Home / Romance / Saved / Chapter 1

Share

Saved
Saved
Author: Paris Laude

Chapter 1

"Napakawalang hiya mo! How dare you! Pagkatapos ka naming kupkupin, bihisan, alagaan at pakainin ito pa ang igaganti mo sa amin! Ang kapal kapal ng mukha mo!" Nanggagalaiting sigaw ni Minerva kasabay ang sunod-sunod na malalakas na sampal sa dalaga.

Tahimik na umiiyak lang si Ziya habang tinatanggap ang mga sampal at sabunot na binibigay ng kanyang tumayong ina.

Sanay na siya sa mga pananakit nito ang hinihintay niya nalang ang mapagod at magsawa ito para tumigil.

"Manang-mana ka talaga sa higad mong ina! Demonyo ka! Pati fiance ng kapatid mo kinalantari mong haliparot ka! Ingrata ka! Lumayas ka sa harap ko baka mapatay kitang piste ka! " Galit na galit na sigaw nito kasabay ng malakas na sipa na ikinatilapon at mahinang ikinadaing ng dalaga.

Iika-ika itong naglakad papunta sa kwarto niya sa attic, huminga siya ng malalim habang nakapikit ang mga mata para pigilan ang luha na tumulo.

Agad niyang pinahid ang luha niya saka iika-ikang naglakad sa mini sofa niya kung saan na-i-aangat lang ang upuan at doon na makikita ang sandamakmak na iba't-ibang klase ng pagkain.

Agad niya iyong nilantakan dahil bukod sa gutom na gutom na siya at kagabi pa di kumakain ay kailangan niya din iyon para lumakas dahil alam niyang magtutuos pa sila ng ama niya.

Saktong patapos na siyang kumain ng malakas na kumalampag ang pinto niya. Doon niya nakita ang nanlilisik na mga mata ng ama habang sa likod nito ay ang kapatid na malakas ang hikbi sa kakaiyak nasa gilid nito ang ina at marahan itong inaalo habang yakap yakap ang braso.

"What the hell! You bastard may gana ka patalagang kumain pagkatapos ng ginawa mo! " Isang malakas na magkabilang sampal ang natanggap niya sa ama, ramdam niya ang pamamanhid ng magkabilang pisnge.

Hindi pa nga siya nakakabawi doon ay marahas na siyang kinaladkad ng ama habang mahigpit na nakahawak sa buhok niya hanggang sa makarating sila sa labas ng bahay.

"Lumayas ka dito at wag na wag ka ng babalik! Puro kahihiyan lang ang dala mo sa akin! Kung alam ko lang na mangyayari 'to di na sana kita kinupkop, pinabayaan nalang sana kita! Kalimutan mo ng may ama ka pa dahil kakalimutan ko rin may anak ako na katulad mo!" Parang kulog na asik nito sa dalaga, bago malakas na pagsarhan ito ng gate at ng pinto.

Sanay na siya sa maaanghang na mga salita nito pero di niya pa rin talaga maiwasan ang masaktan sa mga sinasabi nito, ang akala niya manhid na siya. Masakit pa rin pala, ang sakit sakit, parang tinarak ng matalim na kutsilyo ang puso niya, ang sikip sa pakiramdam.

Panandalian muna siyang nagpahinga saka napagpasyahang tumayo at pumara ng taxi, agad niyang sinabi ang address dito at agad naman itong tumalima ramdam niya ang tingin ng taxi driver sa kanya pero hindi niya nalang ito pinansin.

Itinuon niya nalang ang pansin sa pagaayos ng sarili.

"Miss ito oh, malinis pa yan" Sabi ng taxi driver sabay alok ng bimpo.

"Salamat" Sabi nito ng may pilit na ngiti.

"Ayos ka lang ba? " Nagaalalang tanong nung Taxi driver habang nakatingin sa kanya sa rearview mirror.

Nginitian niya muna ito sabay sabi ng "Ayos lang po, salamat po"

Saktong naayos na niya ang sarili nung magsalita ulit si Manong Taxi Driver.

"Nandito na tayo" Imporma nito.

"Hmm. Manong pwede po bang paintay lang muna ako saglit" Alangang sabi niya, nilingon siya nito at saka nginitian.

"Sige ba" Sagot nito. Nginitian niya ulit ito saka nagpasalamat.

Iika-ika muli siyang naglakad pinagtitinginan na siya pero wala na siyang pakialam.

Maging yung guard at receptionist ay balak siyang pigilan pero di rin niya pinansin at tuloy tuloy lang siya sa pagpasok sa magarang condominium, mukhang alangan din naman ang mga iyon.

Nung nasa tapat na siya ng pinto sa taong pakay niya ay sunod-sunod niyang pinindot ang doorbell, medyo matagal bago ito magbukas pero di niya tinantanan ang pagpindot dito.

"What the hel-- What are you doing here?! " Gulat na bulalas nito pero hindi niya iyon pinansin at tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob.

Rinig niyang sinarado na nito ang pinto at naramdaman niya din ang pagsunod nito, agad siyang nagdiretso sa kusina saka walang pasabing naghalungkat ng pagkain.

Nung makakita ng isang kahon pang pizza doon ay agad niya itong kinuha at nilantakan.

"What the hell?" Di makapaniwalang sabi ng lalaki ng maabutan siyang ganon.

Di niya ito pinansin pero ramdam niya ang pagpukol nito ng masamabg tingin sa kanya.

Mabilis lang niyang naubos yung naubos ang isang kahon ng pizza at ang inumin doon, marahas niyang pinahiran ang bibig saka na nagangat ng tingin at sinalubong ang titig ng binata.

"What?" Bahagyang utal na tanong nung lalaki ewan niya ba kung bakit, pero bigla siyang kinabahan habang nakikipagtagisan ng tingin sa blankong mata ng babae.

"Bigyan mo ako ng pera" Biglang sabi nito na ikinatigalgal ng binata.

"What? " Di makapaniwalang bulalas ng binata.

"Bigyan mo sabi ako ng pera" Malamig na ulit ng dalaga this time mas malakas na ang boses.

"Huh! Are you crazy? " Napapantastikuhang turan ng binata.

"500k bayad yun sa kagabi" Casual na sabi muli ng dalaga.

"What the hell!" Nanggagalaiting singhal na nito, he doesn't know if this woman is just bluffing him or what.

"Bilis may naghihitay pa sa aking taxi, ah oo nga pala bukod sa 500k bigyan mo ako ng cash kahit sampung libo ayos na" Sabi lang nito.

Panandalian siyang natigilan habang di makapaniwalang nakatingin sa dalaga. He know her for so long because she was the sister of his fiance pero hindi pa sila nito nag-usap, well except for the intimate night they had, but he have this impression of her that she was so delicate, quiet and fine young lady but because of what happened last night now it's confirmed that she's really bold and strong willed, opposite from his impression of her. She's the only woman who can surprise him like that, to the point that he can't talk back anymore.

'What a weird woman' Iiling iling na nasabi niya nalang sa isip then he sigh saka punta sa desk table niya na nasa gilid lang ng sala at kumuha ng tseke doon, pinirmahan niya lang iyon at binigay na dito.

"You can just write the amount you want" Malamig na sabi niya, agad naman itong kinuha ng babae saka tumango kita niyang nagliwanag ang mga mata nito habang nakatingin sa tseke doon niya lang ito mas natitigan. That's the only time he notice the bruise on her face and all over her arms too at may kalmot pa, she also look disheveled at kung ano ang suot nito kahapon yun pa rin ang suot nito ngayon. Tatanungin na niya sana ito nung bigla itong tumingin sa kanya saka nilahad ang palad. Nagtatanong na tinignan niya ito.

"Yung 10k" Mahinang sabi nito habang nakatinga sa kanya. He sigh again in an awe saka kinuha ang wallet niya fortunately there was really a cash.

Agad niyang binigay ang 10k na hinihingi nito ibabalik na niya sana yung sobrang pero nung mapansin niyang nakapalad pa rin ito. At nung tignan niya ito ay nakita niyang parang bata ito na manghangmangha habang nakatingin sa pera hawak pa niya.

Muli siyang nagbuntong hininga at binigyan muli ito ng dagdag 5k na mas lalong ikinaningning ng mga mata nito. May natira pa siya pero napansin niya ulit na nakapalad pa din ito, nung muli niya itong tignan ay nakatingin pa rin ito sa perang hawak niya.

Mariing na nakadikit ang labi niyang ibinigay ang natitirang cash na ikinangiti nito habang nagniningning ang mga mata saka dali-daling isiniksik ang pera sa may bulsa.

Magsasalita na sana siya nung maglakad ito palapit sa kanya na ikinaatras niya. Nagulat siya nung bigla nitong kinuha ang kwentas niya.

For christ it was a gift from his Abuela from the day he was born, it was personally customized by his Abuela in Paris for him, it's signifies the proclamation of how his Abuela dotes on him. It can also be considered as family heirloom because the blue diamond in the middle already cost more than 50 million, plus the 24 karat gold in the cross pendant and 22 karat chain with it. All in all that necklace would be worth more than a billion.

Bago niya pa man mapigilan ito ay nakatakbo at nakalabas na ang babae, nanghihinang napasalampak nalang siya sa sahig.

Nang makabawi ay napagpasyahan niya nalang manood saktong patapos na ang basketball match na pinapanood na nung tumunog ang notification niya.

Nang tignan niya iyo, it was from a bank naibuga niya ang iniinom niya naikinaubo niya, nung mahimasmasan ay bigla niya ulit binasa ang message.

It was a message informing him that he get a one million pesos from his bank account tapos kung saan siya nag-deposit.

'That woman! She totally robbed Me!" Gigil na gigil na asik niya sabay tapon ng can beer na hawak niya.

Walang kaso sa kanya ang pera but he feel betrayed and stupid. He can't believe that he was still feeling a little amuse with that woman just a while ago that he didn't even realize he was being robbed.

'Fuck! I promise that I wouldn't be cheated by you again! " He plea in anger.

•••

Ziya's POV

Nagising ako sa iyak ng anak ko na nasa tabi ko lang, pupungas-pungas akong umupo at kinarga saka tumayo at sinayaw-sayaw kumakapa-kapa na ang kamay at bibig nito sa dibdib hudyat na gutom na ito.

Agad kong nilabas ang kailangan nito at agad naman iyong sinalo ng anak ko na medyo ikinangiwi ko dahil sa sakit na bumalatay sa pagdede nito, mukhang gutom na gutom ito at masyadong marahas kung sumupsup idagdag mo na may ngipin ang nito at kung minsan ay kinakakagat-kagat pa ang nipple ko.

Hindi pa nga ako tapos sa pagpapadede sa isa nung may bigla nanamang umiyak, pikit matang naglakad nalang ako palapit sa hinihigaan nito para daluhan muli ang isa ko pang anak.

Tulad ng nauna ay nangangapa na din ang bibig at kamay nito kaya agad ko iyong dinaluhan. Ngayon parang gutom na mga lion ang sumususo sa akin na mas lalong ikinalukot ng aking mukha dahil sa doble ang bumalatay na sakit.

"Piste yung tampasalang yun kung alam ko lang na dalawa ang lalabas, di lang sana isang milyon ang kinuha ko" Gigil na usal ko habang nakatitig sa dalawang anak niyang nakatingin din sa akin inirapan ko lang sila, minsan naaasar ako sa tuwing nakatingin sa kanila dahil wala man lang itong nakuha sa akin.

Yung isa carbon copy ng ama yung isa naman may nakuha na features sa walang kwenta kong ama.

Nung matapos ay natulog agad si Anuj habang si Tanuj ay parang nakikipagsukan pa ng tingin sa akin.

"Oh? Bakit? May angal ka?" Mataray tanong ko at pinagtaasan ko pa ito ng kilay. Ngumuso lang ang bata at pumikit na. Aba ang sungit ng bata.

Dahan-dahan ko silang hinele nung maramdaman ko na mahimbing na ang tulog nila ay saka ko lang sila nilapag sa kama at nilagyan ng unan sa magkabilalang gilid di naman sila malikot, for safety iyon.

Una kong hinalikan si Anuj saka masuyong hinimas ang pisnge nito, napangiti ako nung ngumiti ito. Si Anuj ang bunso sa kanila nakuha nito ang mata at ilong ng ama pero ang kabuoan na nito ay sa ama ko.

Sunod ko namang pinatakan ng halik ay si Tanuj na kumunot ngayon ang noo, nakasimangot na hinawakan ko ang matangos nitong ilong. Napakasungit talaga ng batang 'to. Si Tanuj naman ang mas matanda ng tatlong minuto sa kanila siya yung carbon copy ng ama.

Tumayo na ako at nagayos ng sarili ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas kwatro na pala ng madaling araw naginat-inat muna ako saka ko binuksan ang tindahan marami-rami rin kasi ang bumibili pag ganitong oras dahil malapit lang ang bahay namin sa palengke at madami-dami na ang tao pag ganitong oras.

Agad kong sinumulang maglinis dahil sa hindi ko iyon nagawa kagabi, muli ako bumalik sa tindahan nung marinig kong may bumusina. Si Mang June na yun panigurado.

"Oh Mang June, magandang umaga" Nakangiting salubong ko dito.

"Magandang umaga din, oh nga pala ito pinapabigay ng asawa ko bibisita daw siya mamaya namiss niya daw ang mga bata" Sabi nito sabay abot ng nakabalot na suman na gawa mismo ng asawa.

"Maraming salamat Mang June, sakto din po yun gagawa ako nung order ngayon" Sabi ko.

"Mauna na ako iha" Malawak ang ngiti na paalam nito, sinagutan ko din iyon ng ngiti.

"Sige ingat po kayo, maraming salamat po ulit " Pahabol ko pa.

Si Mang June ang taxi driver na nasakyan ko nung araw na pinalayas ako sa bahay, hinintay talaga ako nito at sinamahan pa akong magwithdraw ng pera na nakuha ko kay Cassius.

Ito ang napagtanungan ko kung saan saan may binebentang bahay dinala niya ako sa cavite sakto daw at may binebentang bahay malapit sa kanila at ito na nga ang tinitirhan namin ngayon ng kambal.

Binili ko agad ito at pinaayos ko nalang. Ang plano ko sana mamuhay ng tahimik magtatayo lang ako ng sari-sari store ayos na sakin iyon para sa pangaraw-araw kong gastusin lalo at ako lang magisa, may sariling bahay at lupa na naman ako kuntento na ako sa buhay ko.

Hanggang malaman ko na buntis pala ako lubos ang tuwa ko nun dahil sa wakas di na ako magiisa.

Yung perang nakuha ko kay Cassius yun ang ginamit kong panggastos sa lahat habang buntis hanggang sa makapanganak ako doon ko lang nalaman na kambal pala ang anak ko.

Nung una masaya pa ako pero ngayon nakakapagod pala simula nung iniire at mailabas ko ang kambal walang araw na hindi ko minura at pinatay si Cassius sa isip ko.

Doon ko nalaman hindi pala biro ang maging ina lalo na kung magisa ka lang at dalawa ang inaalagaan mo halos mapabayaan ko na ang sarili ko dahil sa parang nananadya pa ang dalawa at salitan lagi sa pagiyak. At hindi lang doon natatapos ang problema, dahil ang mahal mahal ng gastusin napakadaming bibilhin kung minsan nga ay naiiyak nalang ako sa kawalan dahil sa labis na frustration.

Ngayong magiisang taon na sila mas nagiging makain na sila binilhan ko na sila ng gatas pero mas gusto pa rin ng mga 'to ang breast milk lalo na si Tanuj diyos ko halos hindi tirhan ang kapatid kaya kung minsan ay pinagsasabay ko nalang sila at pagkulang pa ay ang gatas na talaga sa bote ang pinapainom ko sa kanila.

Saktong tapos na akong maglinis at maghanda ng mga gagamitin nila ay ang pagkagising ni Anuj, tumatawa ito habang nakatingin sa akin at pinapalo-palo ang kapatid niya, kaya doon nagising si Tanuj na busangot na ang mukha ngayon.

Agad kong sinuotan ng baby helmet at sapatos ang dalawa saka ko na sila inilapag sa sahig. Lahat ng parte ng bahay mapawall man, sahig at lamesa ay pinalagyan ko ng malalambot na latag para madapa man sila ay di sila masasaktan.

Mas ideal sa akin yung ganon para komportable akong iwanan sila.

At ayon ang mga bubwit nagsimula ng gumapang at magingay, tuwang-tuwang ito. Habang si Tanuj ay nasa harap ko at nakatingala sa akin.

"Bakit? " Nakataas ang kilay na tanong ko dito. Kunot-noo ako nitong tinignan bago ako talikuran at nagtatakbo papunta sa pwesto ng kapatid. Naiiling na natawa nalang ako. Parang nawala ang pagod ko sa tuwing tinitignan lang sila.

Oo mahirap na kung mahirap pero kakaiba pa rin ang saya na hatid nila sa akin habang nakatanaw lang sa kanila lalo na pagnginingitian lang nila ako, parang lahat ng pagod at frustration ay nawawala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status