Humarap ako sa salamin para suriin ang sarili ko. Maayos naman akong tingnan kahit wala pang hilam
CHAPTER 50"Pumunta ka, Fayra. Aasahan kita sa birthday ni Rian. Kaunting salo salo lang naman ang mayro'n para sa kaniya, at kaunti lang rin ang inimbita ko kaya magiging simple lang ang ganap ngayong taon unlike last year."Nakangiti kong tinanggap ang invitation letter na iniabot ni Rose sa akin. Tinapos ko muna ang paghigop ko sa kape ko bago ko buksan ang card at basahin ang nasa loob no'n."Biruin mo, siyam na taon na pala ang anak mo. Tumatanda ka na Rose, tingin ko kailangan mo nang sundan si Rian." Komento naman ni Lyden.Napagawi ang paningin ko sa kaniya at natawa."Hindi ba't ayaw niya na ngang sundan si Rian. Ito talagang buntis na 'to." Ngiwi ko na ikinatawa nila."Masyado na akong maraming ginagawa. May bakery ako, at may plano pa akong magbukas ng panibago. At isa pa, sino namang bubuntis sa akin? Alam niyo namang ayaw ko na nang lalaki sa buhay ko—""Ay, grabeng pagbabago naman ang ginawa mo sa buhay mo, Rose. Paano ka sa gabi niyan—""Hoy, Lyden. Magpigil ka nga sa b
Mateo's POV"You're not going anywhere, Mateo! I'm warning you! I can do whatever I want if you choose her over me!"I closed my eyes and tried to calm my nerves so that I wouldn't lose control. I'm tired of this. I'm tired of keeping a plan in my mind, but then here it is; my plan for making a bond with my son and his mom is not going to happen anymore. Alam kong pagkatapos nitong biglaang pagsulpot ni Rose sa bahay ni lolo ay mahihirapan na naman akong mapalapit kay Fayra. "What do you think you're doing, Mateo huh?! Tingin mo ba wala akong alam sa gusto mong mangyari?" Punong puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, hindi pa siya nakuntento at hinawakan niya pa ako sa polo ko. "I'm tired of this, Rose. I'm tired." Sukong saad ko. Hinawakan ko siya sa pulsuhan niya at unti unting inilayo sa akin. Ang kaninang matapang niyang aura sa akin ay unti unting nawawala at napapalitan ng pagtataka. Naging malikot ang kaniyang mata. Alam kong hindi niya inaasahan ang nar
"Good morning!" Masiglang bungad ni Mateo sa akin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong pa nito na ikinatango ko. Malawak siyang ngumiti sa akin at bago pa man siya makalapit sa akin ay agad ko nang hinarang ang kamay ko sa pagitan naming dalawa. Nawala ang pagkakangiti niya ngunit mabilis namang bumalik iyon."Come here, take your breakfast na." Paghihila nito ng upuan sa akin na pinaunlakan ko naman. "Heavy breakfast ang hinanda ko for us, since puro lugaw ka lang naman kahapon." Saad nito at sinalinan ang plato ko. Isang putahe lang ang nasa mesa. At paborito ko pa ang inihanda niya para sa umagahan. "Paborito mo, right?" Paglalapag nito sa plato ko. Binigyan ko lang siya ng isang tingin at kinuha na ang kutsara't tinidor at inumpisahang tikman ang niluto niya. Ilang beses akong napalunok. Nanunuot sa lalamunan ko ang lasa ng luto niya. Tama ang lasa, masarap. "Does it taste bad?" May pag-aalala sa boses niya. Nagtaas ako ng tingin at umiling. Para naman siyang nakahinga
"Can you please stop looking at me, Mateo. Kanina pa ako napipikon sa 'yo, makakatikim ka na talaga sa 'kin." Pikang sambit ko na ikinangiwi niya naman.Nagpatuloy ito sa pagkain niya at katulad kanina ay unti unti na naman nitong ibinabalik ang paningin niya sa akin.Napapikit ako at nagyuko. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa nakakairita niyang panonood sa akin. Ni hindi ko nga malunok ng maayos kahit lugaw na lang ang kinain ko dahil bigla bigla siyang ngingisi na animo'y nasiraan na ng bait."Pagka-uwi ni Ace, gusto kong tayo namang tatlo ang mag-bonding---""Ayaw ko." Mabilis kong sagot. "Fayra naman.""Bakit kailangang tayo lang tatlo? Kung kasama sila Morgan baka pumayag pa ako." Nagkamot siya sa batok at naglabi. "It's a family bonding, Fayra." Tila nauubusan na siya ng pasensiya sa akin. Kunwaring nagulat naman ako sa kaniya. "Family bonding?" Hindi kunwari makapaniwalang saad ko. Ang tingin na ipinukol niya sa akin ay tingin nang isang naaasar. "Kailan pa?" "Stop play
"You don't need to bring that much, Ace. Just put three shirt and short, then your undergarments." Sita ko kay Ace nang mabalingan ko ito na pinupuno ang pack bag niya. Ngayon siya susunduin ni Mateo para dalhin sa lolo niya. Ilang araw ko ring inisip kung dapat ko ba silang pagbigyan. Ilang araw na rin ang nakakaraan nang magpadala muli ng mensahe ang Don sa amin. Maging ang secretary nito ay nagre-reach out sa amin sa gusto niyang mangyari. Sa huli ay ito. Kinain ko rin lahat ng sinabi ko. Labag man sa kalooban ko na ipasama si Ace, gayong hindi ko naman kaya na mawalay siya sa akin kahit na isang araw ngunit ngayon ay dapat ko munang tiisin. Nagka-usap na rin kami ni Mateo na huwag pabayaan si Ace dahil talagang malilintikan siya sa akin. Tinatawanan pa ako ng lalaking 'yon na para bang nagbibiro ako sa kaniya. Ang kampante niya sa akin, para bang maayos na kaming dalawa. "Mommy," "Yes, anak?" Baling kong muli sa kaniya. "Why don't you want to come with us po?" Ngusong tanong